XII



  "Walang pagkakaiba ang paghinto at pagtakbo. Parehas mong tinatakasan ang problema mo." -Cash

IKA-LABINDALAWANG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Kakaibang Lakas}

x-----o-----x



"Geez... the hell? Why did you dragging me?!" Gustong irapan ni Jimmy si Jirou, o kaya naman sapakin, pwede ring iwanan na lang, kaso hindi niya maiiligtas ang mga kaibigan.

"Geez..." ginaya ni Jimmy si Jirou. "Tumakbo ka na lang! Sa akin yung kalokalike ni Dora ha?!" Sigaw ni Jimmy.

"Sige akin yung mukhang wako-wako!" Wika naman ni Juke.

"Edi akin na lang yung kamukha ng kapitbahay namin!" Wika rin ni Vladimir na tumatakbo sa kanang bahagi.

"Maya-maya ay maiintindihan na nila Raphael ang plano natin kaya magiging madali na!" Sigaw muli ni Juke upang makarinigan sila. Kailangan nilang paghiwa-hiwalayin ang mga Golem upang maging madali ang pagpapatumba sa bawat-isa.

Kung totoo ngang may taglay siyang kalakasan, siguradong mapapatumba niya ang punong itutulak; na may kombinasyon ng bilis at lakas.

Papalapit na siya. Dalawang metro na lang ang layo niya sa puno. Isa. Kalahati. Napatumba na ni Juke. Ikinagulat niya iyon.

Sa kabilang banda naman ay patuloy rin sa pagtakbo si Jimmy.

"Jirou, ililigaw ko ang Golem na ito, puntahan mo si Juke!"

"Tss... don't dictate anything to me, I'm not your servant!" Sigaw rin ni Jirou ngunit sumunod naman kay Jimmy.

Natawa na lang si Jimmy. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakausap niya ng matagal si Jirou kase napakatahimik at hindi madaling hulihin ang loob tapos inutusan niya pa.

"Anak ng tinapa!" Sapo ni Vladimir ang dibdib. Kanina pa siya nakakulong sa loob isang maliit na parang kweba at iniilagan ang mga kamay ng Golem na pilit siyang hinuhuli. Halos lahat na ata ng Santo at Santa ay natawag niya na, ngunit mukhang hindi umaabot sa pandinig ng mga ito ang pagsaklolo niya.

"Hoy!" Isang boses ang nakapagpatigil sa Golem.

"Jirou!" Masayang tawag ni Vlad. Agad na sumenyas si Jirou na lumabas sa oras na mapukaw ang atensyon ng Golem.

"Now!" Senyas ni Jirou. Agad namang tumakbo si Vladimir sa kanang bahaging mabato. Nasa kaliwa naman si Jirou.

Nagsimulang tumakbo si Jirou sapagkat siya naman ang hinahabol ng Golem. Sumunod din si Vlad sa pagtakbo.

"Jirou, lilituhin ko ang Golem. Tulungan mo si Juke! Hanapin mo ang markang 'emeth' sa kanyang noo. Burahin mo ang letrang 'e' at palitan mo ng 'u'!"

Hindi na sumagot si Jirou at nakasimangot pa rin. "Why is it youngest always ordering the oldest? Tsk, I have to stop being nice." Nagawa niya pang kausapin ang sarili habang tumatakbo. Nahagip na nga ng mata niya kung nasaan si Juke. Naroon din si Cash. Nakita niya ring tumakbo sa magkaibang direksyon si Summer at Jonas. Nasisigurado niyang tutulungan nito ang iba.

Ngunit hindi niya pa naliligaw ang Golem na nasa likuran niya.

"Hoy butanding na mukhang bampira!" Binato ni Vladimir ng bato ang Golem. Galit na galit ang Golem ng humarap dito. Nanlalaki ang mata ni Vlad habang papalaki din ng papalaki ang Golem.

"Anak ng. Nalintikan na!" Si Summer.

Nagmadali na si Jirou at tumakbo sa direksyon ni Juke. Tinawag niya ito. "We need to hurry. The Golem grows bigger when they are angry!"

Bahagyang lumapit si Cash kay Jirou.

"Marunong ka bang umakyat ng puno?" Tanong ni Cash. Tumango si Jirou. "Simulan na natin ngayon." Napangise si Cash.

Piniling akyatin ni Jirou ang likuran habang abala sa paghampas at pag-ilag si Juke sa galit nag alit na Golem. Si Cash naman ay ang kaliwa.

Napansin nila na habang umaakyat abala din si Juke sa pagpapatumba ng pahalang sa mga puno. Nakakatatlo na siya. May pagkakaayos pa iyon. Pagak na natawa si Jirou. Ginagamit kase ni Juke ang galit ng Golem upang makapagpatumba rin ito ng puno. Bahagyang lumapit si Juke. Noong dadakmain siya ng isang Golem ay muntikan na siyang makuha.

Nagwala iyon ng nagwala.

"Golem!" Tawag ni Cash na ikinalingon ng Golem. Ginamit naman ni Juke ang pagkakataon at sinuntok ang paa ng Golem. Umatungal iyon. Nabitak ang paa nito at tumumba.

Ginawang pagkakataon din iyon ni Jirou at sumampa sa ulo nito. Agad niyang kinuha ang pangpinta at inta na nasa bulsa. Kinapitan niya ang Sali-saliwang bunbunan nito at hinanap ang nakasulat doon.

Sumigaw pa rin ng sumigaw ang Golem. Muling bumabalik ang paa nitong nabitak. Napakabilis ng paggalat nito at nasilo sa malalaking palad ang katawan ni Juke.

"Argghhh!" Umalingawngaw sa buong paligid ang pagsigaw ni Juke dahil sa sakit.

"Juke!" Nag-aalalang tawag ni Cash. Pinipilit pa ring makawala ni Juke. Sinusubukan nitong basagin ang kamao ng Golem. "Jirou! Ngayon na!"

Madaling mabura ang mga letrang naroon. Tinanggal kaagad ni Jirou ang lahat ng letrang 'e' at pinalitan kaagad ng 'u' sa sentro ng 'm' at 't'.

Naramdaman nila ang paghinto nito. Kaagad na nabasag ang matibay nitong katawan, at naging mga pinong luad iyon.

"Wew." Isang buntong-hingang kay lalim ang lumabas kay Jirou.

"Your eyes turn to gold, Juke. But... gradually its turning back now..."

Hindi iyon pinansin ni Juke. "Kailangan nating magmadali."

Naunang tumakbo si Juke at sumunod naman sila.

"Paano niya nalaman ang makakatalo sa Golem?!" Nagtatakang tanong ni Cash habang tumatakbo.

"Si Vlad." Sabay na wika ni Jirou at Juke.

Nakunot bigla ang kilay ni Cash at huminto sa pagtakbo.

"Cash?" Tanong ni Jirou.

"Kung pagod ka na, pwede ka ng huminto," komento ni Juke na tumigil rin sa pagtakbo dahil sa inis.

Ngumise si Cash. "Walang pagkakaiba ang paghinto at pagtakbo. Parehas mong tinatakasan ang problema mo."

"Tsk. Ngunit ang paghinto ay pag-iisip lamang kung tama ba ang gagawin mo habang nag-aalinlangan ka pa sa mga bagay-bagay na dapat mong gawin." Kontrang sagot ni Juke.

Nagtagisan ang dalawa ng tinginan. Napakatalim ng mga iyon. Animo'y walang magpapatalo kaya naman pumagitna na si Jirou. "Are you done now?"

Pumalatak si Juke at tumakbong muli. Sumunod na rin si Jirou at Cash.

Naabutan nila si Summer na paulit-ulit sa pagmumura habang umiilag at tumatakbo dahil sa malalaking batong ipi nupukol ng Golem. Ganon din si Vlad, ngunit animo'y nakikipaglaro lang ng taya-tayaan.

"We need to find trees!" Naghanap si Jirou sa paligid ng maaring akyatan.

"Bigyan niyo ako ng limang minuto! Lituhin niyo ang isang iyan. Siguraduhin niyong hindi niya ako mapapansin." Sabi ni Juke.

Agad na tumalima si Jirou at Cash. Tinulungan nila si Vlad at Summer, habang bumalik naman si Juke sa kakahuyan at naghanap ng pinakamataas na punong makikita. Iyong mas matangkad pa sa Golem.

Lumingon siya sa kanan at kaliwa. Umabot sa paningin niya ang mabibilis at maliliit na nilalang na nagtatakbuhan.

"Yung bag ko!" Ngayon ay alam niya na kung sino ang kumuha ng gamit nila. Humahigikhik ang mga ito at nagtago. Pinaglalaruan siya ng mga ito. Hinabol niya. Naroon ang mahahalaga niyang gamit.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ay napatagal siya at naalala ang mga kasama. "Nililito ka lang nila, Juke. Gawin mo ang mas mahalaga," paalala niya sa sarili.

Muli siyang tumakbo at hinanap ang pakay doon. Sa una niya pa lang paglingon sa kaliwa ay nakita niya na ang angkop na puno. Bumwelo siya ng pagtakbo upang banggain ito. Kung normal na tao lang iyon ay siguradong nagkandabali-bali na ang buto sa pagkalaban ng puno. Ngunit iba siya. Sa isang pagtulak pa lamang doon ay natumba na iyon.

"Ano ba itong nangyayari sa akin?" Tanong niya sa sarili. Naroon ang matinding kaba na namumutawi sa kanyang dibdib ngunit hindi ipinapahalata kahit kanino. Niyakap niya ang puno at nagsimulang buhatin. Napakabigat sa una ngunit katagalan ay nasanay rin ang kanyang braso. Mabilis siyang lumabas sa lugar na iyon at tumakbo nang kay bilis. "Tabi!" Mula sa likuran ay itinumba niya sa balikat ng higanti ang malaking puno. Ikinalang niya iyon sa parteng hindi nito matatanggal ang puno. "Jirou!" Tumakbo kaagad si Jirou sa likuran.

Lalong nagwala sa galit ang Golem sapagkat nadagdagan nanaman ang huhulihin niya. Dahil napakalaki nito ay hindi nito napansin ang pagsuot ni Juke sa ilalim. Agad na pinuruhan niya ang alak-alakan ng higanteng Golem. Napaluhod ito sa sakit at nagsimulang magwala.

"P*tang*na! Mag-ingat ka nga, Jirou!" Ninenerbyos na si Summer.

"Yung kamay Juke!" Paalala ni Vlad. Maari kaseng siluin nito si Jirou sa oras na malamang nasa likuran pala.

Bumwelo kaagad ng talon si Juke ng magkaroon ng pagkakataong makasampa sa isa nitong kamay. Nagpasirko-sirko siya doon. Ibinitaw niya ang kanan at pinaundayan ng suntok ang braso. Hindi siya tumigil hanggat hindi napuputol iyon.

Lalong nagalit ang Golem. Nagwawala ito. Nagsitakipan sila ng tainga sa lakas ng atungal nito. Napakapit naman sa likod si Jirou sapagkat muntik na siyang mahulog nang bumagsak ang puno. Lumaki nanaman kase ang Golem.

"Juke!" Sabay-sabay na pagtawag ng mga kasama niya. Nadakma nanaman si Juke. Ngunit nagulat sila sa ginawa nito.

Habang nasa loob ng kamao ng Golem ay unti-unting bumubukas iyon. Pinipigilan ni Juke ang pagsarado ng kamay nito. Nagtagisan sila ng lakas. Kumapit si Juke sa hinlalaki nito at pinagsusuntok naman ngayon ang palad ng Golem. Hindi ito tumigil hanaggat hindi iyon nabubutas.

"Jirou!" Paalala nila na gawin.

Nasa puntong pagkabigla pa rin si Jirou dahil sa ginagawa ni Juke ngunit kumilos na siya. Agag niyang hinanap ang 'emeth' na tatak nito sa noo. Agad niyang binura ang mga letrang doon at pinalitan ng 'u' upang maging 'muth'.

Katulad ng nangyari sa unang Golem ay nabasag iyon at nagkapirasong-piraso.

"Juke?" Nag-aalalang tawag ni Jirou. Nagdudugo na ang kamay nito. Hindi sila pinansin nito at tumakbo sa hilagang kanlurang direksyon kung saan naroon sina Jimmy at Jonas. Sumunod silang lahat.

Natanaw na nila si Jimmy at si Jonas. Parehong nagkukubli ang mga ito sa kawangis ng pingtaguan din ni Vlad. Nagulat nanaman sila sa ipinamalas na lakas ni Juke.

Sa pagtakbo ni Juke ay ginamit niya ang pagkakataon upang makasampa sa likod ng nakaluhod Golem. Sumampa siya sa likod nito at sinuntok ang batok nito. Nabasag ang ulo nito at natanggal. Dinakot niya iyon at ibinato sa direksyon ni Jirou.

Kahit na nasa pagkabigla ay nagawa kaagad na burahin ni Jirou ang nakatatak sa noo nito at palitan.

"Hindi mabaho ang hininga niya," iyon ang unang napansin ni Vladimir dahil bumuka pa ang bibig nito at nagbuga ng hangin. Nabasag na ang ulo at katawan nito. Nakalabas na rin si Jimmy at Jonas sa pinagkukublihan.

"Putragis ha-ha bakit kayo nagtatago diyan?!" Tawa ng tawa si Summer.

"Napagod kaming tumakbo. Ang bagal ni Jimmy," reklamo ni Jonas. "Ang liit kase ng biyas."

"Porket kase ang haba ng iyo kaya ka nagmumukhang kabayo." Ganti naman ng hindi nagpatalong si Jimmy.

Napagalpak sila sa pag-aasaran ng dalawa ngunit natigil din iyon.

"Juke?" Napalingon silang lahat sa nakaupong si Juke. May lumalabas na gintong enerhiya dito na unti-unting nawawala.

"Ano bang nangyayari sa atin?!" Tanong ni Jimmy. Gulong-gulo na ang isip niya sa mg hindi pangkaraniwang bagay na nangyayari sa kanilang pagkatao.

"Panahon na siguro upang malaman niyo ang bagay na matagal ko ng inililihim sa inyo," seryosong wika ni Cash.

x-----o----x

BTW guys, sinong pinakaayaw niyo sa characters at bakit? Haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top