XI
"Huwag kang masyadong magsisise sa tuwing nagkakamali ka. Gawin mo na lamang motibasyon iyan katulad ng ginawa ng Diyos bago niya nalalang ang tao."-Jimmy
IKALABING-ISANG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Ang Ipinamalas ng Bawat-isa}
x-----o-----x
"Totoo 'yun." Pagpapatunay ni Vladimir na hindi nga naliligo si Summer.
"Nakakatamad naman talagang maligo. Walang sabon, shampoo, o toothpaste dito. Amoy sapa na nga tayo," reklamo ni Jonas.
"Yeah. I don't give a sh*t, just swag!" Paboritong linyang wika ni Summer.
"Alam niyo ba? Kung hindi kayo maliligo ay maaring magkaroon kayo ng pigsa, kulugo, tagyawat, galis, alipunga at iba pa?"
"Hoy Kuya Kim, ikaw ba iyan?!" Tanong ni Vladimir kay Raphael na nagbigay kaalaman pa sa kanila. "Pero yung tagyawat, huwag mo ng isali. Normal na iyon."
Nasa isang masukal na kagubatan na sila ngayon. Ngunit kakaiba ang lugar na ito, sapagkat ang mga dahon, ay kulay lila. Ang lupa naman ay pula. Samantalang ang katawan at sanga ng puno ay kulay abo.
"Stop," pigil ni Cash.
"This is the third time that we return to this place?" Hinulaan ni Jirou ang gustong sabihin ni Cash. Dinadama niya ang presensya ng mga puno. "I feel the lost of my energy."
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Tanong ni Vladimir.
"Ikaw lang naman ata ang hindi nakahalata," nakasimangot na wika ni Summer. "Matulog na lang kaya ako?"
"Oo. Tapos iwanan ka namin dito," sinubukang sumandal ni Juke sa isang puno ngunit laking gulat niya ng matumba ito.
"Hala! Anong ginawa mo?!" Korong wika ni Raphael, Jonas at Vladimir.
"Juke?! Papaanong?!" Gulat na gulat na reaksyon din ni Jimmy.
"Anong ginawa ko?" Tanong ng nagtatakang si Juke sa nangyari.
"Ikaw ang tatanungin namin, ano nga bang ginawa mo?" Nainis siya ng titigan ni Cash ng animo'y nagsusupetsya.
"Malay ko? Aray!" Natapakan niya ang bahay ng mga langgam. "Aray!" Nagsiakyatan ito sa kanyang katawan. "Aray naman!" Pinagpapagpag ng mga kasama niya ang mga langgam. Napakabilis ng pag-akyat ng mga ito. Nahubad niya na ang kanyang damit. Pagpag pa rin siya ng pagpag. Napadikit pa siya sa isang puno, at natumba nanaman iyon.
"Ilag!" Itinulak ni Jirou si Summer.
"Ano bang nangyayari?! Aray! Aray!" Ayaw pa rin magsialisan ng mga langgam.
Tumingin si Cash sa buong paligid. Bawat senyales na maaring paghinalaan ay kanyang hinahanap.
"Si Juke!" Napansin nilang pulang-pula na ito. Paakyat nang paakyat ang mga langgam. Nasa dibdib niya na ang mga ito at napuno na ang buong katawan. Hindi pangkaraniwang ang kulay ng mga ito—kundi kulay puti na kumikintab.
"Tubig. Maghanap kayo ng tubig," komento ni Vladimir.
"Anong gagawin sa tubig?" Natatarantang tanong din ni Jonas.
"Hindi ko alam, basta maghanap kayo. Yung plauta. Ilabas mo, Jimmy!" Komentong muli ni Vladimir na kinakabahan . Todo pa rin ang pagpag nila sa mga langgam katawan ni Juke. Ngunit nagtataka na sila sapagkat ito lang ang dinadapuan. Walang kahit na anong lumalapit sa kanila.
"Hihinto ang lahat!" Wika ni Jimmy.
"Basta, gawin mo na!" Si Raphael na umilag sa isa pang puno na nasagia ni Juke.
"If we stopped, find some water, river or what so ever Jimmy!" Nakatayo lamang si Cash at hindi na tumulong sa pagtanggal sapagkat may hinahanap pa rin siya.
Inilabas kaagad ni Jimmy ang plauta na nasa kanyang bag at nagsimula siyang patutugtugin ito.
"Nagtitiwala kam—" Hindi na naituloy ni Jonas ang sasabihin sapagkat naging itim ang kalangitan, nilukuban ng asul na usok ang paligid, at nagsimula ang paglutang niya sa ere.
Samantalang ang mga kasama niya ay huminto sa paggalaw. Ang mga ito'y nahipnotismo na sa kanyang pagtugtog.
Hindi niya alam kung papaano niya nagagamit ang plauta, sapagkat wala siyang talento sa pagtugtog. Ngunit animo'y nakikiayon ang katawan niya sa dapat gawin sapagkat nagiging maganda ang pagtunog nito.
Sa una niyang paggamit dito ay wala siyang kontrol sa sarili, ngunit ngayon ay animo'y iisa na sila ng plauta.
Sa isang pagpilantik at pagbabago ng tono ay nagsimulang tumaas si Juke. Naitaas niya ang isang daliring hinlalato upang lumabas ang hangin sa plauta, at iginalaw ng usok si Juke. Kailangan niyang makahanap ng tubig. Iginalaw naman ni Jimmy ang isang hintuturong daliri, kaya naman bumagsak si Juke sa rumaragasang ilog na punong-puno ng isda. Nang itaas niya ang hinlalaki ay ibinaba na siya ng asul na usok.
Pagkatapos ng matinding pagkabigla sa kanyang nagawa ay nagsimula na siyang gumalaw upang kuhanin si Juke na tinatangay na ng agos. Nawala na ang mga langgam at bumalik ang kulay ng katawan nito, at hindi na namumula ang balat.
Nang lumusong siya ay nagtalunan pa ang mga isda, at noong iahon niya si Juke ay sinimulan niyang gisingin ito.
"Hoy!" Sinapak-sapak niya pa ang pisngi. "Juke, gising!" Isa pang sapak. "Kung hindi ka gigising... ipapahalik kita sa bakla!" Ngunit wala pa rin. Isa pang sapak. "O kaya naman sa, Wendigo!" Ngunit wala pa rin. Nagsisimula ng pumintig nang malakas ang kanyang puso. "Hahalikan kita!" Nagulat siya ng biglang dumilat ang mata nitong naging puti. Napamura siya ng dahil doon at napatayo.
Umubo ito ng umubo.
"Ugok, hindi tayo talo," nanghihina nitong kumento.
"Sh*t men. Namiss kita!" Masaya niyang wika at lumapit dito. "Asa ka naman? Si Cash lang, sapat na." NUmaktong nag-iisip si Jimmy. "Sabagay, matagal mamatay ang masamang damong katulad mo."
"Ngunit madaling maubos kapag kinain ng kabayo."
Natawa si Jimmy. "G*go!"
Natawa rin si Juke. "Balikan na nga lang natin sila." Komento niya ngunit laking gulat niya ng biglang harangan ni Jimmy. "Ano?!"
"Nakikita mo 'yung ilog, Juke? Ang daming isda ano?"
"Oo? May mata yata ako?"
"Payanigin mo 'yung lupa, sasalo ako ng isda."
"Tsk. Baka sadyang marurupok lang ang mga abnormal na punong iyon kaya natumba. Saan ka nakakita ng kulay abong puno na may lilang dahon?"
"Lahat ay maaring maging imposible sa lugar na ito."
"Baka namaligno na ang mga iyon. Bumalik muna tayo."
"Mahal na mahal mo talaga kami ano?"
"T*ngna! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Jimmy!" Inunahan niya itong maglakad.
x-----o-----x
Ramdam ni Juke ang matinding lamig dahil basa ang pa rin kanyang katawan, ngunit binilisan niya pa rin ang paglalakad sapagkat nakadama siya ng matinding kaba.
"Tama ba ang dinadaanan natin, Jimmy?"
"Oo. Malapit na tayo," nasa unahan ito. "Nandito na—" Hindi na naituloy ni Jimmy ang sasabihin. Mabilis siyang nagkubli sa isang puno at tinakpan ang bunganga ni Juke. "Ssshh..." Tinanggal niya rin kaagad iyon, at tumingin sila sa magkakaibang direksyon.
Biglang lumabas ang death note ni Juke, at bumuklat sa isang pahina. Napukunot-noo siya sa mga letrang lumabas doon.
"Golem? Isang nilalang na gawa sa bato o kaya putik." Ayon sa pagkakaintindi niya sa nakasulat doon.
"Ano pang sabi?" Tanong ni Jimmy. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa mga kasamang napapalibutan ng tatlong malalaking higante.
"Sila raw ay isa sa mga isang-dosenang palpak na ginawa ng Dyos noong gumagawa ng tao. Pero walang proweba," biglaang sulpot ni Vlad.
"Kingina! Saan ka galing?!" Sapo ni Jimmy ang dibdib.
"Dyan lang, nanghuhuli ako ng malaking butterfly kanina. Kaso pagbalik ko nagulat ako sa nangyari."
"Pumapalpak din pala ang Diyos?"
Ngumiti si Jimmy. "Wala namang perpekto sa kahit saang dako ng mundo. Maraming nagiging kapintasan. Kaya ikaw, Juke... huwag kang masyadong magsisise sa tuwing nagkakamali ka. Gawin mo na lamang motibasyon katulad ng ginawa ng Diyos bago niya nagawa ang tao. Kung totoo man ang sinabi ni Vlad."
Muli silang nagbalik konsentrasyon sa gagawing hakbang.
"Papaano mo pala nalaman ang tungkol sa Golem?" Tanong ni Juke ng nagtataka.
Nagkibit-balikat si Vlad, "Hindi ko rin alam eh."
"Si Cash!" Natumba ito matapos magwala ng isang Golem. Ikinataranta iyon ni Jimmy.
Pinigilan ito ni Juke na umalis sa pagkaka-kubli.
"Hindi tayo pwedeng sumugod ng basta-basta. Kailangan nating kalkolahin ang lahat."
"Siguradong may komokontrol sa kanila," wika nanaman ni Vlad.
"Paano mo nanaman nalaman?" Tanong muli ni Jimmy.
"Hindi ko nga alam."
Nagtaka lalo si Juke. Sapagkat may kakaibang nangyayari kay Vladimir. Lahat ng sinabi nito ay tama dahil nakasulat iyon sa pahina ng death note.
Nitong mga nakaraang araw ay lagi niyang inoobserbahan ang kilos ni Vlad.
"Vladimir, anong plano natin?"
"Pinagkakatiwalaan mo ang buang na iyan, Juke?" Tanong ni Jimmy, ngunit hindi sumagot si Juke.
Aktong nag-iisip si Vlad.
"Nakita ko ang pagbabago sayo kani-kanina lang, Juke. Malaki ang maitutulong mo. Ikaw ang tatapos sa kanila. Kailangan din natin dito si Jirou, siya ang bubura ng letra sa noo ng bawat Golem. Ikaw, Jimmy, tutulongan mo akong lituhin ang bawat Golem. Nga pala, walang maitutulong ang plauta na ibinigay sayo sapagkat walang kaluluwa ang mga Golem kaya hindi sila tatalaban ng hipnotismo mo."
"Naintindihan mo, Jimmy?" Tanong ni Juke.
"Basta guguluhin sila."
Napabuntong-hininga na lamang si Juke.
"Sinong kakalag kay Jirou?" Tanong ni Juke. Napaisip silang bigla. "Kung kakalkolahin, madali lang namang makakatakas si Jirou. Kung walang tali. Pero bakit sila may taling baging? Sino ang nagtali? Imposibleng magawa iyan ng mga Golem, hindi ba?"
Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila.
"Kaya mo bang gamitin ang plauta mo na si Jirou lang ang maapektuhan, Jimmy? Ilalapit lang natin siya sa direksyon natin. Hawak mo naman ang punyal ni Cash. Gamitin mo iyon pangkalag kay Jirou kung sakaling mahipnotismo kami ni Juke."
Lalong napabilib si Juke sa bilis ng pag-iisip ni Vladimir. Mas tumindi ang pagsususpetsya niya.
Tumango lamang si Jimmy at inalala ang ginamit kanina na daliri noong itaas ng usok si Juke. Sa pagbilang nila ng tatlo ay tumakbo sila sa magkakaibang direksyon.
Naghanda naman si Jimmy ipinikit niya ang mga kanyang mata. Tinakpan niya ang bawat butas ng plauta at itinaas ang hinlalato. May tunog na nabuo kaya napukaw ang atensyon ng Golem. Hindi iyon pinansin ni Jimmy. May mali sa unang pagtugtog niya sapagkat lahat ay nahipnotismo ngunit hindi tumataas si Jirou.
Pumunta sa direksyon niya ang tatlong Golem. Nakaramdam siya ng kaba, ngunit inignora niya iyon, at hindi pa rin tuminag. Nag-isip siyang muli. Alam niya na ang mali. Ipinikit niya ang mata at muling tumugtog, ngunit sa pagkakataong iyon ay may kasama ng pakiramdam. Itinatak niya sa isipan ang pangalan ni Jirou katulad ng ginawa kay Juke kanina lamang.
Hindi siya nagkamali at nakaalis nga sa pwesto si Jirou at papunta ito sa direksyon niyang nais. Patuloy siya sa pagtakbo. Ganon din ang pagsunod ng Golem sa kaniya. Binilisan niya pa sapagkat malalaki ang hakbang ng mga ito.
Nailapit niya si Jirou at agad na kinalagan ng matalas na punyal ang paa, at kamay matapos huminto sa pagtugtog.
"Ngayon na!" Sigaw at hudyat niya. Hinila niya kaagad si Jirou kahit kababalik lang ng malay tao nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top