X
"Dapat ginagawa mo na ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo. Kase isang beses mo lang mararanasang mabuhay. Huwag mong sayangin ang oras na meron ka sa mundong ito. Baka isang araw... pagsisihan mong hindi mo naramdamang maging masaya."-Vladimir.
IKA-SAMPUNG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Ang Bawat Karakter}
x-----o-----x
"Hoy!" Isang sapok ang natikman ni Raphael mula kay Summer. Sinamaan lang siya ng tingin ni Raphael at muling tumanaw sa maliwanag na kalangitan. Paniguradong hahanap-hanapin niya ang walong buwan kaya naman pinakatitig-titigan niya ang mga iyon upang matandaan ang pinakamagandang anggulo na meron ito. "Naiisip mo si Nasra 'no?" Kiniliti-kiliti naman siya ngayon ng makulit na si Vladimir.
Malungkot ang ekspresyon ni Raphael na tumingin sa kanila.
"Naisip ko lang... ano ng mangyayari sa atin sa susunod? Hanggang saan ang buhay na itatagal natin dito sa mundong ito kung sakaling matapos natin ang pagsubok sa bawat madadaan natin. Naisip ko rin kung matatapos nga ba natin ito ng buo? Mahahanap ba natin ang anak ng Reaper? Mabibigyan ba tayo ng pagkakataong mabuhay?"
"Aysus! Andami nitong iniisip." Umakbay sa kanya si Jimmy. "Bakit mo ba kase iniisip iyan pinuno? Alam mo, mahirap ang buhay ngayon. Kahit sa totoong mundo. Ngunit kung iisipin mo ang problema, hindi iyan magbabago. Tao tayo. Problema lang iyan, siguradong masusulosyonan iyan!"
"Tao? Nasaan si Jimmy? Hindi ko makita si Jimmy," palinga-linga sa kaliwa't kanan si Juke at animo'y may hinahanap.
"Ayos! Marunong ng mag-joke si bunso!" Umakbay rin si Jonas kay Juke.
Bahagyang napangiti si Juke, "Alam niyo kase, habang sineseryoso natin ang buhay, lalong nakakamatay!"
"Timang!" Ginulo nila ang buhok ni Juke at sabay-sabay nagtawanan.
Sa kabilang banda naman ay tahimik na pinagmamasdan ni Cash ang magkakaibigan. "They are very happy," nahawa na rin siya sa mga ito at napangiti. Sinusubukan niyang ilarawan ang bawat-isa sa kanyang isipan.
Raphael, the typical leader. He knows that he's not that perfect one, but he always try he's best to become that one. Hmmm... having cute smile because of the dimples is not bad for him. Plus! The white hair!
Lumingon siya sa kaliwa, at nakita niyang tahimik nanaman si Jirou habang abala sa pagguhit.
Jirou, the serious, mysterious guy. I don't know how to describe him, but he's handsome like the other members! Not to mention, Jimmy.
"Oh well, Jimmy. The windy person I ever meet. Even the height was not so good. Pwede na ring pagtyagaan."
Summer, the sleepy head monster! Gosh! I think he can break the records of Sleeping Beauty and Snow White... not even the magical kiss could ever break that...
The most friendly award goes to, Jonas! "Tsk, nice talking to myself." Napa-palatak siya at muling nagsalita sa isip...
Juke, I don't like him because he's too bipolar? Not that one, maybe he has a serious mood disorder. But, I like Juke for being straight forward person...
"Hoy!"
"Sh*t!" Sapo niya ang dibdib dahil sa matinding pagkagulat. Isang malutong na mura tuloy ang natikman ni Vladimir mula sa kanya. "Saan ka galing?!"
"Sa harapan mo? Alangan naman sa bulsa mo," pamimilosopo nito. Ninamaan niya ito ng tingin. "Bakit ba laging kang nakasimangot, Ate Cash?" Umupo ito sa tabi niya.
"Ate? Hoy! Mas matanda ka yata sa akin!"
" Yata lang pala? Wow! Marunong pa lang magtagalog si auntie mo Corazon."
"What?!" Nagtaka siya sa sinabi nito.
"Alam mo, tatanda ka kaagad. Lagi ka kaseng galit. Hindi ka marunong ngumiti. Ang mahal-mahal ng bayad sa ngiti mo..."
"I don't care." Inirapan niya si Vlad. "Get out of my sight!" Ikinumpas niya pa ang kamay niya upang malaman nitong gusto niyang paalisin ito sa kanyang paningin.
Nagulat siya ng tumayo si Vlad at ilapit nito ang mukha sa kanya.
"Alam mo, dapat ginagawa mo na ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo. Kase isang beses mo lang mararanasang mabuhay. Huwag mong sayangin ang oras na meron ka sa mundong ito. Baka isang araw... pagsisihan mong hindi mo naramdamang maging masaya." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at saka ngumiti ito. Iyong ngiting sagad hanggang panga. "Sige maiwan na kita. Tandaan mo ang sinabi ko!" Wika nito at bumalik muli sa mga kaibigan.
How can I forget, Vlad? The crazy, clumsy, but brainy idiot guy?
x-----o-----x
"Hek—anong tawag mga dude sa lalaking hek-maputi at syengngkwet ang mata hek?!" Tanong ng lasing na si Jimmy. Isa kase sa tradisyon ng mga Satyr na mag-inuman sa tuwing may mangyayaring dapat ipagpasalamat sa kanilang mga Dyosa at Dyosa.
Inilabas ng mga ito ang pinakamasarap na basi na gawa sa iba't-ibang prutas na preneserba ng mahabang panahon. Nagsasayawan at nagsasaya ang mga ito habang pinaiikutan ang ningas na apoy.
"Tsinito!" Sagot ni Vlad. Hindi pa ito masyadong nakakainom.
"Sya syengket na hek- na maitim?" Tanong muli ni Jimmy.
"Prinito! G*go!" Isang dagok at batok ang natikman ni Jimmy. "Ang mais mo p*tang*na!" Komento ni Summer. "Dapat natulog na lang ako. Ang badoy talaga ni Jimmy!"
"Eh sya kinakain hek—tas kalbo yung nasa balat?"
"Chikito." Nakasimangot naman na wika ni Juke. Wala kaseng tigil si Jimmy sa katatanong.
"Eh hek—kapag mahal mo?"
"Ano?" Nagtatakang tanong ni Raphael.
"Sarang...heayo!"
"Aysshh! Wala talagang kwentang kausap ang unanong ito. Magsitulog na tayo!" Komentong muli ni Summer.
"Tulog? Sige matulog ka, Summer. Bahala ka sa buhay mo," iiling-iling na wika ni Jonas. "Lagi ka namang tulog kaya napag-iiwanan ka. Ewan ko ba. Tulog-tulog ka ng tulog ngunit hindi naman nagkakalayo ang height niyo ni Jimmy."
"Shh hek—nasya library kayo hek—ingay niyo!" Sisigok-sigok na wika ni Jimmy. Sumalampak na ito ng higa sa isang kawayan. Halata ang matinding kalasingan dito.
"Jonas, how have you seen them?" Patukoy ni Cash sa mga Satyr.
Napakamot si Jonas. "Hindi ko rin alam. Basta ang sabi nila tutulungan daw nila ako ng magising ako. Nawalan kase ako ng malay nang mahulog ako sa butas na pinagtulakan niyo sa akin."
"I see..." Tumango-tango si Cash. "You need to sleep, guys. Mahaba-habang lakaran pa ang gagawin natin bukas. Good night." Ngumiti siya sa mga ito, at nagsimula ng malakad ngunit narinig niya pa ang kwentuhan ng mga ito.
"Nakita niyo iyon? Ngumiti si Cash!" Pumalakpak pa ang tuwang-tuwang si Vlad.
"Hoy, Vladimir! Tigil-tigilan mo ang paghithit ng sapatos ni Raphael. Nakakasama sa kalusugan mo!" Tatawa-tawang wika ni Juke. Magsitulog na nga tayo.
Napangiting muli si Cash. Yeah, I don't know to smile... before. Thanks guys. Tuluyan na siyang pumasok sa kanyang tutulugan. Mahaba pa ang araw at kailangan niyang mag-ipon ng lakas.
x-----o-----x
"Masayang umaga, Summer!" Bati ni Vlad.
"Sasaya pa kaya ang araw mo kapag nalaman mong mahaba pa ang lalakarin natin? Ang sarap-sarap kayang matulog..." Inaantok na wika ni Summer. Nahuhuli ito sa paglalakad sapagkat nasapian nanaman ng katamaran. Ang mga kasama niya ay nagpapahinga na sa ilalim ng puno ngunit siya ay naglalakad pa rin.
Malapit na ito sa kanila, ngunit pahinto-pahinto pa kaya isang taong bago makarating.
Hindi na sila nagawa pang samahan ng Satyr sa paglalakbay sapagkat naging abala ang mga ito sa pakikipagkasundo sa mga Wendigo. Nagpasalamat pa ang mga ito bago sila umalis dahil pagbabalik ng buwan na tanglaw nila sa tuwina.
"Geez... lalo akong mamayat kakalakad." Umunat ng katawan si Jonas at humiga sa damuhan. Tinanaw ng binata ang kalangitan at napangiti. Ilang araw niya ring hindi nakita ang araw.
"Cash, mascara ka ba?" Tanong ni Jimmy, at humarap kay Cash. Nakasalampak sila sa damuhan. Habang si Cash ay nakasandal sa isang malaking bato.
"Mascara? Yung panglagay sa pilik mata? Hindi siya mascara, Jimmy." Singit ni Vlad.
"Tss. Manahimik ka, Vlad!" Singhal ni Jimmy. "Mascara ka ba, Cash?"
"Tsk. I'm human. Why?" Nakasimangot na tanong ni Cash.
"Kase... feeling ko... mascarapat-dapat ka sa puso ko, sapagkat mamahalin kita ng totoo." Nakangiting wika ni Jimmy, at kumindat.
"Jimmy, mascara ka din ba?" Nakangiting tanong ni Cash.
"Why, sweetheart?" Ngiting asong tanong ni Jimmy.
"Mascarapat-dapat na iuuntog sa batong ito, ng magising ka sa ilusyon mo!"
"Hahaha boom! Basag! Ang korni mo kase, Jimmy!" Kurong wika ng mga kaibigan niya. Sinamaan lang ito ng tingin ni Jimmy.
"Suportahan niyo naman ako," nakasimangot na wika ni Jimmy at sumalampak ng upo habang nakapangalumbaba.
"Jonas, di ba rapper ka?"
"Yeah." Sagot ni Jonas. "Mabuti't nakarating ka pa dito, Summer? Akala ko kase nakatulog ka na sa daan." Mahaba na ang napag-usapan nila ngunit ito, kararating pa lang. Nagpahinga pa kase sa ilalim ng puno na may limang metro ang layo sa kanila.
"Yow... yow... " Napatingin silang lahat kay Vlad.
"Ano nanamang kalokohan iyan, Vlad?" Tanong ni Jirou na napatigil sa pagguhit.
" Yow..." Ulit muli ni Vlad na animo'y nagra-rap. "Yow... ninety-ninety nine hindi pa uso ang bigas. Balat na bayabas kinakaing matigas. Unang sakit cancer sa pwet. Ang gagamot sayo, matangkad may sakit! Dito sa amin, maraming gumagamit. Hindi lang gumagamit nagnanakaw pa ng gamit!" Pagpapasiklab ni Vlad sa mga kasama.
"Tsss... mukhang nakabalik na naman ang mga enerhiya ninyo. Magsitayo na kayo. Mahabang lakaran pa ito."
"Gamit..." nagpalinga-linga si Cash sa paligid. Halata ang pagiging aligaga nito. Nasipatan ng mata niya ang isang maliit na nilalang na kay bilis at tinangay ang kanilang mga gamit.
"Saglit lang pinuno. Magra-rap yata si Cash!" Pigil ni Vlad kay Raphael. Tatayo na kase ito.
"Gamit..." napatayo na si Cash.
"Sige, Cash. Huwag ka ng mahiya. Ituloy mo na ang rap mo." Nakangiting kumbinse ni Jimmy kahit na-bad shot kanina.
"Sh*t I am not rapping! Nawawala yung mga gamit natin!"
Napalingon silang lahat sa punong pinaglagyan nila kanina ng mga dala.
"Yung mga gamit!" Wika ni Jonas.
"Yeah. I was already said that."
"Kailangan nating makita ang mga gamit natin. Alam kong pagsubok ito..." Komento ni Juke.
"Yeah. Kase wala tayong susuotin." Nakasimangot na wika ni Summer.
Tinapik ni Juke ang balikat ni Summer. "Ayos lang sayo, dre. Hindi ka naman naliligo."
x-----o-----x
KAALAMAN:
Satyr: Isa sa mga kilalang nilalang ay si Bacchus na dyoso ng anihan. Sila ay kalahating tao, at kalahating kambing. Maging ang sungay ay kawangis din ng sa kambing. Inuubos nila ang oras sa pag-inom ng alak o basi, panunukso sa mga nimpa at pagsasayaw.
Wendigo: Ay mga taong sinaniban ng masamang espirito. Nagiging hayok sila sa laman ng tao. Ang kathang-isip na ito ay nagmula pa sa Canada, at Estado Unidos. (Ibig sabihin, inspirasyon ko lamang sila sa kwento. Sinabi kong kapag wala ang buwan ay nagiging ganon sila. Walang katotohanan iyon. Hindi ko alam kung bakit sila naging ganon haha)
P.S. Nakakatuwa ang bagong upgrade ng wattpad kase pwede ng maglagay ng maraming picture haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top