VIII
"Isang beses lang tayong mabubuhay sa mundo, kaya naman hindi iyon rason na mangloko ng ibang tao." -Juke
IKAWALONG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Tapatan}
x-----o-----x
Saksi ang naglalagablab na apoy sa unti-unting pagbabagong anyo ng mga Wendigo. Ang mga ito ay nagiging kawangis na ng isang nilalang na katulad nila.
Nakahuma na sila sa pagkabigla matapos maging tao ng mga ito.
Lumipas ang ilang segundo ng walang nagsasalita, at pinapakiramdaman pa rin ang paligid. Tinakpan naman ni Cash ang sugat niya mula sa pagkakabitin ng patiwarik matapos magawa ang plano na maibalik ang mga ito sa dating anyo. Hindi nga siya nagkamaling dugo ng isang nilalang ang lunas para sa mga ito. Ngunit dama niya ang matinding panghihina.
Muntikang mapatalon si Vladimir matapos kalampagin ng isang nilalang ang kanilang kulungan.
"Hala, imulat ang inyong mga mata, at magsisimula na ang warla. Magsilapang na mga bulay!" Wika ng isang lalaking kekendeng ngunit hindi mawari kung lalaki nga ba o babae. May saplot na dahon ito sa katawan, at iniabot ang isang bugkos na pagkaing kahawig ng saging.
Hindi nila alam ang unang magiging reaksyon dahil sa pagkagulat.
"Tae. May nag-eexist pa lang ano dito sa lugar na ito?"
"Masama ang lagay natin," iiling-iling na wika ni Jimmy. "Baka mapagsamantalahan ang kagwapuhan ko."
"Laban... warla. Magsilapang na mga bulay... magsikain na mga handsome guy," sapo ni Juke ang kanyang noo matapos isaling wika ang lenggwahe ng mga bakla.
"Juke," punong panghuhusgang tingin ni Vladimir sa paraang pabiro. "Sabi ko na nga ba! Nonood ka ng gay linggo!"
"G*go, Vladimir! Marami akong kaibigang bakla."
"Ano?!" Sabay-sabay nilang wika.
"May nakarelasyon din akong bakla."
"P*tang*na lupit mo, Juke!" Akbay ni Jimmy.
"Pwedeng bang iwasan niyo ang pagmumura? Nakakasakit kayo sa tainga," inalog-alog ni Summer ang kanyang tainga.
"Pero papaano iyon nangyari? Straight ka naman di ba pare?" Tanong naman ni Jirou na naging interesado na rin.
Habang nakatingin sa kalawan si Juke ay sinasariwa niya ang nakaraang pangyayari sa kanyang isipan.
"Marami akong kaibigang bakla, kase... para sa akin tao pa rin sila. Ang mga katulad nila ay dapat tinatanggap sa ating lipunan. Sapagkat hindi naman nila gusto na maging ganon sila, hindi ba?" Nakangiti niyang paliwanag sa mga kaibigan. Tumango-tango naman ang mga ito. "Sila yung mga kaibigan na dapat pinakikisamahan sapagkat totoo sila sa isa't isa. Hanggang sa nagkaroon ako ng girlfriend ngunit hindi niya sinabi sa aking ganon siya sa mga kaibigan ko. Nagpa-transgender pala siya kaya hindi ko nahalata. Tatanggapin ko siya, oo. Sh*t! Mahal ko siya eh. Pero yung bulagin ako sa isang malaking kasinungalingan? Hindi ko iyon matatanggap. Isang beses lang tayong mabubuhay sa mundo, kaya naman hindi rason iyon na mangloko ng ibang tao," madarama ang kalungkutan sa boses nito.
Ang bawat-isa sa kanila ay nagkaroon ng reyalisasyon sa sinabi ng bunso ng kanilang grupo. Ngayon ay alam na nila ang mabigat nitong kasalanan ngunit kahit na ganon ay may kabutihan pa rin itong taglay.
Tumingin si Juke sa kalangitang ubod ng dilim. Hindi pa siya nakakakita ng walong buwan sa tanang buhay niya. Ngunit katulad ng paniniwalang may bagong pag-asa habang nabubuhay pa... isang araw ay babalik din iyon at masisilayan ng lahat ng nilalang na nakatira sa lugar na kinalalagyan nila ngayon.
Ilang minuto ang naging katahimikan sa bawat-isa.
Patuloy sila sa pagrereminisa ng kanilang mga buhay. Ngunit naudlot iyon ng kumalampag muli ang tambol nang ubod na lakas.
"Si Cash!" Agad na napatayo sa kinauupuan si Jimmy matapos sapilitang ibaba ng mga ito ang dalaga.
"Don't touch me!" Nagpupumiglas ito kahit hinang-hina.
"Don't touch me, in your face!" May harot na wika ng nilalang na lumapit sa kanila kanina.
"Tarush, girl. Kaya nilang mag-english," sinamaan nila ng tingin si Vlad matapos nitong gayahin ang boses ng nilalang na kumakaladkad kay Cash.
Napansin nilang gumagalaw ang kanilang kulungan at unti-unting umiinit ang paligid.
"Tamena-tamena alay-alay sa dyosa. Tamena-tamena ibalik ang aming walong Luna. Tamena-tamena. Alay-alay sa dyosa, tamena-tamena, balik ang aming Luna!" Paulit-ulit na kanta ng mga ito habang pinapalibutan si Cash at pinapahidan ng kung anu-ano.
"Tang*na-tang*na, mamamatay na rin tayo mamaya!"
"G*go!" Sabay-sabay nilang pinagbabatukan si Summer matapos nitong gayahin ang paraan ng pagkanta ng mga Wendigo. "Antayin natin si Jonas, naniniwala akong ililigtas niya tayo," puno ng determinasyong wika ni Raphael.
"Lakad-lakad hulog bulkan baga. Lakad-lakad alay ka na!" Kanta nanaman ng mga ito habang patuloy sa pagkalabog ang mga malalaking tambol. "Ariba! Ariba!"
Ang iba ay animo'y mga kulto ng cannibal dahil sa paraan ng pananamit. Habang ang iba naman ay mukhang dyosa ng pedirasyon dahil sa itsura.
Damang-dama nila ang matinding kaba habang patuloy sa paglapit ni Cash sa mga nagwawalang baga.
"Tigil!" Maawtoridad na wika ng isang boses. "Ito na ang araw na ating pinakahihintay! Mawawala na ang sumpa na bumabalot sa ating mga pagkatao dahil sa pagkawala ng walong buwan matapos magalit ni Dyosa Artemis! Dyosa, oh... tanggapin mo ang aming alay. Isang babaeng birhen at walang bangis dungis!"
"Oh really?! As far as I remember, I'm not virgin anymore, and I have boyfriend you know?"
"Ano?!" Nanlalaki ang mata ni Jimmy sa sinabi ni Cash. "Hindi pa nga nagiging tayo, basted na ako..." malungkot at pabulong niyang wika.
"And he's here. Sweetheart, I love you... you're the sweetest thing that happened to my life..."
Napayuko na lamang si Jimmy upang itago ang nararamdamang kirot sa kanyang dibdib. Masakit man ngunit kailangan niyang tanggapin na may iba na itong mahal sapagkat girlfriend na ito ng isa sa mga kaibigan niya.
"Jimmy, ano ba? Wala man lang bang I love you too dyan? Mamatay na—" hindi naituloy ni Cash ang sasabihin sapagkat itinulak siyang muli.
"Hoy?!" Pukaw ni Jirou kay Jimmy na nakayuko pa rin.
"Sabihin niyo nga, sino ang boyfriend ni Cash? Dapat maaga pa lang, sinabi niyo ng gusto niyo ang babaeng mahal ko, edi sana... hindi ako nasasaktan ng—ay g*go! Bakit nanaman ba Vlad?!"
"Oo, alam kong gwapo ako pero ikaw g*go! I love you—"
"Tang*na mo, Vlad! Hindi nga tayo talo!" Nahilamos niya na ang kanyang mukha dahil sa depresyong nadarama. Sinabayan pa ng engot na si Vlad... pakiramdam niya'y mababaliw na siya. Pagkatapos harapin si Cash ay bumaling siya sa mga kaibigan, "Sino ang boyfriend sa inyo ni Cash? Magsisagot nga kayo!" Galit niya pa ring turan.
"Ay slow," naiiling na wika ni Summer. "Sabi ko ayoko ng may nagmumura pero p*tang*na mo, Jimmy! I love you daw sabi ni Cash. Ikaw yung tinutukoy niya, g*go!"
"Ako?!" Nanlalaki ang singkit nitong mga mata.
"Kapag namatay ako dito, Jimmy! Papatayin kita!" Naiinis nitong wika. Pinagkakalampog muli ng mga Wendigo ang isang tambol upang ituloy ang paghulog kay Cash sa mga nagliliyab, at nagwawalang baga ng bulkan.
Saglit na natahimik ang lahat ng pigilan ng pinaka pinuno nila. "Hindi ako naniniwala sa babaeng iyan! Ihulog! Ihulog!"
Nagsihiyawan ang mga naroon, at muli nanamang kumalampag ang tambol, habang ang pagkalabog ng mga puso nila ay muling bumilis.
Tanggap niya na hanggang dito na lang ang mitsa ng buhay niya. Handa na si Cash sa katapusan niya. Inihanda niya na ang kanyang sirili, at ipinikit ang mga mata.
Tatlo. Dalawa. Isa. Isang hakbang na lang...
"Saglit lang!" Pumailanlang ang malakas na boses ni Jimmy sa buong tribo. Kaya naman huminto ang pagkalampag ng malakas na tambol. "May iaalok akong isang magandang pagkakataon sa inyo!"
"Ano iyon tampalasang nilalang?!" Tanong ng pinuno.
"Hinahamon namin kayo sa isang labanan. Kung kami ay matatalo... magpapaalipin ako sa inyo ng panghabang buhay. Mali, magpapaalipin kami ng panghabangbuhay!"
"Ano?! Pati kami?!" Nanlalaki ang matang tanong ng mga kaibigan niya.
Napakamot si Jimmy, "Ganon na nga ata."
"Hindi! Hindi kami payag! Ituloy!" Tumunog nanamang muli ang tambol.
"Ito si Vladimir, sa inyo na lang!" Napangise ang pinuno ng mga Wendigo sa pagiging desperado ni Jimmy.
"Bakit ako? Aba sumusobra ka na!" Isang sapak ang ibinigay ni Vlad kay Jimmy. "Akala ko totoo kang kaibigan! Ngunit ng dahil sa isang babae magkakanganyan ka!" Isa pang suntok na naging dahilan ng pag-alog ng kulungan.
"Tigil!" Awat ng pinuno.
"Masisise mo ba ako?!" Sinuntok din ni Jimmy si Vladimir. Napaupo ito at hinawakan ang nasapak na pisnge saka ngumise.
"Tigil!" Ulit muli ng pinuno. Nagkakagulo na ang buong tribo dahil sa walang hanggang pagbabanatan ni Jimmy at Vladimir.
"Ano? Mamatay na nga tayo, magpapatayan pa kayo?!" Sigaw naman ni Summer at sinuntok ang dalawa.
"Bilang pinuno ng samahang ito, hindi niyo na ako ginalang!" Namamaos na sigaw rin ni Raphael. Halos lumabas na ang ugat nito.
"Hayaan mo sila," sabat naman ni Jirou na animo'y walang pakialam.
"Hayaan? Isa ka pa!" Isang suntok ang ibinigay ni Raphael kay Jirou. "Papaano mo nasasabi iyan ha?! Parang hindi ka kaibigan!" Kinuwelyuhan niya ito.
Lalong nataranta ang pinuno ng Wendigo sapagkat nag-aaway na ang kanyang mga bihag.
"Pst. Oy. Tama na. Ang gagaling niyong magdrama. Natanggal ko na ang tali," nakangiting wika ni Juke habang hawak ang isang matulis na kutsilyo. Bigay iyon ng nagdala ng pagkain sa kanila kanina. Hindi niya alam kung ano ang hangarin nito. Ngunit, mabuti man o masama ay ikakasaya nila sapagkat may pagkakakataon silang makatakas. "Pagkabilang ko ng tatlo..." pabulong pa ring wika ng bunso nila. "Isa... dalawa..." hindi na nahintay pa ang kasunod na bilang at sabay-sabay silang lumundag upang mabuslo ang tali.
Dahil mababa lamang ang pagkakaangat ay nagawa nilang tumalon doon.
"Tadaa!"Nakangiting wika ni Vladimir. "Tada?" Hindi nila akalaing sa gagawin nilang palabas ay sila pa ang masosorpresa, sapagkat ngayon ay nakatutok na sa kanila ang matutulis na sibat.
Muling bumalik ang kaba nila sa dibdib sapagkat mababakas ang galit ng mga ito...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top