V
"Sabihin na nating makikitid nga ang utak namin, pero may puso kami, hindi katulad mo!" -Juke
IKALIMANG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Ang Sphinx}
Napangisi na lamang si Cash. "It seems like you don't want to tell them right?"
"Pake mo?" Baling na tanong din ni Juke kay Cash at tinitigan ang aklat.
"Hay... bahala ka sa buhay mo," napa-palatak na lamang ang dalaga.
"Anong sabi?" Bahagyang ikinagulat ni Juke ang pagtatanong ni Raphael.
"Sundin natin ang sinasabi ng babaeng iyan," tinatamad na wika ni Juke. Nagkibit-balikat na lamang si Raphael, at inisip na baka nagkaroon ng buwanang dalaw ang bunso nila.
"Ano pang tinutunganga niyo? Tara na! Gawd! Huwag niyong sayangin ang oras niyo sa pagpapanis ng laway, at pagpapainit ng pwet ninyo dyan sa mga upuan," umirap pa si Cash at magkasalikop pa ang kamay na animo'y amo.
"Explain yourself again," pinagsalikop din ni Jirou ang paa niya. "Why the hell we're here?!"
Nakipaglaban ng titigan si Cash kay Jirou. Nung una ay parehong hindi sila nagpapatalo ngunit ang dalaga na mismo ang unang sumuko.
"I hate explaining myself, as if I committed a crime," nakasimangot niyang wika at nag-isip kung papaano magsimula. "Fine, hindi ako bayani katulad ng iniisip niyo. Sabihin na lang nating may hidden agenda ako rito katulad niyo. In short, tutulungan niyo ako at tutulungan ko rin kayo. I watch your back, you watch mine. We all help each other until the end of time. May hindi pa ako nasasagot at maaring bumabagabag sa isipin niyo. Ito kaseng kupal na ito hindi man lang ako tinanong," baling ni Cash kay Jimmy. Ngumiti naman nang pagkatamis-tamis ang binata.
"Hindi ko na kailangang itanong. Sa gwapo kong ito, alam kong kahit sino ay magkakandarapang makipagtanan sa akin. Makuha lang ang nakakaakit kong kataw—aray! Putsa, Summer!"
"Ang hangin mo, huwag kang maingay. May natutulog dito," at muling bumaluktot si Summer upang ituloy ang pagtulog.
Simangot lang ang naging reaksyon ng dalaga at hindi pinansin si Jimmy.
"Magpasalamat nga rin pala kayo sa mga sinasabi ninyong Cynocephalus. Sila ang nagdala dito sa inyo para maresolba ang problema niyo. Yung nakita nyong mga aswang. Walang katotohanan iyon. Wala ding buntis, at lalong walang bahay doon. In short, they use some voodoo magic to invite all of you."
"Hay... andami pang sinabi. Pero wala akong naintidihan," kulang na lang ay maglumpasay sa lapag si Vlad. "Wala bang mas madaling paliwa—aray naman, Summer!"
"Ang ibig niya lang sabihin ay tutulungan natin sila, at tutulungan nila tayo. Ngunit kapag hindi tayo nagtagumpay, patay tayo. Right, madam?" Bored na tanong ni Summer.
"Yes, mister." Napa bungtong-hininga na lamang ang dalaga.
"Okay friends. Follow the leader at ako—aray! Ano na naman ba?!" Pikon na tanong Vlad kay Juke. Sa kanilang magkakaibigan ito ang may pinaka mabigat na kamay kaya naman dama niya ang pag-ikot ng mundo.
"Tanga. Hindi mo alam ang daan." Uminat na ito at tumayo. "Summer, kung gusto mong matulog dyan. Pakisabi na lang kay Mr. R para panghabambuhay na."
"Ayssh... tatayo na nga oh?"
"Nasra, please lead us to the right way." Wika ni Cash. Ibinaba't taas naman ni Nasra ang kanyang ulo bilang pagsang-ayon.
x-----o-----x
"Sa aming bahay maraming bangkay. Merry Christmas walang bumati. Ang pag-ibig nasa FB, araw-araw laging lumalandi. Ang sanhi po ng pagparito, hahanap po ng albularyo. Kung sakaling si Jimmy ay purwisyo. Pasensya na kayo't pandak at unano—aray na naman Jonas! Lahat na lang ba kayo puro pangbabatok ang gagawin sa akin?" Nakasimangot na wika ni Vlad. Animo'y inapi itong bata na malapit nang umiyak. Si Jirou na lang yata ang natatandaan niyang hindi dumadapo ang kamay sa ulo niya.
"Huwag mo kasing babuyin 'yung Christmas Song. Nagiging pangpatay, Vlad!" Singhal naman ni Jonas. "Ang tagal-tagal ng kinakanta iyan ng mga kanununuan natin tapos dahil lang sa'yo nasira na!"
"Nakakapagod kase. Kanina pa tayo naglalakad. Partida, walang nagsasalita sa inyo. Amuyin mo. Ang baho na ng hininga ko."
"Gross!" Napakapit na lamang si Cash sa balikat ni Summer. Ito kase ang pinakamalapit sa kanya. Hindi niya inaasahang sa kanya pa ipapaamoy ni Vlad ang hininga nito. Tinanggal naman ni Summer ang kamay nito na parang nandiri sa dalaga, at walang tigil sa pagtawa habang binabalewala ang presensya ni Cash.
"Putsa, Vlad! Tinalo mo ang imburnal toothpaste ni Mr. R!" Nakahawak na sa tyan si Summer dahil nanakit na sa kakatawa. "Saan niyo ba nabili iyan?" Ngunit agad din siyang napatigil nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha ng mga kasama niya. Pare-pareho rin ang mga itong nakatingin sa iisang direksyon na sinundan niya rin nang tingin. "Whoah... sino ito?"
Isang napakalaking nilalang ang nakaharang sa dinaraanan nila. Hindi pangkaraniwang ang itsura nitong mala-lion na may kalahating mukha ng tao sa bandang itaas. Kasing laki ito ng mga higante, at may pakpak ng agila.
"S-sphinx?" Nauutal na tanong ni Jonas. Hindi siya maaring magkamali sa nakikita ngayon ng dalawang mata niya.
"Maligayang pagdating!" Agad silang nagtakip ng tainga habang patuloy ito sa pagsasalita. Talo pa ang pinakamalakas na speaker kung ikukumpara sa boses nitong mala-halimaw.
"Hi po. Hihi makikiraan lang po," wika ni Vlad, ngunit agad na hinaltak ni Juke. Kailangan niya itong bantayan sapagkat nanganganib ang buhay nito.
"Mamili... sasagot o mamatay?" Pare-pareho silang kinilabutan sa paraan ng pagsasalita nito.
"Ahm... yung O po ang pinipili—" hindi naituloy ni Vlad ang sasabihin sapagkat tinakpan ni Juke ang bibig niya.
"Mananahimik ka o sasapakin kita, Vlad?" Sinimangutan lang siya ni Vlad. Umupo ito, at tumingala sapagkat napakalaki at tangkad ng nasa harapan nila.
"Wala na tayong kawala," naiiling na wika ni Jonas.
"Then we don't have a choice—"
"Because it's ladies choice," dugtong ni Vlad.
"Vlad!" Sabay-sabay nilang saway dito matapos dugtungan ang sinabi ni Jirou.
"Pili!" Galit na wika ng Sphinx.
"Uuwi!" Kurong wika naman ngayon ni Jimmy at Summer saka tumalikod. Akmang hahakbang pa lang ang dalawa ay nahawakan na pareho ni Juke ang mga manggas ng suot nila, at sumenyes na tumingin sa paligid.
Naging mabilis naman ang mata ng dalawa, at napamaang matapos maintindihan ang gustong ipahiwatig nito.
Delikado sapagkat may mga nakaharang na itim na lobo at ahas sa dinaraanan nila kanina. Nilingon naman ni Raphael ang kasama nilang nagturo ng daan na si Nasra. Pansin niyang malungkot ang mga mata nito.
Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit ito lang ang naglakas ng loob na sumama sa kanila. Napakatapang nito sapagkat handang magbuwis ng buhay para sa mga nasasakupan.
Si Nasrah ay prinsesa ng kumunidad na napuntahan nila at naging kawangis ng Cynocephalus dahil sa sumpa na ibinigay ng isang mangkukulam.
"Ano ang unang katanungan?!" Lakas ng loob na tanong ni Raphael. Pagak na tumawa ang Sphinx.
"Dahil siyam kayong naririto ay dalawa ang makakadaan sa bawat katanungang masasagot ninyo. Una, kung sakaling lumubog ang isang barko't naroon ang mga kasama mo ngayon. Sino ang ililigtas mo?"
Lahat ng naroon ay napalingon na lamang kay Raphael, at pare-parehong naghihintay ng magiging kasagutan niya.
Napayuko naman ang binata, at taimtim na nag-isip. Kailangan niyang masagot ito ng tama sapagkat buhay nila ang maaring maging kapalit.
"Raph?" Naging makahulugan ang mga mata ni Jirou ng tignan niya. Puno iyon ng halo-halong emosyon. Kasama na rin ang pagbabasakaling isa ito sa mga pangalang sasabihin niya. Nilingon niya ang lahat ng kasamahan, at saka buong pusong nagsalita.
"Bilang pinuno ng grupong ito. Hindi ko paiiralin ang pagiging makasarili. Kaya naman wala akong ililigtas sa kanila."
"Ano?!" Dismayado nilang tanong nang sabay-sabay. Humalakhak nang pagkalakas-lakas ang Sphinx.
"Wala akong ililigtas sapagkat mali ang naging katanungan mo. Dapat ang tanong mo ay ano? Una, hindi pa naman lumulubog ang barko 'di ba? Kung hindi pa lumulubog ang barko, ibig sabihin wala akong ililigtas. Barko ang dapat iligtas, kasama ng ibang pasahero."
Humalakhak itong muli. "Magaling! Ngayon, sino ang isasama mo patawid nang malaya sa aking magarbong daanan? " Sinenyasan siyang muli ni Jirou at ngumisi. Naintindihan niya na iyon.
"Si Nasrah." Habang naglalakad kayang-kaya niyang sabihing mabubuti ang mga kaibigan niya sapagkat inuna ng mga ito ang kapakanan ng iba. Kung sakaling mang makaligtas ang mga ito, ay nagbabaka-sakali naman ang mga itong maililigtas ni Nasrah ang pamayanan nito na isinumpa ng mangkukulam.
"Gagalingan namin!" Narinig niya pang pahabol Vlad upang hindi siya pag-aalalahanin.
"Tanga! Wala tayong eksam!" Kontra ni Jimmy.
"Manahimik ka nga, Jimmy. Ang ingay-ingay mo." Nag-away na nanaman ang dalawang isip bata na si Jimmy at Vladimir. Naririndi na ang mga kasama niya.
"Nahiya ako sa hindi madaldal—"
"Tahimik!" Agad nilang ibinalik ang konsentrayon sa nasa harapan nila ngayon. "Gusto niyo bang tanggalin ko ang mga dila ninyo, at ipulutan ng mga alaga kong lobo?!" Galit nitong wika.
"Pwede naman. Kung marunong magluto ng pulutan ang mga alaga mong lobo," nakangisi ngunit bored na wika ni Summer. Pinanlakihan nila ito ng mga mata, at kinakabahan na napalingon sa Sphinx. Dahil sa pabalang nitong kasagutan ay maaring sila na mismo ang humukay sa libingan nila huwag lang matikman ang bangis nito.
Ngunit taliwas iyon sa inaasahan sapagkat humalakhak ito ng labis.
"Magaling! Ako ang mamimili ng isasama mo sa aking magarbong daanan."
"Ano?!" Nagulat na naman sila. Hindi nila akalaing kasali na iyon sa mga tanong nito.
"Andaya naman!" Palatak ni Vlad.
"Iyang nakasando, isama mo!" Isa-isa nilang tinignan ang mga damit na suot nila. Sigurado na silang si Jirou ito.
"This is not so cool. She's brilliant!" Naiinis na ring wika ni Cash. Maaring nagiging praktikal ang Sphinx na nasa harapan nila at pinili ang pinakamatalino upang matitira ay hindi na maging ligtas.
"Hay... galingan niyo na nga lang. Matutulog muna ako habang naghihintay sa inyo sa kabila," lumakad na sila.
"Good luck, guys!" Pahabol ni Jirou.
"Badtrip na!" Galit na wika naman ni Jimmy. Ngayon ay lima na lamang silang natitira.
"Sa tuwing naliligo kayo, ano ang unang nababasa?"
Biglang napahalakhak si Jimmy dahil sa narinig. "Yung tuyo! Iba't-iba naman kase ang paraan ng pagligo ng tao. Well... kung hindi niyo naitatanong ay yung perpekto't mala Adonis na abs ko ang unang kong binabas—"
"Daan na. Isama mo iyang babaeng iyan."
"Parang napakadaya ah!" Nanahimik lang si Jonas ngunit napipikon na talaga siya. Lahat kase ng matatalino sa grupo ay inuuna nito. Inaamin niya sa sarili na hindi siya magaling sa pag-aanalisa ng mga tanong dahil tanging pagsasaulo lamang ang alam niya.
"Mamimili kayo ng isasama o ang isa sa inyo ay mamatay?!"
"Dadaan na sila!" Napipikong wika rin ni Juke.
"Ngayon. Isama mo ang nakatayo na iyan at iwanan naman ang nakaupo."
"Sh*t!" Napamura si Juke sa pagiging tuso nito. Kanina pa lang ay napagtagpi-tagpi niya na ang sitwasyon kaya dapat mas maging tuso siya dito. Hindi rin dapat siya nagpadala sa galit. Ngayon ay nanganganib ang buhay ni Vlad dahil sa pagiging pikon niya.
"Hayaan niyo na," pilit ang naging ngiti ni Vlad sa mga kasama upang hindi na mag-alala ang mga ito sa kanya. Sa totoo lang ay kinakabahan na siya. Ngunit ipinagsawalang bahala na lamang. Siya na lang ang matitira kaya dapat ay lakasan niya ang kanyang loob.
"Hindi, Vlad! Mali ito! Pandaraya ang ginagawa niya! Nililinlang niya tayo ng mga tanong na hindi niya naman sinasabing legal na tanong na!" Natatarantang wika ni Juke.
"Kung sinabi mo sana sa kanila," sinamaan niya nang tingin si Cash. Sinisisi siya nito.
"Ako na lang ang maiiwan! Kahit gaano pa karaming tanong iyan! Padaanin niyo na lang si Vlad!" Kulang na lang ay lumabas na ang ugat ni Juke sa leeg dahil sa pagsigaw niya.
"Masyadong matalas ang dila mo, bata."
Sumipol ito upang magsilapitan ang mga alaga. Isang metro ang layo ng mga ito sa kanila kung kakalkulahin.
"Iwanan niyo na ako," malamig na wika ni Vlad. Kung sa ibang pagkakataon ay iiyak na siya. Ngunit hindi ang oras na ito.
"Hindi, Vlad!" Maging si Jimmy ay hindi rin pumayag.
Tumayo na sa pagkakahiga ang Sphinx. Ramdam nila ang inis nito.
"Jimmy, Jonas, Juke, narinig niyo naman ang sinabi ni Vlad 'di ba? Hindi ba kayo nakakaintindi ng tagalog, o sadyang makikitid lang talaga ang mga utak niyo?!" Singhal ni Cash.
"Sabihin na nating makikitid nga ang utak namin, pero may puso kami, hindi katulad mo!" Dinuro pa ni Juke si Cash dahil sa inis dito. "Alam mo ang nakita ko, Cash. Kaya bakit mo nasasabi iyan ngayon? Sagot!"
"Brad, babae pa rin iyan." Suway ni Jimmy.
"Wala akong pakialam!"
"Ano, magtatalo pa ba tayo dito?!" Hindi na rin nakatiis si Jonas at sumali na rin sa pagtatalo nila.
Nililingon ni Vlad ang mga lobo na papalapit nang papalapit sa kanila. Nasisigurado niyang hindi nito iiwanang buhay ang mga kaibigan niya.
"Sabing magsilayas na kayo 'di ba? Kaya ko na ang sarili ko!"
"Isa!" Bumiling na ang Sphinx. Pinag-isipan ni Juke ang dapat niyang gawin. Kaya niyang isakripisyo ang sarili niya upang iligtas si Vlad. Ngunit niya maatim na mas marami ang madamay dahil sa pagsisinungaling niya. "Dalawa!"
"Dadaan na kami." Ano mang oras ay nasisigurado niya ang paglandas ng mga luha sa kanyang mga mata kaya naman binilisan niya ang paglalakad at hindi na lumingon pa sa gawi ni Vlad. Napakabigat ng loob ni Juke habang naglalakad. Bawat paghakbang niya ay animo'y inuusig siya ng kanyang konsensya.
Nang makarating siya tapat nila Raphael ay nilagpasan niya lamang ito.
"Si Vlad? Nasan si Vlad?!" Tanong ni Summer. Hinawakan nito ang braso ni Juke upang pigilan sa patuloy na paglalakad. Hinawi naman Juke. Gusto niyang mapag-isa, at umasa na sa ilang minuto ay lalabas doon ang makulit, walang utak, ngunit maasahanan na kaibigan na nariyan upang pangitiin sila.
Ngunit ang tadhana ay magaling magpaasa. Maya-maya'y nakarinig sila ng magkakasunod na alulong ng aso.
"Vlad!" Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top