IX
"Siguro ay huwag na tayong bumase sa isang bagay na wala namang buhay. Mas nakakapanatag ng loob kung poprotektahan natin ang bawat-isa sa abot ng ating makakaya."-Raphael
IKA-SIYAM NA PAKIKIPAGSAPALARAN
{Ang Plauta ni Jimmy}
x-----o-----x
"Ano na?" Tanong ni Jimmy.
"Halina't matulog!" Sinamaan nila ng tingin si Summer.
"Hantayin mong makaalis tayo dito, Summer. Ako mismo ang magpapatulog sayo!"
"Beastmode na si Vlad," iiling-iling na wika ni Summer. "Ay kinggala! Huwag naman si Junior!" Isang sibat kase ang ibinato sa kanya at muntikang tamaan ang iniingat-ingatang pagkakalaki. Mabuti na lamang at magaling siyang umilag.
"Ayon! May picture taking sa ABS-CBN!" Tinuro ni Vlad ang kaliwa ngunit hindi ito pinansin ng mga Wendigo at nakapako pa rin ang mga nanlilisik na mga mata sa kanila na animo'y gusto silang lamunin ng buhay.
"Ungas! Hindi nila alam ang ABS-CBN! Kapuso sila!" Isang batok ang natikman ni Vlad kay Jimmy. Gumanti din ang isa.
"Malay ko ba!"
"At nakuha niyo pa talagang mag-away?" Tanong ni Juke na pinakatatalastalasan ng husto ang mata upang makakita ng panibagong pag-asa. "Wala kayong pinipiling oras!"
"Ikaw!" Sigaw ng pinakapinuno. "Ikaw laban amin kawal, kung gusto bawi iyo mahal."
"Patay na..." iiling-iling na wika ni Vlad.
"We should put a little trust to Jimmy, and kill him if he lost," seryosong wika ni Raphael.
"Oo kill me." Nag-thumbs up pa si Jimmy. "Ano?! Kill? Papatayin niyo ako?! Akala ko ba kaibigan niyo—" Pag-apila niya matapos magproseso sa utak ang sinabi ni Raphael.
"Sus!" Tinakpan ni Vlad ang bunganga ni Jimmy. "Di mo ba naisip na kung matatalo ka ay double dead ka nang makakarating sa amin? "Una, makikipaglaban ka sa mga kawal. Kahit na kaibigan kita, wala akong tiwalang mabubuhay ka sa mga kamay nila. Pangalawa, gagahasain ka pa ng mga bakla," kunwaring nagpunas ng luha si Vlad. "Di ba nakakaiyak iyon?"
"Salamat sa suporta, Vlad." Nakasimangot na wika ni Jimmy. "The best ka."
"You're welcome."
Isang tambol ang nakapukaw ng atensyon nilang lahat. Pabilis nang pabilis ang paghampas ng mga taga-Wendigo dito kaya naman palakas din ng palakas ang pagpintig ng kanilang puso.
"Ibaba ang mga sibat! Warla ay magsisimula na!"
Nakahinga sila nang maluwag matapos ibaba ng mga Wendigo ang sibat na kanina pa nakatutok sa kanila.
"Ang warla! Simulan na!" Isang telang pula ang inihulog sa gitna. Umingay ang buong paligid. Animo'y nasa isa na silang arena sa lakas ng hiyawan.
Nagsialisan ang ibang mga Wendigo roon. Muli silang pinaatras habang tinututukang muli ng sibat. Naiwan ang dalawang naglalakihang kawal habang ang isa ay nagbato pa ng sibat kay Jimmy upang may gamitin ang binata sa pakikipaglaban.
"Amin tribo laban patas! Awo! Awo!"
"Simulan na!"
Sa hudyat pa lamang ng pinakapinuno ay agad na nagpakitang gilas ang isa. Tumakbo ito at sinugatan si Jimmy. Dumaloy ang dugo sa maputing binti ng binata. Sumugod din ang isa, ngunit sa pagkakataong iyon ay nagawang sanggain ni Jimmy kahit na ang atensyon niya ay nasa harapan. Hindi nito muling napansin ang isa pang sumugod. Mabilis nitong tinusok ang isa pang binti ng binata... yung malalim at may malakas na pwersa.
"Aahhh!" HSigaw nito dahil sa matinding sakit na nadarama. Mabilis ang naging pagdaloy ng dugo nito sa pagtanggal ng sibat.
Habang ang mga Wendigo ay napapa palakpak sa kanilang mga upuan, ang mga kaibigan niya naman ay makikita ang matinding pag-aalala para kay Jimmy. Si Jirou ay napatayo na rin at gustong sumugod upang tulungan si Jimmy, ngunit mabilis na pinigilan ni Raphael. Sumenyas si Raphael na huwag ituloy ni Jirou ang binabalak sapagkat mapapahamak lamang.
"Tumayo ka, Jimmy!" Sigaw ni Cash. Maaring nakabawi na ito ng lakas sapagkat nagagawa ng magpumiglas. Ngunit kung kakalkolahin ang oras ay imposible iyon. "Tayo!"
"P*tang*na!" Paulit-ulit na mura ni Jimmy habang sinusubukan pa ring tumayo. Kitang-kita ang panginginig ng binti nito dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
Isa nanamang sibat ang paparating sa direksyon ni Jimmy. Ngunit sa pagkakataong iyon ay naging alisto na ang ng binata. Naghintay siya ng tamang pagkakataon, ginamit niya ang sibat na paparating upang gawing pananggalang at proteksyon. Sinalag niya iyon.
"Tanggapin mo!" Isang paparating na sibat nanaman. Hindi mula sa mga nakalaban niya kundi sa isang lupon ng mga kalalakihang Wendigo.
Animoy' tumigil ang oras habang sunod-sunod ang pagtama kay Jimmy ng sibat. "Jimmy!" Paulit-ulit na pagtawag nila. Ngunit ang binata ay walang naririnig. Ramdam ni Jimmy ang matinding pagkamanhid ng katawan at pag-ikot ng buong paligid.
Mabilis ang naging kilos ng magkakaibigan sapagkat nanganganib na si Jimmy. Hindi na normal na katawang tao ng mga Wendigo ang nakikita nila sapagkat nagpapapalit na ang mga ito ng anyo.
Isang nakakatakot na pagpapalit balat...
Rinig nila ang mga napupunit na laman mula sa mga ito at nasaksihan din ng mga mata nila ang paghaba ng mga paa, balakang at ulo. Nagmukhang alien ngunit yung mas nakakatakot na itsura. Ang ulo'y animo'y usa na naagnas ang balat. Habang ang dibdib ay umbok ngunit walang kalaman-laman at tanging buto lang ang makikita.
Sinamantala nila ang pagkakataon at itinulak nila ang mga naroroon habang abala sa pagwawala. Mabilis nilang kinuha si Jimmy upang makalayo. Tumakbo sila ng tumakbo.
"Ayos ka lang?" Tanong nila sa kabila ng paghangos. Hindi sumagot ang binata. Nakayuko pa rin ito at laylay ang balikat.
Kahit na labag sa loob ni Juke ay binalikan niya rin ang nanghihinang si Cash. Kung maari ay ayaw nilang may masayang sa nalalabing oras.
"Jimmy sumagot ka!" Niyugyog nila ang balikat nito.
"P*tang*na, Jimmy! Napapano ka?!" Natatarantang tanong ni Summer. "Jimmy! Jimmy?" Paulit-ulit nanaman ang pagtawag nila sa pangalan nito. Ngunit kahit isang boses ay walang naririnig ang binata.
Napaatras sila... bumitaw si Raphael at Jirou na parehas nakahawak sa magkabilang balikat nito. Ikinagulat nila ng makitang naging kulay asul ang mga mata nito. Maging ang katawan din ay animo'y isang bughaw na kristal na kumikislap sa kadiliman matapos umihip nang malakas ang hangin at namatay ang lahat ng sigang apoy roon.
Kusang gumalaw ang katawan nito at tumaas sa ere.
"Jimmy? Jimmy!"
"Jonas!" Sabay-sabay nilang tawag sa kaibigan. Napansin din nila ang matinding pagkagulat sa mukha nito matapos makita kung anong kababalaghan na ang nangyayari sa kaibigan nila.
Ngunit hindi pa man nakakahupa sa pagkabigla ay napitlag nanaman sila ng matanaw kung sino ang kasama ni Jonas. Hindi lang isa, kundi sampung hindi maipaliwanag na nilalang na tanging sa mundo lamang ng aklat makikita at mababasa.
"Half human, and half goats. The Satyr creature," pahayag ni Cash.
"Saan mo nakuha ang mga iyan?" Bulong ni Summer. Patukoy sa mga Satyr ng makalapit sila sa direksyon nito.
"Naririnig ka nila," babala ni Jonas. Lumingon naman si Summer at nakita niya ang masamang tingin ng mga ito sa kanya. "Anong nangyayari?!" Tanong ni Jonas patungkol kay Jimmy. Hindi naman sumagot si Summer at muling ibinalik ang tanaw sa kaibigang nasa ere.
Ngunit saglit lamang ang naging pagtunganga nila dahil sa pagkabigla, sapagkat nagwala na ang mga Wendigo at sabay-sabay na sumugod sa kanilang direksyon.
Ang mga ito ay hayuk na hayok at animo'y gusto silang lunukin ng buo. Ang mga mata'y nanlilisik habang ang mga laway ay nagsisilabasan.
Mabilis ang naging pagkilos ng mga Satyr at handang paslangin ang lahat ng mga Wendigo. Siguradong dadanak ang dugo kung sakaling mangyari iyon, ngunit isang matinding liwanag ang muling lumabas. Nanggagaling itong lahat kay Jimmy. Akala nila ay huminto na ang pagkislap nito, ngunit nagkamali sila. Sapagkat mas tumindi pa.
Sumasabog sa bawat sulok ng lugar na iyon ang mga mumunting liwanag.
Dahil nasa harapan nila ang kalahating tao at kambing ay nakita nila kung papaano lumipad papunta kay Jimmy ang isang plauta na nanggaling sa maliit na bag ng isang Satyr.
Kusang tumuwid ang katawan ng binata at napunta sa kamay ang plauta. Unti-unting dumilat ang dating itim na mata nitong naging asul. Kumumpas ang mga kamay, at inilagay sa bunganga ang plauta. Pag-ihip pa lamang nito sa plauta ay nadama na nila ang pagtaas ng kanilang mga balahibo.
Walang naganap na laban sapagkat ang lahat ay nakatingala na lamang at animo'y nababalutan ng isang hipnotismo dahil sa kaakit-akit na ritmo.
Muling napasigaw ang mga Wendigo. Ngunit hindi na nakakagimbal ang nangyayari sa mga ito. Ang lahat ng mumunting asul na kristal ay nanaog sa kalangitan habang nagsasayawan pa at sumasabay sa ritmo ng plauta.
Napitlag sila, sapagkat sa bawat pagyanig ng kanilang tinatapakan ay siya ring pagsulpot ng isang buwan. Walong beses iyong yumanig at ganon na lang din ang paglabas ng mga ito sa kalangitan. Animo'y nagtago lamang sa kung saan at nagpakita nang gustuhing lumabas dahil natuwa kay Jimmy.
Tumigil ang pagtugtog ng binata, at animo'y isa itong lubong nawalan ng hangin at bumagsak mula sa ere. Mabilis ang naging pagkilos ng mga kaibigan niya at sinambot siya.
x-----o-----x
Habang abala ang magkakaibigan sa paggising kay Jimmy ay nagbabalik naman ng unti-unti ang mga Wendigo sa dating anyo ng mga ito. Ngayon ay naniniwala na sila na ang buwan ang siyang dahilan kung bakit naging kagimbal-gimbal ang anyo ng mga ito.
"Jimmy! Kapag namatay ka, papatayin kita. Pangako!"
"Ungas!" Sinamaan nila ng tingin si Vlad.
"Talo mo pa ang girlfriend na mamatayan na ng boyfriend," komento ni Juke. "Hindi iyan mamatay. Masamang damo ang unanong iyan!"
"Hindi ko alam kung anong iwinika ng iyong kaibigan at ipinaubayang muli ni Dyosa Selene ang walong buwan sa mga Wendigo. Maaring may sinabi ang kaibigan niyo't pinagbigyan nito ang kahilingan niya... hindi na yata galit ang dyosa," lumingon sila sa Satyr na nagsalita sa kanilang likuran. "Maari ring ang puso niya ay kay busilak sapagkat pinayagan ng Dyoso na si Pan na ipagkatiwala ang kanyang Syrinx... o ang plauta sa iyong kaibigan na itinago ko rin ng mahabang panahon upang pangalagaan. Kaya naman maaring may nagugustohan ang inyong kaibigan na babae at naramdaman ng aming Dyoso na si Pan ang matinding pagmamahal niya dito..."
"Jimmy..." tawag ni Cash. Nalulungkot siya sa kinahinatnan ng binata upang iligtas lamang ang katulad niya.
Tumingin ang Satyr sa kalangitan. "Kay liwanag... ngayon ko na lamang muli nasilayan ang walong buwan sa kalangitan. Totoo ngang kay rikit nitong tanawin... pitong siglo rin itong nawala... ako'y lubos na nagpapasalamat sa inyong kaibigan."
"Mas maganda po kung sa kanya niyo mismo sasabihin iyan." Nahihiyang komento ni Summer.
"Gising na ang kaibigan niyo," wika ng babaeng Satyr na tuwang-tuwa.
"Jimmy!" Sabay-sabay siyang niyakap ng mga kaibigan, maliban kay Cash na nakangiti lamang, at masayang pinagmamasdan sila.
"Anong nangyari? Nasaan ang mga kalaban ko? Pupulbusin ko silang lahat!" Tumayo itong bigla na animo'y sasabak sa boxing. "Aray!" Daing nito sa binting nananakit.
"Jimmy! 'Yung sugat mo, nawala!"
"Sugat?" Nagtatakang tanong ni Jimmy. Pinakiramdaman niya ang kanyang binti. Parang may tumusok doong matulis na bagay, ngunit wala naman.
"Wala." Nakangiting sagot ni Cash.
"Oy. Ngumiti si Cash," naglulundag sa saya si Jimmy.
"Mali nanaman ang basa ko sa Death note. Bakit lagi na lang akong sinusubukan ng kalansay na iyon?" Naiinis na siya. Naisip niyang ano pang silbi ng death note na iyon kung maling impormasyon naman ang ibinibigay sa kanya ni Kamatayan.
Tinapik siya ni Raphael. "Hayaan mo na bunso. Ang mas maganda siguro ay huwag na tayong bumase sa isang bagay na wala namang buhay. Mas nakakapanatag ng loob kung poprotektahan natin ang bawat-isa sa abot ng ating makakaya."
Tumango na lamang si Juke bilang pagsang-ayon sa nakakatanda sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top