IV

"Pipigilan ninyo ako? Hindi ngayon ang panahon, ng pagtunganga at pagiging duwag!"-Jonas.

IKAAPAT NA PAKIKIPAGSAPALARAN

{Cash}


"Nakita niyo iyon?" Tanong ni Jonas. Yumuko si Jirou at hinawakan iyon upang makasigurado.

"Mga bakas ng dugo."

"Kaninong dugo?"

"Iyan ang kailangan nating malaman," naunang naglakad si Raphael habang nakasunod naman ang mga kaibigan nito.

Agad silang nagtago nang makarating sa pinakapusod ng kagubatan.

"Akala ko ba nag-iisang bahay dito ang sa inyo, Juke-" bigla nilang tinakpan ang bunganga ni Vladimir matapos makita ang isang nakakahindik na nilalang.

Sa kanang bahagi ay may isang babae na nagkukubli sa puno, habang sa kaliwa naman ay naroon si Jimmy at nagtatago rin. Napalingon silang lahat sa itaas at napitlag.

"Kinggala! Tiktik, pare!" Gulat na gulat na wika ni Juke kaya naman naging malaking palaisipan iyon para sa kanya. Nasisigurado niyang walang ganon sa kanilang lugar. Naniniwala siya sa mga bagay na hindi pangkaraniwang, ngunit kahit kailan ay hindi pa siya nakakakita niyon. Tamang-tama sa naging kwento ng kanyang abuelo at abuela ayon sa itsura ng tiktik. Totoo rin ang haka-haka na malasinulid nga ang dila nito, kaya naman madaling madali ang bibiktimahin.

Napalingon silang lahat kay Jonas matapos itong maglabas ng isang buntot ng pagi na hindi nila alam kung saan nito nakuha.

"Anong gagawin mo?" Nag-aalalang tanong ni Jirou.

"Maliban sa pipigilan ang tiktik ay wala na," seryoso nitong wika habang nakatingin pa rin doon. Humahaba na ang dila nito. Napansin nilang bukas ang bintana sa baba at may isang buntis na nakatihaya at tulog na tulog. Ngunit hahakbang pa lamang si Jonas ay pinigilan na nila.

"Delikado."

"Ano, pipigilan ninyo ako? Hindi ngayon ang panahon, ng pagtunganga at pagiging duwag! Kung titignan natin lang natin ang halimaw na iyan, maaring mawala ang anghel na nasa sinapupunan ng ina niya," nahihimigan ang pagtitimpi sa boses ni Jonas.

"Hindi ka pwedeng basta sumugod na lang-Vlad? Nasaan si Vlad?"

Nahagip ng mata nilang tumatakbo ito papasok ng bahay, ngunit sa maingat na paraan. Sa kabilang banda naman ay umakyat ang babae sa itaas ng puno habang si Jimmy ay nakatanga pa rin at mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Buong pagtataka nilang tinignan ang tinatanaw nito.

"Nalintikan na!" Gusto nilang manghilakbot sa nakikita. Mula sa madidilim na bahagi ay lumabas naman ang tatlong ibat-ibang uri ng aswang na kanina lang ay binanggit ni Juke: ang balbal, tik-tik, at mansusopsop na ngayon ay nasa harapan na nila. Ngunit ang ipinagtataka ni Juke ay bakit may sigbin na naroon.

"Mas pinipili kong mamatay kaysa tumunganga!" Biglang lumabas si Summer mula sa pagkakakubli habang hawak ang isang itak na galing sa bahay nila Juke.

"Tsk, nakakaiyak na tagpo mga pare. Sige kasama niyo ako," suportadong wika ni Jonas.

"May mali..." nakatitig lamang sa lupa si Juke at hindi maisip kung anong bumabagabag sa kanyang isipan. Siya na lang ang naroon nagkukubli, at hindi nagpapadalos-dalos sa dapat na gawin. Lumingon siya sa taas ng puno. "Huwag!" Ngunit nagkamali siya sa kanyang ginawang aksyon, kaya naman sa isang iglap lang ay tuluyan na rin siyang nilamon ng itim na mahika.

x-----o-----x

"HA!"

"Hala?! Bakit ka sumig-ha?!"

"Ha! Ano iyan?! Sila!" Nang magising si Vladimir ay sumigaw. Ganon din ang ginawa ni Jimmy at Summer.

"Yung-yung... yung ano. Yung!" Nanlalaki naman ang mata ni Summer habang itinuturo ang pigurang nasa harapan niya.

"Oo yung-yung ano!" Napayakap na si Vladimir kay Summer.

"Kalma," nakasimangot na wika ni Juke.

"Tang-ina bakit?" Pakiramdam ni Vladimir ay hihikain na siya habang nasa harapan ang isang tao na may ulo ng aso.

Dahil sa pagiging OA ng mga ito ay hindi na nakatiis pa si Cash at isa-isang pinagbabatukan ang magkakaibigan.

"Ha?! Ba-babae? Babae?!" Laking gulat ni Jimmy. Sa ikalawang pagkakataon ay binatukan siyang muli ni Cash. "Ang ganda mo... isang anghel..." Hindi niya namalayan ngunit nakanganga na siya sa harapan ni Cash kaya naman hindi na nakatiis pa ang dalaga at sinapak naman siya ngayon. "Demonyo pala," komento ni Jimmy dahil sa lakas ng pagkakasuntok ay napasibangot na lamang. Hindi niya kayang gumanti sa isang babae.

"Cynocephalus?" Manghang wika ni Jonas. "Ayokong mapamura. Pero tangina, bakit buhay pa tayo?"

"Ay nanay ng kapit-bahay ni Aling Berta!" Mabilis at puno ng tarantang wika ni Vladimir sabay na napayakap kay Summer. "Tu-tumatahol." Utal niyang wika.

"Ungas!" Isang batok ang ibinigay sa kanya ni Cash. "May nakita ka bang aso na hindi tumatahol. Great. People in the Earth! I need the genius one!" Nasapo na lang ni Cash ang noo niya at napairap.

"Don't underestimate us," wika ni Jirou at inilapag ang isang tasa. "You don't know what you're talking about."

"Ju-Juke paki sapak nga ako-aray! Bakit mo ako sinapak?"

"Your wish is my command?" Ngingiti-ngiting wika ni Juke na painosente pa.

"Hanep. Napunta lang ako sa mundo ng taong may ulo ng aso, dumugo na ang ilong ko! Sabihin niyo, saan niyo pinatago ang utak niyo?" Tuloy-tuloy pa ring wika ni Vladimir.

"Vlad, parang hindi ka lalaki. Pwede bang manahimik ka muna?" Saway ni Raphael. Nagsitahulan naman ang mga Cynocephalus kaya muling natakot si Vlad at napatago sa likod ni Summer.

"Bakit buhay pa tayo?" Seryosong tanong muli ni Jonas.

"They are not Cynocephalus or what so ever that you're talking about. They are human like us, but they are cursed by wicked witch who live inside the forest-" Hindi na naituloy pa ni Cash ang iba niya pang sasabihin nang takpan ni Summer ang bibig. "Ang baho ah!" Reklamo ng dalaga.

"Ang arte nito. Sino ka bang babae ka? Ano namang ganap mo dito?"

"I am, Cash."

"Ano naman ngayon?"

"Hmm I will help you to find the daughter of Mr. Ripper-"

"Hindi na namin kailangan ng tulong-" siya naman ngayon ang hindi natapos ang sasabihin dahil tinakpan ni Cash ang bibig.

"Believe me. You need me. As far as I remember your friends, Jirou and Raphael are in the big trouble-" Hindi na naman naituloy ni Cash ang iba pang sasabihin ng sumingit naman sa usapan si Jimmy.

"As far as I remember-puta! Pati ako napapa engles." Tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Bago natin puntahan ang mga agenda niyo kailangang klaruhin muna ang mga bagay-bagay. Una, bakit parang biglang tumalino itong si Jirou at Raphael? Pangalawa, bakit nandito kami? Pangatlo, sino ang mga nasa harapan namin? Pang-apat, saang mundo na ba kami napadpad? Panglima, sino ka? Anong kinalaman mo't napadpad kami sa lugar na ito? Pang-anim, hindi na ito mahalaga pero bakit ang gwapo ko pa rin-aray! Wala namang batukan, mahal."

"You're creepy!" Aktong nandidiring wika ni Cash nang lalapit sa kanya si Jimmy. "I thought you're serious to clarify some things."

"Saglit lang ateng maganda." Pigil ni Vlad. "Wala sa mukha niyang si Jimmy ang seryoso dahil mukha siyang clown na may abs pero punggok naman. Ngunit ipusta ko man ang katawan ko ngayon, seryoso talaga iyan hehe." Sabay kamot ni Vlad na nahihiya.

"First-"

"Paki tagalog."

"Tsk. Fine," iiling-iling na wika ni Cash. "Sila. Ang mga taong pumupunta sa mundo nila," tukoy niya sa mga Cynocephalus, "ay may pamahiing sinusunod. Kung sino ang unang dalawang magising ay paiinumin nila ng Prinsipyo't Karunungan na nagmumula sa bukal ng sinaunang mga Pilosopo kaya naging ganyan sila katalino. Pangalawa, nandito kayo kase ito ang daan papunta sa nilalang na hinahanap niyo. Pangatlo, ang nasa harapan ninyo ay hindi Cynocephalus. Sinumpa lamang sila ng isang makapangyrihang mangkukulam, at kailangan nila ng tulong niyo. Pang-apat, let's go back again to the number two answer of mine. Nandito kayo kase ito ang daan. Panglima, ako ay ako. Ako ang tutulong sa inyo upang hindi na matuloy ang pagpunta ninyo sa impyerno. Kung bakit ko alam? Hindi ko sasabihin sapagkat wala naman sa tanong niya kanina. Pang-anim, ang hangin mo, kupal!" Inis niyang anas kay Jimmy.

"Boom basag!" Natatawang wika ni Vlad kay Jimmy.

"Nga pala. Hindi nila kayo tatantanan hanggat hindi sila naibabalik sa dati nilang anyo. Isa pa. Maaatim ba ninyong maging isang ganap na Cynocephalus na sila na isang araw ay kakain na ng tao?"

Pare-parehong may sumaging katanungan sa kanilang isipan matapos ding magtanong ni Cash. Hindi pa nila lubos itong pinagkakatiwalaan ngunit wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang sumabay sa agos ng rumaragasang ilog kung saan may naghihintay na ibat-ibang balakit na kailangan nilang kaharapin.

"Bago tayo umalis. Sinabi ni Mr. R na hindi pa raw siya nakakapasok sa Underworld. Papaano kaya kung bukod sa paghahanap sa nawawala niyang anak may ibang pagsubok pa tayong kailangang pagdaanan? Pakiramdam ko kailangan pa nating maging malakas. Kailangang maging matalino, at higit sa lahat... maging katulad ng mga Diyos at Diyosa ng Olympus. Hindi man natin sila kayang pantayan. Maaring higitan?"

"Whoah... Juke saglit lang. Ano iyang mga sinasabi mo?"

"Ay... ewan?" Sabay napakamot ito. "Ano bang sinabi ko?"

Tahimik lang na nagmasid si Cash habang isa-isang inoobserbahan ang pitong kalalakihang nasa harap niya ngayon. Hindi siya nagkakamali, sa ipinakita ngayong kilos at galaw ni Juke. Nasisigurado niyang ito ang may hawak ng kwarderno ni Kamatayan.

"Well... there is nothing wrong if we believe on what he said," kibit-balikat niyang wika habang lihim na napapangisi. Magaling siyang pumili ng pitong nilalang. Maaring hindi siya nagkamali. Hmmm... pero huwag muna akong magsalita ng tapos...

"Hey! What are you thinking?" Kanina pa pala siya kinakalabit ni Raphael.

"Ahm... nothing. I-I was just-"

"Sabi ko na nga ba. Guwapong-guwapo ka na sa akin," sabay kindat ni Jimmy, ngunit hindi na lamang pinansin ng dalaga.

"Juke, can you open the notebook for me?"

"Notebook?" Takang tanong ni Juke. Papaano niya nalaman ang tungkol sa kwaderno na hawak ko?

"Nasabi na sa akin ni Raphael."

Tumingin naman si Juke kay Raphael upang makumpirma dito ang sinasabi ng estrangherang dalaga na nagngangalang Cash na bigla na lamang umeksena sa pakikipagsapalaran nila kay kamatayan.

"Yeah, Juke." Kumpirma naman ni Raphael, kaya naman wala ng nagawa pa ang pinaka bunso sa grupo kung hindi sundin ang nakakatanda sa kanya.

Pabuntong-hininga niyang binuksan ang kwaderno. Hindi niya na ikinagulat ng umilaw itong muli, at lumabas ang letra pilak na kumikintab. Ang nakakabigla lang ay ang pagkaguhit ng isang mapa kung saan nakatala ang mga pangalan nila ng mga kaibigan niya. Sinasabi rin dito kung papaano sila mamamatay sa bawat lokasyon na pupuntahan nila.

Ngayon ay pinag-iisipan niya pa kung sasabihin niya ba ito sa mga kasama o ililihim na lamang.



-----o-----

~KAALAMAN~

Cynocephalus- Isang uri ng Mythical creature na may ulo ng aso at may katawang tao. Pinaniniwalaang kumakain sila ng tao. Nakakaintindi sila ng salita ng tao, ngunit hindi sila nakakapagsalita at tanging pagtahol lang ang kayang gawin. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso at pagpatay.

Si Marco Polo at Christopher Columbus, na parehong manlalakbay ang isa sa nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top