II
"Mas maganda ng mamatay na lang ako at magdusa sa impyerno kaysa naman kumitil ng buhay ng iba upang mabuhay lang."- Raphael.
IKALAWANG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Orasan ng Paglalakbay}
x-----o-----x
"Whoah!" Napitlag na lamang si Vladimir na nasa isang madilim na bahay na siya. Laking gulat niya nang tumagos siya sa pader, at nakalabas muli roon.
Isa akong multo?! Hindi siya makapaniwala habang tinitigan ang kamay. Pero hindi ako multo. Nalilito pa rin siya.
"Tao po. Tao po," wika ng sarili niya. "Tao po? May tao po ba dito? Magnanakaw lang po ako, nangangailangan lang. Pwede niyo po ba akong papasukin? Ang pangalan ko po'y, Vladimir. Pangako, hindi ko po lilimasin ang laman ng bahay niyo, " patuloy ito sa pangangatok habang sumisinghot-singhot pa ng uhog.
"Ang tanga ko naman pala!" Nasapo niya ang noo dahil sa kahihiyang ginawa noong nabubuhay pa siya. Suot niya ang orasan ng paglalakbay, kung saan binigyan sila ng oras ng reaper na isuot iyon sa totoong sila upang mapigilan ang magiging dahilan ng pagkamatay nila.
Ang piyesa ng orasan ng paglalakbay ay nanggaling mismo kay Kronos na ama ni Zeus, kaya naman napaka makapangayarihan nito.
"Total wala namang tao, at bukas ang bahay", napansin niyang nag-iisip ito, "maglalagay na lang ako ng sulat na nagnakaw ako!" Halos bumagsak ang panga niya sa pagkabigla.
Hanep pre! Ang angking galang katangahan ko! Paninirang puri niya sa sarili.
Umilaw na ang orasan ng paglalakbay. Hudyat na mangyayari na ang magiging kamatayan niya. Tumagos siyang muli sa pader upang makita ang kabilang bahagi. Sa loob ng bahay ay may nag-aabang na isang lalaking nakadroga, at naghahanda itong iputok ang baril kapag bumukas ang pinto.
Dahil nga lulong ito sa droga ay inisip nitong pulis ang lahat ng papasok sa bahay.
Bago pa mangyari ang pagsisihan niya habang buhay ay agad siyang tumagos sa kabila at tumakbo upang humarang sa katawan niya noong nabubuhay pa, at ikinabit ang orasan ng paglalakbay sa leeg ng isa pang Vladimir.
Maya-maya'y nawalan ito ng malay. Dahil hawak niya ang orasan ng paglalakbay ay dinala niya ito sa lugar na pinag-usapan nilang lahat.
Sa isang kisap lamang ng kanilang mga mata ay napunta na sila sa isang liblib na lugar.
"Oh, nandito na ang lahat," nakasimangot na wika ni Raphael. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang naging dahilan ng pagkamatay niya.
Sumalampak sa isang punso si Summer habang nakasimangot din.
"Nakakaiyak ang katangahan ko," wikang muli ni Summer matapos mangalumbaba.
"Kami rin!"
Sabay-sabay silang nagulat.
"Kayo rin?" Tanong ni Jirou, at sabay-sabay namang tumango ang bawat-isa.
"Anong naging katangahan mo, pre?" Tanong ni Jimmy.
Napabuntong-hininga muna si Jirou bago nagsalita. "Nang magkaroon ng bagyo sa Pasig, nalunod ako sa baha," napabuntong hininga nanaman siya.
"Pare, ang malas mo!" Pabiro siyang hinampas ni Summer. "Pero gaano ba kataas ang tubig? Alam ko, hindi naman ganoon katindi ang baha sa Pasig ah."
"Hanggang talampakan, pare."
"Ano?!" Nanlalaki ang mga nila. Hindi sila makapaniwala.
"Putek pare! Hindi nga?" Tanong ni Summer. Wala pa rin silang humpay sa kakatawa.
"Hanggang talampakan nga, pero may sugat ako sa paa. Walang pampagamot dahil mag-isa lang ako sa buhay, at nangangalakal lang, hindi sapat iyon nang magkaroon ako ng Leptospirosis," aniya na mahihimigan ang kalungkutan sa boses. Hanggang ngayon ay inaalala niya pa rin ang buhay niya kaya nararapat lang talagang mapunta siya sa impyerno matapos niyang mapatay ng aksidente ang isang mangangalakal din na katulad niya.
"Ako? Normal lang. Nagpaalam akong magnanakaw sa isang bahay," wika ni Vladimir.
"Tangina talaga! Bangis mo rin p're!" Natatawang wika ni Raphael.
"Ikaw ba?" Binalikan siya ng tanong ni Vladimir, kaya naman napasimangot ito.
"Nabulunan, dahil sa katakawan."
"Ano? Nabulunan?!" Koro na naman nila, at saka nagtawanang muli.
"Grabe, RIP pare," nalulungkot na wika ni Juke.
"Ikaw ba, Juke? Papaano?" Balik na tanong rin ni Raphael.
"Sampal ng bakla." Sa pagkakataon iyon ay mas nabigla sila.
"Pero mukha namang hindi katangahan ang sayo, p're!" umakbay sa kanya si Vladimir habang nag-iisip.
"Katangahan pa rin iyon! Hindi ko kase nailagan."
"Nga naman," tatango-tangong wika ni Vladimir.
"Pero nakakamatay ba iyon?" Nagtataka si Jimmy.
"Oo kung mahagip ka ng ten wheeler truck, araruhin ng buss, at gulungan pa ng tricycle habang nasa kalye kayo," pagkatapos magkwento ay sumimangot din siya.
"At ano naman dahilan kaya ka mapupunta sa impyerno?"
Ngumiti ng mapait si Juke, "sikreto ko na iyon, Jonas."
Namutawi ang katahimikan ng ilang segundo...
"Aray!" Natigilan sila sa pagkikwentuhan ng dumaing si Summer.
"Napano ka?" Nag-aalalang tanong ni Raphael.
"Natusok iyong p'wet ko!" Pagkatapos kase nitong umaray ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa punso.
"Pare, nagambala mo sila," tinuro ni Juke ang punso, ngunit kinagat ang kamay upang hindi siya tuluyang manuno.
Sabay-sabay nilang tinignan ang punso, at nakita nila doon ang mga galit na galit na dwende.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko, Vlad?" Buong pagkamangha ni Jimmy habang nakatingin sa punso.
"Oo, nakikita ko ang nakikita mo, B2." Dahil sa paggaya nito sa boses ng Banana and Pajamas ay nabatukan si Vladimir ng mga kasama.
"Alien!"
"Aray naman, Juke!" Umakto pang nagdadrama si Vladimir.
Natigil ang pagtatawanan nila ng may sumabog mismo sa punso. Nagulat sila ng biglang umapoy iyon, at lumabos ang isang kwaderno.
"Iyong a-a-no," wika ni Vladimir habang puno ng pagkapitlag ang itsura, at tinuturo ang death note.
"Oo Vlad, kalma. Alam namin." Puno ng kaseryosohan ang mukha ni Juke. Ngunit nagulat siya ng lumapit sa kanya ang death note.
Muli na naman silang nagulat nang pumutok ang punso at lumabas ang makapal na usok. Mula roon ay nagpakita si Kamatayan.
"May nakalimutan akong sabihin. Mister R na lang ang itawag niyo sa akin."
"Kota na ang manunubos na ito, namili pa ng ipapangalan sa kanya," bulong ni Summer.
"Isa pa. Nakalimutan kong sabihin din na walang dapat makaalam sa pandaraya ko ng pagkamatay niyo. Malalagot ako kay Big Boss. See yaw!" Katulad ng usok ay naglahong tuluyan ang imahe nito matapos magsalita.
"Ano ng plano?" Tanong ni Raphael habang tinititigan nila ang death note na nasa lupa sapagkat hindi nila iyon mahawakan.
"Ang tanong muna ay kung anong gagawin natin dyan?" Itinuro nila ang mga katawan nila na nakapikit pa rin at animo'y natutulog lang.
Muli nanamang may pumutok, at nagkaroon ng makapal na usok. Tumawa nang kay lakas si Kamatayan dahil nagulat sila.
"May nakalimutan pa akong sabihin."
"Putek, ayos ah. Matanda na ang itong isang ito," Bulong nanaman ni Summer.
"Hindi iyan ang death note talaga. Style lang. Para naman maging cool rin kayong katulad ko."
"Mister R baka may sasabihin ka pa sa amin? Kanina pa kami nagugulat dito oh!" Reklamo na naman ni Summer habang sapo ang dibdib.
"Meron pa nga..."
"Ano iyon?" Kampanteng tanong ni Summer.
"Babawiin ko ang buhay mo sa susunod na bulong mo!" napalitan ng kaseryosohan ang boses ni Kamatayan habang ang usok ay tuluyang ng naglalaho.
Pakiramdam ni Summer ay natahing bigla ang kanyang bunganga sapagkat hindi niya magawang maibuka ang bibig. Hindi niya rin alam ang kanyang sasabibihin.
"Iyan kase, bulong pa," pang-aasar ni Vladimir. Sinamangutan lang siya ni Summer at sumunod na sa mga kasamang gumagawa ng bilog, at umupo.
"Akala ko magkakaroon pa tayo ng ibang raket maliban sa paghahanap sa anak ni Mister R, yow!" Huminga nang kay lalim ni Raphael. "Mabuti na lang at hindi tayo papatay. Mas maganda ng mamatay na lang ako at magdusa sa impyerno kaysa naman kumitil ng buhay ng iba upang mabuhay lang..." Tumingin sa kalangitan si Raphael at pumikit. Alam niyang makasalanan siyang tao, ngunit kahit minsan ay hindi pumasok sa isipan niyang gumawa ng makakasakit sa iba.
Dahil sa sinabi nito ay nagkaroon ng reyalisasyon ang bawat-isa at pinagmasdan ang kanilang mga katawan na nakahiga sa lupa. Pakiramdam nila'y magiging walang saysay din ang kanilang buhay kung hindi magagamit ang kanilang mga katawan.
Aksidenteng napadampi ang kamay ni Jimmy sa kamay ni Jonas. Laking gulat ni Vladimir ng gumalaw ang kamay ng katawan ni Jimmy habang umiilaw naman ang orasan ng paglalakbay.
"Jimmy, hawakan mo nga rin ang kamay ko!"
"Kingina ka Vlad! Hindi tayo talo 'no!"
"Gago, hayop ka rin para kwits! Hindi ako palamura, p're!" Dahil hindi sumang-ayon si Jimmy ay inagaw niya pa rin ang kamay nito nang sapilitan. Kung papaano ang nagiging galaw niya ay ayon din ang nagiging galaw ng katawan niya.
"Iyong k-katawan mo gumalaw," Itinuro pa ni Jirou ang katawan ni Jimmy.
"Hindi tayo talo, may gusto lang akong patunayan," nakasimangot na wika ni Vladimir, at binitawan na ang kamay ni Jimmy.
"Nang mahawakan ng isa ang isa ay nagkaroon ng koneksyon sa katawan ng isa. Kapag bumitaw naman ang isa ay mawawalan ng koneksyon ang isa," hinawakan din ni Juke ang kamay ni Vladimir, at gumalaw ang katawan nitong walang buhay. "Ibig sabihin, maari nating magamit ang katawan natin ulit!" Masayang wika ni Juke.
"Ang orasan ng paglalakbay ang siyang nandaya sa lahat ng magiging kapalaran natin matapos gumawa ng kasalanan. Maaring ito rin ang magiging daan upang bumalik tayo sa mga katawan natin," seryosong wika ni Jirou.
"Nakakapagtaka rin na noong nasa laboratoryo tayo ng Lalimbamba ay alam natin ang pangalan ng bawat-isa kahit hindi tayo magkakakilala. Isa pa, bakit nasa laboratoryo tayo? Anong kinalaman ng siyensya sa dapat nating puntahan?" Tanong ni Jonas.
"Maaring ang tatlong dimension ay may kinalaman sa bawat-isa!" Si Vladimir.
"Tama..." Nagpalakad-lakad sa gubat na iyon si Juke. "Siyensya, ang siyang nagliligtas sa mga taong babawian na ng buhay. Langit at impyerno, ang siya namang kasasadlakan ng taong mawawala na sa mundo. Ngunit wala pa ring kinalaman ang laboratoryo kung bakit tayo napunta doon pagkatapos mamatay-"
"Maaring isang makapangyarihang mahika ang siyang naging dahilan kung bakit tayo napunta doon. May posibilidad din na hindi totoo ang laboratoryo ng Lalimbamba," hindi na natapos ni Jonas ang sabihin matapos sumabat ni Raphael.
"Hindi nga malabong mangyari iyan Jonas," Sang-ayon ni Raphael.
"Mahirap maging gwapong kaluluwang gala," komento naman ni Vladimir.
"Oo, mahirap talagang maging kaluluwang alien na gala," pambabara naman ni Juke. Sumimangot na lamang si Vladimir sa kanya, at hindi na sumagot pa sapagkat may iniisip siyang posibleng gawin upang makabalik na sa kanilang mga katawan.
"Ilabas niyo nga ang mga hawak ninyong orasan," wika ni Vlad. Tinignan niya ang bawat likod nito matapos iabot ng bawat-isa. "Sabi ko na nga ba!" Tama nga ang naging hinala niya.
Kanina habang pinagmamasdan ni Vladimir ang kanyang sarili na nagnanakaw ay napansin niyang may nakasulat sa likod nitong letra na JY. Nang hawakan niya naman si Jimmy ay gumalaw ang kamay nito.
"Maaring nagkapalit-palit tayo ng orasan." Komento ni Jirou. Isa-isa nilang tinignan ang orasan na hawak nila, at pinagmasdan ang bawat letrang nasa likuran nito.
"Tssk, una at huli ng pangalan natin. Ang galing ni Mr. R," nakasimangot na wika ni Summer.
"Maaring may meaning iyan. Pero hindi ko alam," Wika ulit ni Jirou.
Sinubukan nilang pagpalit-palitin ang mga hawak na orasan ayon sa mga hula nila.
"Walang talab," dismayadong wika ni Juke.
"Eh kung..." sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan nanaman ni Vladimir ang kamay ni Jimmy. Laking gulat nila ng tumayo naman ang kalahati ng katawan ni Jimmy, at nang bitawan ni Vladimir ay plakda ito sa lupa.
Napangiwi si Jimmy. Pakiramdam niya'y nagkanda bali-bali ang katawan niya.
"P're, torture! Kanina mo pa ginagawang ekperimento ang gwapo, inosente, at may abs kong katawan!"
"Huwag mong hintayin na murahin kitang muli, Jimmy," nakasimangot na wika ni Vladimir. "Dahil magkakakonekta ang bawat-isa, paano kung?" Siya na mismo ang kumilos upang maghawak-hawak ang kamay ng nila.
Matapos ang lahat ay siya naman ang humawak sa kamay ni Jonas at Jimmy.
Laking gulat nila ng magliwanag ang mga katawan nila. Ang sumunod na nangyari ay nagdilim na ang buong paligid.
-----o-----
~KAALAMAN~
Zeus- Si Zeus ay isang diyos ng kalangitan at ipinapalagay na kontrolado niya ang hangin, ulap, ulan, at kulog. Siya ay anak na Titan na si Kronos. Pinakapinuno ng mga Dyos at Dyosa ng Griyego.
Kronos- Kung sa Mitolohiya ay mas kilala siya bilang Saturno. Siya ang pinuno ng mga higanteng Titan at may kakayahang kontrolin ang oras.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top