Chapter 9: How can I smile?

Joelle POV

May ilan isla pa ulit kaming pinuntahan. Nilalagyan ko ng X sa mapa ang bawat isang napuntahan na namin. Every weekend ay pumupunta kami dito. Dalawang buwan din nag-stay dito si Kuya Daniel. Kaya ng bumalik siya sa Canada si Gabriel at Kuya Alex na lang ang kasama ko.

Hindi pa rin ako nagsasawang manawagan sa TV at radyo station. Pati sa mga diaryo ay lagi ko ipinapaanunsyo ang larawan ni JX. May reward pa nga na hindi matatangihan. Kaya lalong maraming nang loloko. Hindi naman nila magoyo si Kuya Alex.

Pinagbigyan ko ulit ang isang news conference. Mas mabuti rin naman lagi ako sa TV para hindi malimutan ng tao si JX at baka may makakilala na rin sa kanya.

Reporter 1: “Joelle, hindi ka ba napapagod sa paghahanap sa asawa mo at sa pagpapatakbo ng MGC?”

Joelle: “Hindi po. Hindi ko po isusuko ang paghahanap kay JX. Ang MGC po ay mahalaga para sa asawa ko kaya hindi ko rin po dapat pabayaan.” Seryoso kong sabi.

Reporter 2: “Ano ang masasabi mo sa mga taong nagsasabing, patay na ang asawa mo?”

Joelle: Mas lalo akong nalungkot. “Hindi ko naman po sila masisisi kung iyon ang iniisip nila. Pero hangga't hindi ko po nakikita ang labi ng asawa ko hindi po ako mawawala ng pag-asa. Sa isang pelikula ni Tom Hanks na Cast Away, limang taon po bago siya nakita. Apat na buwan pa lang pong nawawala ang asawa ko kaya malaki po ang pag-asa kong makikita ko siya.”

Reporter 3: “Joelle, ano ang masasabi mo sa balitang nagbago ka na raw? Hindi na ikaw ang dating masayahin tao na laging nakangiti.”

Joelle: “Pagpasensiyahan nyo na lang po ako kung hindi ko po makuhang ngumiti. Hindi po madali ang lahat ng pinagdadaanan ko. Sana po maunawaan niyo. Nawawala po ang taong nagpapangiti sa akin.”

Reporter 1: “Ano naman ang masasabi mo sa mga balitang kumakalat na may mga nanliligaw na sa iyo na gustong maging ama ng isisilang mong sanggol?”

Joelle: “Tulad pa rin po ng dati, wala pa rin po silang maaasahan sa'kin. Iisa lang po ang kikilalanin ama ng magiging mga anak namin. . . ang tutoong tatay nila si JX Montecillo.”

Reporter 2: “Tama ba ang rinig ko na sinabi mong. . .mga anak at nila? Does it mean na more than one ang ipinagbubuntis mo, kambal ba?”

Joelle: “Opo, more than one po ang mga sanggol sa sinapupunan ko.”

Reporter 3: “Alam ba ni JX Montecillo na magkakababy na kayo? Dahil according sa aming source, si JX daw ang nagpumilit na umuwi nung araw na iyon?”

Joelle: Para kong binuhusan ng malamig sa tubig sa nalaman ko. Hindi agad ako makasagot, si JX ang nagpilit umuwi? “Hindi po alam ni JX na nagdadalang tao ako. Nang magkausap po kami ng umagang iyon, sinabi ko lang po. . . I have a “best news ever” pero hindi ko po sinabi sa kanya dahil gusto ko po ay personal kong sabihin iyon sa kanya.”

Reporter 1: “So, maaring iyon ang dahilan kaya nagpilit siyang umuwi agad?”

Joelle: “I don't think so, he will not risk himself and other peoples life just because he wants to go home that day! Sinabi niya sa akin na may bagyo at baka kinabukasan na sila maka-uwi. At sumang-ayon ako. Again, he will never take that risk! Alam na alam niya kung ano ang pinag daan ko dati hindi niya nanaisin maulit muli ang sakit na naramdaman ko.” Madiin kong sabi at palagay ko matalim din ang mga mata ko. Ayokong sisisihin nila ang asawa ko sa aksidenteng naganap.

Reporter 2: “Naulit na naman ang traheya sa buhay mo Joelle. Alam namin na mas masakit ngayon para sa iyo dahil saksi ang buong Pilipinas sa pagmamahalan niyo ni JX. Paano mo nakakayanan ito?”

Joelle: “Dumating din po ang oras na gusto ko ng sumuko dahil sa sakit na raramdaman ko pero nagkaroon po ako ng bagong pag-asa dahil sa mga sanggol sa aking sinapupunan. Sila ang nagbibigay ng lakas sa kin upang hindi ko isuko na mahahanap namin ang tatay nila . . . ang mahal kong asawa. . . My Prince Husband!”

Reporter 3: “Nabanggit mo ang tungkol sa Prince Husband – ang album ni JX na “My Princess Wife” ay isa na naman platinum awardee. My Princess wife ba talaga ang tawag niya sa iyo.”

Joelle: “Iyon po ang huling tawag niya sa akin nung umagang nagkausap kami sa phone. . . My Princess Wife!”

Angelo POV

Dalawang buwan na ang nakalipas. Ako pa rin ang nagdadala ng isda at lamang dagat sa Isla Jon-elle dahil kada weekends ay nandon sila Joelle. Paborito pala ni Joelle ang sea foods kaya iyon lagi ang ihinahanda ni Aling Tale.

Lagi ko rin siyang dinadalhan ng buko at bayabas. Ang gana gana niyang kumain bayabas at sinisipsip ang sabaw ng buko at minsan ay ngingiti habang hawak ang tiyan niya. Parang gusto kong haplusin ang maumbok niyang tiyan. Ang ganda pa rin niyang pagmasdan kahit buntis siya.

Bumalik na si Princess sa trabaho niya sa Ospital sa Pangasinan bilang isang nurse. Si Inay ang nag-aalaga kay Baby Angela. Kaya pag gising ko sa hapon. Nakakapanood ako ng balita sa TV sa Baranggay Hall. Avid fan nina JX at Joelle si Kapitana kaya sinasabihan agad ako pag nasa TV si Joelle. Kunwari ay iniintay ko si Princess sa pag-uwi kaya ako nakatambay dito. Sa madaling araw ay aalis kami ni Pedro para mangisda. Bihasa na rin ako sa pangingisda.

Elo, madali ka at nasa TV ulit ang crush mo!” tawag ni Kapitana. Pasukan naman kami sa Baranggay Hall dahil hindi lang naman ako ang may crush kay Joelle. Halos lahat ata ng kalalakihan ay pinapangarap siya dahil hindi lang siya maganda, super talino pa pala siya.

Reporter 2: “Ano ang masasabi mo sa mga taong nagsasabing, patay na ang asawa mo?”

Hanga ako sa tatag ng paninindigan niya na mahahanap niya ang asawa niya. Umaasam din ako makita niya ang lalaki, para sumaya ulit siya. Aminado naman ako sa sarili ko na pangarap lang siya lalo ngayon ang dami kong depekto sa katawan. . . kaya ng tawag ng ibang mapang-inis dito sa isla sa akin ay Mr. Defecto. Okay lang , ayaw ko ng away at tutoo naman ang sinasabi nila.

Reporter 3: “Joelle, ano ang masasabi mo sa balitang nagbago ka na raw? Hindi na ikaw ang dating masayahin tao na laging nakangiti.”

Sino ba naman tao ang hindi magbabago kung hindi mo makita ang taong nagpapasaya sa'yo. Ako na may asawa't anak. Hindi masaya kundi ko makita si Joelle. Wala talaga akong amor na nararamdaman para kay Princess. Pinagbigyan ko lang siya sa pangungulit niya magsiping kami isang gabi. Buti at binigyan ako ng proteksiyon ng mga volunteer para sa family planning. Nagawa kong sipingan siya na ang nasa isip ay ang magandang mukha ni Joelle. Parang ang pakiramdam ko pa ay nagtaksil ako kay Joelle sa halip na kay Princess.

Reporter 1: “Ano naman ang masasabi mo sa mga balitang kumakalat na may mga nanliligaw na sa iyo na gustong maging ama ng isisilang mong sanggol?”

Hindi pa rin imposibleng marami pa rin ang manligaw sa kanya. Kung wala lang siguro akong diprensiya isa ako sa makikipila para mapansin niya.

Reporter 2: “Tama ba ang rinig ko na sinabi mong. . .mga anak at nila? Does it mean na more than one ang ipinagbubuntis mo, kambal ba?”

Kambal ang ipinagbubuntis ni Joelle? Na-excite naman ako bigla. Ano kaya ang feeling pag kambal ang anak? Dapat pala dagdagan ko ang bayabas at buko na dinadala ko sa kanya. Sabi Aling Tale gusto daw akong makilala ni Joelle. Pagkakataon ko na sanang maging kaibigan siya pero nahihiya ako dahil sa kapansanan ko. Tama na ang pagmasdan ko siya sa malayo.

Reporter 3: “Alam ba ni JX Montecillo na magkakababy na kayo? Dahil according sa aming source, si JX daw ang nagpumilit na umuwi nung araw na iyon?”

Nakadama ko ng awa para kay JX dahil hindi niya nalaman buntis ang asawa niya. Ako nga hindi asawa ni Joelle ay excited na excited sa kambal nila. Maaring iyon nga ang dahilan para magpilit umuwi si JX pero bakit parang siguradong siguro si Joelle na hindi iri-risk ng asawa ang buhay para makita siya? Kung ako si JX, susuuing ko ang lahat ng panganib makita ko lamang siya.

Reporter 2: “Naulit na naman ang trahedya sa buhay mo Joelle. Alam namin na mas masakit ngayon para sa iyo dahil saksi ang buong Pilipinas sa pagmamahalan niyo ni JX. Paano mo nakakayanan ito?”

Ano kayang trahedya ang tinutukoy ng reporter? Hanga ako sa sagot ni Joelle, ang galing niya talaga. . . ang anak nila ang nagpapalakas ng loob niya. Ako rin naman tanging si Baby Angela lang ang nagiging koneksiyon namin ni Princess. Hindi kaya dahil nabuntis ko lang siya kaya ko siya naging asawa? Mahal ko kaya talaga siya?

Reporter 3: “Nabanggit mo ang tungkol sa Prince Husband – ang album ni JX na “My Princess Wife” ay isa na naman platinum awardee. My Princess Wife ba talaga ang tawag niya sa iyo.”

My Princess Wife? Natigilan ako sa narinig ko. . . My Princess Wife ang tawag ni JX kay Joelle. Nang magising ako ang napanaginipan ko ay. . .“My Princess wife, I miss you so much. . . wait for me. . .I'll be home soon!” ang sinasabi ko sa babaing malabo ang mukha. Pero parang ang galing kong mag-english. Album pala iyon ni JX at alay kay Joelle. Nagkataon lang kaya iyon? Oo, imposibleng talagang maging si JX Montecillo ako. Tiningnan ko ulit ang sarili ko salamit sa mata ko. Imposible talaga. Ang mata ko lang ang may hawig sa asawa niya.

Princess POV

Medyo napaaga ako ng uwi ngayon. Akala ko ay madadatnan ko si Angelo sa pangpang tulad ng mga nakaraan mga araw at iniintay ako. Nandito rin siya sa bayan pero nasa baranggay hall daw. Pasok ako sa Baranggay Hall, tutok na tutok ang mga tao sa panonood sa news dahil ang bruhang babae na naman ang nasa news. Nagpapa-awa effect na naman.

Naabutan ko ang huling tanong ng reporter. So, My Princess Wife pala ang tawag ni JX kay Bruhilda. Bigla akong namutla sa naisip ko. Princess – ang isinigaw ni JX nung magkamalay siya. Hindi kaya nagpanaginipan niya si Joelle? Kaya niya ko tinanong kung ako si Princess? Tiningnan ko ang itsura ni Angelo, natigilan siya sa sagot ni Joelle. Naalala kaya niya ang panaginip niya. Kailangan makaisip ako ng kuwento.

Lumapit ako kay Angelo na nakatutok pa rin sa TV dahil ipinapakita ang mga dating picture ni Joelle nung lagi pa itong nakangiti. . . and tawag ng media sa ngayon ay Mrs. Coldhearted dahil hindi na raw marunong ngumiti.

Angelo, uwi na tayo.” medyo nagulat siya ng makita ako.

Ttt-thank you, ka-ka-kapitana! U-u-uwi na k-kami ng M-My Pr-princess W-wife ko!” paalam ni Angelo kay Kapitana. Natuwa naman ako sa sinabi ni Angelo at kinilig. . . ako daw ang princess wife niya. . . umaayon na naman sa akin ang pagkakataon.

Habang naglalakad kami, maganda ang ngiti ni Angelo. “Gusto ko ang sinabi mo kina Kapitana na ako ang Princess Wife mo. Kinilig ako don.”

Bu-buti na na-na-gustuhan mo. Nga-nga-ngayon ko lang b-ba si-si-sinabi sa i-iyo iyon?”

Medyo nag-isip ako. “Hindi. Iyan talaga ang tawag mo sa'kin. Pag tumatawag ka lagi mong sinasabi na gusto mo ng umuwi, my princess wife, dahil na-mi-miss mo na ko at ang magiging baby natin.” pagsisinungalin ko ulit. Hindi ko siya tinitingnan. Natahimik naman siya bigla at nawala ang ngiti.

A-a-ah, ga-ga-ganon ba? Ka-ka-kaya pala i-i-iyon ang na-na-napanaginipan ko nung ma-ma-magising a-ako!” sabi niya. So, tama ang hinala ko. Buti na lang galing kong gumawa ng kuwento. Hindi naman ako tinatawagan ng tutoong Angelo mula ng mag-Dubai siya kaya nagulat ako na naaksidente siya.

Noon pa ko pinauuwi ni Mama para makita ang apo niya pero ayokong umuwi dahil makikilala nila na hindi tutoong si Angelo ang kasama ko. Lalo na si Papa, ka-business deal niya si JX Montecilllo for sure na makikilala niya ito. Kaya napilitan akong mag-trabaho sa ospital dito dahil kulang na ang allowance na ibinibigay ni Mama dahil malakas sa gatas at diaper si Angela. Konti lang naman din ang kita ni Angelo sa pangingisda.

Titiis ko na lang muna ang ganitong buhay. Kasama ko naman ang lalaking pinapangarap ko noon pa. Kahit nga one night stand ay papayag ako makatabi lang siya sa kama. Dati daw playboy si JX Montecilllo kaya for sure na magaling sa kama. At hindi nga ako nagkamali, sobrang init ng love making namin nung isang linggo. Sana magka-anak kami para tutoong may habol ako sa kanya. Aaraw-arawin ko ang pang-aakit sa kanya.

Angelo POV

Nawala ang mainit na pag-asang inaasam ko na baka ako si JX Montecillo at si Joelle nga ang My Princess Wife na tinatawag ko. Pero iyon din pala ang sinasabi ko kay Princess. Huwag kang umasa, Angelo, hindi isang mahirap na katulad mo ang mapapansin ng isang Joelle Montecilllo. Nalungkot tuloy ako hanggang umuwi.

Di bale, bukas sabado makikita ko naman si Princess Joelle.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top