Chapter 7 - A Friend or Foe?

 Marie POV

Saglit kaming nag-intay ng elevator at nag-uusap sina Miss at Mr. William Nobledo.

I didn't know that it's your plan to work in MGC, I thought you're going to handle your own business, Mr. Nobledo?” tanong ni Miss na parang matagal na niya kakilala si Mr. Nobledo.

Change of plan, when I heard what happened to your husband. I thought you will need a friend, Joelle.” wow, first name basis talaga. Sino siya?

Call me, Mrs. Montecilllo inside the office, Mr. Nobledo. I don't want to talk about personal things during office hours.” malungkot na sabi ni Miss.

Pagdating namin dito sa office pupuwesto na sana ko sa table ko. . . “Marie, come with us inside the office.” sabi ni Miss kaya sunod lang ako.

Would you like coffee, Mr. Nobledo?” tanong ni Miss at sumang-ayon naman ang lalaki. “Please give him coffee, Marie and can I get my milk now?” Dagli akong lumabas para magtimpla ng kape at kumuha ng gatas ni Miss dahil dumating na yung pinabili ko.

Pasok din agad ako sa room at seryoso silang nag-uusap ng tungkol sa mga paper works na nasa table ni Miss.

Tumayo si Miss na muntik ng matumba pero maagap na naalalay ni Mr. Nobledo at iniupo ulit.

Dapat nagpapahinga ka sa kalagayan mo, Joelle. Delikado ang first trimester ng pagbubuntis.” sabi nito.

Hinawakan ni Miss ang tiyan niya at kinausap. “You need to be stronger like Nanay, my baby, we're still going to look for your Tatay.” at ngumit siya ng pilit. Unang ngiti niya sa office mula kaninang umaga. “Don't worry about me, medyo nahilo lang ako.”

Kailangan mo laging kumain, Joelle, ano ba ang pinaglilihian mo?” tanong ulit ni William. Maki-first name basis na rin ako.

I'm craving for some Apples like Granny Smith, Lady Pink at Golden Delicious and guavas and coconuts.” sabi ni Miss. Aba may pangalan pa ang mga apples at sosyal pa. Anong apples kaya yon. Sa akin pare-parehas lang ang apples.

Nangangasim ako sa gusto mo but I guess ganon talaga ang buntis.” nakangiting sabi ni William. Lalo siyang gumuapo. May tinawagan sa phone at parang nagpabili ng apples. Wow, caring husband ang peg niya. Gusto ba niya palitan si Boss?

Nag-CR lang si Miss at balik trabaho ulit. Pinag-stay lang ako ni Miss dito sa loob ng office habang nag-di-discuss sila. Ako muna daw ang magiging sekretary ni William. Dumating na rin yung apples, guava at coconut ni Miss. Green apples pala yung Granny Smith. Wala daw Lady Pink at Golden Delicious Apples. Inalok pa kami pero tumanggi kami. Baka antukin pa kami pag nakisalo kami sa buntis.

Dito na rin kami nag-lunch at noon lang tinawag ni Miss sa nickname ang lalaki, Liam. Medyo catch-up moment sila. Magka-klase at magkaibigan pala sila sa Harvard nung nag-aral sila don. Kaya pala sila magkakilala.

After lunch, balik trabaho ulit sila at nakarating naman agad yung lawyer kaya idiniscuss nila yung terms pag pumalit si William as OIC.

Joelle POV

Medyo gumaan ang pakiramdam ko na mapagkakatiwalaan ko sa trabaho ang pansamantalang papalit sa akin as VP. Matalino rin si Liam kaya lagi ang grupo namin ang nangunguna sa report at kami ni Liam ang naglalaban sa top 1. Lagi nga lang akong lamang kay Liam. May katulong kasi ako – tinuturuan ako ni Mister M sa mga hindi ko maintindian.

Trabaho – Bahay lang ako. Si Kuya ang sumusundo sa kin sa hapon at si Gab ang kasabay ko sa umaga. Nagpa-unlak din ako sa mga interview after office hours para manawagan pa rin sa mga tao. Sana may nakakuha lang talaga sa asawa ko. Si Kuya Alex kasi ang naghahanap kay JX.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng dumating ako. At halos natapos ko na rin ang mga paper works na naipon sa loob ng dalawang buwan. Iniuwi ko kasi ulit ang trabaho ko sa condo, sa condo ko nag-i-stay hindi sa Palace namin dahil mas convenient sa akin. Wala naman magbabawal sa akin at ngayon lang naman ito dahil naipon. Mas mabuti ang magbasa kaysa mag-iiyak sa gabi.

Lagi ko rin kinakausap ang bata sa sinapupunan ko. Ginamit na rin namin yung condo ko sa kabila doon muna nag stay si Kuya para mas malapit siya sa akin. At pag alis ni Kuya, gusto ni Mommy na lagi akong may kasama. Kaya yung isang kasambahay na si Mari ang titigil sa kabilang unit. Ayoko kasing ipagalaw itong unit ni Mister ang library at music room gusto ko ganon pa rin.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top