Chapter 6 - Ang Bagong Mrs. Joelle Montecillo
Joelle POV
Nagising ako na nandito pa rin sa ospital. Nakita ko si Reese at Ben at si Kuya na nag-uusap-usap.
“Kuya.” mahina kong tawag. Agad naman silang lumapit sa akin.
“Joelle girl, how are you na?” mangiyak ngiyak na bati ni Reese sa kin. Nagbabakasyon siguro dito si Reese ngayon para magkasama ng nobyong si Ben. Yumakap siya sa akin at humalik. Ganon din sa Ben. “I'm so glad your awake.” Matipid akong ngumiti sa kanya. Kung ngumiti nga ang labi ko.
“Kuya, gusto ko ng umuwi.”
“Sige, tawagin ko si Dra. Baker para macheck ka ulit at uuwi na rin tayo.” sabi ni Kuya. Ang ibig kong sabihin umuwi ay umuwi sa Pilipinas.
Tinawag nga ni Kuya si Dra. Baker at kina-usap ulit ako. Pinayagan naman akong umuwi sa bahay pero hindi pa ng Pilipinas. May apat na session pa daw kami. Dalawang beses sa isang linggo para matiyak na okay na ko bago niya ko payagan umuwi ng Pilipinas.
“Reese, ano ang balita sa Pilipinas?” nag-stay sila ni Ben dito sa bahay nina Kuya. Nasa basement kami. Kadarating lang niya, a week ago.
“Hindi tumitigil si Tita Chelsie, sa paghanap kay JX pero wala pa rin magandang balita.” malungkot na sabi ni Reese.
“Huwag kang mawalan ng pag-asa, Joelle, makikita rin nila si Bestfriend. Huwag kang susuko.” malungkot din na sabi ni Ben.
“Hinding-hindi ko isusuko ang paghahanap sa asawa ko. Sana nga payagan na nila kong umuwi para maumpisahan ko na. Kailangan makita ko siya bago ko mailabas ang baby namin.” Hinawakan ko ang tiyan ko na alam kong nasa loob ang bunga ng pag-mamahalan namin ni JX.
Kanina, parang gusto ko na lang sumuko at mamatay. Pero naalala kong may buhay sa sinapupunan ko. Buhay na nagbigay sa akin ng bagong pag-asa para lumaban sa mundo at hindi isuko ang kanyang ama. Siya ang nag-iisang ala-ala ng kanyang tatay sa akin.
“Anak, ngayon pa lang mahal na mahal ka na ni Nanay. Huwag kang mag-alala, mahahanap natin si Tatay.” sabi ko habang hawak ko ang tiyan ko.
Nanay at Tatay ang napag-usapan namin ni JX na itatawag sa'min ng anak namin. Gusto lagi ni JX ay tagalog ang tawag sa amin. Mismo noong nanliligaw pa lang siya ay Mahal ko ang tawag niya sakin. At naging Misis M, dahil Mister M ang tawag ko sa kanya, english rin dahil mahaba ang Ginoo at Ginang. At english din ang huli niya tawag bago siya nawala. My Princess Wife, pero dahil iyon ang title ng bago niyang album.
==
Natapos ang apat na session namin ni Dra. Baker at naging consistent naman daw ako sa mga sagot ko. Ang tanging comment lang niya at ang nawala ang buhay ng mga mata ko pati ang labi na hindi na marunong ngumiti. Pinilit ko pa ngang magbiro na babalik din ang ngiti ko pagnahanap ko na ang asawa kong magpapangiti sakin. Pero parang hindi na epektibo ang biro ko. Hindi sila natawa. Ako rin naman hindi napangiti. Nawala na rin ang pamimilosopo ko! Wala na kong sense of humour!
==
March 3
Dumating kami ni Kuya Daniel sa NAIA Terminal 2. Sinamahan niya kong umuwi, hindi na sumama si Mama dahil siya ang nagba-baby sit kay JD pagkagaling sa school dahil nandito sa Pinas si Mommy at hindi rin makapag-leave si Ate Gel.
Nagulat ako sa dami ng mga reporter na sumalubong sa'min. May nag-leak na naman ng information na uuwi ako. Ang dami nilang tanong na hindi na naregister sa utak ko. Pero ng marinig ko ito. . .
“Joelle, bumalik ka ba para makuha ang ari-arian ipamamana sa'yo ng asawa mo?”
Nag-init ang ulo ko at parang gusto kong ingudngud sa semento ang nguso ng bading na reporter. Pero tiningnan ko lang siya ng masama at hindi na kumibo. Buti hinarangan na ko ni Kuya Daniel para hindi ma-interview. Wala ako sa mood makipag-away. May mas mahalaga kong gagawin. Maraming responsibilidad ang naiwan namin mag-asawa. Ang MGC, dalawang buwan nagkakagulo dahil nag-aagawan sa puwesto ang Board of Directors. Iyan ang balitang nasagap ko kay Marie bago ko umuwi dito. Bukas ay may meeting agad ako sa board para ayusin ang usapin sa puwesto. Hindi ko naman sila masisisi dahil wala ang President/CEO at Vice-President.
Okay na rin may media ng dumating ako dahil magagamit ko ang media sa paghanap kay JX. Pero personal pa rin akong maghahanap at uumpisahan ko sa lugar kung saan bumagsak ang helicopter. Dalawang buwan pa lang ang nakalipas may posibilidad na may nakakuha sa asawa ko at hindi pa lamang ibinabalik.
==
Balik na ko sa MGC kinabukasan, may mga empleyado na nasa lobby na marahil ay nag-iintay sa akin dahil nalaman babalik na ko. Si Gabriel ang kasama ko sa pagpasok.
“Good Morning, Miss Joelle, Welcome back!” chorus nilang bati.
“Good Morning!” Malamig kong tugon at derecho na lobby para sumakay ng express elevator. May mga narinig akong comment.
“Bakit ganyan si Ms. Joelle, parang walang buhay ang itsura?”
“Parang hindi siya ang dating masayahin na si Ms. Joelle. Walang ka-ngiti-ngiti.”
“Parang napaka-suplada na niya.”
Hindi ko pinansin ang mga comment nila. Derecho kami ni Gab sa express elevator. Si Gab bumaba na sa 75th floor. Siya ang bagong IT Director mula nung naging Vice-President ako. Dumarecho sa 79th Floor kung asan ang opisina ko. Sa next floor ang opisina ni Mister.
“Good morning, Ms. Joelle, welcome back!” Excited na bati ni Marie at ng mga staff ko dito.
“Good morning!” wala pa rin akong ngiti at dumarecho sa opisina ko. Kasunod ko pa rin si Marie.
“Coffee, Miss?” tanong ni Marie. Nakasanayan na nila ang pagtawag sakin ng Miss or Miss Joelle kahit na mag-asawa na kami ni JX. At Joelle lang pag nasa labas kami ng opisina.
“I can not drink coffee anymore. Don't you see, I'm pregnant?” pasuplada kong sabi ni Marie. Natahimik naman siya marahil ay mapikon. Pero hindi ko makuhang mag-sorry.
“Please give me some milk for pregnant women instead. Ask someone to buy it.” sabi ko na hindi pa rin ngumingiti.
Nakita ko ang nakatambak na files sa table ko. Napahinga ko ng malalim. Kailangan ko talagang mag-focus ngayon sa trabaho. Ayokong malugi ang kumpanya ng pamilya ng asawa ko. Kailangan nasa ayos ang lahat pag balik niya.
“Call me when the Board Member are already waiting at the conference room before 9:00 AM. I might not notice the time. One more thing, make a memoradum for all offices that no one should call me Miss Joelle anymore. They can address me as Mrs. Joelle Montecillo from now on. That's includes you. You can leave now, Marie, Thank you!” seryoso kong sabi.
Lumabas na nga si Marie sa silid ko.
Marie POV
Bakit ganon si Joelle? Two months kaming hindi nagkita pero parang hindi niya ko na-miss at nasaktan ako sa mga sinabi niya. Namimilosopo siya pero alam kong hindi biro iyon. Seryosong seryoso siya at kelan pa siya nagpatawag sa last name? Ngayon, memo for all office pa daw, eh, halos lahat. . . Miss or Miss Joelle ang tawag sa kanya. Dahil iyon ang tawag ng mga IT Staff niya dati na siya mismo ang nagsabi. Two years na siyang Mrs. Montecilllo pero hindi naman niya pinababago ang tawag sa kanya.
“Miss Marie, bakit ganoon si Miss Joelle ngayon? Hindi man lang maka-ngiti.” tanong ng isang taklesang tsimosang clerk dito.
“Ikaw ba makakangiti kung hindi mo pa nakikita ang asawa mo?” Papilosopo kong sagot! “At bawal na siyang tawagin Miss Joelle from now on. . . Mrs. Joelle Montecilllo na daw.”
Umupo ako dito sa table ko sa harap ng computer para gumawa ng memo. Tutok na tutok pa naman ako sa Romance story na binabasa ko sa wattpad. “Mesmerized 2: Mister Playboy Loves Miss Naive.” Nakakatuwa kasi yung bidang babae, ang kulit at tatanga tanga sa kamunduhan. May tao pa palang ganon sa 21st century pero funny siya, Natapos ko na kasi yung Mesmerized: Mister Playboy Meets Miss Naive, super guapo at hot ang playboy na bida. Parang si Bossing lang at parang si Miss yung bidang babae. Ha ha ha.
[A/N: Promote promote lang pag may time. ;-)]
==
Bago mag 9AM tinawagan ko si Miss, este Mrs. Montecillo. Lumabas naman agad siya, poker face pa rin. Ipinakita ko yung ginawa kong memo. Binasa niya na wala pa ring reaksiyon at pinirmahan agad. Akala ko pa naman bigla siyang tatawa at sasabihin, I'm just kidding sabay wacky! Pero wala - seryoso siya talaga. Dumarecho sa elevator at sumunod ako. Nasa taas ang conference room for the Board of Director. Sunod naman ako sa kanya dala ang video cam, laptop at ibang mga documents.
“Good Morning, Everyone!” Malamig na bati ni Mrs. Montecilllo sa mga nag-nag-uusap-usap na Board members. Bigla naman silang natahimik ng makita ang poker face na si Joelle. [Joelle or Miss muna itawag ko sa kanya – POV ko naman to] Umupo si Miss sa puwesto ng VP at tiningnan ang puwesto ng P/CEO.
“I called you for this meeting to discuss and settle the positioning in the Board, as the P/CEO is currently away. I am here to represent him as VP. You can give me some suggestion now!” poker face pa rin si Miss at tumahimik sandali.
“Miss Joelle, is it true that you're pregnant? How many months?” tanong ni Mrs. Salvacion.
Tumingin ni Miss sa nagtanong na babae. “When did you shift your designation from MGC Board of Director to Celebrity Reporter, Mrs. Salvacion?” papilosong tanong ni Miss. Medyo natawa naman ang ibang board members. “That question was already in the news since last night! And please, starting today, address me as Mrs. Joelle Montecillo, Marie will give you the signed memo.” Natahimik ulit ang board sa matigas na tinig ni Miss.
“Is there any other interesting suggestion?” madiin na tanong ni Joelle nang mapansin sasagot pa sana Mrs. Salvacion at tinapunan ng matalim na tingin naikagulat ng may katabaan na babae. Si Mrs. Salvacion ay napaupo lamang sa board dahil sa iniwan puwesto ng namayapang asawa. Nasa koleyo pa ang mga anak. Walang alam sa negosyo at mas updated sa showbiz. Isa siya sa avid fan nina JX at Joelle. Na dati ay magiliw na sinasagot ni Joelle ng maayos ang mga pasaring nitong tanong tungkol sa kanila. Maaring ito rin ang nagbibigay ng impormasyon sa media kung paano nila nalaman na uuwi si Joelle sa Pilipinas.
“Mrs. Montecillo, can you move-up to President/CEO position - and we can fill the position of the Vice-President.” suggestion ni Mr. Alejandro Nobledo. Mag re-retire na rin si Mr. Nobledo at ipapalit ang anak na nag-aral din sa Harvard. Nagpasa na siya ng retirement at one month ng pending dahil hindi pa nababasa ni Joelle or JX.
Tumingin si Miss sa nagsalita at parang wala siyang buhay na nagsalita. “That's a very tempting suggestion, Mr. Nobledo but my husband will remain the President/CEO of this company.”
“But Mr. JX Montecilllo, is nowhere to be found right now, almost everybody believe that he's dead already.” sabi pa ng lalaki na parang iritable.
“As you said, almost everybody believes but that didn't includes me.” parang punyal ang itinapon tingin ni Miss kay Mr. Alejandro Nobledo.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita na tumitingin sa bawat miyembro ng board. Parang saglit siyang natigilan sa katabing lalaki ni Mr. Nobledo pero agad rin binawi. “The position of the P/CEO will remain to my husband. I can only seat as an OIC for now but don't expect too much from me to triple your investment just like my husband did when he was just starting. I know you will agree that he was the only one who did that since the history of MGC. Isn't it better to hope and pray that he is still alive so you can put more money in your pockets?” Matigas at nakakainsultong salita ni Miss.
Natahimik ang board at nagpatuloy sa pagsasalita si Miss. “I hope everybody agree to me? If you're still doubtful that his gone, do not extend your sympathy to me as I will never accept it. It's better that you remain silent in my presence. I hope that its the last time that someone from MGC Board of Director will ever think that he's gone for good.” Hindi niya binabanggit ang salitang dead instead she's just saying gone.
Tahimik pa rin ang board member. Kaya nagpatuloy pa rin si Miss sa pagsasalita. “Right now, I need someone to seat as an OIC for my current position as VP. Any nomination?” Iginala ulit ni Miss yung tingin niya sa board. Lahat dito pinagbobotohan.
“I would like to nominate Mr. Matthew Roxas.” sabi ng Miss Lauren, isa na rin sa new generation ng board. At malagkit na tumingin kay Mr. Roxas. Tumayo si Matthew at itinaas ang kanan kamay parang pagsaayon at nakatingin kay Joelle. Tumango lang si Miss.
“Does everyone agree or any other nomination?” tanong ulit ni Miss.
“I would like to nominate my son, who will replace me, William Nobledo.” sabi ni Mr. Alejandro Nobledo. Tumayo din si Mr. William Nobledo at kumaway. Tumango lang din si Miss.
“I would like to nominate myself, Peter Buenavista.” Isa na rin ito sa new gen ng board. Tumayo rin at nagbigay galang kay Miss. Tumango lang si Miss at nag-iintay pa.
“I move that the nomination be closed.” sabi ng isang matanda lalaki. Hindi ko alam lahat ang pangalan ng board member. Pero si Miss for sure, kilala niya lahat.
“I second the motion.” halos sabay sabay na sabi ng ibang members.
“Now, the nomination for OIC - VP will be closed. I will give each one of you to briefly introduce yourself to the other board members.” At may pinidot pindot si Miss sa screen ng laptop niya habang nagpapakilala isa isa ang tatlong guapo lalaki. Sina Sir Matthew at Sir Peter, mga dating manliligaw ni Miss Joelle. Si Sir William Nobledo, ngayon ko lang nakita.
High tech ang botohan namin dito sa MGC. Mismong si Miss Joelle an gumawa ng system na yan nung unang taon niya sa MGC. May mga keypad na pipindutin ang mga board member. At malalaman agad kung sino ang nanalo. Parang sa game show na “Who wants to be a Millionaire” if someone will ask the audiance.
Bago natapos ang huling nominado. Na-set-up na ni Miss Joelle ang projector at naka display na ang pangalan ng tatlo. A. Matthew Roxas B. William Nobledo C. Peter Buenavista
“If everyone's ready now, hold your vote pad and start voting now.” sabi ni Miss at ilan saglit lang ay na-summarize na ang boto. A. 6 B. 6 C. 3 Fifteen lahat silang bumoto ngayon kasama si Miss. Sino kaya ang ibinoto niya?
“I'm sorry, Mr. Buenavista. Since we have a tie - we can vote once more between Mr. Roxas and Mr. Nobledo.” May pinindot ulit si Miss at ngayon dalawa na lang ang choices. A. Matthew Roxas B. William Nobledo
“If you're ready, you can vote now.” Ilan saglit lang na lumabas na ang resulta. A. 6 B. 9
“I'm sorry Mr. Matthew Roxas and congratulation, Mr. William Nobledo.” sabi ni Miss na naka poker face pa rin. At ngiting ngiti naman si Mr. William Nobledo. At binati rin siya ng ibang mga board members.
“Now, is there anymore issue that we need to settle today?” tumahimik saglit si Miss at nag-intay.
“Who's going to be your OIC when you file your maternity leave?” tanong ng isang may edad na babae.
“I already think about that, Mrs. Aguinaldo, the new VP-OIC will be my OIC during those time. But Marie, my Personal Assistant, will need to send me every details for my approval. Mr. William Nobledo on the other hand, can attend to the meetings for me or sign on my behalf after I studied the documents and approved it. I will ask Marie to call our company lawyer, Atty. Baldo so I can tell her the full details in writings. Is that fair enough?” sabi ni Miss. Si Miss talaga, laging advance mag-isip at laging may sagot sa mga tanong.
“I hope Mrs. Salvacion that's ends your curiosity about my pregnancy.” tumingin saglit si Miss sa matabang babae. “I'm three months pregnant and in three months I will go back to Canada to borne our child there. I will still work there to meet our clients /investors until I can not really work anymore and Mr. William Nobledo can act on behalf of me.” sabi pa ulit ni Miss at nagtanong ulit siya kung sino pa ang may question ng wala ng sumagot.
“The meeting is now adjourn. Mr. William Nobledo, please follow me to my office and I can discuss your new job description.” Tumayo na si Miss at mabilis na lumabas sa conference room kasunod ako sa si Mr. William Nobledo.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top