Chapter 52 - Back to Pinas
Joelle POV
We are very thankful – first with our Almighty Father for safe and fast recovery of my husband as well as with his doctors, Dr. Anderson and Dr. Romero and with our friends for continued support.
Nakauwi na sa bahay sa Mister. Umuwi na rin sa Pilipinas si Dr. Romero. May mga regular visit si Mister sa Speech Theraphist at Physiotheraphist niya. Para maging maayos na ang pagsasalita at paglakad niya. Twice a week ang schedule niya. Ako ang madalas niyang kasama pero pag may ime-meet akong client. Si Mommy ang sumasama sa kanya.
Four months past, yung paglalakad ni Mister – ayos na derecho na ulit siyang maglakad pero ang pagsasalita, medyo utal pa rin. At hindi pa rin siya nakakaalala.
Si Marie at Jerrence, dito na lang sa Canada nagpakasal. Yung parents ni Marie ang pinagbakasyon nila dito, that was last November. Kaya sa bahay na ni Jerrence nakatira si Marie. Nagpupunta na lang siya dito dahil siya pa rin ang secretary ko.
I need to go back sa Pinas para personal na asikasuhin ang MGC and Liam needs a break. Kawawa naman siya hindi maasikaso ang lovelife niya puro trabaho lang. Hindi ko pa maisasama si Mister at mga kids dahil may theraphy pa rin si Mister sa pagsasalita. Dito muna sila ng mga bata tutal nandito naman ang mga yaya nila. Hindi mahihirapan si Mister. Si Marie, mag-s-stay na rin dito sa Canada. I think MGC's VP will need a new secretary after all.
Si Dr. Romero, lagi pa rin nakikibalita sa kalagayan ni Mister. Minsan sa email or skype pag may time siya.
==
January 12
Mag-isa kong umuwi dito sa Pinas, wala akong pinagsabihan kundi si Kuya Alex lang na siyang susundo sa akin sa airport. Kahit si Ann di alam dahil baka marating na naman sa kung sino at makaabot pa sa media.
Nakasakay na ko sa kotse ni Kuya Alex at saka ko lang tinawagan si Ann sa opisina. Friday at 9:00AM pa lang ngayon kaya for sure nasa office sila.
“Hello Ann.”
“Hello, Miss Joelle. Do I need to resend something?” Ha ha ha! Madalas kasi pag tumawag ako, may pinare-resend akong documents na di gano malinaw ang pagka-scan.
“Oh, no. Nothing. Can you pass me to Mr. Nobledo please?” Lagi kasing nagtatanong si Liam kung kelan kami uuwi. Gusto ko i-surprise na lang sila na nandito na ko sa Pinas.
“Miss, wala si Mr. Nobledo ngayon. Call and sick. Ang aga ngang tumawag sa akin. Over work din kasi siya.”
“Ganon ba? Can you give me his condo address?” I worried, alam ko naman mahirap magkasakit ng mag-isa at wala dito sa Manila ang family niya. At until now, wala pa rin siyang girlfriend. Ewan ko ba dito sa kaibigan ko.
“Miss, why do you need his address? Nandito ka na ba sa Pinas?”
“Yes, I just arrived. Please give me his address, kawawa naman yon tao yon walang mag-aasikaso sa kanya.” She gave me his address kaya don kami dumarecho ni Kuya Alex. Malapit lang naman to sa condo namin ni Mister, kung saan ako tutuloy.
Nung nasa tapat na kami ng condo ni Liam. Naka-ilan katok na kami pero hindi pa rin nagbubukas ng pinto. I tried to call his cell, number ko na dito sa Pinas ang gamit ko. Pinaactivate ko ulit yung account ko.
“Hello, Joelle.” Mahina at halatang may sakit nga ang sabi ni Liam.
“It seems you're sick Liam. Can you open the door of your condo?”
“Huh? Why? I don't expect any visitor. I'm okay, Joelle.”
“You don't sound, okay. Sabi ni Ann, call and sick ka raw. I ask someone to take care of you. Open the door, please.” I ended the call. After a few seconds, bumukas na nga ang pinto.
Nanlaki ang mata niya sa gulat. Hindi agad nakapag-salita. Naka balot ng blanket.
Hinipo ko agad ang noo at pisngi niya. Sobrang init nga. Dumarecho na kami pumasok ni Kuya Alex.
Maayos at malinis naman tong condo niya. Cozy din ang dating. Ngayon lang ako nakapasok dito at hindi rin siguro ko papasok kung hindi ko kasama si Kuya Alex.
“Uminom ka na ba ng gamot? What time? Kumain ka na ba ng breakfast?” Magkakasunod kong tanong.
Sa halip na sagutin ako, ako pa ang tinanong. “Ke-kelan ka dumating?” Nautal pa. Parehas na sila ni Mister. Ha haha.
“A few minutes ago. Now, answer me, uminom ka na ba ng gamot?”
“Kanina pa around 6:00 AM”
“Kelan ka pa may sakit?”
“Last night!”
“For sure di ka pa kumakain.” Nandito na kasi ko sa kusina. At wala man lang palatandaan na nagalaw tong kusina. Mukhang hindi siya nagluluto dito. Umiling naman siya.
“Meron ka ba ditong bigas o malagkit? Instant noodles?” Umiling ulit siya. “Okay then, go to your room and take a rest. Ako na bahala dito sa kusina mo.”
“You don't need to do this Joelle.” Ang putla-putla ng itsura. Itinulak ko na siya papunta sa harap ng mga silid. Three-bedroom unit itong condo niya. At di ko naman alam kung saan ang ginagamit niyang bedroom. Puro kasi nakasara ang pintuan.
“Go inside. I need to do it. It's my fault kaya nagkasakit ka. Overworked ka. Go inside please and take a rest.” Nung makapasok na siya. Inilista ko yung ingredients para makapagluto ng lugaw at ulam. At nagpabili na lang ako kay Kuya Alex. Ako na sana ang mamimili pero sabi ni Kuya Alex siya lang daw at kailangan ko rin magpahinga. Wala naman akong aayusin dito sa condo ni Liam dahil malinis naman. Pero hindi ko maiwasan humanga sa mga naka-display na artworks dito sa salas. Mga landmark sa Italy, oil painting at si Liam ang nakasign na artist. Ang galing talaga!
Tiningnan ko na lang yung dalawang extrang room. Office yung una kong nabuksan. Ang daming folder sa table. Binuklat buklat ko. Mga files from MGC. Workaholic talaga, inuwi pa dito ang trabaho niya. Mamaya ko na babalikan yan.
Pasok ako sa isa pang room. Ito pala ang art room niya. Maluwag at maaliwas ang silid. Ito lang ang medyo makalat na silid but I think it needs to be like this because it's his art room. Pati ang mga wall dito ay may mga pinta. Ang daming mga canvas at isa isa kong tiningnan. Ang magagandang tanawin ang mga theme ng painting niya sa mga unang file ng canvas na nakasalansan sa dingding. Yung iba ay mga tanawin sa US at yung iba ay dito sa Pinas.
Nagulat ako sa mga sumunod na file ng canvas. Puro portrait ito ng mga tao at karamihan ako ang nasa portrait. May oil, water color at charcoal paintings. Yung setting ng iba ay sa Harvard Library pa. May painting na malungkot ang itsura ko at meron din naman nakangiti. Buhay na buhay ang pagkakapinta parang mga pictures lang. Mukhang ako ang paboritong model ni Liam sa art works niya. Kaso di ko nga lang alam na model pala niya ko.
Masyado kong pakialamera kaya pati ang mga sketch book ay tiningnan ko. May mga date pa at label. May mga sketch book na may label na “Joelle at Harvard”, puro ako nga ang naka sketch. Mayron sa classroom, sa library, sa unit ko, sa restaurant na pinupuntahan namin at sa ibang mga lugar na pinapasyalan namin. May isa pang mga sketch book na para sa akin, “Joelle in the office”. Mostly mga sketch pag nandito ko sa office at madalas ay malungkot na itsura ko ang nakalarawan. At ito pa yung buntis ako.
May isang canvas na nakalagay sa gitna, ito siguro ang ginagawa niya ngayon. May takip pa ng puting tela. Sinilip ko, wala pa naman. Parang sketch palang ng mukha ng isang babae dahil mahaba ang buhok pero wala pang mukha. Sino na naman kaya ito?
Lumabas na ko dahil narinig ko may kumakatok na. Baka nakabalik na si Kuya Alex. Sinilip ko muna sa peep hole. Si kuya Alex nga.
“Joelle, ako na lang ang magluluto. Magpahinga ka muna. Gusto mo bang umuwi muna sa condo?”
“No, don't worry about me. Nagtulog lang kaya ako sa eroplano. Ako na bahala dito sa kusina. Don ka na lang sa salas.” Pagtataboy ko kay Kuya Alex.
Nagluto muna kong lugaw. Konti lang para lang kay Liam yon. Kailangan niyang kumain bago uminom ng gamot. Then, nagsaing na rin ako buti may rice cooker siya. Bago pa, mukhang di nagagamit. Isinalang ko na rin yung pang sinigang na sugpo ko. Sa Canada kasi hindi sariwa ang mga sugpo. I hope magustuhan ni Liam to. Kung hindi kami ni Kuya Alex ang kakain. Ha ha ha.
Pumasok na ko sa silid ni Liam dala ang lugaw sa tray. Nakabalot pa rin siya ng kumot. Inilapag ko yung tray sa side table at hinipo ang noo niya. Ang taas pa rin ng lagnat. Kanina kasi wala man lang ice pack dito kaya nagpabili rin ako.
“Liam, kumain ka muna para makainom ka ng gamot.” Niyugyog ko siya sa balikat. Nanginginig siya kahit hindi naman nakabukas ang aircon dito sa room niya. Hindi agad nagising at patuloy sa panginginig. Naawa naman ako. Nung nagkakasakit ako, niyayakap ako ng JX pagnanginginig ako. I hope hindi naman masamang yakapin ko si Liam. Nakabukas naman ang pinto at nasa labas lang si Kuya Alex. Niyakap ko na nga si Liam. Hanggang mawala ang panginginig niya pero hindi ako makawala dahil ang higpit na rin ng yakap niya kaya pilit ko lang siyang ginising. Nagmulat naman siya ng mata at nagulat nung makayap siya sa akin.
“I-I'm sorry, Joelle, did I just hug you?” worried ang itsura niya.
Umayos ako ng upo. “That's okay. Nanginginig ka kasi kanina eh. Kumain ka muna.” Umupo naman siya na nakasandal sa headboard ng kama niya. Sinubuan ko siya ng lugaw. It's good naubos naman niya. Pero kung ice cream ako baka natunaw na ko sa titig niya. Pinainom ko na rin siya ng gamot at pinahiga ulit at nilagyan ng ice pack sa noo.
“Take a rest again. If you need anything, dyan lang kami ni Kuya Alex sa salas.”
“Joelle, thank you.” Nginitian ko lang siya at lumabas na dala yung empty bowl.
Napansin ko ang portrait na nakasabit sa dingding sa bandang paanan ng kama ni Liam. Ako ang nasa portrait pero bakit nude ako? Medyo nagulat ako pero hindi na ko nagpahalata. May nakita rin akong portrait nung binyag ng mga kids ko. Kaparehas ng regalo niya sa amin. Pero instead of si JX ang nakasama namin, siya ang may kalong sa mga bata. Siguro ito ang una niyang ginawa at binago na lang niya yung bumalik si JX. Lumabas na ko, pag magaling na siya saka ko na lang siya i-co-confront about sa nude portrait.
Kumukulo na rin yung niluto ko kaya ini-off ko na. Gutom na rin ako kaya kahit 11:00AM pa lang nag lunch na kami ni Kuya Alex. Ginanahan talaga ko dahil talagang na-miss ko ang sinigang na sugpo. Pati si Kuya Alex ang daming nakain.
“Ang sarap mo talagang magluto nito. Tamang tama ang asim. Buti marami kang isinaing na kain.” sabi ni Kuya Alex. Halos maubos nga namin yung isinaing ko. Magsasaing na lang ako mamaya ulit para kay Liam pag may gana na siyang kumain.
“Now, it's your turn dito sa kusina. Ipaggawa mo naman kami ng leche plan.” Request ko.
“Ha haha. Kulang ang gamit ni Liam dito. Ipaggawa kita sa bahay mamaya, bukas ko dadalhin.”
Si Kuya Alex na ang naghugas nga mga ginamit dito sa kusina at pumasok ako sa office ni Liam. Binasa ko yung mga documents dito na inuwi ni Liam. Pinirmahan ang mga approved. Dapat may no work at home policy din tong si Liam, parang ako lang kay JX.
Liam POV
Hindi pa ko nakatulog ulit nung lumabas ng silid si Joelle. Kanina talagang masamang masama ang pakiramdam ko. Pero medyo okay na ko ng konti ngayon dahil ata sa yakap-sul ni Joelle. Sana may kiss-pirin din.
Nung ginising niya ko kanina ay medyo naalimpungatan na ko pero talagang giniginaw ako. Hindi ko naman akalain yayakapin ako ni Joelle. Kaya niyakap ko rin siya. Bumitiw na rin siya nung mawala na yung panginginig ko. Pero nagkunwari pa kong tulog. Ang sarap ng yakap niya eh.
Minsan lang ako magkasakit. At ang suerte ko lang dahil tiyempong uuwi pala si Joelle ngayon. Nagulat ako nung tumawag siya at lalo na ng siya pala mismo ang nasa pintuan ko. Kanina pa lang gusto ko na siyang yakapin at halikan pero alam ko naman hindi puede.
Mabait lang talaga si Joelle at maasikaso. I should not take advantage of her. Medyo narinig ko pa nag-uusap nila ni Alex sa labas. At parang kumakain na rin sila. Ano kaya ang niluto niya? Yung lugaw kahit wala akong panlasa inubos ko dahil si Joelle ang nagluto non. Alam ko minsan lang to at baka hindi na maulit kahit kailan. Na-miss ko kaya luto niya. Parang nasa Harvard lang.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Joelle POV
Napasubo ako dito sa mga paper works, di ko napansin ang oras. Alas-tres na agad, time for Liam's medicine. Pumasok ako sa silid ni Liam. He's still napping. Hinipo ang noo niya. Medyo mababa ang lagnat niya pero pawis na pawis na siya. Kumuha ko ng pamalit na tshirt sa loob ng closet niya at saka ko siya ginising.
“Liam, You need to change your shirt. Basa ka ng pawis.” Umupo naman siya at dagling inalis ang tshirt niya sa harap ko, napatalikod tuloy ako. Si Mister M ang nasanay akong makitang walang pang-itaas. Kahit pa lalaki siya, nahihiya pa rin akong makita wala silang pang-itaas.
“Oopps, I'm sorry, Joelle.”
“It's okay, naisuot mo na ba yung tshirt mo?” Tiningnan ko na lang yung mga portrait na nakasabit dito sa side ng wall. Si Mr. Alejandro Nobledo, si Liam at siguro mommy niya ang babae. Maganda rin parang sina Mama at Mommy Chelsie.
“Okay na ko, Joelle.”
Humarap na ko at inihanda ang gamot niya. “Kamusta na pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ulit ng lugaw or any other food?”
Liam POV
Medyo natawa ko sa sunod-sunod na tanong ni Joelle. Sino ba naman ang hindi agad gagaling kung may maganda at maasikaso kang nurse. “Magaan na pakiramdam ko, ang galing kasing mag-alaga ng nurse ko. Medyo gutom na nga ako pero huwag mo na kong dalhan dito. Sa kitchen na lang ako kakain.”
Pinainom pa rin niya sa akin yung gamot ko sa tumayo na ko. “That's great that you're feeling good now. So, I can go home.”
“Yes, you need to take a rest, too. Baka may jetlag ka pa.” Nauna siyang lumakad sa kin palabas ng silid. “Joelle” pinigilan ko siya sa braso – humarap naman siya.
“I just want to thank you for taking care of me.” ninayakap ko siya. “Please let me hug you for a little bit more, I just missed you.” Inaalala kong baka magalit kasi siya. Pero naramdaman kong yumakap din ang mga braso niya sa likod ko at tinapik tapik ako. Hinalikan ko rin siya sa pisngi. “Salamat ulit. I'm so lucky to have a friend like you.” Kung puede lang sa labi ko siya hahalikan pero hindi puede. Idiniin ko yung word na friend. Alam ko naman hanggang friend lang ako sa kanya. At puede lang siyang halikan ng mga kaibigan niya sa pisngi.
“You're welcome. Mabait lang talaga kong kaibigan sa nangangailangan ng tulong. Alam ko naman kasing walang mag-aalaga sa iyo. Wala ka pa rin bang lovelife?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Ano na ba nangyari sa inyo ni Jorie?” Nginitian ko lang siya at inakbayan. Hindi pa ko handa magkuwento.
Pero pinigil niya ko at hinila sa harap ng nude portrait niya. At tiningnan ako ng masama. Lagot! Di ko kasi alam na pupunta siya dito sana naitago ko ito. “Explain to me – bakit may portrait akong ganito? Mas sexy naman kaya ako dito sa portrait mo.” Nakasimangot niyang sabi.
Napakamot ako sa ulo ko at pakiramdam ko nag-blush ako. Mas sexy daw siya kaysa sa portrait ko. As if naman nakita ko siyang nakahubad. Hindi naman.
“I'm an artist, Joelle. It's just part of my imagination. Kung puede ka lang kunin nude model sana na perfect ko. Hindi pa naman kitang nakitang nakahubad eh.”
“I know you're an artist and you're really good. But I'm not comfortable having this kind of portrait. Sino na nakakita nito? Puede bang itago mo na lang, please.”
“Ako lang. Nakatago naman dito sa room ko, ah. At ikaw lang ang pumasok dito sa silid ko kaya nakita mo.”
“You can not move on kung laging portrait ko ang makikita mo. If you really consider me a friend, please alisin mo na to. Gusto mo bilhin ko na lang - ako na magdi-dispose nito.”
“It's not for sale. It's my personal property. Okay, aalisin ko na lang.” Inalis ko na nga dito. San ko kaya itatago ito? Ah, sa private washroom ko na lang. “Sige itatago ko na lang ito.”
“Be sure hindi mo na yan ibabalik yan diyan? Baka mag-install ako ng hidden camera dito.” sabi pa niya.
“Bakit hidden camera, gusto mo ba kong bosohan?” Nag-blush naman siya kaya natawa ko.
“Kainis ka. As if naman may pagnanasa ako sa'yo.” Binatukan ba naman ako. Ang lakas pa!
“Ouch!” umarte ko na masakit akong ulo ko at humiga pa ko sa sahig na hawak ang ulo ko.
“I'm sorry, Liam. Sorry. Ang kulit mo kasi. Sorry, hindi ko sinasadya.” Bigla naman nandito agad si Alex sa pinto ng silid ko. Hindi naman kasi nasarado ang pinto.
“Anong nangyari kay Liam?” Lapit naman agad si Alex at tinulungan akong tumayo.
“Salamat, pare. Ayos na ko. Medyo sumakit lang ang ulo ko.” Tiningnan ko ng nakangiti si Joelle at nag pout naman siya.
“Nag-di-drama ka lang ata, eh?” Naka-pout pa rin sabi niya.
“Halika na, gusto kong makatikhim ng lutong bahay.” Hinila ko na siya sa kusina.
“Ay, nalimutan kong magsaing. Napalakas ang kain namin ni kuya Alex kanina.”
“Nagsaing na ko.” sabi ni Alex.
“Sige i-init ko lang tong sinigang. Kumakain ka ba ng sugpo?”
“Oo naman ang sarap kaya niyan. At paborito mo yan, di ba?”
"Oo, paborito namin mag-asawa.” Hindi talaga kinalimutan banggitin si JX.
“How's JX nga pala at ang mga bata? Ikaw lang ba umuwi?”
“Yeah, the kids are fine. Makukulit nang lalo. Si JX ay mga therapy pa kaya hindi pa sila makauwi. After the annual meeting with the board. Take a vacation for two weeks. Ako na bahala sa opisina. Then I need to go back to Canada for our 4th Wedding Anniversary.”
“Wala naman akong pupuntahan.” Di bale sana kung kasama ka, gusto ko sanang idugtong pero baka mabatukan ulit ako. “Ah, pero gusto ko sanang magpa-exhibit. Ang dami ko na kasing paintings.”
“Great! Sige, I will help you. Padalhan natin ng invitation ang lahat ng mga board member at partner ng MGC. May kilala kong magaling na event co-ordinator. Pero huwag mong isasama yung portrait kong nasa silid mo.”
“Of course not. It's for my eyes only.” Tiningnan na naman ako ng masama.
"Itago mo yon or ipananakaw ko.”
“Pag nawala iyon, ikaw ang una kong pagbibintangan. Ikaw ang may motibo at may witness pa ko, si Alex.”
“Eh, siya nga uutusan kong mag-dekwat non eh.”
“Ano bang portrait ang pinag-uusapan nyo? Napansin ko nga ang gaganda ng mga paintings dito sa condo mo. San mo binibili yan?” sabi ni Alex.
“There's one portrait in his room that I want him to give me or just hide it. He's the artist of all those painting. And there's more in his art room. If you like to buy some, Kuya Alex, maybe I can talk to the artist to give you discount before we put it on his exhibit.” Nakakatuwa talaga si Joelle. I-sales talk ba naman si Alex.
“Sure, I'm interested in paintings. Can I see your collection?” sabi naman ni Alex.
“See, you have a first customer. Ipakita mo na sa kanya, ako na maghanda ng food.” sabi ni Joelle.
Joelle POV
May dalawang painting na nagustuhan si Kuya Alex, ilalagay daw niya sa office niya. And it's a good price. Actually, Liam can sale it on a better price lalo na kung sa exhibit. Kami nga ni Mister sa Italy pa bumili ng paintings nung nag-honeymoon kami. May mga binili rin akong portrait ko lalo na yung nasa US kami, for souvenir. Pero ayaw pa rin ibenta ni Liam yung portrait sa silid niya.
After eating, pinagbilinan ko si Liam na inumin pa rin ang gamot niya sa oras. If something get worse, tawagan niya lang ako. Malapit lang naman ang condo ko. Iniuwi ko yung mga paper works na nasa office ni Liam at pinagbawalan siyang mag-uwi ng trabaho. Ha ha ha!
“It's not bad being sick, Liam. You got a beautiful friend took good care of you and you sold 4 paintings.” Nagkatawanan na lang kaming tatlo.
“Thanks, Joelle.” He hug me again. Nakakarami na siya ha.
“Thanks, Alex.” Nag shake hands sila. Ang daya hindi nag-hug. Ha ha ha!
Inihatid na rin ako ni Kuya Alex sa condo ko. Sabi ko sa Monday na lang siya bumalik dahil baka umuwi lang ako sa Alabang ng weekend.
Matapos kong mag shower. Inayos ko na yung mga gamit ko. Ibinukod ko yung mga pasalubong para kina Tatay Ato at sa opisina. Yung kay Liam at sa family ni Kuya Alex sa Monday ko na ibigay.
Hinanap ko yung cellphone ko. Hindi ko pa nga pala nakaka-usap ang asawa ko mula kanina. Kanina nag text lang ako na nakauwi na ko sa Pinas.
Nang makita ko sa bag ko, naka-silent pa rin pala. May 50 missed call na from my husband at 20 text messages. Just asking where I am? And as usual very worried again.
It's 6:00 PM so around 3:00 AM don. Nag text lang ako na okay lang ako at naka-silent ang phone ko. Less than a minute ko pa lang na se-send yung text ay nag ring na ang phone ko. Yes, it's from our landline sa Canada.
“He-hello Misis M. W-what happened to you?” tanong agad ng asawa ko. Siya pa unang nagsalita sa halip na ako.
“I'm fine. I'm sorry. I left my phone inside my bag and it's on silent mode. I'm here now in our condo.”
"N-ngayon ka lang umuwi dyan? Wh-where have you been? Di ba dapat kanina pa?” Yes, his speech is a much better now. Konti na lang ang pagka-utal niya. Up to six months ang schedule niya sa speech theraphist niya pero hopefully hindi na umabot ng ganon katagal.
“Yes but a good friend needs my help. Nung tumawag ako sa office kanina. Sinabi ni Ann na may sakit si Liam. You know, wala naman ang family niya at wala rin siyang girlfriend na mag-aalaga sa kanya. Being a good friend, ako na ang nag-alaga sa kanya. Don't worry – kasama ko si Kuya Alex sa condo niya. Parang ikaw lang five years ago, nung umuwi ka from Canada, I was sick and you was the one who took good care of me. Hindi pa tayo mag-nobyo non, we're just good friends!” may kahabaan kong paliwanag.
“Ha ha ha!” Aba pinagtawanan pa ko. “Ve-very depensive ka agad, Misis M. O-okay lang at least sinabi mo na-naman agad sa akin at alam ko rin ka-kaibigan lang turing mo sa kanya. I wa-was just so wo-worried na hindi kita ma-ma-kontak. Gu-gusto ko na nga umuwi d-dyan eh.”
“Ganon? Uwi agad? Magpagaling ka muna ng husto dyan noh at saka ako ang babalik dyan sa Wedding Anniversary natin. By the way, pinagbabakasyon ko nga pala si Liam for two weeks bago ko bumalik ulit dyan but he's going to have an exhibit and I will help him. Ang gaganda ng mga painting niya.”
"Ba-baka naman puro ikaw ang nasa pa-painting niya?”
“Huh? Bat alam mo? May binili na nga akong dalawa isang oil portrait ko at isang charcoal. Ang ganda kasi idi-display ko dito sa condo sa kabila.”
“Wa-wala bang nude po-portrait mo?” Parang gusto kong maubo sa tanong niya.
“Pano naman magkakaroon ng ganon, hindi naman ako nag-nu-nude model. Ikaw kaya ang magpinta ng nude sa kin?”
“Ha ha ha. Ku-ku-ng marunong lang sana ko. No-noon pa kita ipininta.”
“Hoi, Mister M. Hindi ka ba natutulog? 3 AM pa lang dyan ah.”
“Na-mi-miss na kasi kita a-agad eh. Sa-sana gumaling na ko pa-para kami na lang uuwi dyan.”
Kaya magpagaling ka na agad, Mister M. I missed you too at pati ang mga kids. Mag sleep ka na, tutulog na rin ako.”
“Dream of me, my Pr-princess wife. I love you!”
“I love you too, Prince husband! Dream of me, too! Nite!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top