Chapter 50: Days Before Operation

Joelle POV

Sunday

Umattend kami sa 11:00AM sa St. Albert the Great Parish, kasabay namin si Mommy at Kuya Daniel's family. After the mass, ay namasyal lang kami sa mall para bumili ng ibang house decor para bagong bahay bukas. Bumili na rin kami ng mini-van dahil hindi kami kakasya sa dating sport car ni Mister lalo na't kasama namin si Marie at Meanne. Ako pa rin ang nag-di-drive.

Monday

Lumipat na kami sa bagong bahay namin. Halos lahat ng gamit ay ipinadeliver namin. Sila na rin ang nag-assemble. Hindi kasi puedeng mapagod si Mister dahil sa nalalapit na operasyon. Yung ilan mga gamit sa townhouse nina Mommy at mga regalo sa triplet ay tinulungan kami ni Ben at ni Kuya na ilipat sa bagong bahay.

Four bedroom sa taas. May sariling silid ulit sina JA at JR at nakabukod si Jem. Kami ni Mister sa Master bedroom na maluwag din. Sa isang room na malapit sa mga bata ang silid ni Maeanne. Pag dumating sina Sabel at Mari ay sama-sama sila don.

Si Marie ay sa silid sa basement. At don na rin ang office ko. Si Marie na ang taga bukas ng email ko at taga-print ng mga documents na ini-scan ni Ann.

Konti pa lang naman ang mga gamit namin dito at mga damit kaya mabilis lang din namin naayos. Si Mister M ang nagluto ng gabihan namin dahil kaming mga babae ang nag-aayos ng mga damit sa closet. Ako, sa'min ni Mister. Si Maeanne damit ng mga bata. At si Marie gamit niya at yung mga office things sa basement.

Umuwi na rin sina Kuya at Ben matapos magbuhat. Hindi na dito kumain. Yung portrait na bigay ni Liam ay idinisplay ko sa family room or bonus room. Ang galing talaga ng pagkakapinta ni Liam, kuhang kuha ang itsura namin. Talagang parang picture lang.

Pagkatapos namin mag-dinner ay nilaro pa namin ang mga bata at nagkukuwentuhan pa kami ni Marie about sa business. She's just updating me about the urgent matters na na-receive niya. Hindi ko pa na-che-check ang mga papeles kahit yung dala niya last Friday. Bukas ay mas oras ako dahil sa wednesday pa ang operasyon ni Mister.

Sa silid namin ni Mister M, as I promised him. I stripped dance before him. So, we made very passionate love after. . . not just once dahil hindi lang sa bed kundi pati sa shower room at bathtub at kahit sa walk-in closet! Sabi kasi ni Mister M, after ng operasyon niya for sure, matatagalan ulit bago kami makapag-love making. Which is true. But I'm glad – he's looking forward to his operation positively. Ipinag-pray daw niya iyon kahapon. Ako rin kaya!

 Tuesday

Pagkagising ko pa lang ng 6:00 AM ay bumaba na ko dito sa basement to review all the pending documents. Nagtimpla lang ako ng kape na dala ko dito sa basement. Tulog pa ang mga kasama ko sa bahay pati ang triple J. Pinirmahan ko ang lahat ng dapat pirmahan at binasa ang mga report. May report na rin tungkol sa Boracay. Mabuti naman at medyo maayos na.

Tinawagan ko rin si Liam sa cellphone niya dahil gabi na don, 9:00 PM at 7:00 AM dito.

Hello Joelle, kamusta?” masaya yung boses niya sa phone.

 “Eto, ngayon ko pa lang binabasa tong mga documents. Matutulog ka na ba?”

Hindi pa naman, may tinatapos pa ko. Bakit may problema ba?”

Gusto ko lang magpasalamat sa regalo mo. Hindi ko akalain may talent ka pala sa pagpipinta. Na-appreciate talaga namin, sobra! Ang galing galing mo pala.” tutoo naman sa loob ko ang mga sinabi ko, talagang hangang hanga ako sa gawa niya.

Did I make you smile?”

Oo, pati si Mister nagpapasalamat din sa family painting na ginawa mo. Thank you, Liam, it means alot!”

Not at all, anything to make you happy, Joelle! So, kelan pala ang operasyon ni JX?”

Bukas na, please pray for the successful operation. By the way, kamusta naman sa opisina – wala bang problema? Let me know kung may urgent!”

Liam POV

I didn't expect na tatawag si Joelle. Kundi rin lang tungkol sa business hindi tumatawag si Joelle sa'kin. Kaya natuwa ako at nag-excite. Kahit tanggap ko na kaibigan lang ako sa kanya, hindi pa rin siya nawawala sa puso ko.

Masaya ko dahil na-appreciate niya ang regalo ko para sa mga bata at kanya. Actually, noon ko pa tapos yon mga portrait ng mga bata. Ang hindi na lang ay yung family. Hindi naman talaga dapat si JX ang nandon kundi ako. Pero bumalik si JX kaya binago ko dahil masakit para sa akin – alam kong mapapasaya non si Joelle. Pati pala si JX na appreciate din.

Ngayon, isang portrait pa rin ni Joelle ang ipinipinta ko. Hindi kasi maalis sa isip ko yung ngiti niya sa elevator habang kausap si JX sa phone. Nakangiti pati mga mata niya. Yes, I'm painting her from my memory.

 Bukas na pala ang operasyon ni JX, ipag-pray ko raw. JX is my rival but I really hope for him to get well at maging successful ang operasyon. Mas gusto ko pa rin maging masaya si Joelle at ang mga bata. Si JX ang nakakapagpasaya sa kanya ng lubos.

 Sabi ko na nga ba, hindi pa rin niya maiiwasan tanungin ang tungkol sa business. She's a real workaholic person. Sobrang aga pa kaya don. Baka hindi pa nga siya nag-aalmusal.

Don't worry, everythings still under control. If I need to call a friend – surely, I will call you!” Kung maliit na problema lang – hindi ko na siya iistorbuhin. Marami rin siyang pinagdadaanan lalo na pagkatapos ng operasyon ni JX. How I wish na nasa tabi niya ko para may karamay siya?

Eh, kamusta naman ang lovelife mo? Nagkita na ba ulit kayo ni Jorie?” Gusto ko sanang maubo sa tanong niya.

 “Huh? Lovelife agad? Hindi ko pa nga siya tinatawagan. Nalilito pa ko sa sarili ko.” Nalilito ko kasi bakit kahawig ni Joelle si Jorie?

Bakit naman?”

Baka fascinated lang ako sa kanya dahil kahawig mo siya. I don't want to be unfair with her. Ikaw na rin ang nagsabi – I should not compare her to you and not to look your qualities to her.” Ayoko naman siyang tawagan dahil na-mi-miss ko lang si Joelle.

 “Eh, pano mo siya makikilala at malalaman ang mga qualities niya kung hindi mo siya kikilalanin?” may katwiran naman si Joelle pero hindi pa handa ang puso ko na palitan si Joelle dito.

Huwag mo ng problemahin ang tungkol sa lovelife ko. Kumain ka na ba? Bakit trabaho na naman yang almusal mo?”

Huh? How did you know? Nakikita mo ba ko?” hindi ko naiwasan matawa. Ang kulit talaga ni Joelle. For sure naka-pout pa yan.

Huwag ka ng mag-pout dyan. Kumain ka muna or uminom ng kape!”

Ay akala ko nakikita mo ko dahil naka-pout nga ako pero umiinom na ko ng kape, eh. Anyway, I won't keep you. Tapusin mo na yung ginagawa mo. Igawa mo ng portrait si Jorie. Update me always, okay?” Portrait niya tong ginagawa ko.

Update you about MGC? Lagi naman, ah!”

Update me about your lovelife and MGC!” Talagang desidido siyang magkaroon ako ng lovelife. Kung kaya mo lang akong mahalin, di sana noon pa ko may lovelife! “Bye, Liam. Ingat!”

Bye Joelle. Ingat din and kiss the kids for me!” Ako rin pa kiss at gusto ko pang idugtong . . . I love you!

 Wala naputol na sa kabilang linya. Ngayon, ipinaalala ni Joelle si Jorie. Kilalanin ko nga kaya siya? “Ikaw kasing babae ka – bakit sa'yo pa ko na-inlove gayon pagmamay-ari ka na ng iba?” Kinakausap ko lang 'tong portrait na ginagawa ko. Charcoal painting lang to, kahapon ko lang ito inumpisahan dahil na-mi-miss ko na si Joelle. Pero dito sa studio ko. Marami dito ang portrait ni Joelle mula pa noon sa Harvard, nung hindi ko pa siya kilala. Yung sketch book sa Harvard nung lagi ko siyang sinusundan at pag naggagawa kami ng report sa boarding house niya. Habang busy siya sa paggawa ng report namin, ako nag-i-sketch.

OH, Joelle, how can I look to the the other woman kung hindi ka pa naaalis sa sistema ko! I deeply sighed. I went to my bedroom at tinitigan ko ang nude picture niya. Kinopya ko yung picture niya na naka-bathing suit pero hinubaran ko sa pagpinta ko. Nakatakip yung braso niya sa kanyang breast at yung isang kamay niya sa pagkababae niya pero yung itsura ng mukha niya ay very seductive. Dito pa to nakalagay sa may paanan ng kama ko kaya bago ko matulog at paggising ko. Siya agad ang nakikita ko. Makailang beses ko na rin siyang napanaginipan kaniig ko. Oh, Joelle – ano ba talaga ang gagawin ko? Love and lust – iyan ang nararamdaman ko para sa kanya!

Joelle POV

I really wish na sana magka-lovelife na ang kaibigan ko. He's a good friend. Nung nasa Harvard kami ay mabilis kaming nagkasundo, bukod sa magkalapit ang unit namin - masipag din kasi siyang mag-aral. Mula ng magkakilala kami, dalawa na kaming kumakausap sa mga professor. Pag meron akong hindi maintindihan, ipinapaliwanag niya sa akin dahil Business Administration ang unang kurso nito. Kalog din si William kaya lagi niyang kong pinapatawa, lalo na pag na-mi-miss ko ang asawa at hindi makontak. He always pretend to be my husband of course, hindi kasali ang kiss or love-making ha. Hindi puede yon! Platonic love kasi talaga ang nararamdaman ko para sa kaibigan at akala ko ay ganon din siya sa akin. Sobrang manhid ko talaga or rather hindi lang talaga ako assumming na tao.

Si William kasi hindi gaano makuwento tungkol sa personal na buhay niya. Na-inirerespeto ko naman 'yon, ako naman kasi public na ang buhay ko. Pero alam ko naman na mahilig itong mag-sketch. Minsan ay nakita ko ang sketch book niya mga iba't ibang landmark lang pag namamasyal kami sa US. Pero ni isang tao ay wala itong iginuhit. Kaya gulat ako na ang galing niya pang magpinta ng tao.

Mi-mi-misis, ang aga mo na-na-naman mag-work!” hindi ko man lang napansin nakababa na pala dito sa basement si Mister at nakalapit sa akin kaya medyo nagulat ko.

Yumakap siya sa likod ko at humalik sa pisngi ko. Nakaupo kasi ko sa isang swivel chair, dito sa office table ko. “Kailangan kong mag-aralan tong one week na miss ko sa work para hindi matambak.”

I un-un-understand! S-st-stay here mag-lu-lu-lu-luto lang ako ng b-br-breakfast natin.” Waaaahhhhh. Oo nga, nalimutan kong magluto ng breakfast. Nasanay akong may breakfast na dahil si Mommy ang agang nagluluto nung nasa townhouse kami.

No, ako na Mister.”

No, gu-gu-gusto kitang pag-pag-pagsilbihan today. S-s-starting tomorrow, yo-yo-you're going to ta-ta-take care of me again!” Mabilis siyang naka-akyat ulit sa taas.

Umakyat na rin ako. “I will help you na lang!” Naisalang na niya ang kawali sa stove.

No. J-ju-just stay there.” Iniupo niya ko sa bar stool sa kitchen area. “Do you wa-wa-want a-a-another cup of coffee?” Sige na nga upo na lang ako dito. Na-mi-miss ko rin naman pagsilbihan ako ng asawa ko. Panoorin ko na lang siya.

 “Yes, please.” Iniabot niya a akin ang bagong timplang kape at hinigop ko. I'm surprised dahil ngayon lang niya ko ulit ipinagtimpla ng kape mula ng bumalik siya pero kuhang kuha pa rin niya ang gusto kong timpla.

How did you know na ganito ang timpla ng kape ko?” nagtataka talaga ko. “Nakakaalala ka na ba, Mister?”

Huh? I do-do-don't know. I ju-just try it!” Ang itsura niya talagang nalilito. “H-ho-how about me? Do I re-re-really like black co-co-coffee?” Iyon kasi ang madalas kong ibigay sa kanya at nung kasama ko siya sa office nung last Friday bago kami pumunta dito sa Canada. Iyon din ang bigay ni Ann sa kanya.

Oo, bakit ayaw mo na ba ng black coffee ngayon?”

I th-think I like it w-w-with a little milk and su-su-sugar!”

Oh, really? Can I try to make a coffee for you?” Tumayo ako at ipinasalin ko siya ng brewed coffee sa puswelo niya at nilagyan ng konti gatas at asukal. “Try it if okay with you, then?”

Hinigop niya yung kape. “Pe-perfect! The wa-wa-way I li-li-like it!”

Weeh, di nga? Binobola mo lang ata ako.” Teka di kaya ganon ang timplang kape ni Princess? “Ganyan ba ang timplang kape ni Princess sa'yo?” nag-pout pa ko.

No. Wa-wa-walang gatas ang bigay niya at ma-ma-maraming a-a-asukal. Pa-pa-parang gu-gusto niya ko mag-ka-ka-ka-diabetes! Iyon daw gu-gusto ko. I like yo-yo-your coffee. I re-re-really do!”

Okay, I believe you!” Nagprito na siya ng mga itlog. Hindi na nga ako nakikialam. I hope he still remember what kind of cooked eggs, I like. May mga sunny side up at well-done siyang niluto. Nag-prito rin ng spam at bacon at friend rice.

Narinig kong umiyak na Baby Jem. Kaya nagpaalam ako kay Mister para kunin ang mga bata. Akyat ako sa taas. Gising na rin si Maeanne at nasa CR. Kinuha ko si Jem at sumilip ko ang dalawang batang lalaki na mga nakatayo na crib nila at parang nag-uusap kahit hindi pa gaano maintindihan ang sinasabi. Tinawag nila ko. “Na...na. ..” at itinaas yung kamay para magpakuha. Ibinababa ko Jem at kinuha sila. Marunong na naman silang tatlong bumaba ng hagdan. Nagpauna lang ako para alalayan sila. At sa likod nila si Maeanne.

 “Good job, kids!” Ang galing kasi nilang bumaba at takbo agad sa high chair nila. Alam rin nila kung ano ang high chair nila. Matatalino talaga ang mga bata. “Tata.. . Tata” tawag nila kay JX para magpatulong umupo sa high chair nila. Isa-isa naman silang inilagay ni Mister sa high chair.

Nakapag-hiwa na rin pala ng mga prutas si JX para sa mga bata. Banana at strawberries at blueberries ang almusal ng mga bata at yung gatas nila. Nakahain na rin sa table ang apat na mga pinggan at yung mga niluto niya sa dining table at may mga tinapay din.

Umakyat na rin ang gigising pa lang si Marie. “Good Morning, everyone!” masiglang bati ni Marie. “It's smell so good!”

Good Morning, Marie!” sabay namin sabi ni Mister. Hindi ko na rin siya tinawag na Ate mula nung nawala si Mister at naging coldhearted na ko. Ayaw din naman kasi niya magpatawag ng Ate.

 “Let's eat to-to-together!” Anyaya ni Mister sa'min. Umupo siya sa dulo ng mesa na six-seater. May isang plato sa bandang kanan, palagay ko sa akin kaya don ako umupo at sa bandang kaliwa ay dalawa. For sure para kina Marie at Meanne.

 “Wow, mukhang masarap lahat. Miss, ikaw nagluto?” tanong ni Marie sa'kin. Umupo siya sa bandang kaliwa. Si Maeanne, nakatayo lang parang nahihiya na naman.

Hindi. Si Mister M.” sabi ko kay Marie. Humarap ako kay Maenne. “Meanne, umupo ka na rin sa tabi ni Marie. Napag-usapan na natin yan dati, di ba?”

 “Opo, Ma'am Joelle.” umupo na rin si Meanne at nahihiya pa rin.

Si Mister pa rin ang naglead ng prayer kahit hindi ko ipinapaalala sa kanya. Siya rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Sinangag at well-done eggs, spam ang bacon. Wow, alam nya talaga kung anong itlog ang gusto ko.

 “Boss, kakahiya naman – ikaw pa nagluto. Mamayang lunch, ako naman ang magluluto.” sabi ni Marie.

 “Ka-ka-kain na rin kayo.” Iniabot ni Mister yung lalagyan ng sinangag kina Marie. Matapos niyang kumuha ng para sa kanya.

 “Uy, sige nga Marie. Matagal na tayong magkakakila pero hindi ko pa natitikman ang luto ko.” excited kong sabi.

Eh, Miss, pagpapasensiyahan niyo luto ko. Di ako kasing sarap nyong magluto ni Boss, ha! Ano pala ang gusto nyong ulam?” tanong ni Marie.

 “Kahit anong iluto mo. Ikaw ang chef, so bahala ka sa menu. Puno naman ang fridge natin ngayon.” sabi ko. Kasi kago-grocery lang namin kagabi.

 “Mo. . .mor” sabi ng mga bata. Ang bilis kasi nilang naubos yung mga fruits nila. Tayo naman si Mister at siya ulit ang nag-hiwa hiwa ng fruits para sa tirplets.

 “Miss, you're so lucky talaga. Maasikaso pa rin si Boss sa inyo!” bulong sa'kin ni Marie. Ngumiti lang ako. I really wish and pray talaga na sana maging successful ang operation niya bukas.

 Si Maeanne ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Si Mister pa rin ang naglinis sa maruruming mukha at kamay ng mga bata pati nag-toothbrush sa kanila. Si Marie ang nagwalis ng kalat ng bata sa sahig. Ako, visor! Ha ha ha. Tulong kami ni Mister na pinalitan ng damit ang mga bata at diaper. Gusto daw niyang ipasyal sa park ang mga bata.

Sumama ko sa park sa kanila nina Maeanne. Two seater wagon na may extension ang dala ang hila hila ni Mister. Dala ni Meanne ang baby bag. Ako, naka holding hands sa asawa ko. Si Marie ay bumaba na office para i-print ang mga email na padala ni Ann. Saglit lang ako sa park dahil marami pa rin dapat basahin mga documents.

 Matapos mag-print ni Marie ay umakyat na nga siya para daw magluto. Ako naman ay busy pa rin sa mga documents. Masakit nga sa ulo ang Financial Report. Mostly financial report 'tong mga document na ini-email sakin dahil mid of the month.

 Mga bandang alas dyes ay narinig kong bumalik na mula sa park sina Mister M. Oras na ng nap ng mga bata, dalawang beses pa sila mag nap. Si Mister at si Meanne na siguro ang nag-asikaso sa kanila.

Maya-maya ay bumaba si Mister dito sa basement may dalang cake at glass of juice. “For y-y-you, Misis M. Mag-s-s-snack ka muna!”

 Saglit kong siyang tiningnan. “Salamat.” Kumain lang ako saglit at balik trabaho ulit. Nag-stay lang si Mister dito sa basement at binabasa rin ang ibang mga documents na tapos ko na. Hindi naman niya ko inistorbo.

 Tinawag kami ni Marie nung lunch time na. Siya na rin ang nag-hain. Binagoongan at pinakbet ang niluto niya. Nagluto rin siya ng lugaw para sa mga bata. Sibuan muna naman ang mga bata bago kami kumain.

Marie, ang sarap mo palang magluto.” tutoo ang compliment kong iyon. “Ito ba ang specialty mo?”

 “Oo, Miss. Pero baka hindi kumakain ng ganito si Jerrence, dahil may bagoong.”

We will never know kung di mo pasubukan. Ang alam ko lasagna ang favorite niya dahil iyon ang inihanda naman dati ni JX. Right, Mister M?”

I do-do-don't remember, so-so-sorry!” Bakit ang naalala niya yung puro mga favorite ko lang yung sa kanya or sa mga kaibigan niya ay di niya maalala? Pati nga ang full name ko kabisa niya dahil tinanong niya ko dati pero ang middle name niya di niya masagot.

 Back to work ako after lunch. Si Mister pa rin ang nakipaglaro sa mga bata. Around 2:00 PM, nap time ng mga bata at inaantok rin ako. Umakyat na rin ako sa taas at tulog na ang mga bata.

Mister M, mag-na-nap din ako. I'm so sleepy!” Kakaantok kasi ang magbasa ng mga documents. At kailangan din magpahinga ng mata ko. “Ikaw ba? Gusto mo rin mag-nap?”

No, bu-bu-bukas tiyak mag-tu-tu-tulog ako. Dito lang a-a-ako ba-ba-bantayan kita.” Umupo lang siya sa chair na nandito sa silid namin at dala yung iPad.

JX POV

 Hangga't maari ayokong mahiwalay sa asawa ko dahil bukas hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Pinagmasdan ko lang siyang payapang natutulog. Gayundin ang mga bata. Sana pagkatapos ng operasyon, masilayan ko ulit sila. Nandon pa rin ang pangamba ko pero mas higit ang pagnanais kong mabuhay at makita muli ang pamilya ko.

Tumunog ang cellphone ni Joelle. Ako na ang sumagot, dito raw mag di-dinner sina Ate Gel at Mommy pero huwag na raw kaming magluto. Maya-maya at tumunog ulit at si Nicholas naman ang tumawag, dito na rin daw sila mag-di-dinner pero magdadala sila ng food. Kabababa ko pa lang ay si Reese naman ang tumawag at ganon din ang sinabi.

I think may gathering na naman kami mamaya. After two hours ay nagising na rin si Misis pero balik siya ulit sa basement at tinatapos ang mga papeles na binabasa niya.

 Around 5:00 PM ay dumating na sina Mommy, Mama, Ate Gel, Kuya Daniel at JD. Nakipaglaro agad si JD sa mga pinsan niya. Sina Mommy at Mama ay lumapit din agad sa mga apo nila matapos itanong kung asan si Joelle.

Bumaba kami ni Kuya at Ate sa basement kung asan si Joelle. Tutok pa rin ang asawa ko sa computer.

 “Princess, it's past five tapos na ang office hours mo.” biro ni Kuya sa kapatid na halatang nagulat.

 “What's bring you here?” tanong ni Joelle sa kapatid at tumayo siya dahil nakipagbeso ang kuya niya at si Ate.

 “Moral support?” nakangiting sabi ni Kuya. “So, stop what you're doing and give the rest of your time to your husband!”

Nag-pout naman si Joelle. “Nag-nap kasi ko ng two hours – so, I want to extend for another two hours but I guess I cannot concenrate anymore, now that you are here!”

Ohh, as if I'm a disturbance already, to my Princess.” nag-poker face si Kuya.

 “Yes, you are! See, you keep on talking to me. But I appreciate the moral support!” Yumakap pa siya sa kapatid at ngumiti ulit yung isa. Iniligpit niya yung ginagawa niya at isinara yung computer niya.

 “Sina Mama, nandito rin ba?”

 “Yes, nasa taas!” sabi ni Ate Gel. Umakyat kami ni Joelle sa taas at nag-beso siya kina Mama at Mommy.

 Maya-maya lang ay may nag-buzzer na. Ako na ang nagbukas ng door. Sina Ben, Reese, Nico at Lilia.

Wow, I didn't know that you're coming!” gulat na sabi ni Joelle sa mga bagong dating at nakipag-beso.

 “We called, Joelle girl, but as usual, you're sleeping beauty. We talked to JX!” sabi ni Reese. Humarap naman sa kin si Misis.

 “Ooopppss, so-so-sorry I fo-fo-forgot to mention!” paghingi ko ng paumanhin.

 May dalang lasagna si Lilia at Menudo kay Reese. May dala naman mga BBQ sina Kuya Daniel. Nagsaing naman si Marie at iniinit yung mga niluto niya nung lunch.

Jerrence, you should try this.” Itinuro ni Joelle yung pinakbet at binagoongan.

 “What is it? Why is it stinky?”

 “It's has some shrimp paste but you're fiancee cooked it!” sabi ulit ni Misis. Tiningnan naman ni Jerrence si Marie at umakbay dito.

 “You really cooked this, honey? Okay, I should try it! I loved Filipino dishes but I guess I didn't try this one yet!” Tinikman nga niya. “Hmmm, it's really good except for the smell!”

Nagkatawanan lang kami. Pati si Nicholas, nakikain rin. After eating, pinagkatuwaan naman ng mga kaibigan namin ang triplets. Si JA kasi huni ng huni na parang kumakanta.

 “Joelle, do you have a guitar here, don't you!” tanong ni Jerrence.

 “Yeah, wait I gonna get it!” Bumaba si Misis sa basement at dala na nga ang gitara pagbalik. Itinono naman ni Jerrence at inumpisang istrike ito. I don't know what his playing pero nagsasayaw lalo si Baby JA at lalong lumakas ang huni. Pati si Baby Jem ay nagsasayaw din. Si Baby JR ay tumatawa lang.

 “I think JA will be a singer like his father!” kumento ni Ben. “And even Baby Jem.”

 “How about JR?” tanong ni Reese.

 “He's gonna be the next P/CEO of MGC!” magkasabay na sabi nina Nicholas and Jerrence. Parang alam na nila ang magiging future ng mga anak namin. At gusto kong makita pang matupad iyon.

 “Joelle, how about you sing to your husband before his operation tomorrow. So, he will remember it!” Iniabot ni Jerrence kay Misis ang gitara.

It's been almost two years since I played a guitar and sang. I don't know if I can still do it?”

 “You can still do it!” sabi naman nina Ben.

 “How about you play the guitar, Mister M, and I will sing?” sabi ni Misis.

 “Huh? I do-do-don't remember?” Iniabot niya sa kin ang gitara at ngumiti.

 “Try it! I will sing “Forevermore”!” Sinabi niya sa akin ang chords. Parang may sariling isip ang kamay ko. Inumpisahan nga ng asawa kong kumanta. . . tahimik ang lahat. . . tanging ang malambing na boses ni Misis ang maririnig. . .

 There are times when I just want to

look at your face with the stars in the night

There are times when I just want to

feel your embrace in the cold night

 Ilan beses ko ng narinig ang kantang ito pero ako ang kumakanta at hindi si Joelle. . . mas masarap palang pakinggan kung siya ang kumakanta. . .

***

I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought that I will be right for you

I just can't compare you with anything in this world

You're all I need to be with forevermore.

Itong part na ito ay mas bagay na ako ang kumanta dahil mula ng magising ako at makita si Joelle. . .pangarap ko lang siya. . . at hanggang ngayon, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nararapat sa kanya. . . sana pagkatapos ng operasyon ay bumalik na ko sa dati. . .

All those years, I longed to hold you in my arms

I've been dreaming of you

Everynight I've been watching all the stars that falls down

Wishing you will be mine. . .

Talaga palang bagay sa akin ang kantang ito, kaya siguro ito ang napili namin theme song. . . Naalala ko na pag tulog na si Princess, lumalabas ako sa kubo namin at nakatingin sa langit at pagmamasdan ko ang larawan ni Joelle, I keep doing that for almost two years. . . ngayon nasa harap ko ang babaing nasa larawan. . . and she's really mine. . .

***

Sinabayan ng huni ni JA ang kanta ng kanyang Nanay. Kinalong ni Joelle si JA at para silang nag-du-duet na mag-ina. . . si Jem ay sayaw ng sayaw at pumapalakpak naman si JR.

Time and again there are these changes that we can end

Sure as time keeps going on and on

My love for you will be forevermore

Kahit ano pa siguro ang maging resulta ng operasyon. Alam ko na mamahalin pa rin ako ng asawa ko. . . dahil damang-dama ang pagmamahal niya habang nakatitig sa mga mata ko.

As endless as forever

Our love will stay together

You're all I need to be with forevermore. . .

 Yes, as endless as forever, walang makapaghihiwalay sa amin mag-asawa, kahit siguro ang kamatayan – hindi masusukat ang pagmamahalan namin.

Nagpalakpakan ang mga audinance namin ng matapos kumanta si Joelle at JA. Todo palakpak din si JR at Jem. We hug our triplets.

Miss, i-upload ko to sa FB account ko ha!” sabi ni Marie. Kumuha pala siya ng video. Pinanood muna namin yung video niya. Nakakatuwa si JA magaling humuni! May future singer na nga kami.

Bago nag-alisan ang mga bisita namin ay nag-wish sila ng good luck sa operasyon ko bukas. Si Mama ay babalik daw bukas ng maaga para may kasama si Meanne at Marie pagbabantay sa triplets.

 Nang mapasok na kami sa silid namin ni Misis, after our evening routine. Makatabi kaming humiga sa kama at magkaharap.

Th-th-thank you for si-si-singing to me. You're vo-vo-voice e-e-enthralled me!”

You're welcome. Hindi mo pa rin nalilimutan tumugtog. Sana kantahan mo ulit ako paggaling mo.”

 “How I re-re-really wish to si-si-sing to you again!”

 “You a-a-and our s-s-son, JA, so-so-sounds good!”

 “Hi hi hi, I know, he's really into singing, huh! You should teach him how to play a guitar and piano. Even our little princess Jem.”

 “A-a-and you s-sh-hould train our li-li-little JR to be the n-ne-ext P/CEO of MGC!”

 We both laugh! “They just turn one!”

 “I love you, Mister M. Always remember that. . .”

 “A-a-and I lo-lo-love you, fo-fo-forevermore, Misis M. P-pl-please stay with me to-to-tomorrow!”

 “I will!” She cupped my face and kiss me on my lips. Gumanti rin ako ng halik and we made love again and again, dahil mula bukas maaring matagalan bago ko ulit maangkin ang asawa ko.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top