Chapter 48: Meeting Dr. Anderson
Joelle POV
It's Tuesday, nandito na kami sa business class sa PAL papuntang Canada. Si Mommy Chelsie, si JX, Ako, ang triplets at Dr. Romero. To follow na lang ang mga yaya dahil wala pa silang visa. Ini-request ko rin na sumunod sa amin si Marie. I might not be able to check my email from time to time dahil sasamahan ko rin si Mister sa ospital.
Kalong ko si Baby Jem at si Baby JA ay nasa Tatay niya at si baby JR ay na kay Mommy pero nag-prisinta si Dr. Romero na siya na ang kakalong dito. Mukhang hindi naman nagingilala ang anak ko dahil hindi naman umiyak. Para kasing clown si Dr. Romero at nilalaro ng nilaro si JR. Kung hindi mo kilala ay hindi mo iisipin na doctor siya. He's funny!
Nung nakaraan mga araw ay naging busy ko sa opisina. Tinapos ko kasi ang lahat ng mga documents na dapat kong i-sign at i-approved. Nag presscon din nung Friday tungkol kay Mister. Hindi rin nawala ang tungkol kay Princess at sa pagbubuntis nito pero ganon pa rin ang sinabi ko. Wait until the baby come out and have a DNA test. Basta ayokong paniwalaan na magkakaanak sa iba ang asawa ko. Pag nandiyan na saka ko na lang ulit iisipin. Sa ngayon, out of my system mula sila. Buti na rin papunta ng Canada kami lalo na si Mister, malayo sa stress dala ni Princess.
Gusto ni Mister na matulog ako sa haba ng biyahe pero parang di ko magawa dahil natatakot ako na baka maihulog ko si Baby Jem. Kinuha pa nga niya sa akin si Jem pero hindi rin ako makatulog kaya kinuha ko ulit. Si baby JR ay mahimbing na natutulog sa dibdib ni Doctor, nakapikit din si Doc at yakap yakap ang bata. Ganon din si Mister at si Baby JA. I took a picture of them. Kakatuwa!
==
Pagdating sa Canada. May kaibigan na sumundo kay Dr. Romero at don daw siya tutuloy. Sina Ate Gel at Kuya Daniel ang sumundo sa'min, dala ang dalawang kotse. Dahil hindi kami kakasya sa isa kasama ang mga bagahe. Madamdamin ang tagpo sa airport dahil sobrang tuwa nina Kuya at Ate ng makita si JX. Of course, he don't remember them but he said he saw Kuya Daniel when he was with me at the Island. Ang ate niya hindi niya kilala pero naramdaman naman daw niya ang koneksiyon nila. At magkahawig kaya sila.
Sa townhouse ni Mommy kami tumuloy. Si Mama ay kina Kuya Daniel nakatira dahil siya ang nagba-baby sit kay JD.
Pagdating namin sa townhouse ay sinalubong kami ng mga kaibigan namin. Sina Ben at Reese, they got married last year in the Philippines, they don't have kid yet. Nico and Ate Lilia, a few months after us but she is just pregnant right now for their first child and probably last because its a menopause baby as they called it. Ate na tawag ko sa kanya. And Jerrence who is already a licence dentist.
Kung madamdamin sa airport, mas madamdamin dito. Si Mama niyakap agad si JX, iyak pa ng iyak daig pa si Tita Chelsie nung magkita ang mag-ina. Ang OA ni Mama parang si JX ang talagang anak niya. Ako ang nagpakilala sa kanila.
“Salamat sa Diyos, bumalik ka na, JX, hijo!” Mahigpit din naman ang yakap ni Mister kay Mama. Feel niya rin siguro na mahal siya ni Mama. At saka palang ako sinalubong. Ako na nagpunas ng luha ni Mama. Kinuha niya sa'kin si Baby Jem.
Yakap din si JD sa uncle niya. “Uncle, I miss you so much. Welcome back.” Humalik at yumakap din sa kin si JD then lumapit na sa mga pinsan niya.
Then yung tatlong bugoy, sabay-sabay silang yumakap kay JX. . . ang drama nila, kalalaking tao puro mga naiyak. Ipinakilala ko sila pero pinagbabatukan pa nila si Mister para daw makaalala. Feel din siguro ni Mister yung mga connection nila kaya para silang mga bata na nagbabatukan.
Ipinakilala ko rin si Reese at si Ate Lilia. Of course, si Reese, OA din! Todo yakap sa asawa ko. Okay lang naman kay Ben dahil siya naman ay naka-akbay din sa'kin. Wala malisya naman sa'min yon. Talagang pure friendship lang. Para ngang magkakapatid na kami.
“Bro, if you didn't come back. I'm about to marry your wife! I'm the only one single among the four of us!” biro ni Jerrence kay JX. Oo nga siya na lang single dahil hindi pa sila ikinakasal ni Marie. Mamaya siguro kausapin ko na lang si Jerrence about their plan. Pupunta rin dito si Marie.
“T-t-that if she's not g-go-going to re-re-reject you! I a-a-always f-follow the n-ne-news about her. All her s-s-suitors are re-re-rejected! Be-because she k-k-knows I'm coming ba-back for her!” bigla akong hinapit sa baiwang at hinalikan sa labi ng madiin. Waaaahhhhh. PDA talaga tong asawa ko!
“You're still very possessive, bro! But we're glad that your possessiveness leads you back to Joelle.” sabi ni Nico.
“No-no-no, it's not my po-po-possesi-siveness but my true lo-lo-love that leads me!” At niyakap pa ko ng mahigpit. Ako na kinilig ng todo.
“We agree!” chorus nilang sabi.
Kainan at kuwentuhan until midnight. May mga pasok pa rin sila kinabukasan. Nagkausap din kami ni Jerrence, pag-usapan na lang daw nila ni Marie ang magiging plan nila sa kasal nila pag dating ni Marie. Ipina-schedule ko rin kay Jerrence ng total oral hygiene si Mister, the next day. Isisingit daw niya sa schedule niya.
==
Pansamantala lang kami dito sa townhouse ni Mommy dahil masikip rin para sa mga bata. Nagpapahanap na rin ako ng bahay para sa amin dahil alam kong medyo matatagalan kami dito. Although, uuwi rin ako sa Pilipinas to personally check the business if my husband is already stable.
After his dental appointment, tinawagan na kami ni Dr. Romero for initial check-up again with Dr. Anderson.
Ako ang nag-drive papunta sa ospital. Sinalubong naman agad kami ni Dr. Romero at sinamahan sa silid ni Dr. Cassandra Anderson. Akala ko lalaki rin, babae pala si Dr. Anderson. Dapat doktora kasi tawag.
“Hi, JX, how are you?” very warm yung greetings ni Dra. Anderson kay JX. Then, humarap din siya sa kin. “Hi, Mrs. Montecilllo” nagulat ako ng makita ang itsura niya. She looks familiar. Binati rin namin siya ni Mister. Pero iniisip ko pa rin kung sino siya.
“I'm just going to borrow your husband.” sabi pa ni Dra. A (Anderson) and she smirk. Pamilyar talaga pati yang smirk na yan. Niyaya niya si JX sa isang room.
“You can come with us, Joelle. Para ma-explain ko rin sa'yo kung ano yung mga procedure na ginagawa nila kay JX.” anyaya sa'kin ni Dr. Romero. Hindi siya naka-uniform. Naka-slack na black siya at long sleeve na blue and black shoes.
“Thank you, Dr. Romero” Napangiti siya. Ngayon ko lang napansin na may dimples din pala siya sa kanan pisngi. Cute ang dimples niya at hindi nakabawas sa masculine appeal niya. Loaded kasi lagi ang utak ko sa trabaho. Kaya kahit sinasabi ni Mister na laging nakatingin sa'kin si Dr. Romero hindi ko talaga napapansin.
“You're so formal, Joelle. Please call me Rene. I'm not JX attending physician here. Although I have a licence here, I'm not working here in this hospital but I got a permit to observed. So most likely, you're stuck with me but I will explain to you what they are doing.”
“I see. Pero parang nakakailang naman kung first name lang kita tatawagin.”
“We're in Canada right now, most likely people are calling by first name. So, do you prefer that I call you Mrs. Montecilllo rather than Joelle?”
Simple pilosopo kaya napangiti ako. “Okay then, we're using first name.” Balik ang tingin ko Dra. A. Alam ko na meet ko na siya dati but I don't remember when and where. Tinatanong niya si Mister.
“Nagseselos ka ba kay Cassy, Joelle, para kasing ang lalim ng iniisip mo.”
“Cassy. . . yes, Cassy! Now I remember her!” bakit sa dami ng neurogist - bakit si Cassy pa na dating s-e-x partner ng asawa ko ang doctor niya ngayon. Siya ang unang s-e-x partner ni JX na na-meet ko sa Palawan at kahit hindi pa kami ni JX noon. Aaminin kong nag-selos talaga ko sa kanya. At bigatin pala siya, neurologist, parang hindi halata.
“So, kilala mo siya?”
“Well, we are not properly introduced before but yes, si JX talaga ang kakilala niya. Did you know if she went to Palawan probably five years ago?” Nagbabakasali lang ako magkakilala na sila ng ganon katagal.
“Yes, we did! Ako ang nag-invite sa kanila. Isang grupo kami. Residency pa lang kami dito. So, sa Palawan mo siya na-meet. How?”
“Ah, nothing. It's an awkward situation. Sorry I can't share it! Are you two dating or in a relationship?” Ha ha ha umiral ang pagiging tsimosa ko. Baka kasi pagselosan din niya ang asawa ko.
He chuckes. “Hell, no! We're just friend. She's actually married right now. And we never been in a relationship or even fling. I'm still a genuine bachelor.”
“Yeah, I remember what that awkward situation was and I remembered you as well. ”
“Me? How? Probably because we're always in the news.”
“Will it be okay to confirm if you're the lady wearing black short and a tshirt while swimming at the lagoon when suddendly Cassy kissed the man with her and the lady just run away when Cassy whisper something to her? Is that you?”
Bigla ata akong nag-blush. “Yes, that's me!” nahihiyang sabi ko. Bakit kaya pati suot ko alam? May bathing suit din kaya ako loob ng short at tshirt ko.
“Si JX ang kasama mo noon? Boyfriend mo na ba siya noon?” napatingin ako sa kanya. May pagkatsimoso rin pala tong si Doctor. Pero seryoso siyang nag-iintay ng sagot.
“Yes it's JX but no, we're not yet into a relationship that time. Nagkataon lang na nagkasama kami sa bakasyon.”
“Oh, don't you remember that we've been introduce by my sister? Nagkakilala kayo sa loob ng CR. I thought you're that man's girlfriend. Cassy said you're a jealous girlfriend that's why you run away.” I remember I met someone but I don't remember her anymore.
“I'm not!” protesta ko kahit tutoo nagselos ako pero hindi ako jealous girlfriend dahil hindi kami mag-nobyo ni JX. “Na-shock lang ako sa ibinulong niya sa'kin.”
“Did you know that I longing to see you again after our meeting but I really thought that you're his girl? Now, I really regret it knowing na hindi pa pala kayo magnobyo at that time. I thought I can easily forget that innocent girl, but I'm still longin' to see her up to now that's why I'm still single. But now, I'm too late! You're already married. But you still look so young and innocent.”
Ako ang napatulala sa mga ipinagtapat niya. Wala akong masabi.
“I'm sorry, Joelle, but I guess I really need to tell you my real feelings towards you so I can move on. When I saw you on the TV last year when I came back to Philippines. I had the feeling that you're the same girl I saw at Palawan and my sister just confirmed it. I try to approach you several times but I don't know how. I guess kahit nakipila ko sa mga gustong maging ama ng anak mo na reject lang din ako. I saw how you and your husband look at each other – both of you love each other so much. And you have lovely kids. Para tuloy gusto ko na rin magkaroon ng anak ng kalungin ko yung isang anak mo. Puede bang maging magkaibigan pa rin tayo sa kabila ng mga ipinagtapat ko sa'yo? I promise, I will try to move on. Friends?” Inilahad niya ulit yung kamay niya. Tingin muna ko sa mata niya at sa kamay niya. Mukhang seryoso talaga siya. Inabot ko na rin ang kamay niya.
“Okay, friends!” Pero ganon ba dapat yon. Kailangan pa niya sabihin bago siya makapag-move on. Bakit hindi na lang siya mag move-on without telling me. Kung si Mister ang daming s-e-x partners, ako pala ang dami ko talagang secret admirers.
==
Marami pa rin mga series of test nag ginawa kay Mister. Ini-explain naman sa kin ni Doc kung ano yon. Wala na naman siyang binanggit tungkol sa feelings niya sa'kin. Ang madalas namin pag-usapan ay tungkol sa kalagayan ni Mister at ang nalalapit na operasyon. Inihahanda niya ko sa mga posibleng mangyari. Ilan araw din kami pabalik-balik sa hospital. Next week na ini-schedule yung operation ni Mister after ng birthday ng triplets.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top