Chapter 47: Not As Easy as 1-2-3
Joelle POV
Life is not as easy as learning 1-2-3! Talagang hindi maihihiwalay ang mga problema hindi lang sa pamilya kundi pati sa business. At kung dumating pa sabay-sabay. I need to be tough. Hindi ako sumusuko sa problema kundi ang problema ang susuko sa kin. Ngayon pa na inspired ako dahil nakabalik ang no.1 inspiration ko. At ngayon, not just one brain is working but two plus na lang si Liam. Ha ha ha!
Maaga nga kami pumunta sa Boracay, buti at available ang private plane. Anim kami sa private plane (Kuya Alex, Liam, Marie, JX at Ako) plus ang pilot na si Kuya Simon. Very happpy siya nung makita si JX, ang higpit pa nga ng yakap pero siyempre hindi siya matandaan ni JX gayon din si Marie. Todo yakap kay Mister at kumiss pa sa pisngi closer to lips. Talaga tong si Marie, oh! Pero hindi rin siya naaalala ni Mister. Todo kuwento si Marie kay JX para maalala siya yung pagiging double PA niya. Ipinaalam ko rin na si Marie ang nakakilala kay Princess.
Nag-CR ako para mag-change. Pagbalik ko naulinigan ko lang ang sabi ni Marie.
“Boss, di mo talaga ko maalala? Ikaw pa nga ang nag-hire sa'kin para maging spy mo kay Miss Joelle sa loob ng MGC five years ago.”
“What did you just said Marie? Si Mister ang naghire sa'yo para mag-spy? Pero di ba secretary ka na ni Mr. Ramos bago ko pumasok sa MGC?” Namutla si Marie ng makita ko at poker face naman si Mister at kuya Alex.
“Hoi Mister M, ang dami mo ng inililihim sa'kin ha. Kung di ka nagka-amnesia hindi ko pa malalaman. Ikaw rin ang naghire kay Kuya Alex to be my SPSG. Tapos ganon din kay Marie? Ni hindi ka pa nanliligaw non, may bakod na? At sa loob at labas pa ng MGC ha, bakit wala ka bang tiwala sa akin?” Nakapamaywang pa ko sa harap ng magaling kong asawa na namumula.
“I do-do-don't know why? I don't re-re-remember anything how did I do t-t-that!”
“Eh, kung batukan kaya kita para matandaan mo ang lahat?”
“Ha? C-c-can you re-re-really do that to m-m-me? Ba-ba-battered husband ba k-k-ko?”
“Yes, Boss, she can do that to you at hindi ka umaangal! Naalala ko ng nung una kitang makita galing ka ng Canada at may sakit si Miss Joelle at ang pasalubong niya sa'yo batok sa halip na kiss!” singit ni Marie.
“Marie naman, ibuko pa ko. Eh, kasi naman akala ko nagdedeliryo lang ako at saka bakit ko naman siya hahalikan eh di pa siya nanliligaw ng personal non! Ang daya niyong tatlo, pag-untugin ko kayo eh. Pinagka-isahan niya pala ko dati.”
“Bat pati ko nadamay, sumusunod lang kami sa Boss namin.” sabay turo ni Kuya Alex kay JX.
“Ma-ma-maybe I'm p-pr-protecting you that's w-w-why I did w-w-what I did?”
“Eh, pano kung may iba pala kong sinagot sa mga nanliligaw sa kin non?” nag pout pa ko.
“Malamang, Miss, ma-fired lang 'yon tulad ni Mr. John Mattias.” sabi ulit ni Marie.
“What? Kaya ba siya na fired dahil din sa'yo. Ay, Mister, gusto ko na talagang maka-alala ka para masabi mo sa'kin kung ano pa ang mga inilihim ko sa kin. Ump! Mababatukan na talaga kita!”
“Pu-pu-puede kiss na lang sa ha-ha-halip na ba-ba-batok?” Sabay hapit sa baiwang ko.
“Ayyy!” napaupo tuloy ako sa kandungan niya at hinalikan ako ng madiin sa labi. Wala bumigay ako, gumanti ko ng halik. . . mas masarap nga halik kesa batok. Yumakap na lang yung kamay ko sa batok niya...
“Ay, grabe ang ka-sweet-an, tatlo kaming naiinggit dito.” parinig ni Marie.
“Marie, dalawa lang kayo. Hindi ako na-iinggit – sanay na ko sa kanila.” narinig kong sabi ni Kuya Alex.
“I guess ako lang ata, mukhang tulog naman si Sir Liam at walang pakialam.” sabi ulit ni Marie. Bahala kayong mainggit kami ni Mister tuloy lang sa halikan. Ha ha ha. Nasa bandang likod naman kami, eh.
Liam POV
Akala niyo lang tulog ako. Nakapikit lang ako at nakalagay sa isang tenga yung earphone pero nakikinig lang ako. OP naman ako sa kanila. Matagal na silang magkakakilala. Si JX pa pala ang nag-hire sa kanila para bantayan si Joelle. Kahit pala makilala ko na noon si Joelle, wala rin, bakod na pala siya ni JX. Five years ago. . . asan ba ko five years ago?
Iyon yung kinukulit ako ni Papa para pumalit sa kanya para maging new generation board member ng MGC pero nasa Italy ko para i-pursue ang passion ko sa pagpipinta.
Kumuha ko ng kursong Business Administration sa UP Los Banos para pagbigyan sa Papa. Kahit ang gusto ko ay Fine Arts. Kaya ng maka-graduate ako. Sa Italy ko naglagi kasama si Mama at don ako nag-aral ng Fine Arts.
Kinulit ulit ako ni Papa na pumalit sa kanya sa board at mababakante daw ang VP dahil mag-reretiro na ang dating VP. Sinabi ni Papa na may sakit siya at iyon lang ang hiling niya sa akin. Kaya pinakuha niya ko ng Masteral sa Harvard dahil matindi rin daw ang magiging kakumpetensiya ko. Nag-o-online study din daw sa Harvard. Mula sa Italy derecho ko sa US. Matagal na kong hindi nakakauwi ng Pinas.
Hindi ko pinagsisihan ang pag-aaral sa Harvard dahil doon ko nakikilala si Joelle. Akala namin ay tatlo lang kaming pinoy ni Uly at Blessie.
Alam kong kaklase rin namin sa ibang subject ang babaeng iyon pero hindi ko sure kung Chinese nga or Pinay. Maputi kasi at straight mag-english sa discussion. Laging nasa first row naka-upo at laging nagtatanong sa mga professor. Kaming tatlo nina Blessie laging nasa back row at walang interest makinig sa professor, we just need to graduate para may credentials for our businesses.
She's interesting, pretty and intelligent. Parang sila nga lang dalawa nung professor ang laging magka-usap. Hindi mayabang ang dating niya, she's very eager to learn - iyon ang tingin ko sa kanya. Mula noon lagi ko na siyang palihim na sinusundan. Madalas sa library siya tapos don sa boarding house niya lang. Ni walang laging kasama. Di tulad namin nina Blessie na laging lumalabas pagkatapos ng klase. Nung sinusundan ko na lang siya kaya madalas ay hindi ako sumasama kina Blessie.
Nakipagkilala sina Blessie sa kanya. Hindi siya suplada pero napakabata pa niya pero may asawa na agad at P/CEO pa ng MGC ang asawa niya. Hindi ko kilala si JX Montecillo, ni hindi ko alam ang itsura at edad nito. Maaring mas matanda sa akin. Dahil ang sabi ni Papa halos kasing edad niya ang father nito pero matagal ng patay at si Mr. Sandoval ang P/CEO dahil yung anak ay nasa Canada but last year nga ay nag-assume as P/CEO.
At iyon ang asawa ng magandang babaeng nasa harap ko. Biglang sumakit ang puso ko – hindi pa nga ako nakakapanligaw na broken hearted na agad ako.
==
Naging close kami ni Joelle dahil nagi kaming makaka-grupo lagi. Nahatak niya kaming mag-aral lagi. Pati tuloy ako sinipag mag-aral. Madalas don kami sa unit niya kasi iyon lang ang maayos at malinis lagi. Don na lang kami nagluluto pag nag-gu-group study kami. Hindi na ka-kumpitensiya ang tingin ko kay Joelle dahil nawalan na talaga ko ng gana na pumalit sa Papa ko. Joelle is really willing to help her husband. At habang nagiging close kami lalo naman siyang napapamahal sa akin.
Kung sa MGC rin ako magta-trabaho. Masasaktan lang ang puso ko kung lagi ko silang makikitang mag-asawa.
==
Christmas Time, gusto ko sanang makasama si Joelle. Dahil nag-stay lang ako dito sa boarding house. Umuwi sa Pinas sina Uly at Blessie, si Joelle naman ay uwuwi ng Canada. Nandon pala ang pamilya niya. Masaya din siya nung bumalik dahil nagbakasyon din daw don ang asawa niya.
==
Valentine, may group study kami sa unit ni Joelle. I gave her some pink roses and chocolates. Pero nakita kong maraming white orchids sa vase niya. Padala daw yon ng husband niya. Dahil 1st wedding annivesary nila. Malungkot siya dahil hindi niya makontak ang asawa niya.
Pilit ko siyang pinasasaya by pretending to be her husband. Pero para sa akin, kung puede lang talaga ako na lang ang maging asawa niya. Pero biglang sumulpot ang asawa niya. Mas matangkad, mas guapo, mas mayaman at very sweet. It seems that she is very inlove with him. Halikan ba naman ng sobrang init ang asawa niya sa harap namin. Napalunok na nga lang ako. Ano pa ba talaga ang magagawa ko kundi kimkimin ang lihim kong pagmamahal sa kanya.
==
Isang semester lang siya nag-aral dito sa Harvard at ipinagpatuloy na lang daw niya sa online. We are still communicating. Minsan tinatawagan ko lang siya. Ini-add nga ako sa FB niya pero wala naman akong maasahan, bihira lang siya mag-online or magpost ng picture or status. Nakakabalita na lang ako kay Blessie dahil lagi pa rin updated sa news basta tungkol kay Joelle. Umaasa lang din ako sa online news. Lahat ng write-ups tungkol sa kanila binabasa ko. Wala naman akong hilig sa celebrity news pero dahil sa kanya – wala akong pinalampas na isang write-ups. Ang pinakagusto ko yung tungkol sa hen party niya. She's very naive, innocent and she's a virgin bride! Thinking that JX Montecillo was a playboy once – nakapag control siyang hindi galawin ang napakaganda niyang girlfriend. Kung sabagay – kung ako siguro, ganon din!
==
Mas nauna siyang natapos ng kurso sa amin dahil magaling talaga si Joelle. At sinabi ni Papa na si Joelle na nga ang VP ng MGC. Pero nagkagulo ang MGC ng sumunod na Christmas time. Dahil nawawala si JX Montecillo at hinihinalang patay na ito. Si Joelle Montecilllo ay nagkaroon ng nervous breakdown at natulala. Agad akong umuwi ng Pilipinas. Nadalaw ko pa siya sa ospital at don ko rin nalaman ang pagdadalantao niya. Gusto ko sana siyang yakapin non pero laging nakabantay ang bunsong kapatid niya. Dinala pa nila siya sa Canada. Agawan naman sa puwesto ang mga board member ng MGC. Gusto na nilang paalisin sa puwesto si Joelle pero gumaling na pala ito after a month and half at balik sa MGC.
==
Unang nagkita kami sa board meeting. Nagulat ako dahil yung kaibigan kong masayahin at laging nakangiti ay napalitan ng isang babaeng walang kangiti ngiti sa labi at mata. Matalim magsalita at dominante. Matapang at parang hindi matitinag. Maging ang mga board member na nagtatapa- tapangan ay walang nasabi ng magsalita at humarap sa kanila si Joelle. Nginitian ko pa siya pero parang pati ako ay balewala sa kanya. Ni hindi ako nginitian. Buti na lang at nanalo ko by one point sa botohan. Ako kaya ang ibinoto niya.
==
Bumalik yung closeness namin dahil nakatago lang pala ang dating Joelle na kaibigan ko. Marami ang nanliligaw sa kanya na gustong maging ama ng magiging anak niya at gusto ko rin sanang makasama sa kanila pero lahat naman basted. Kaya nakuntento na kong maging kaibigan niya muna at nang magtapat na nga ako. Nasampal lang ako at hindi na ko itinuring na kaibigan. Wala talaga akong pag-asa kay Joelle na magustuhan niya ko ng higit sa kaibigan. Kaya masaya na kong maging kaibigan na lang niya. Lalo na ngayon bumalik na ang mahal niyang asawa.
==
“Liam, wake-up, we're here.” nagulat ako sa mahinang magyugyog ni Joelle sa balikat ko. Hindi naman ako tulog. Pero sa lalim ng pagbabalik tanaw ko. Di ko na namalayan nandito na pala kami.
Alas diyes na ng umaga ng dumating kami dito sa hotel. Sinundo kami sa airport ng isang van ng hotel. Pati sa loob ng van ay sweet ang mag-asawa parang walang kasama at parang walang problema. Hindi na sila pinaringgan ni Marie.
Pati pagpasok sa hotel ay magkaholding hands pa rin. Nauuna sila at kasunod sina Alex at Marie. Ako ang nahuhuli. Sinalubong agad kami ng Assistant Manager.
Paakyat na kami ng elevator ng mapatingin ako sa isang babae. . . “Joelle?” nilingon ko pa ang babae na derecho lang sa paglakad at ni hindi lumingon sa kin. Bakit nga naman siya lilingon eh, hindi naman siya si Joelle. Nakapantalong maong na puti ang babae, blouse na red at wedge sandals. Mahaba rin ang buhok na hanggang gitna ng likod na medyo kulot sa dulo. Tingin ko may mas mababa ito kay Joelle. Pero namalik mata lang ba ko o talagang kamukha siya ni Joelle. Sinundan ko pa ng tingin ang babaeng nakatalikod, sexy rin siya. Ganyan ang porma ni Joelle pag hindi naka-office attire.
“Liam, did you just call me?” Napatingin ako sa tutoong Joelle na nakangiti sa akin?
“Ha? Ah, hindi. Sorry!” Medyo nalilito ko. Ang Joelle na kasama ko ngayon ay naka-office attire, blazer na ¾ na white. Peach rupples blouse and black pencil cut skirt na just above the knees at naka sandal na black din. Nakalugay ang mahabang buhok na abot sa gitna ng likod pero hindi hindi kulot sa dulo. Liam, ano ba ang nangyayari sa'yo epekto ba yan ng pag-gunita ko sa pagkakakilala niyo ni Joelle.
Pumasok kami sa conference room at nandon na sina Mr. Arevalo at mga kasama nito. Nakipagkamay agad si Joelle sa lahat ng miyembro ng union. Ipinakilala niya si JX at sinabi ang kundisyon nito at nakipagkamay din sa lahat ng miyembro ng union. Ipinakilala rin ako ni Joelle at ganon din ang ginawa ko.
Mainit ang pagtanggap nila kay Joelle di tulad ng pagtanggap nila sa'kin kahapon. Nag-umpisa na agad si Joelle mag discuss at ipinaliwanag niya at binigyan ng kopya ang mga miyembro ng union tungkol sa mga magagandang report na natanggap namin at ang approval na salary increase at benefits na pinirmahan ni Joelle almost two months ago.
Ipinakita rin naman ng kabilang panig ang report nila pati ang request nila for strike na may approval ng DOLE. Open si Joelle sa mga opinyon at tanong ng mga miyembro ng union at pinapakinggan ang bawat isa at agad na sinasagot ang mga katanungan nila. Si Marie ay nag-vi-video.
Ang kuro kuro ay itinakbo ng GM ang sueldo ng mga tao for the past one-half month. Ipinatawag din ni Joelle ang payroll administrator dito para tingnan kung magkano ang kabuuan sueldo ng mga empleyado at agad nag-issue ng cheque para ma-process agad ang pag-dedeposit sa account ng mga empleyado. Sinabi rin niya kay Mr. Arevalo na pro-rated ang salary increase dahil hindi makakama ngayon payroll pero sisiguraduhin niya na kasama sa susunod na pasahod. Effective immediately rin ang benefits ng mga tao dahil two months na nga iyon na approved.
Dito na rin nagpa-serve ng lunch si Joelle. Pinakinggan pa rin ni Joelle ang mga suggestion ng mga union tungkol sa mga nakikitang maling mapapalakad ng management. Ipina-note naman sa akin iyon ni Joelle. Sinabi rin ni Joelle na sakin makipag-coordinate si Mr. Arevalo for the meanwhile dahil kailangan nilang umalis ng bansa para sa operasyon ni Mr. Montecillo.
Masasaya ng nakangiti ang mga miyembro ng union ng lumabas matapos ang meeting at isa isa pa ulit silang kinamayan nina Joelle at JX, ganon din ako.
“Vic, gusto kong makita ang inaanak ko pagkatapos ng meeting ko with the management. Tatawagan kita, okay lang ba?” pahabol ni Joelle.
“Oo, excited na nga! Tanong ng tanong tungkol sa'yo kagabi.”
==
Liam POV
Bago nag-umpisa ang isang pang meeting with the management. Nag pa breaktime muna na 15 minutes si Joelle para makapag-CR at maka-relax ng konti. Kasunod lang nila kong lumabas. Si Joelle ay pumasok sa CR ng babae at si JX sa CR ng lalaki. At inintay lang ni JX si Joelle nung matapos ito. Sabay rin silang pumasok ulit ng conference room. May nag-abot naman sakin ng note na may calling card.
“Mr. William Nobledo, can I invite you for a cup at Coffee at Starbuck Cafe at 3:30 PM. I will wait for you! Jorie”
Binasa ko yung Business Card, Joanna Marie Romero, President/CEO, JMR Advertising Ltd.
Sino to? I don't have any idea. Pero na-curious ako.
==
Nag-proceed naman agad si Joelle sa meeting kasama namin ang Assistant Manager, Guest Relation Officer and Reservation Officer para solusyonan ang mga inconvenience ng mga guest.
Inalam ni Joelle kung ilan araw na apektuhan ang mga guest. Mostly kahapon lang naman ng umaga.
“So, yung lahat ng naka-check-in kahapon ay libre sa araw na iyan. At padalan niyo ng apology letter at survey letter kung ano ang opinyon nila sa solusyon ginawa ng management sa inconvenience na naranasan nila. Eto ang apology letter na napirmahan ko na at survey form. Bago mag-check out be sure na ibalik ang survey form at ideduct niyo ang isang araw na iyon.”
“Ma'am hindi po ba malulugi ang hotel non?” tanong nung reservation officer.
“Well, we might lose thousands of pesos but we will have 350 happy guest. If you are one of the guest na na-bad trip dahil walang naglinis ng room mo. At ako ang nasa reception, for sure nakasimangot ka sa akin, kahit receptionist lang ako. Ako ang magiging shock absorber. At ngitian kita ng ganitong katamis.” Joelle smile her sweetest smile ever.
“Ma'am, Sir, Eto po ang apology letter from the Acting P/CEO of MGC herself in behalf of Boracay Best Suite Hotels for the inconvenience that you experience yesterday and we are giving you a day off your bill. So You save P750 pesos! Please fill-out this survey form while I'm processing your refund.”pag-arte ni Joelle.
“I believe P750 is the lowest rate per day here. If they are paying P1500/ day , they have a discount of P1,500. Hindi ka ba matutuwa na may discount ka dahil hindi lang nalinisan ang room mo? Whether you complaint or not. For sure mapapangiti ka rin. At dahil masaya ka. Pagko-commute dyan sa labasan kahit sa tricycle driver ay ikukuwento mo ang naging experience mo at dahil may discount kang na-receive masaya ang kuwento mo. Kahit siguro bumalik ka na kung saan lupalop ka nagmula ay masaya ka pa rin at ikukuwento mo pa rin yan sa pamilya mo at mga kaibigan. At for sure, sasabihin mo sa kanila, don na lang kayo mag-check in dahil the best ang service nila even in the small inconvenience.”
“We lose today but we will gain the future. It's not overnight but it will come.” Nagpalakpakan naman kami.
“Paano po Ma'am kung naka-check out na yung guest kahapon.” tanong ng AM.
“For sure you have their contact and billing information. Call them personally. Send them the apology letter and the discount. For sure they will spare a little bit of their time. Ask them about the survey, it's just a few question, yes or no. And tell them that you are refunding their discount. If they paid in Credit card, refund it in credit card that they used. If they paid in cash. Ask them where to send the cheque and be sure that it's their name written on the cheque and send it by registered mail.”
“Please send me the exact figures as soon as you process all the refunds. Any more questions? And btw, I'm just the spokeperson here, the idea of refund is from our P/CEO himself, JX Montecillo.”
Nagpalakpakan naman sila. Pinalabas na ni Joelle. Kami-kami na lang nina Joelle ang naiwan dito. Tingin ako sa relo ko, 3:20 PM.
“Liam, if you receive the report please email me a copy.” sabi ni Joelle.
“Ha? Okay!” Tingin na naman ako sa relo ko.
“Okay ka lang ba, Liam? May lakad ka ba?” Medyo naka kunot noo siya at inaayos ang gamit niya.
“Ha? Ah, e. May i-me-meet sana ko. Anong oras ba tayo babalik ng Manila?”
“4:30 PM. You may go. Kita-kits na lang tayo dito. May i-me-meet din kami.” sabi ulit ni Joelle.
Joelle POV
Kanina ko pa napupuna walang sa sarili tong si Liam. Masyadong tahimik at parang ang lalim ng inisip. Sino kaya ang ime-meet niya dito? Nung sabihin kong you may go. Lumabas na nga agad na parang nagmamadali. Di kaya kailangan lang pumunta ng CR? Ha ha ha.
Tinawagan ko lang Vic. Kasama na pala niya si Mica at susunduin daw kami dito sa lobby. Labas kami sa conference room. Gustong magpa-iwan si Marie, kaya si Kuya Alex lang kasama namin. Nakita ko ang Starbucks coffee dito sa lobby ng hotel. Nagyaya muna ko. Parang gusto ko ng iced cuppucino. Pasok kaming tatlo.
Di naman kalakihan tong starbucks lapit agad ako sa counter at nag-order. Habang nag-iintay ng order, tiningnan ko ang kabuuan nitong coffee shop. Parang si Liam yung lalaking nakatalikod at may kausap na babae. Napatingin naman yung babae at kumaway. Lumingon naman si Liam at medyo nagulat.
Lapit naman ako, na curious ako at mukhang pamilyar yung babae.
“Hi, you look familiar, did we met before?” I'm using my friendly greetings ng makalapit ako sa table nila. I don't remember kung san kami nagkita pero alam kong nagkakilala na kami. Si Liam ay hindi pa nakakarekober sa pagkagulat.
“Jorie Romero, Mrs. Montecillo, of JMR Advertising. We met sometimes in December for advertising of our baby products.”
“Oh, yes, I'm so silly to forget my look-alike - as your colleague called us, right? So, you're in the conference then?” Tumawa siya ng mahinhin. Yung kasama niya kasi ang nagsabing magkamukha daw kami. Shorter version ko lang si Jorie at mas lighter ako. Yung mata ang medyo magkaiba dahil bilugan ang kay Jorie.
“Yes. Is he your husband?” nakatingin siya kay JX na naiwan sa may counter. Kinawayan si Mister para lumapit.
“Yes.” Nang tuluyan ng makalapit. Pinagkilala ko sila. “Anyway, we won't keep you. I need to meet with my godchild and they probably waiting at the lobby. Nice to see again, Jorie.” Paalam ko kay Jorie at nagbeso pa kami. “Liam, see you later.” tumango lang si Liam sa'kin at matipid na ngumiti. Makahulugan naman ang iniwan ko ng ngiti sa kanya. Mamaya kukulitin ko yan. Hi hi hi.
==
Isang cute na cute na medyo chubby na batang babae ang agad na payakap na sumalubong sa akin ng ituro ako ni Vic. Yakap siya agad sa baiwang ko. Yumukod ako para maka - eye level ko siya.
“Hi, Mica, kamusta ka. You're so beautiful!” Maganda talaga ang batang ito kamukha ng mommy niya. Although hindi ko na-meet ng personal pero nakita ko sa picture.
“Hi po! Are you gonna be my new mommy?” Nagulat ako sa tanong ng bata dahil ko inaasahan at napatingin kay Vic. Napakamot lang 'to sa ulo niya at nagkibit-balikat. English speaking pa tong anak niya ha.
“I'm sorry sweetheart, hindi ako ang new mommy mo. Ako ang ninang mo.” Biglang lumungkot ang bata na parang iiyak. Naawa naman ako. “How about I can be your Mommy for today? At ipapasyal kita sa Mall.” Ngumiti na ulit ang bata at hinawakan ang kamay ko at hinila na.
“Ipakilala ko muna si Tito JX. Siya ang asawa ni Ninang at si Tito Alex, kaibigan siya ni Ninang. Kasama natin silang mamamasyal, okay lang ba sa'yo.” Tiningnan niya ang dalawang lalaki.
“Ok po. Pogi naman po sila!” Nagkatawanan naman kaming lahat. Sa kotse ni Vic kami sumakay, katabi niya si Kuya Alex at kami ni Mister at si Mica sa back seat. Ipinakita ko sa kanya ang picture ng mga babies namin ni Mister. Natutuwa siya dahil tatlong magkakamukha daw. Bakit siya daw nag-iisa?
Akala daw niya ako ang magiging mommy niya dahil lagi daw sinasabi ng daddy niya na ipapakilala ang new mommy niya pero ako pa lang daw ang unang niyang na-meet. Five years na rin ang nakalipas - siguro hindi pa rin nakaka-move on si Vic. Madaldal si Mica kaya hindi kami na bored. Pati sa mall ay hila-hila niya ko sa kamay. Nakasunod lang sa'min ang tatlong lalaki. May kinuha siyang isang malaking teddy bear na pink. Pumili rin kami ng mga damit para sa kanya. Ako ang nagbayad ng bill dahil regalo ko yon sa kanya sa dami ng utang ko. Ha ha ha.
Kumain din kami sa Jollibee dahil iyon ang gusto ng bata. 4:30 na kaya kailangan na kaming bumalik dahil 5:00 ay flight schedule ng private plane. We cannot be late for that.
Iyak ng iyak si Mica ng maghiwalay kami ay ayaw bumitiw sa akin. Parang dinudurog ang puso ko. I just promise her that we can see some other times again at mas matagal kaming mamamasyal. Biniro ko pa si Vic na kailangan na talaga niya humanap ng bagong mommy ni Mica. Nakangiti siya pero may lungkot pa rin sa mata niya – hindi daw madali. I know the feeling at naiintindihan ko siya. Once again, life is not as easy as 1-2-3! Iba't iba lang ang pinagdadaanan pagsubok ng bawat tao.
==
Sa eroplano, nagpaalam lang ako kay Mister na makikichika lang ako kay Liam. Ito lang ang oras na makipag-chikahan sa kaibigan. And I felt that he's so out-of-place sa'min kanina. Just assure him nothing to be jealous about. I think he's becoming more understanding now.
Lumapit ako sa nakapikit na si Liam at inalis ko ang earphone sa tenga niya at pati ang sunglass niya.
“Hey you, Mr. William Nobledo, magkuwento ka sa'kin. I didn't know na magkakilala kayo ni Ms. Jorie Romero.” Nanunukso kong tanong at umupo ako sa tabi niya. Matapos kong sulyapan ang nakapikit kong asawa. Nakapikit rin sina Kuya Alex at Marie, at nakasandal pa sa balikat ni Kuya Alex si Marie.
“Bat nandito ka? Baka magselos asawa mo?” bulong sakin ni Liam.
“Nagpaalam ako. So, ano, kuwento na. When and how did you know each other?”
Tumawa siya ng mahina. “Kanina lang. She gave a note to meet her at the coffee shop. I'm just curious kaya nakipag-meet ako. Would you believe na classmate pala kami dati sa college? But I didn't remember her.” his voice sounds a bit of excitement.
“Really, that's sound interesting! She seems to like you, I saw it in her eyes and it seems that you're excited about it. You do like her too, don't you?”
Liam POV
"Like agad agad? Hindi kaya! He remember me but I don't even know her existence back then. Hindi kaya stalker ko siya?” iyon talaga ang iniisip ko kanina pa.
“That's sound creepy if you have a stalker, I got alot of them.” Oo, isa nga ako don, eh. Pero hindi ko aaminin kay Joelle yon. “But I can not blame her, you're probably a headturner during your college years. Hindi naman kataka-taka, guapo ka naman talaga.” Guapo nga ako pero hindi naman obra sa kanya kaguapuhan ko.
"Well, medyo lang.” pa-humble lang ako kahit marami talagang nagkakagusto sa kin dahil nasa basketball team ako. Kung schoolmate ko kaya si Joelle, napansin din niya ko? “What's creepy is she looks like you except for the eyes and even the way you dress are the same.”
“The right term should be – I look like her. She's older than me, right! At marami naman magkakamukhang tao sa mundo. At yung pagkakaparehong manamit, parehas lang siguro kami ng taste.” Ganon ba talaga yon. At magkakilala rin sila. Coincidence nga lang ba talaga ang lahat?
“Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi ko man lang siya napansin noon gayon kamukha mo siya?” natawa si Joelle. Mali ata ang nasabi ko. Binalikan ko sa isip ang sinabi ko, ngek, naibuko ko ang sarili ko talagang gusto ko si Joelle.
“Eh, hindi mo rin naman ako pinapansin dati, di ba? Kelan ka lang nagka-gusto sa'kin! Sina Blessie lang unang nakipagkaibigan sa'kin.” Oh, if you only knew Joelle. Pero nagkibit-balikat lang ako.
“Friend, I think i-pursue mong makilala siya. Who knows baka siya pala ang nakalaan para sa'yo, di ba? At least di mo na ko kailangan i-clone, ka-look-a-like ko na siya. But be sure do not compare us. Try to know her as she is. Don't look my qualities on her. She's unique in her own way. Balitaan mo lang ako ng development. You can email me anytime, you know that!” Tinapik ako ni Joelle sa balikat at lumipat na siya sa tabi ni JX. Naiwan akong nag-iisip.
Parang ang hirap na hindi ko sila i-compare. Joelle is so understanding and lovable in all her qualities. And I'm head from toes inlove with her not just skin deep but all of her. How can I find the uniqueness in Jorie? We exchange numbers but I don't know if I will call her again. . . lalo ngayon na kailangan ako ni Joelle sa opisina. She's a real best friend, she had her own tough times and I didn't even ask her about how she feels towards the news that Princess is really pregnant. I know it's not easy for her but she's being tough.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top