Chapter 42: Insecure Husband

Joelle POV

Pagbalik ko sa silid ni JX, isang nakasimangot na asawa ang naabutan ko.

 “W-w-what took you so l-lo-long? Do y-you ne-need to go to h-h-his of-office? C-c-can you not talk in-f-front of me?”

 Nagulat ako sa sunod sunod niyang tanong at galit na tono. Pero kalmado lang ako, ayokong sabayan ang galit niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon.

 “Lets go home, nag-iintay na ang mga bata.” Kinuha ko yung bag ko at nag-abresite sa kanya para yayain siyang lumabas.

 Pero hindi siya tuminag. “Y-y-you didn't a-a-answer me yet!” mas madiin ngayon ang tono niya. Tumingala ako sa kanya para tingnan siya sa mata. Galit nga.

 “He just talked to me to tell me to stay by your side until the series of test are done.” casual na sabi ko.

T-t-that's all? He can t-t-tell that to you he-he-here in front of me. Or th-th-there's something else?” Nakakunot noo siya at tono ay nagdududa. I decided not to tell him ang pagpuri sa'kin ni Dr. Romero at ang pagpisil sa kamay ko. Tingin ko kasi nagseselos siya!

Are you jealous?” Bigla naman siyang natahimik at nag-iwas ng tingin? “Wala kang dapat ipagselos. Now, can we go home para maabutan ko pang gising ang mga anak natin?” hindi ko na siya inintay sumagot. Hinila ko na siya. Medyo nag-init na rin kasi ang ulo ko at pagod na ko. It's been a long day for me.

 Mas lalong nag-init ang ulo ko nung lumabas kami ng ospital dahil ang daming reporter na gusto kaming mainterview at nasisilaw ako sa kislap ng mga kamera. Hinarangan naman sila ng mga guards at ni Kuya Alex hanggang makasakay kami ng kotse. Ipinasabi ko na lang kay Kuya Alex na magpapa-set ako ng presscon before the end of this week.

Wala kaming imikan ni Mister habang nasa loob ng sasakyan. Dito kami parehas sa likod pero nasa magkabilang dulo kami. Si Kuya Alex ay nakatutok sa pag-di-drive at minsan na tumitingin sa rear view mirror na parang nagtataka. Tumanaw na lang ako sa tinted na window sa side ko. Nagpatugtog na lang ng radio si Kuya Alex. Isang kanta ni JX ang nasa ere. . .yung “You are the reason.”

JX POV

Bakit kasi kailangan pa kong ipa-check-up? Parang naaawa ako sa sarili ko na pakiramdam ko ay wala akong silbi.

At guapo pala itong si Dr. Romero at ang ganda ng pagkangiti sa asawa ko. Parang tinamaan. Bakit ba kasi ang ganda at sexy ng Misis ko? Napaka-simple lang naman niya at halos walang make-up pero natural talaga ang ganda. Desente naman ang suot niyang business attire at hanggang tuhod yung pencil cut na palda niya pero nakapa-sexy pa rin tingnan.

Ako nga ang tutoong JX Montecilllo na asawa ni Joelle pero dahil sa mga kapansanan ko ngayon – pakiramdam ko hindi ako bagay sa asawa ko. Paranoid na kung paranoid, pero na-i-insecure ako sa lalaking tulad ni Dr. Romero – guapo, mukhang matalino, tuwid magsalita at maglakad at halatang nagpapansin sa asawa ko. Bakit kailangan pa nilang mag-usap sa office nito? Kung tungkol lang pagsama sa kin dito sa ospital bakit hindi pa sa harap ko mismo sabihin? Nagseselos daw ako, eh, talagang nagseselos ako. May karapatan naman siguro kong magselos, asawa ko!

Wala daw akong dapat ipagselos? Eh, bakit nagalit siya? Pati dito sa loob ng sasakyan, lumayo sa kin. Nahihiya na ba siyang tabihan ang isang utal na tulad ko?

Si Alex, nagpatugtog ng radyo pero kanta ni JX (yung dating ako) ang kinakanta. . . itong yung kanta ng dating ako nung magtapat daw ako ng pag-ibig kay Joelle. Yung dating ako na hindi pa utal at pilay. Yung magaling pang kumanta. Sinulyapan ko si Joelle. Nakatingin lang sa labas at nakatalikod sa kin pero nakita ko sa reflection sa salamin na pinunasan niya ang mata. Umiiyak ba siya?

U-u-umiiyak ka ba, Jo-joelle?” pinunasan niya ulit yung mata niya pero hindi humaharap sakin.

Hindi! Bakit naman ako iiyak?” mataray pa ang tono. Humalukipkip pa at sa labas pa rin nakatingin.

 “Eh, ba-ba-bakit parang pi-pi-pinunasan mo ma-mata mo?”

Napuwing ako, pakialam mo?” hindi nga galit. Ako dapat ang galit, bakit ngayon siya na? Sumandal pa at pumikit. Mukhang ayaw akong kausap.

 Lumapit ako sa tabi niya. At hinapit ko siya sa baiwang palapit sa akin.

Ayyy! Kabayong butiki! Ano ba? Bakit ka ba biglang nanghahapit?” Napatili siya sa gulat pero tumalikod pa rin sa kin.

 “So-so-sorry na?” Alam ko naman ako ang may kasalanan paranoid kasi ko.

 “Bakit ka nag so-sorry? May ginawa ka bang kasalanan?” cold pa rin niyang sabi. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

Na-na-nag-selos ako kay Do-doctor Ro-romero!” pag-amin ko.

“May dapat ka bang ipagselos? May ginawa ba kong mali? Wala ka bang tiwala sa kin? Masama bang kinausap niya ko sa silid niya para sabihan kong samahan kita sa mga gagawin pang test sayo dahil sa tingin niya eh maiksi ang pasensiya mo at iritable ka? Siyempre kailangan niya kong kausapin dahil siya ang doctor mo? Kapag ba kinausap niya ko ibig sabihin may gusto na siya sa akin kaya dapat kang mag-selos? Lahat ba ng lalaking matingin sa kin, may gusto na sa akin? Baka pati si Kuya Alex – pinagseselosan mo?”

Ganon? Ang dami agad tanong? Ang bilis pang magsalita. Natameme tuloy ako. Pero halata naman talagang may gusto sa kanya yung doctor na yon. Sa tingin pa lang halata na. Idamay pa tong PSG niya. Kanina nung kamayan ako ni Alex, may malasakit ang tono niya at hindi ko nakitaan ang mata niya ng pagnanasa sa asawa ko. Concern ang nakita ko.

O ano? Wala ka ng nasabi? Bitawan mo nga ako, matutulog na lang ako. Kakainis naman ang traffic sa Pinas!” Sisisihin pa daw ang traffic sa akin lang naman galit. Pero sa halip na bitawan siya, inakbayan at ihinilig ko na lang yung ulo niya sa balikat ko. “Si-si-sige, matulog ka mu-muna!” Baka pagod na siya kaya uminit na ulo.

Joelle POV

Ang tutoo naiyak talaga ko sa kanta dahil naalala ko nung matapat siya sa akin sa harap ng MGC staff. Nakakaiyak naman talaga yon sa saya. Pero ngayon nalulungkot ako. Pero naiinis rin ako sa kanya kaya tinarayan ko na lang. Dapat ba naman niyang pagselosan si Dr. Romero? Kailangan ba lahat ng lang ng lalaki pagselosan niya. Hindi siya yung tipo na mabilis magselos dahil napag-usapan na namin yon dati na walang selosan. Pero may amnesia nga pala siya, baka di na rin naalala na usapan namin dati.

Sindakin ko nga ng matigil sa kaseselos, baka pag nasindak eh, maka-alala. Tulugan ko muna ngayon tutal traffic naman. Pero sweet ha, ihilig pa ko sa balikat niya. Sige na nga! Kinilig ako pero di ko ipahahalata. Pero hindi pa tapos ang pagsindak ko ka kanya, itutuloy ko pa mamaya. Pikit muna ko.

Zzzzzzzzzzzzzzz

JX POV

Ang bilis naman makatulog nitong babaeng ito. Pagod nga, nakanganga pa. Ang sarap sanang halikan kaso baka magising. Pagod din talaga siya dahil maaga rin siyang pumasok sa office at kanina madaling araw na kami natulog. Ang dami pang nangyari.

Almost one hour and half din ang biyahe namin. “Jo-jo-joelle, dito na ta-ta-tayo!” Marahan ko siyang niyugyog sa balikat. Parang mantika palang matulog to. Halikan ko kaya? Pero ngayon nakatikom na ang bibig. Idinampi ko yung labi ko sa labi niya ng medyo madiin. Effective! Bigla siyang dumilat.

Bat kailangan halikan mo pa ko? Di mo na lang ako ginising?” nakabusangot pang sabi. “I di-did try to wa-wa-wake you up!” depensa ko sa sarili ko.

Eh, ano pang iniintay mo dyan? Pasko? Di ka pa ba bababa para alalayan ako?” Di kaya meron siyang period kaya ganitong kasungit?

Napakamot na lang ako sa ulo ko at bumaba at inalalayan siya. “Salamat!” iyon lang ang sinabi at derecho na sa loob ng bahay. Ni hindi ako sinabayan? Sumunod na lang ako. Kasunod din namin si Alex.

Dumarecho siya sa dining area kung saan kumakain na ang mga babies namin. Narinig ko ang pagtawag ni Baby Jem. . . “Nanay. . .nanay!” matatas na nasasabi ni Baby Jem ang Nanay at Tatay. Sina JA at JR ay Nana at Tata pero magaling na silang maglakad, tumakbo at umakyat ng hagdan.

Hinalikan ni Joelle ang mga bata at nagbeso rin kay Mommy. Ako naman ang tinawag ni Baby Jem ng makita ko. “Tatay. . . tatay!” At itinaas pa ang dalawang kamay at gustong magpakalong.

Not yet, Baby, ubusin mo muna ang food mo bago ka pakalong sa Tatay!” saway ni Joelle kay Baby Jem at tiningnan ako na parang ibig sabihin, 'huwag mong pagbibigyan ang anak mo.' dahil akmang kakalungin ko na sana talaga siya. Sa halip hinalikan ko na lang sa noo si Baby Jem and she start whining. . .

 “No, whining, baby! Eat your food first. Look at your brothers, they're eating really good!” Naka-eye level si Joelle sa mata ni Baby Jem habang kinakausap ito ng mahinahon at nakangiti. Nabawasan naman ang pag-whine ni Baby Jem at tiningnan nga yung dalawang kakambal niya, na naka-upo rin sa magkabilang baby high chair. Parehas madungis dahil kabilaang kamay ang ginagamit sa pagkain.

Sabi ng mga yaya kanina. Ayaw daw ni Joelle na bine-baby talk ang mga bata, para daw sa brain development ng mga bata na kailangan kausapin ito ng normal. Kaya hindi ko tuloy makausap ang mga babies ko, baka mahawa pa sa pagka-utal ko. Nakikipaglaro na lang ako sa kanila. Hinalikan ko rin ang mga boys na very busy pa rin sa pagkain. Kinakain nila yung mga mixed vegatables like green peas, carrots, corn and beans na hiniwa ng mga maliliit. Ang ganang kumain pati si Baby Jem, nakikain na rin.

Humalik din ako kay Mommy. “Kumain muna kayong mag-asawa, hijo.” sabi ni Mommy. “Alex, sumabay ka na rin sa kanila.” May nakahanda ng ngang plato para sa amin. Ipinaghila ko ng upuan si Misis at nagpasalamat naman. Umupo na rin ako sa puwesto ko. Ipinaglagay naman niya ko ng pagkain sa plato ko. Uy, mukhang di na siya galit sa kin.

Musta ang resulta ng mga test ni JX, Joelle?” tanong ni Mommy kay Joelle. Bakit si Joelle ang tinatanong puede naman ako, siguro hindi rin ako maintindihan gaano ni Mommy pag nagsalita ako. Lalo tuloy akong nalungkot.

Hindi pa po tapos, Mom, babalik pa po kami bukas. Bukas po maaga na ang appointment namin. Ako na po ang sasama sa kanya. Di muna po ako papasok sa opisina.” sabi ni Joelle at inumpisahan ng kumain.

Hija, iniisip ko na mas mabuti siguro kung sa Canada natin patingnan si JX. Mas advance ang technology don. What do you think, hija?” Sa Canada? Ibig sabihin magkakalayo ulit kami ng asawa ko? Ayoko, gusto ko kung nasan ang asawa at mga anak ko nandon din ako. Sasagot na sana ko pero naunahan ako ni Joelle.

 “Naisip ko na rin po iyan kagabi, Mom, I think you're right! I will check the validity of JX's passport and I will ask Ann to book a flight.” pang-sang-ayon ni Joelle habang seryosong kumakain. Ganon? Payag talaga siyang umalis ako?

Inisip ko rin po na isama ang mga yaya ng mga bata kahit tourist visa lang. Mahihirapan kayo ni Mama kung kayo lang po ang mag-aalaga sa triplet!” sabi pa niya kay Mommy. So, isasama niya sa kin ang mga babies namin.

Humarap naman siya sa mga yaya. “Mari, Sabel, Maeanne – may passport na ba kayo?”

Ako po, Ma'am Joelle, may passport na po kasi po di ba plano ko mag-apply sa Canada!” sabi ni Maeanne.

That's great, give it to me para ma-i-apply kita ng tourist visa.” nakangiting sabi ni Joelle at na-excite naman si Maeanne. Then humarap kina Mari at Sabel na nag-iintay ng sagot.

Wala pa po, Ma'am.” malungkot na sabi ng dalawa.

Don't worry, ipapa-asikaso ko kay Ann yung documents nyo para makakuha rin ng passport at visa.” bigla rin napangiti yung dalawa at na-excite.

Ako, hindi niya tatanungin kung excited? Ayoko kayang umalis. Pero hindi nga ako tinitingnan, gusto ko sanang mag salita pero nagpatuloy na siyang kumain. Ang lakas kumain at nilagyan ulit ang plato ko. “Eat more, Mister M. Para gumaling ka agad.” walang emosyon niyang sabi. Gumaling? Wala naman akong sakit, ah. Ang lakas lakas ko nga. Iyon nga lang may amnesia pa rin ako. Dapat mauntog ako. Ganon sa movie pag may amnesia, nauuntog ulit at nakakaalala na!

Hindi na ko kumibo, nagtuloy na lang ako sa pagkain. Mamaya ko na lang siya kausapin. Matapos kumain, nagpaalam na si Joelle na aakyat para magpalit daw ng damit. Nasa salas pa ang mga bata. Binilisan ko rin ang pagkain para masundan ang asawa ko pero nang papasok na ko sa silid. Palabas na agad siya. Naka- active wear siya na kulay grey na crop leggings at sleeveless na top. Kitang-kita ang ganda ng katawan niya. Derecho siyang lumabas ni hindi man lang ako tiningnan. Galit pa rin siya?

 [A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top