Chapter 41: JX Health Condition
Joelle POV
Pagbaba ko sa lobby ay nakasalubong ko naman si Kuya Alex.
“Joelle, I guess balik na ko sa pagiging PSG mo. Nakita ko sa news ang nangyari dito kaninang umaga. Sinugod ka pala ni Princess.” seryosong sabi ni Kuya Alex. “Hindi ka ba nasaktan?”
“Hindi. Siya nga nasaktan ko.” Humagikgik pa ko.
“Something change with you! Seems that you're back to old Joelle. Saan ang punta mo ngayon?”
“Sa St. Luke's Hospital. Lika samahan mo na rin ako para makita mo na rin si JX.” Ibinigay ko yung susi ng kotse ko. Ipinagbukas din niya ko ng pinto sa backseat. Ayaw niya kong pauupuin sa passenger seat. Mas safe daw pag nasa likod ako. PSG talaga!
“Nice car! That's why I love being your PSG, daming chicks ang napapalingon sa'kin.” he chuckles. Loko rin pala tong si Kuya Alex kala ko laging seryoso.
Natawa rin ako sa kanya. “Kaya mo ba nameet si Ate Dory?” Yung Misis niya ang tinutukoy ko.
“Ha ha ha! Oo, akala niya – sa akin yung BMW dala ko dati nung minsan ipag-drive kita.”
“Eh, kaya mo naman bumili ng BMW.”
“Hindi pa. Magastos pa ang may maliit na bata. And it's not our priority, right now!” Oo nga pala, almost 2 years old pa lang ang anak nila - si Aldrin.
==
Pagdating namin sa St.Luke's ay nandoon na sina JX at Mommy. Humalik ako sa pisngi ng asawa ko at gayon din kay Mommy.
“I-i-ikaw si A-a-alex, di ba?” tanong ni MKA kay Kuya Alex.
“Yeah! I'm really happy that you're back, JX! Sorry, hindi kita nakilala sa Isla. Sana noon pa kayo nagkasamang mag-asawa.” mahigpit na kinamayan ni Kuya Alex si JX at nakahawak pa ang isang kamay niya sa balikat nito. Mukhang iiyak pa nga ito sa tuwa. Ha ha ha. Joke lang!
Pumasok na kami sa opisina ni Dr. Rene Romero, isang Neurologist. Kahapon ko pa nautusan si Ann para makapagpa-appointment dito. Bata pa si Dr. Romero, early thirties mukhang kagi-graduate pa lang. Halos kasing taas ko siya, maputi rin at palangiti.
Ipina-admit niya si JX dito sa hospital para gawan ng mga series of test tulad ng Cranial CT Scan.
Para ma-detect kung ano ang extend ng damage sa brain ni JX, baka may inflammation or abnormalities sa head and neck areas including the mouth, tongue, salivary glands, throat (pharynx), sinuses, nasal cavities, vocal cords (larynx), and ear. Katulad na lang ng pagka-utal niya.
“Ka-ka-kailangan ba talagang i-admit a-a-ako?” Nasa itsura niya ang pagtutol habang napipilitan isuot ang hospital gown. Ako na mismo ang nag-asikaso sa kanya para mapalitan ang damit.
“Gusto mong tuluyan gumaling, di ba? So, we need to do this! Don't worry, dito lang ako – hindi kita iiwan.” Tumango siya at niyakap ako. “Be a good patient then!” Nginitian ko siya at hinalikan sa labi.
Maya-maya lang ay may male nurse ng pumunta sa silid niya para kunin siya at isa sa isang silid kung saan siya i-c-ct-scan. Sumama ko sa kanya at ako ang nagtulak ng wheelchair niya. Kailangan kasi nakasakay pa talaga sa wheelchair. Si Mommy, umuwi na sa bahay para daw may kasama ang Triple J at hindi lang puro kasambahay.
Ipinasok siya sa isang malaking tube para sa CT Scan. Nandito lang ako sa labas at nakatingin sa salamin na bintana. Saglit lang naman iyon. Ako na rin ang nagtulak ng wheelchair niya pabalik sa silid namin kahit nag pipilit yung nurse.
Pero nasa pasilyo pa lang kami pabalik sa silid ay may mga kumuha sa amin ng pictures at nagtanong. Isang reporter na nakalusot siguro sa guwardia.
“Miss Joelle, kelan mo natagpuan si Mr. JX Montecillo? Paano? Siya ba talaga yung lalaking kasama mo sa kotse mo kagabi?”
Mabuti naman ay natanawan na kami ni Kuya Alex at agad na lumapit.
“I will be happy to answer your question in the PressCon. Please, reserve your questions there. Please excuse us and thank you!” magalang ko sabi at pumasok na kami sa room ni JX. Hinarangan na ni Kuya Alex yung reporter dahil patuloy pa rin sa pagtatanong.
“Ga-ga-ganito ba ta-talaga buhay ko da-dati, la-la-laging may mga pr-press?” makikita sa mukha niya ang pagka-irita.
“Yes, for four years now - mula ng maging P/CEO ka ng MGC. Then, naging singer at model ka pa kaya lagi tayong pinagkakaguluhan ng mga reporters.”
“B-b-but now I ca-can't sing a-a-anymore? T-t-though I wa-wa-want to sing to you.” He sounds frustrated and he sit down on the visitor couch in his room.
“It's okay, Mister M, gagaling ka rin naman at babalik sa dati ang pagsasalita mo kaya tayo nandito di ba? For now, we can listen to your song. What song do you want me to play?” Kinuha ko ang iphone ko at ipinakita sa kanya ang playlist ko ng mga kanta niya.
Pero parang hindi naman siya intresado. Yumakap siya sa baiwang ko at tumingala sa akin dahil nakatayo ako sa harap niya. “Pa-pa-paano kung hindi na? Do-do-do you s-s-still love me, though I'm n-n-not p-p-perfect anymore?” The frustration in his eyes are getting deeper and his voice is shaking.
I sat on his lap facing him with my legs parted apart kaya medyo tumaas yung palda ko and cup his face by my hands. “Three years ago, I promised before God, to you and in front of our witnessess that I will love you, cherish and respect you in good health and in bad. I will never break that promise. Hindi ko isinuko ang pag-asang buhay ka pa at magkikita tayo. Ngayon pa ba kita isusuko? Hindi mo na maalala ang lahat tungkol sa atin nandito ko para iapaalala sa'yo. Kahit hindi ka makapasalita ng tuwid – nandito ko para maging spokesperson mo. Kahit hindi ka rin makalakad ng maayos – nandito ko para maging gabay mo. Nakikita ko ang frustration sa mga mata mo – nandito kami ng mga anak mo para gawin mong inspiration. Hindi ka pessimist na klase ng tao, ikaw yung laging positive. Makakaya natin ito basta't magkasama tayo di ba? And most of all – the most important, always ask our creator guidance and blessings. Believe that you will be whole again. I will always love you, Mister M!” I kiss him on his lips gently and he responded hotly, I can feel his hands inside of my blouse. Nag-iinit na rin ako.
“Ooppsss, I'm sorry to interrupt your moment! But can we proceed to the next test, Mr. Montecillo.”
Waaaahhhhh. Bigla tuloy akong tayo at inayos ko ang damit ko. Pakiramdam ko ang pula ko. Kakainis kasi si Mister M, ang drama ayan tuloy nahuli kami ni Dr. Romero.
Nakangiting tumingin pa sakin si Doctor at saka sinabihan si Mister na umupo sa hospital bed. Naupo naman ako ng maayos dito sa couch.
Neurological Exam daw gagawin ngayon. Wala akong alam sa mga medical terms kaya umasa ko sa google. Buti na lang may free wifi dito sa ospital.
The neurological examination is a series of simple questions and tests that provide crucial information about the nervous system. May iba't ibang components and exam na ito. Kailangan ang coordination ng pasyente.
Ipinakuwento ni Doctor kay JX kung ano ang natatandaan nito mula ng magising ito. Kahit hirap sa magsalita ay maayos naman naikuwento ni JX ang mga naranasan niya. Sulat naman ng sulat si Doc sa notes niya. Ito siguro yung Mental Status Examination.
Dahil ang dami rin mga basic question na tinanong si Doctor kay JX. Kahit as simple as “What is you full name?” Nasabi naman niya ang “Jonas Hendrix Montecillo” dahil daw narinig niyang isinigaw ko sa isla. Pero hindi niya alam ang middle name niya. He didn't even remember his birthday which is September 15.
May mga dala rin na parang mga test paper si Doctor na pinasasagutan kay JX. Napansin ko ang pag-irita niya at pagrereklamo. Parang ang bilis uminit ng kanyang ulo. Madalas ay tumitingin siya sa akin at ngingitian ko siya at sinesenyasan na ituloy lang ang ginagawa niya.
May mga ipinabasa rin sa kanyang maiiksing kuwento ay ipina-sa-summarize sa kanya. Parang reading comprehension. May memory game, judgement test, abstract reasoning, speech, language function and intellectual capacity. Ipinakita sa kin ni Doctor yung mga exam habang nagsasagot si Mister. Naka upo si Doctor dito sa couch katabi ko at inoobserbahan si JX. Para palang entrace test sa college. Ewan ko kung papasa si Mister M, ngayon! Parang ang tagal niyang sagutan yung mga test. Kung puede lang tulungan ko siya ginawa ko na.
Sa mental status examination pa lang na inabot na kami ng alas-singko. Hindi na pina-confine ni Doctor si JX pero babalik pa kami bukas para iba pang mga examination na gagawin sa kanya tulad ng cranial nerves, motor system, sensory system, deep tendon reflexes, coordination and the cerebellum and gait.
Sabi ni Doctor two to three days daw talaga bago matapos ang lahat ng exam na ito at depende pa sa coordination ng pasyente. Kaya bukas maaga kaming pupunta dito sa ospital.
Tinawagan ko si Ann, dalhin na lang bukas ng umaga dito sa ospital ang mga documents na kailangan kong basahin, pag-aralan, i-approve or i-sign. Hindi ako makakapunta ng opisina.
Inihatid ko naman si Doctor dito sa labas ng room ni JX habang nagbibihis si Mister M. Pero niyaya ako ng doctor sa kanyang opisina.
“Mrs. Montecilllo, we are just in the initial test right now but I already notice that Mr. Montecilllo was very impatient, irritated and frustrated. And I also noticed how he coordinated just because you are there. Now, I need your coordination as well to be with him while we are continuing our test. I know you're a busy person yourself but can you stay with him until we finished all the test? And please observed if he is that impatient and irritated at home.”
"Nothing to worry, doctor, I know my husband will need me and I already arranged my schedule. I will stay with him. And yes, I will try to observe him at home.”
“Thank you, Mrs. Montecilllo. We'll see you tomorrow then.” He extend his hand for a handshake at kinuha ko naman pero pinisil pa niya.
“Thank you, Doc.” sabi ko. Hindi pa rin niya binibitiwan yung kamay ko.
“You're prettier now than before. My sister is following the updates between you and Mr. Montecillo. Buti na lang pala at patient ko siya at nakita ulit kita ng personal ngayon.”
“Thanks for the compliment, Doc. Can I claim back my hand?” Mukhang wala kasing balak bitawan. Parang napahiya naman siya at binitiwan agad. “And please say “hi” to your sister!” Mabilis na kong lumabas ng silid niya at kumaway. Nagkita na ba kami dati? Parang hindi naman.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top