Chapter 40: JX Work Experiences

Joelle POV

Good Morning, Joelle.”

Good morning, Mr. Choi. Thanks for calling me back!”

 “What so urgent to talk about, Joelle, do we have problem here? Why do you need to say that your going to pull out your share?”

I just said that so you will call me back urgent. I was desperate yesterday to find the whereabout of your prodigal daughter. But she already show-up this morning.”

Princess? Why? May ginawa bang kalokohan ang batang iyon.”

 “Pilit lang naman niyang itinago at inangkin ang hindi nararapat sa kanya.”

 “What do you mean, Joelle?”

Your daughter hid my husband for more that a year. Of all people, Mr. Choi, ako pa ang kinakalaban ng anak mo. At si JX pa ang pinagnasaan niya. You knew me, Mr. Choi, I am a fair person pero sinasagad ako ng anak mo. Kung anak mo nga siya. I can not find any similirities between you and her. But can you please do me a favor!”

You are really smart, Joelle, kung sana katulad mo ang inampon ng asawa ko. Baka natanggap ko pa kahit na babae siya. Pero yung driver namin ang kinakasama niya, paanong naging si JX?And what favor are you asking me?”

Well, its a long story you should ask her what happen to that Angelo. I need a favor because your daughter is claiming that she's pregnant and JX is the father. I want to know before the end of this day if she's really pregnant. Please send me the pregnancy test result signed by a licenced OB-Gyn.”

Oh, that bastard! I'm so sorry, Joelle, can you give me until tomorrow morning? I will go back to Manila today to personally look after it!”

Ok, tomorrow morning then. Aasahan ko yan, Mr. Choi. Thank you.”

Ipinagdarasal ko na sana hindi tutoong buntis si Princess. Dahil kung tutoo naman, ang tagal pa ng ipag-iintay ko para malaman kung si JX nga ang ama. At hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko kung siya nga ang ama.

Joelle, relax, nahihilo ko sa'yo.” napatingin ako kay Liam na sinusundan pala ko ng tingin dahil palakad lakad ako dito sa loob ng silid ko. “you look tense, ano ba inisip mo?”

Paano kung tutoong buntis si Princess? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya ko kayang tanggapin na may magiging bastardo ang asawa ko?” Umupo ako sa meeting table sa tapat ni Liam at inubos ko ang medyo malamig ng pangalawang tasa ng kape.

Ang lakas mo kasing magkape kaya ninenerbiyos ka. Huwag mo munang isipin kung hindi pa naman sigurado. At for sure, mapag-uusapan niyo naman mag-asawa yan!”

Alam ko - pero kilala mo naman ako, lagi akong advance mag-isip. Parang nagugutom na ko, ah. Pag ganitong tense ako, gusto kong kumain. Pa-order ka naman ng food, please.”

Advance din akong mag-isip kaya nagpa order na ko. Huwag mo munang isipin yon. Deal one problem at the time. Can we go back to work now?”

 “Thanks, Liam. Buti na lang kaibigan kita!”

 “At kuntento na ko don kesa iwasan mo ko.” he gave me a smile.

 Dumating na yung food namin, as usual ang dami na naman inorder ni Liam. Ayos naman dahil gutom talaga ko. Hindi ako naka-pagbreakfast kanina dahil tinanghali na ko ng gising.

Kaya habang kumakain ako tuloy din ang pagbabasa ko ng mga report dito sa office.

Joelle, gusto mo pa bang umorder pa ko?” tanong ni Liam.

Ha, bakit? Gutom ka pa ba?” Nahinto ako sa pagbabasa at napatingin sa pagkain nakahain samin. Simot na! “Liam, ang daya mo. Nagbabasa lang ako dito. Inubusan mo na agad ako.”

Ako pa nang ubos, ha! Isang burger lang tong kinuha ko. Hindi ko pa nga ubos, oh! Ikaw naubos mo na yung chicken joy with spag, cheese burger, burger steak, palabok. Ayan ang ebidensiya may sauce ka pa sa gilid ng labi mo, oh.” Dumukwang siya at pinunasan ng tissue and labi ko. Waaaahhhhh. Nasa side ko nga ang lahat ng empty styro.

Sorry naman! Na-miss ko pang-lilibre mo, eh!” Palusot ko. “Ang bilis kasi gumana ng utak ko pati pala bibig ko ang bilis din gumana noh.” Nag-peace sign na lang ako sa kanya!

Sige, kung gutom ka pa, ako naman ang manglilibre sa'yo.” Inigpit ko yung mga kinainan ko at uminom ng tubig.

No, I'm fine. Next time na lang ako babawi sa'yo!” sabi niya. Pumunta muna ko sa CR at nag-toothbrush. Nag re-touch na rin ng konti.

==

Just in time, paglabas ko. Sumilip si Ann. “Miss, may bisita ka. Mr. De Guzman daw, foreman dyan sa building na itinatayo sa tapat – ipinatawag mo raw?”

Ah, oo, please let him in.” Sinalubong ko na siya. Mas mababa siya sa akin siguro dahil naka-two inches heel ako, naka-maong siya at polo na longsleeve na nakatupi hanggang siko. Kayumanggi, may itsura at sa tingin ko ay around early 30s pa lang.

Hi, good morning, Mr. De Guzman, thanks for dropping by for a very short notice. I'm Joelle Montecillo and he's my colleague, William Nobledo.” Kinamayan ko siya at kinamayan din ni Liam. Although nagtatanong ang mata ni Liam.

It's my pleasure to be here. Pero bakit nyo po ako ipinatawag?” magalang na tanong ni Foreman.

Have a seat first, can I offer you anything to drink first – bottled water, softdrinks in can, coffee?” Itinuro ko yung upuan sa harap ng table ko.

Bottled water will do! Thank you!” Kumuha ko ng bottled water sa mini fridge at iniabot sa kanya at saka ako umupo sa swivel chair ko. Si Liam naman balik sa puwesto niya at nagbabasa.

 “May gusto lang sana kong itanong kaya ko kayo pinatawag. Tungkol sa isang construction worker na nagngangalang Angelo. Puede nyo bang sabihin kung kelan pa siya nag-ta-trabaho dyan at kung paano siya mag-trabaho?”

Mukhang naalarma naman siya. “Ma'am, mawalang galang na po. May ginawa po bang hindi maganda sa inyo si Angelo kagabi dahil nakita ko ho sa news na kasama nyo siya. Ayoko ho sanang madamay.”

 Natawa naman ako. “Relax, Mr. De Guzman. Wala ho siyang ginawa masama sa akin. Kita nyo naman nandito pa rin ako sa harap nyo. Pakisagot lang ho yung mga tanong ko, please.”

 Uminom muna siya ng tubig at huminga ng malalim. “Mga pitong buwan na po siya nagti-trabaho dyan. Maaga siya lagi pumapasok at madalas ay nakatanaw dito sa MGC. Nabanggit nga niya minsan na kaibigan niya kayo nung magtanong siya kung kakilala namin kayo. Eh, Ma'am, halos buong Pilipinas naman siguro, eh, kilala kayo. Kaya pinagtawanan lang namin siya.” Tahimik akong nakikinig. Ganon katagal na palang nasa malapit lang siya pero hindi ko mahanap. Nasulyapan ko si Liam na nakikinig din.

Mabait at masipag naman siya. Dati, eh, pasingit singit lang siya sa trabaho pero dahil nga masipag naman kaya ginawa ko ng permanente. All around construction worker siya. Minsan may isina-suggest siya nung naghuhukay pa lang.” May isina-suggest? Naaalala kaya niya ang pagiging Geodetic Engineer niya?

 “Kaso ang hirap intindihin ng salita niya dahil utal-utal. Madalas siyang tahimik pero magaling makisama. Minsan binigyan ko rin siya ng raket. Isinama ko siyang dishwasher sa isa sa mga hotel nyo nung may Christmas Party ang MGC. Nag-wa-waiter kasi ko don. Tinawagan nga ulit siya ng Visor namin kaso ayaw na raw siyang payagan ng asawa niya.” So, nag-dishwasher pala siya sa hotel kaya pala nandoon siya at nakita niya nung halikan ako ni Liam.

Sa'kin nga po niya ipinaabot yung regalo niya sa mga anak nyo. Natutuwa daw kasi siya sa Triple J nyo, ang cute-cute kasi nila. Sabi ko nga kausapin na kayo pero nahihiya daw siya at baka hindi nyo na siya natatandaan.” Napakapit ako sa noo ko at huminga ng malalim.

Sa kuwento nyo, parang malapit kayong magkaibigan?” tanong ko.

Opo.”

Na-meet mo na ba yung asawa niya?”

Si Princess? Minsan nung magpapasko, namamasyal sila sa Market Market na mag-anak. Kasama yung anak nila at yung nanay niya.” Si baby Angela at Yaya Ising!

 “Pero Ma'am, malaki ang pagkagusto sa inyo ni Angelo, ikinuwento niya na nasa Isla pa lang ay lagi na niya kayo inaabangan sa TV. At pag nasa Isla kayo, sinusubaybay niya muna kayo bago siya umuwi. Nalilito nga siya sa nararamdaman niya dahil may asawa na siya eh, bakit mahal na mahal niya daw kayo? Hindi naman imposible dahil sa ganda at talino niyo, Ma'am sino ba naman lalaki ang hindi hahanga sa inyo. Pero yung kaibigan ko. Ibang klase ang pagkagusto niya sa inyo. Kaya nga nagulat ako kagabi at kasama nyo siya sa kotse. Kaibigan nyo ba talaga siya?”

Ngumiti ako sa kanya. “Oo, hindi lang kaibigan – he was once my Guardian Angel, my protector, my boyfriend.”

Nagulat naman siya. “Talaga, Ma'am, naging boyfriend nyo siya? Bigatin pala si Angelo. Kaya pala mahal na mahal niya kayo. Hindi ko lang alam kung napikot lang siya ng asawa niya dahil wala naman daw siyang nararamdaman pagmamahal sa asawa niya. Naku, huwag nyo na hong sabihin sinabi ko yon sa inyo. Eh, asan ho ba si Angelo ngayon, hindi kasi siya pumasok sa trabaho. Kaya akala ko napa-trouble na.”

Iyon na nga po ang isa ko pang sasabihin sa inyo dahil hindi na po siya babalik mag-trabaho sa Construction.”

Ganon po ba? Sayang naman. Pinatigil din kaya siya ng asawa niya? Baka nalaman din ni Princess na malapit sa MGC tong ginagawang building. Galit na galit daw kasi sa inyo yung si Princess. Kaya pala galit naging nobyo niyo si Angelo.”

Correction na rin po. Hindi po si Princess ang tutoong asawa niya at hindi rin Angelo ang tunay niyang pangalan.” nagulat na naman siya at lalo akong napangiti.

Naguguluhan ata ako. Eh, si Princess yung ipinakilala niyang asawa niya.” he really looks very puzzled.

“Don't worry. Kagabi lang din naman niya nalaman ang tunay na pagkatao niya. Sa tingin ko itinuring ka naman niyang kaibigan kaya sasabihin ko sa'yo ang tutoo. He is not just my boyfriend, three years ago, pinakasalan niya ko at ang triple J ay mga anak namin. May amnesia siya dahil sa aksidente. Hindi kataka-taka kung bakit mahal na mahal niya ko, dahil ako ang tunay na asawa niya at siya si JX Montecilllo!”

 Napanganga naman siya sa pagkamangha. “Mr. De Guzman, okay lang ho ba kayo? Gusto niyo pa ho ng tubig?”

Inubos naman niya yung tubig niya sa isang lagukan. “Ma'am, hindi po ba kayo nagbibiro? Paano ho naging si JX Montecillo si Angelo eh, ang layo ho ng itsura nila? At hindi ko tuwid magsalita si Angelo at medyo pilay pa nga ho.”

Sa palagay nyo ba gagawin kong biro ang ganitong bagay? In behalf of my husband, nagpapasalamat ako sa inyo sa pagiging kaibigan at boss niyo sa kanya. Eto po ang business card ko. Kung kailangan niyo ng ibang mapapasukan dahil mukhang kulang ang kita niyo bilang foreman dahil nag-wa-waiter pa kayo. Ipasa nyo lang ang resume niyo sa Assistant ko. Maraming salamat din po sa oras nyo na makipagkita sa akin.”

Request lang po, huwag nyo munang sabihin sa iba ang nalaman ninyo hanggang hindi pa po ako nakakapagpa-press conference. Maaasahan ko po iyon?”

Opo, opo, Ma'am. Salamat po. Bukas po magpapasa agad ako ng resume.” nakipagkamay ulit ako sa kanya at masaya siyang lumabas ng opisina ko.

Lumapit sa kin si Liam. “Joelle, ang laking hirap pala ng dinanas ni JX. Pero hanga ako sa pagmamahal niya sa iyo kahit hindi ka maalala ng isip niya, hindi ka pa rin nalilimutan ng puso niya! Kaya huwag kang mag-alala. Hindi na ko mangungulit sa nararamdaman ko para sa'yo. Wala akong panama sa pag-ibig ni JX sa'yo! Sana lang pumayag kang magpa-clone!”

Tok

Baliw, sana matauhan ka na sa lakas ng batok na yan!” Ang kulit kasi ayan nabatukan ko ulit.

Aray naman! Alam kong mahal mo rin ako dahil binatukan mo ko.” Hinimas niya yung ulo niya na binatukan ko.

Oo, mahal naman kita pero hanggang kaibigan lang. Kaya itigil mo na yan clone clone na yan.” Tiningnan ko yung oras sa wrist watch ko. 12:15 PM na!

Friend, pakituloy na rin yung ginagawa ko at huwag mong kalimutan yung meeting mamaya. I need to meet my Prince Husband now. Paki iwan na lang sa table ko yung hindi mo matatapos. At pakibigay kay Ann yung napirmahan ko na. Please and thank you.” Kinuha ko yung bag ko at hinagkan ko siya sa pisngi - nagulat naman siya. “Bawi na ko sa'yo, ha! Bye!” At lumabas na ko ng silid ko.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top