Chapter 4 - Kasinungalingan

Princess POV

 Nakatulog na si JX matapos namin kumain ng gabihan. Inalis ko na rin ang dextrose niya. Iniintay ko si Yaya Ising dito sa labas ng bahay. Nakaupo ako sa isang tumba tumba. Buti kanina wala siya ng magising si JX – Angelo. Lumuwas kasi siya sa bayan para kunin ang allowance ko kay Mama at para mamili na rin ng gamit at pagkain namin dito sa bahay.

Sanay na kami ni Yaya Ising na mamuhay dito. Tahimik naman dito at konti lang ang mga tao sa kabayanan nitong isla at halos magkakakilala. Kilala rin nila ako dahil ipinakilala ko ni Angelo dati. At alam din nilang nurse ako kaya medyo nakakatulong din ako sa kanila.

Si JX ang gagawin kong si Angelo. Hindi nila mahahalata dahil halos magkasing taas sila. Patutubuin ko lang ang bigote at balbas niya para hindi siya makilala. Pagsusuotin ko ng malapad na eye glasses at ang mga kupas at lumang damit ni Angelo na naiwan dito ang ipasusuot ko sa kanya.

Hindi ko kasalanan umayon sa akin ang tadhana. Na may amnesia si JX. Para magamot ang amnesia, dapat ipakita sa kanya ang mga bagay na dati niyang ginagawa. Pero hindi iyon ang gagawin ko ipapakita ko sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa. Ayoko siyang gumaling. Kahit pautal-utal siya, okay lang sa akin. Sobrang guapo pa rin naman siya at makisig ang katawan.

Ito ang pagkakataon kong maging akin siya! At walang makakapigil sa'kin.

Nakita ko si Yaya na paparating na. May dala siyang flashlight. Sinalubong ko na agad siya sa may kalayuan sa bahay para magising man si JX. Hindi niya maririnig ang sasabihin ko kay Yaya.

Yaya, nagising na bisita natin!” masaya kong balita kay Yaya.

Hay, salamat naman sa Diyos kung ganon. Kelan natin tatawagan ang pamilya niya?” Napasimangot ako sa tanong ni Yaya. Noon pa namin pinag-aawayan ang bagay na iyan. Gusto niya noon na tawagan na ang Mommy ni JX para makuna nila si JX at maipagamot. Ako lang nagpilit na hindi. Gusto kong makasama ang lalaki. Sinabi ko na lang kay Yaya na pag-nagising siya at saka namin ipapaalam sa pamilya niya.

Yaya, hindi siya nakaka-alala. Ang akala niya ako ang asawa niya at malapit na kaming magka-anak!”

 “Dios mio bata ka! Ano na naman kalokohan iyan? Bukas na bukas din, ipagtapat mo sa kanya na mali ang akala niya at tatawagan na rin ang pamilya niya para masundo siya dito.”

Nag-init ang ulo ko at nag-init ang mukha sa sobrang galit. “Hindi Yaya. Dito lang siya. Siya na si Angelo ngayon at siya na ang magiging ama ng anak na isisilang ko.” matigas kong sabi.

Patay na si Angelo. At pano kung may makakilala sa kanya. Alangan naman itago mo lang siya dito sa gitna ng gubat? Hindi ako pumapayag sa gusto mong bata ka!”

Naka-isip na ko ng paraan para hindi siya makilala at maniwala silang si Angelo nga siya. At kung hindi ka pumapayag, iwanan mo na lang ako dito. Hindi kita kailangan. Ikaw lang naman ang gustong sumama sa akin dito!” Paangil kong sabi kay Yaya. Spoiled brat ako sa Mama ko at wala akong galang sa mga katulong namin. Katulong lang sila – bayaran lang namin! At Ako ang amo nila! Matututo silang lumagay sa dapat nilang kalagyan. Walang nagtatagal na katulong sa'min dahil sa ugali ko.

Ewan ko si Yaya Ising kung bakit nakakatagal. Pag pinalayas ko na ang mga katulong. Nakangiti pa silang nag-aalisan pero si Yaya, kahit palayasin ko ng paulit-ulit hindi umaalis at laging sinusunod ang gusto ko!

Bahala ka na sa gusto mo – hindi na lamang ako kikibo sa gagawin mo!” malungkot niyang sabi.

Dapat lang! Kundi lumayas ka na at huwag ng magpapakita sa akin!” galit ko pa rin sabi. “Magpapanggap kang nanay ka niya at daughter-in-law mo ako. Kaya “inay” ang itatawag namin sa'yo sa halip na yaya. Iwasan mo rin ang pagiging madaldal mo at huwag kang magkukuwento ng kahit ano tungkol kay JX or sa bruha niyang asawa na si Joelle. Alisin mo rin ang lahat ng salamin sa bahay para hindi niya makita ang itsura niya. Huwag ka rin magdadala ng diaryo sa bahay. Kung ano ang istorya ng buhay namin ni Angelo ang sasabihin ko sa kanya. Kung bakit ako itinakwil ni Papa. Kaya siya na si Angelo. Ang magiging ama ng anak ko! Naintindihan mo . . .Inay?” mahaba kong paliwanag at painsulto ang pagtawag ko ng Inay sa kanya.

Kung iyan ang gusto mo.” sabi niya.

==

Angelo (JX) POV

Pagmulat ng mata ko. Katabi ko sa papag si Princess na nakatagilid humiga at nakayakap sa akin. Pinagmasdan ko ulit ang mukha niya pero hindi ko talaga siya matandaan. Kinakapa ko rin ang kaibuturan ng puso ko para alamin kung may pagmamahal ba kong nararamdaman para sa kanya. Pero wala talaga kong madama. May amnesia raw ako, ibig sabihin nabura ang mga alaala sa utak ko. Nabubura rin ba ng amnesia ang alaala ng puso?

Siya raw ang asawa ko at magkakanak na kami. Napatingin ako sa mabilog niyang tiyan. Hinawakan ko ito at may biglang gumalaw. Napangiti ako. Na-excite na ako na makita ang sanggol na isisilang niya. Parang sabik na sabik ang akong makakita ng sanggol. Anak ko nga siguro ito dahil sa excitement na nakaramdaman ko. Nagmulat si Princess ng mata habang hawak ko pa rin ang tiyan niya.

Good morning, Babes! Ang likot ni baby noh!” nakangiting bati niya sa kin. Ngumiti ako ng tipid. Babes pala ang tawag niya sa akin. Sino ang tinawag kong My Princess Wife at Misis M sa panaginip ko?

Tumayo ako para lumabas sana sa bakuran at mag-practice maglakad. Paika-ika kasi akong lumakad. Pero hindi naman masakit ang kaliwang binti ko. Naghilom na raw kasi ang sugat sabi ni Princess.

Sumunod naman agad si Princess sa akin. Paglabas ng maliit namin silid ay may maliit din na mesang kainan. May isang may edad na babae ang nagkakape na.

Gising na pala kayo. Halika na't makapag-almusal kayo!” Anyaya niya sa amin. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko dahil iniisip ko kung sino ang babae.

Parang nahulaan naman ni Princess ang iniisip ko. “Pati ba ang nanay mo – hindi mo natatandaaan?”

Nanay? Nanay ko ang babaeng ito? Lumapit ang babae sa akin at tiningnan ako ng nakangiti. “Masaya ako anak at nagising ka na rin.” At niyakap niya ko.

Hindi ako makaganti ng yakap dahil ni wala akong nararamdaman koneksiyon namin. Parang ang pakiramdam ko ay hindi ko kilala ang nanay kong ito na yumayakap sa akin.

 Bumitaw naman siya agad at nagsalita. “Kumain na kayo, nakaluto na ko. Mga paborito mo ang inihanda ko.”

Na-na-nanay ko po ba ta-ta-talaga ka-kayo?” Hindi ko maiwasan maitanong dahil sa wala talaga kong maramdaman. “A-a-ano po a-ng pa-pa-pangalan nyo?”

Medyo nalungkot ang itsura niya na parang nagdamdam sa tanong ko. “Naintindihan ko kung hindi mo ko matandaan, naipaliwanag na sa'kin ng asawa mo ang kundisyon mo. Ako ang ya- . . . Inay Ising mo!” napansin kong tumingin siya kay Princess. Nang tumingin ako kay Princess, nakita ko na medyo matalim ang tingin niya kay Inay Ising pero agad rin ngumiti ng mapansin nakatingin ako sa kanya.

Nagsipilyo muna ko ng ngipin sa maliit na lababong kawayan. Bago ang sipilyong ginamit na kabubukas ko lang kahapon. Ibig sabihin isang buwan at kalahati akong hindi nagsipilyo. Hindi kaya may cavities na ko. Ewan ko bakit naisip ko pa iyan. Kung tutuusin para naman ang hirap hirap ng buhay namin dito.

Sabi ni Princess kahapon ay galing daw ako ng Dubai at doon nag-trabaho ng limang buwan bago naganap ang aksidente sa pinagta-trabahuhan ko. Sa konstraksyon daw ako nagti-trabaho at nabagsakan ako ng mga kahoy at nahulog sa ika dalawang palapag ng gusali kaya nagkapilay ako sa kaliwang binti at na-amnesia. Maaari daw ang parte ng utak ko sa pagsasalita ang naalog kaya pautal-utal akong magsalita. Ang pera daw na kinita ko ang tinitipid niya para sa panganganak niya kaya hindi niya ko madala sa ospital at siya na lamang ang nag-aalaga sa 'kin.

Sinabi rin niya sa akin na pinalayas siya ng kanyang ama nang malaman ang relasyon namin at mas piniling niyang mabuhay sa payak na pamumuhay basta's kasama lang ako. Parang may naramdaman akong awa para kay Princess na kaya niyang tiniis ang buhay na hindi marangya dahil lamang sa pagmamahal sa akin.

Umupo na rin ako sa hapag-kainan at tiningnan ang nakahain na pagkain. May sinangag, itlog na prito, ham at tapa. Mahirap kami pero parang pangmayaman ang nakahain. Baka dahil paborito ko daw ito. Pero parang hindi naman ako natakam.

Ipinaglagay ako ni Princess ng pagkain sa pinggan ko at nagpasalamat ako sa kanya at kay Inay Ising. Tahimik akong kumain at malakas naman kumain si Pricess. Ganadong ganado siya. Marahil dahil dalawa silang kumakain. Or siya ang may paborito ng mga pagkain nakahain!

==

Naglakad lakad ako sa labas ng kabahayan at tanging ang kagubatan ang nakikita ko. Ang tingin ko ay para akong si Tarzan dito. Pero may nakita akong mga pananim gulay sa likod ng bahay. Gusto ko sana pumunta sa kabayanan pero hindi ako pinayagan ni Princess.

Naghanap ako ng palikuran at ang itinuro ni Princess ay isang maliit na parisukat na nakatayo na may bubong na pawid at may nakatabing kurtinang plastic. Pumasok ako sa loob. May maliit na butas ng sinilip ko ay tila balon at mabaho. May takip lang ito. May drum din na malaki na puno ng tubig at may tabo. Bakit parang ngayon lang ako nakakita ng ganitong kubeta? Parang nandidiri pa ko. Pero parang gusto ko rin naman maligo.

Kinuhan naman ako ni Princess ng mga damit na ipangpapalit ko. Malamig ang tubig na dumaloy sa katawan ko. Marahil ay dahil sa tagal kong hindi naligo. Isinuot ko ang isang lumang camiso chino na kulay na kupas na asul at isang kupas din na pantalon maong pero medyo bitin ng may dalawang pulgada at medyo maluwag ng kaunti sa baiwang. Namayat daw ako dahil sa aksidente. Pero tumangkad din ba ko? Hindi na ko nag-usisa.

Gusto ko sana mag-ahit at naghanap ako ng shaver or kahit blade or labaha at salamin pero wala daw salamin dito sa bahay. Huh? Ito lang ata ang bahay na walang salamin, pati ba si Princess hindi nagsasalamin? Pano niya naaayos ang sarili niya na sa tingin ko may konti pang make-up at lipstick? Sinabi niya na patubuhin ko na lang daw ang balbas at bigote ko dahil iyon ang nagustuhan niya sa akin. Hindi na ko kumontra. Maaring ganon nga ako dati bago ko nagpunta sa Dubai.

==

Wala rin akong mahanap na babasahin tulad ng diaryo or magazine dito sa bahay. Wala rin kahit isang electronics gadgets. Kung sabagay wala nga palang kuryente dito, tanging gasera lamang ang ilaw namin sa gabi. Ewan ko kung bakit naisip ko ang electronic gadgets, mahirap nga pala kami at maaring hindi ko kayang bumili ng mga iyon. Pero english ang alam kong mga tawag don at hindi ko man lamang alam sa tagalog. Gayon, hanggang high school lang daw ang natapos ko. Ah, americano nga pala ang tatay ko.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top