Chapter 38: Ang Paghaharap : Joelle vs. Princess

[A/N:  This is my favorite chapter - hope u like it!] 

Joelle POV

Akala ko na isa na naman panaginip na nakabalik na ang asawa ko, tulad ng ilang mga gabing lagi ko siyang napapaginipan bumalik na. Buti na lang nang magising ako, nakayakap pa rin siya sa akin. Ngayon ko lang napagmasdan ang noo niya. May peklat sa bandang kanan na dati ay wala. Hinalikan ko ang peklat niya. Sana tuluyan ng maghilom ang sugat na yan na ang ibig ko ng sabihin na sana ay bumalik na ang kanyang alaala.

Ayoko sana pumasok sa opisina para manatili muna dito sa tabi ng mahal kong asawa pero kailangan ako sa opisina. Marahan kong inalis ang kaliwang braso niya na nakayakap sa akin. Dahan dahan akong tumayo at kinuha ko ang bathrobe ko at pumasok na ko sa banyo para maligo. Mahimbing pa rin natutulog ang asawa ko pagkatapos kong maligo, nagbihis na ko ng business attire at hinagkan siya sa noo. It's 6:00 AM. I need to drive early para hindi ako abutan ng traffic.

Lumipat ako sa kabilang silid ng mga bata. Parang mga anghel na natutulog pa ang mga anak ko. Dahan dahan ko silang dinampian ng halik.

Bumaba na ko sa kusina para magkape, nandoon na si Mommy at Gab. “Good morning, Mommy!” masigla kong bati. Maaga laging pumupunta dito si Mommy pero ayaw dito matulog. “Good morning. Gab!”

Good Morning, Ate. Gusto mo bang sumabay papasok sa office?” tanong ni Gab.

Good morning, hija!” nakangiting bati rin ni Mommy. Her smile is genuinely happy. I never see it for a long time. “Joelle, thank you for bringing back my son!” Tumayo siya at niyakap ako.

 “Mom, siya ang kusang bumalik sa atin.”

 “Nakabalik siya dahil sa wagas na pag-ibig nyo sa isa't-isa. And thank you for not giving up on him! Sana lang tuluyan na siyang bumalik sa dati.”

Don't worry, Mom, in time – he will be!” humigop lang ako ng kape at nagpaalam na rin. Matapos kong magbilin sa mga yaya na maaga rin nagigising.

I'm going to drive myself, Gab. Kailangan ko rin magdrive mamaya papuntang ospital. Kumain ka muna.”

Sa office na lang, te. Tita, pasok na po ako. Thank you po.” Humalik pa kay Mommy si Gab at lumabas na.

Ikaw, hija. Hindi ka ba muna kakain?”

Sa office na po, Mom. Tama na po itong kape. Gising na ko.” Humalik rin ako kay Mommy at lumabas na.

Pumunta na ko sa garahe at naghanap ng kotse na gusto kong i-drive ngayon. Napili ko ang isang pulang sports car na Porche na regalo sakin ni Mister M nung makapagtapos ako ng course ko sa Harvard. Karamihan sa mga kotse ko ay pula o puti. Kay Mister ay blue, gray or black.

Buti hindi pa ma-traffic ngayon kahit medyo tinanghali ako ng dating sa gate ng MGC. It's quarter to 8:00AM na. Naalala ko na sa kabilang building na ginagawa pala nagta-trabaho si Mister M. Sinabihan ko ang guard na kung puede ay kausapin niya ang foreman ng ginagawang building at papuntahin sa office ko anytime before lunch today! Ipinark ko ang kotse ko sa parking spot ko. Mas nauna sa kin sa Gab ang bilis mag drive, eh.

Kinuha ko lang ang handbag ko at masayang naglakad papuntang lobby. Bawat staff na makita ko na bumati sa akin ay ginagantihan ko ng bati at nginingitian pa. Alam kong napipilitan lang silang batiin ako dahil ako ang boss nila. Hindi naman nakaligtas sa matalas kong pandinig ang mga bulungan nila.

Ano ang nakain ni Mrs. Coldhearted at mukhang masaya siya?”

Hindi kaya dahil don sa lalaking mukhang pulubi na pinik-up niya kagabi?”

 “Iyon kaya ang bagong lover niya?”

 “Mukhang nasiraan na ng ulo si Ma'am – bumaba na ang taste sa lalaki.”

Sana sa akin na lang nabaling ang attention ni Mr. Nobledo, sayang at ipagpapalit lang siya ni Ma'am sa madungis na parang pulubi.”

Deretso lang akong naglakad papasok ng loob. Nakangiti at nauna pa kong bumati sa guard. “Good Morning, Andres!” Nagulat siya at parang nahihiyang bumati rin sa akin. Hindi niya siguro akalain na alam ko ang pangalan niya or dahil nasanay na siyang bumati sa akin ng hindi ko man lang pinapansin for more than a year.

Good Morning, Iya!” bati ko sa babae sa reception. Sina Izzy at Bel nasa ibang department na sila.

Good morning, Mrs. Montecilllo. May nag-iintay po kayong bisita. Sabi po ni Ms. Ann, wala daw pong appointment kaya ayaw po niyang pag-intayin sa taas. Nagpilit naman pong mag-intay na lang dito sa lobby. Kanina pa po siya – ayun po.”

Sinundan ko ng tingin ang itinuro niyang babae na ngayon at papalapit na sa akin at madilim ang mukha. The woman that I would like to meet. Marami na ang nagdadatingan mga empleyado na pawang bumabati sa akin at ginagantihan ko ng ngiti. Marami pa rin akong naririnig na mga bulong bulungan tulad ng kanina.

Tuluyan ng nakalapit sa akin ang babae. “Sa opisina ko tayo mag-usap, Princess.” mahinahon pero seryoso kong sabi. Nalalakad na sana ko papunta sa elevator pero sumigaw na siya.

Bakit sa opisina mo? Para walang makarinig sa atin? Dito tayo mag-uusap para malaman ng buong staff mo kung gaano ka kalandi.” alam kong sinadya niyang isigaw lalo ang huling salita para maka-agaw atensiyon. Nag tagumpay naman siya dahil nagtigilan ang mga staff sa pag-akyat at parang nasasabik na malaman kung ano ang susunod na kabanata.

Ako pa ang hinamon ng babaeng ito sa pag-arte? Kelan pa ko nagpatalo sa pagiging best actress! Naglapitan naman ang guardiya para kunin siya. “Huwag, ayos lang, gusto lang niya kong maka-usap.” sabi ko sa mga guard.

Tiningnan ko si Princess mula ulo hanggang paa at saka ko siya nginitian. She looks so ordinary. Kuminis lang ng konti ang kutis niya dahil sa pera ng mga Choi. “Bakit ganyan kang makangiti, witch? Ibalik mo ang asawa ko. Nakita ko sa news na kasama mo kagabi sa kotse mo ang asawa ko!” Pasigaw niyang sabi at ako naman ang nginitian ng nakakaloko.

 Lalong dumami ang ma komento ng mga staff.

Siya ang asawa ng pinick-up ni Ma'am?”

Bagay nga sila mukha rin siyang madungis eh.”

Ayoko sanang sirain ang maganda kong mood pero kung gusto niya ng show – bakit di ko pagbigyan? Nasa mood ako para maki-pag show. Baka hindi ko na kailangan tumawag ng PressCon.

Oh, do you really think that I'm a witch? Am I not too pretty to be a witch?” Ginaya ko pa ang pagmove ng lips and nose ni Nicole Kidman sa pelikulang Bewitched and I blow some flying kisses to Princess. “Oh, I was trying to make some magic spell to give you some eyeglasses. But I guess my power is not effective to a devilish woman like you!” At nginitian ko pa siya na may pagkapilya.

Lalo naman siyang nag-apoy sa galit. Tingin ko lumabas na yung dalawang pulang sungay niya. Lalo naman dumami ang audiance namin kaya ginanahan ako sa show. May mga nag-vi-video pa. Sige lang mag-video kayo. Bigyan nyo ko ng kopya later!

Hoy, bruhildang Joelle, san mo itinago ang asawa ko? Ibalik mo sa akin si Angelo!” sigaw ulit niya na nanggagalaiti na sa galit.

Liam POV

Halos magkasunod kaming dumating ni Joelle. Halatang masaya siya. Lahat binabati. Ako kaya kausapin na rin niya? Sumunod lang ako sa kanya sa di kalayuan dahil inoobserbahan ko pa kung talagang good mood siya hindi niya pinansin ang mga bulungan sa kanya. Ipinagtataka ko rin kung sino ang lalaking sa news na kasama niya sa kotse niya.

Gusto ko sana sabayan siya sa elevator pero may bisita raw siya nagulat ako sa pinagsabi ng babaeng lumapit sa kanya. Sinabihan niyang malandi si Joelle at asawa niya pala ang kasama ni Joelle. Pero bakit cool na cool lang si Joelle at pangiti-ngiti lang? Ang cute pa ng gesture niya na maging witch parang si Nicole Kidman.

Ang babaeng ito ang asawa ni Angelo. Si Angelo ang pinag-uusapan nila noon ng Kuya niya na pinaghihinalaan niyang si JX.

Joelle POV

Kaya nga gusto ko sanang mag-magic ng eye glasses para sayo – para luminaw ang paningin mo o baka naman ang kailangan mo ay pampalinaw ng utak? Hmmm, medyo mahirap yon?” Kunwari ay nag-isip pa ko habang nakangiti pa rin.

Sinasagad mo ko!” Pinakawalan niya ang kanan kamay niya para sampalin ako pero agad kong nailagan. Aba at hinahamon talaga ko. Nakahigop kaya ako ng kape kanina kaya gising na ko.

Stay where you are standing right now and don't you dare lay even the tip of your finger to the tip of my hair if you don't want to borrow the face of the Griffin's Leaf-nosed Bat!” Madiin at may autoridad kong sabi. Nagulat naman siya at natulala.  [Photo on the left/top: Griffin's Leaf-nosed Bat]

Narinig ko ng nagbulungan na naman ang mga audiance namin. Asking kung ano yung sinabi ko. “If you don't know what's a griffin's leaf-nosed bat – google it! Baka magdiwang ka pa sa saya kung sinabi kong manghiram ka ng mukha sa aso. Mas cute pa kaya sa'yo ang mga aso.” Painsultong sabi ko. Nagtawanan naman ang mga audiance.

Itinaas ko pa ang kamay ko para tumahimik ang mga audiance ko at si Princess ay namumula na sa galit. Lalo naman akong napangiti. “Are you looking for Angelo? Why don't you go to Dubai at hukayin mo ang bangkay nya? Look for Ricardo Orilla, iyon ang ginamit niyang pangalan sa passport, di ba?” Lalo naman siyang nagulat at di agad naka-imik. “Now, if you will excuse me, you're wasting my precious time! Wala sa akin ang asawa mo or rather say nobyo mo dahil hindi naman kayo kasal! Hukayin mo sa Dubai.” Tatalikod na sana ko pero may pahabol pa rin siya.

Yung kasama mong lalaki kagabi – siya ang asawa ko! Kaya ibalik mo siya sa akin.” Sigaw pa rin niya. Humarap ulit ako sa kanya at lalong naningkit ang mata ko. Inaangkin niya talaga si JX.

Liam POV

Buti na lang naka-ilag si Joelle sa sampal ng babae. Gusto ko sanang umawat na pero na curious din ako kung sino si Angelo.

Simpleng manglait si Joelle. I-mukha ba naman sa isang ugliest creature yung babae. Mukhang malaki ang galit ni Joelle sa babae. Kung sabagay nakakagigil nga.

So, yung Angelo na nobyo nitong babae ay patay na sa Dubai. Eh, sino yung lalaking kasama niya si JX ba talaga yon?

 Joelle POV

May tiwang ka ba talaga sa utak, Princess Choi, para papaniwalain mo ang sarili mo na si JX Montecillo ang asawa mo?” Namangha na naman siya. “Kahit anong disguise ang gawin mo sa asawa ko – sa palagay mo hindi ko siya makikilala?”

Ako ang nakakuha sa kanya at nag-alaga. Kundi dahil sa akin, patay na siya! Finder's keeper!” sigaw pa rin niya.

Plano ko talagang magpasalamat sa'yo kung ibinalik mo sana siya agad. Baka nga ipinagpatayo pa kita ng rebulto mo at ibinigay ko pa sa'yo kahit ang share ko dito sa MGC. Pero sinamantala mo ang pagkakaroon niya ng amnesia para papaniwalain siya sa mga kasinungalingan mo at iyon ang hindi ko maatim. Finder's keeper, huh, isang bagay ba ang asawa ko para angkinin mo? Now, that he's back to me, bakit humahabol ka ba?” Lumapit ako sa kanya, mabilis at ubod lakas kong pinakawalan ang kanan kamay ko pasampal sa kaliwang pisngi niya. “Para yan sa panlolokong ginawa mo sa asawa ko. Hindi ko mapapayagan ang sinuman na gawin tanga ang asawa ko!” Medyo na out-of balance pa siya at akmang susugod pa sa akin.

Kaya ang kaliwang kamay ko naman ang dumapo sa kanang pisngi niya. “Para yan sa 585 days na ninakaw mo sa akin at sa mga anak namin ang asawa ko!” Gigil na sigaw ko sa kanya.

Liam POV

Si JX nga? Nahanap na niya ang asawa niya. Sino nga ang mag-aakalang si JX Montecillo ang kasama niya sa kotse? Natahimik rin ang mga staff dito sa nakikinig lang sa usapan ng dalawang babae.

Ibang klase ang lupit ni Joelle para lang ipagtanggol si JX. She really loves her husband! Bilang pa ang exact days na nawala si JX. Di man lang ginawang one year and 7 months, kailangan talaga days pa! Napakasuerte talaga ni JX Montecilllo.

Joelle POV

Siguro naman, nakalog na ang utak mo na isa ka lang obsessed fan ng asawa ko! Ngayon, kung nag-iilusyon ka pa rin baka tuluyan kitang ipakulong sa loob ng Mandaluyong – mamili ka sa Correctional or sa Mental Hospital? Kung di ka masaya puede rin naman kitang ipatapon sa Alcatraz.” Tumalikod na ko at nag-umpisang maglakad palayo.

Dati pinapangarap ko lang maikama kahit isang gabi ng isang playboy na si JX Montecilllo. Para alamin kung talagang magaling siya sa kama.” Napatigil ako sa paghakbang. Alam kong namula ang mukha ko. “Pero sa loob ng more than a year. Talaga palang magaling siya sa kama and I really enjoyed it!” At tumawa pa siya ng matunog para talagang demonyita.

Humarap ako sa kanya at ngumiti rin ng nakakaloko. “Hindi ka nag-iisa sa pantasya mo na ikama ang extremely handsome, irresistable and very charming kong asawa. Nag-e-enjoy ka pala sa may condom?” I smirked once more.

 And I continue. “Yes, he can have sex with you out of obligation to be a good husband. You will agree for sure that it's my name - that he is screaming and not yours meaning he's still thinking of me! Don't underestimate the connection between my husband and I. He might have an amnesia but he is still mesmerized to me. And he is too honest to admit it to me last night.” Hindi siya nakakibo at namutla siya. Gusto ko sanang ipamukha sa kanya. . . he is to honest to admit it to me last night before we shared an extremely hot love making without condom!

Just give up, Princess Choi, hindi madaling kalaban ang isang Joelle Montecillo lalo na't asawa ko ang inaagaw mo. Now, evaporate yourself or ipapakaladkad kita sa mga guardia.” Hinawakan naman agad siya ng mga guards.

Buntis ako at si JX ang ama.” Ayaw pa talagang sumuko ha. Sa tutoo lang ay medyo kinabahan ako pero hindi ako nagpatinag.

Hindi imposible butasin mo ang mga condom sa pagiging desperada mo. Go back to me after you gave birth with a DNA result. At kung isa na naman yan sa kasinungalingan mo. Pagsisisihang mong nagsalita ka pa ngayon. You are not allowed to get near to my husband ever again - I will get a court order for that!” Matalim ko siyang tinapunan ng tingin at nakita kong namutla siya.

Humarap ako sa guards. “Make sure to send the security department of all MGC offices the picture of that devislish woman. She is not allowed to any of MGC offices and it's partners!”

At humarap ulit ako kay Princess. “That's mean, woman, kahit sa opisina ng daddy mo hindi ka allowed. At next time, pagmasdan mo ang mga magulang mo at ang yaya mo – baka matauhan ka.” Makahulugan kong sabi at sabay talikod at sumakay sa express elevator.

Hindi pa tayo tapos, witch!” mas malakas niyang sigaw na nag echo pa dito sa lobby.

Liam POV

Below the belt din tumira tong babae na ito, ipangalandakan pa ang pagnanasa kay JX. At hindi rin nagpapasindak si Joelle. Kung sabagay extremely handsome daw si JX, dito sa MGC. . . tutoo siguro yon. Kaya nga napaibig niya ang isang Joelle Mateo.

Ganon ba talaga kalakas ang connection nilang mag-asawa na kahit may amnesia si JX ay nagustuhan pa rin niya si Joelle. Kaya pala lagi niyang binibigyan si Joelle ng bayabas at buko. May contribution rin pala talaga siya sa paglilihi ng asawa niya. Akala ko lamang ko yon sa kanya. Hindi rin pala.

Mahirap talagang kalaban si Joelle lalo na't si JX ang pag-uusapan. Hindi siya nawalan ng pag-asang mahahanap si JX at natupad na iyon.

Pero may mga kontrabida pa rin talaga sa kanila at isa na ang babaeng ito. Sabihin pang buntis siya eh halata naman nagsisinungalin lang. Namutla eh. Ang sarap putulin ng dila nitong babaeng ito. Kaya devilish ang tawag sa kanya ni Joelle eh.

 Makahulungan ang huling sinabi ni Joelle sa babae, Choi, ka-partner ba ng MGC ang Choi? Maireseach nga iyan.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top