Chapter 34: Who is Princess & Angelo?
JX POV
Matalim ang tingin ni Joelle sa daan habang nag-di-drive pagkabanggit kay Princess. Halatang halatang galit siya dito. Oo, niloko ko ni Princess pero baka naman hindi niya sinadya iyon. Isang taon ko rin siyang nakasama at hindi siya nagrereklamo kahit siya ang mas malaki ang kinikita sa amin. Except sa love-making dahil hindi ko siya madalas pag-bigyan. Kaya para may guilty feeling ako kay Joelle dahil siya talaga ang asawa ko. I hope she will forgive me pag sinabi ko.
“Ha-ha-hayaan mo na lang si-si-siya! Ba-baka hi-hi-hindi niya ko ki-kilala?” sabi ko hindi para ipagtanggol sa Princess pero parang natatakot ako sa galit na nasa mata ni Joelle.
Tumingin siya sa kin saglit ng medyo matalim at itinutok ang mata sa pagdi-drive. “How can you say that? You might have an amnesia pero hindi ka tanga, Mister M. I hate her for making you feel like one!” Nagi na nga ba kong tanga? Oo nga, tanga ko na hindi kumontra kay Princess para alisin ang balbas at bigote ko. Tanga ko na hindi ko inalam kung sino talaga ko at pinaniwalaan ko ang lahat ng sinabi ni Princess. Pero kilala nga ba ni Princess kung sino talaga ako? Ano naman ang dahilan niya para baguhin ang pagkatao ko? Sino si Angelo?
“Alam kong naguguluhan ka, Mister M. Princess is not innocent as you think she is. I don't know kung pano ka niya nakuha. Pero hindi imposible na nakilala ka niya. At iyon ang ikinakagalit ko. Puede ka namin niyang isoli kay Mommy nung matagpuan ka niya pero itinago ka niya at pinaniwala sa isang kasinungalingan.” Mind reader ba talaga ang asawa ko. Marunong naman pala siyang magtagalog. Todo inglish pa ginawa sa'kin kanina.
“Si-si-sino ba si Angelo?” nakuha ko rin itanong.
“According to the information that Kuya Alex gathered, Angelo was an orphan from her mother and he didn't had a chance to know his American father. He went to Manila to look for me as he was obssessed to me but we didn't meet him. But if we did, I don't know. I don't remember seeing him sa daming mga taong lagi nating nakakasalamuha. He became a driver of Choi Family. Princess Choi family! --”
Pinutol ko ang sinasabi ni Joelle. Alam kong naging driver si Angelo nina Princess pero hindi naman Choi ang apelyido ni Princess kundi Cruz. “P-pr-princess last na-name is not Ch-choi, it's C-c-cruz!” At nalaman ko na obsessed nga si Angelo kay Joelle kaya nga ako hinahayaan nina Kapitana at Pedro sa pagsubaybay kay Joelle.
Tumingin siya saglit sa'kin at ngumiti ng pilya. At balik sa kalsada ang tingin niya. “So, it means, talagang Princess Cruz pala ang ginagamit niyang pangalan. Anyway, back to Angelo, bumalik siya sa Isla with Princess at buntis na nga raw ito. Angelo went to Dubai as a construction worker and he had an accident and died. His body was remained unclaimed by his family and his friends there just buried him. Princess knew about that as Angelo's friend informed her.”
Ha? Angelo is dead! Kung alam ni Princess na patay na si Angelo, bakit ako ang ginawa niyang si Angelo? Ano ang motibo niya? Nakaramdam ako ng awa sa pagkatao ni Angelo at pati na rin kay Baby Angela. Hindi pala ako ang tutoong ama niya at ulila na siya sa ama. Minahal ko rin si Baby Angela. Siya nga lang ang nag-uugnay sa amin ni Princess.
“Si P-pr-princess, sino si-siya?” I hesitantly asked. Pero hindi ko kasi maisip kung ano ang motibo niya pra gawin ang ganon panloloko sa akin.
My wife looked at me once more for a few seconds. “I thought you're not going to ask me. I just discovered today that she is Princess Choi. She deceived us for a long time. That's why we had a hardtime finding her because she used Cruz instead of Choi.” Ngayon lang niya nalaman pero matagal na niya hinahanap si Princess.
“Mister M, can you please open my purse and look at the printed image of Princess to identify her. And check the camera roll of my cellphone if you already meet those people.” Tumalima ako sa utos ng asawa ko. Palagay ko masunurin akong asawa.
Nakita ko sa loob ng bag niya ang nakatuping printed copy ng litrato ni Princess na may drawing na pulang sungay. Gusto kong matawa. Devilish talaga tong si Princess. Ipinakita ko kay Joelle at saglit siyang sumulyap at ngumiti ulit.
“I'm sorry, Mister M, if I'm being bad. But that's what I imagined she is!” Why is she always apologetic for her slight wrong doing! Parang hindi siya sanay na gumawa ng kalokohan. Pero itong si Princess, talaga naman mukhang demonyita ito, eh. Para nga siyang hindi nanay ni Angela. Baby pa lang sinisigaw sigawan na yung bata. Pati si Inay Ising kung sigaw sigawan, wagas! Eh, sabi niya nanay ko pa yon!
Kinuha ko rin yung cellphone niya. “It's password protected!”
“Alam mo ang password ng cellphone ko, Mister M. Try to remember!” Huh? Ilan million combination meron sa 4-digit password! Hindi naman ako Math Wizard!
“A-a-any clue, M-mi-misis M?” Gusto ba talaga kong pahirapan ng asawa ko or i-test kung ako talaga si JX Montecilllo.
“It's our wedding date!” simpleng sabi niya. Huh? Kelan ba kami ikinasal? Hindi ko nga matandaan. Inisip kong mabuti. Inalala ko kung may date don sa album nina JX at Joelle na “The Wedding” pero wala naman nakalagay na date doon. Meron ako naalala na scene dati na kinakantahan ng babae naka-wedding gown ang isang lalaki at ang “My Valentine!” at binati pa ng babae ang lalaki ng happy valentines! Hindi kaya valentine's nung ikasal sila.
Sige i-try ko nga ang 0214! It worked! Natawa ko at sumigaw, “Y-y-yes!”
Joelle POV
“How did you remember?” tanong ko at sumulyap ulit saglit.
Sinabi niya na may natandaan nga siyang scene ng wedding at binati ko ang lalaki ng happy valentines. So, nakikita niya ang mga nagdaan sa amin buhay. Sana lang makaalala na siya ng tuluyan. And I will do my best para ipaalala sa kanya ang lahat ng nalimutan ng isip niya.
Tiningnan niya ang mga pictures na ka-sa-save ko lang ko kanina sa cell ko. “Do you recognized them?”
“Y-y-yes. T-this is P-pr-princess mom!” Saglit kong sinulyapan yung ipinakita niya. Oo nga. “Do you met her already?” Tumango naman siya.
“T-t-this is I-i-inay I-ising!” ipinakita niya ang picture ng Yaya ni Princess. “So, nakilala mo na rin pala ang yaya ni Princess.” sabi ko.
“Y-yaya? Oh! S-s-she said s-she is my mo-mother!” Mother ni Angelo pala ang pakilala kay Yaya Ising.
“So, kasama nyo ba si Yaya Ising sa bahay?” Tumango siya. “How did Princess treat her?” Ikinuwento niya sa kabila ng hirap na pagsasalita kung paano sigaw sigawan ni Princess yung yaya niya at kung paanong parang maamong tupa naman na sunod lang ng sunod ang yaya kay Princess.
“A-a-are you in-in-interrogating me, M-misis M?” saglit ko siya ulit tiningnan at seryoso ang tanong niya. Natawa ko sa reaksiyon niya.
“That's more like my husband using his critical mind! Kailangan talagang magdidikit ka ulit sa'kin, my Prince Husband so you will think like a real Prince again! I don't want to sound rude and I never insulted you and I don't want to offend you so I hope you understand if I said, you became pretty S! Maybe because that's how she treats you!”
“W-what S?” tanong niya.
“Mister M, you knew me. I'm not used of offensive words. S means s-t-u-p-i-d!”
JX POV
Inispell pa talaga. Hindi na lang sabihin, “pretty stupid” ako. Kung sabagay ginawa talaga kong mukhang tanga ni Princess. Nakaramdam na tuloy ako ng inis at galit kay Princess.
“W-w-what is her m-mo-motive why she d-did it to me?” Bakit nga ba? Ano ba talaga ang dahilan ni Princess?
“Well, si Princess ang isa sa president ng fans club natin mula pa noong naging singer ka. Lagi siyang nasa mga tour natin. I think, she is one of the obssessed fan na gustong magpapansin sa iyo. One of those ladies who at least want to laid your eyes to them but unfortunately you are bewitched by my charm and beauty and you only laid your eyes to me!” She wink at me. Ha ha ha! Simpleng magpakilig ang asawa ko. That's true, I only laid my eyes to her even up to now!
“So it means sinadya ka talagang itago ni Princess sa akin, sa mommy mo at sa mga anak natin! But the game is over now! She should surrender or she will cursed her life!” Galit na tinuran ni Misis M. Natatakot ako para sa iniisip niyang gawin. Ano kaya ang plano niya?
“Don't worry, Mister M. Hindi masamang tao ang asawa mo. Plano ko lang kausapin siya. Magpakabait lang siya at humingi ng tawad, kakalimutan ko ang ginawa niyang panloloko sa'yo!” Mind reader ba talaga siya?
“Mister M, hindi ako mind reader kung iyan ang iniisip mo. Halata ang confusion sa mukha mo! Mamaya na natin pag-usapan ulit ang tungkol dyan! Nandito na tayo. Mag-intay ka lang dito sa kotse at ako ang magbubukas ng pinto sa iyo. Okay, Mister M?” Ipinasok niya sa malaking gate na bakal ang dalang sasakyan na may dalawang uniformadong security guard at ipini-nark sa harap ng malaking pintuan ng bahay. She gave me a quick kiss on my lips and she go out of the car and go inside the house. Akala ko ipagbubukas niya ko ng pinto ng kotse? Mag-intay daw ako. Masunurin kaya ako. Mukhang ginamitan na naman ako ng magic spell niya kaya di ako maka angal ah!
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top