Chapter 32: JX finds its way back home
Joelle POV
Kaya nagpapalate ako ng uwi dahil ayoko ng traffic. Kahit 6 block away lang ako sa condo, traffic dito papasok sa gate ng condo, uwian na kasi ng mga galing sa opisina. Dahil sa mga kidnap for ransom na balita lagi ng malikot ang mata ko sa mga nakapaligid sa'kin mapa-kotse or pedestrian.
Napako ang tingin ko sa isang lalaking nasa kabilang side ng gate ng condo at nakatingala. Madungis ang lalaki na suot ay camiso chino na asul at may putik putik pang maong na kupas at rubber shoes. Nakatagilid sa akin.
Binuksan ko ang passenger side window ko at malakas na tinawag ang pangalan ng lalaki. I hope it's him! “Angelo!”
Lumingon naman ang lalaki sa pinagmulan ng boses at nagulat ng makita ko at parang nag-aatubiling lumapit sa akin. Binusinahan ako ng nasa likod ko. Hindi ko pinansin. “Please come here!” sigaw ko ulit at sinenyasan ko siyang lumapit. Lumapit naman siya. “Get in quickly please!” sabi ko. Dali naman siyang sumakay dahil busina ng busina yung nasa likod ko.
Pinaandar ko agad ang sasakyan papasok sa gate. Ibinaba ko ang drivers side window para makita ko ng guard. Ang ganda ng ngiti ni Manong Guard sa kin ng makita ko at bigla rin napalitan ng pagkagulat ng makita ang katabi ko. Medyo kumaway pa si Angelo sa kanya.
“Manong, pakisabi nga po don sa driver ng kotse sa likod ko matuto siyang maging pasensiyosa. Kung ayaw niyang patalsikin ko siya sa building na 'to.” matigas kong sabi. Nagulat si Manong Guard at mukhang natakot at kumaway pa ako paalis. Pero hindi agad ako nag-drive ng mabilis. Tinginan ko muna ang rear view mirror ko. Kausap nga ng guard yung babaeng driver at tumingin pa sa kotse ko at nakita kong namutla. I smirked at pinaandar ko na ang SUV ko. Minamaliit niya siguro 'tong kotse ko dahil luma na at naka-mercedez siya. Tsk!
Derecho ko sa P3 sa parking space ko. Aba at dito rin pala ang parking nitong kotseng nasa likod ko. Kung sabagay, lahat ng magagarang sasakyan ay dito naka-park. Itong SUV ko lang ang out-of-place dito ngayon.
Nakita kong nagmamadaling bumaba ang driver at kumatok sa window ko. Pinagbuksan ko naman. Medyo namumutla pa siya.
“Mrs. Montecillo, I'm really sorry for being impatient. I didn't recognized you.” Maarteng sabi ng babae at mabilis pang tiningnan ang sasakyan ko na parang minamaliit. Di naman katandaan ang babae siguro mga 5 years senior lang sa kin.
“Next time, never judge the driver by the looks of it's car!” mataray kong sabi at isinara ang window ko.
Tiningnan ko ang katabi kong lalaki na natutulala – sa kagandahan ko or katarayan ko? I give him my sweest smile ever kinakabahan kasi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Did you also forget being a gentleman to open the door for a beautiful lady or do you want me to open the door for you?” nakangiti pa ko rin ako at nakanganga siya. Noon ko lang napansin ang labi niya. Medyo natatakpan kasi ng bigote. Kay Mister M talaga. Gusto ko na sana siyang yakapin at paghahalikan dito pero baka sumigaw siya ng rape! Ma scandal pa ko. . .ang frontpage. . . “Joelle Montecilllo – desperada sa nawawalang asawa. . . nanghalay ng lalaking mukhang pulubi!”
Dahil sa hinala ko na siya talaga si JX. Sinadya ko talaga ang pag-e-english, alangan naman nalimutan din niya ang english?
“I-I am so-sorry!” at dali dali naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan. Sa pagdikit pa lang ng palad namin. Naramdaman ko na naman ang malakas na pagdaloy ng kuryente sa buong kong katawan. Nakatitig ako at inaaninag ang mata niya sa malapad sa salamin.
“Thank you! Please come with me.” Binawi ko agad ang kamay ko na parang nanginginig na sa kaba at excitement na nararamdaman ko. Nagpauna kong lumakad papunta sa elevator matapos kong i-alarm ang kotse ko, mahirap na baka ma-carnap. Ha ha ha. Asa pa ko!
Angelo POV
Pagkagaling ko sa trabaho lagi akong naglalakad papunta sa isang mataas ng gusali at nakatanaw lang sa taas ng gusali. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang meron sa gusaling ito. Mahigpit ang mga guardia dito, minsan nila kong interrogate nung pumunta ko sa penthouse.
“Angelo!”
Parang pamilyar sa akin ang tinig ng tumawag sa pangalan ko. Kaya hinanap ko at nagulat ako ng mapagtantantong si Joelle Montecilllo pala. Ang babaeng lagi kong hinahangan makita at maka-usap. Natatandaan niya pala ko kahit isang beses lang kaming nagkita. Ayoko sanang lumapit sa kanya dahil nakapadumi ko ngayon at amoy pawis. Sobrang nahihiya ako sa itsura ko.
“Please come here!”
Pero parang hindi ko naman siya matanggihan. Dahil huminto siya at parang iniintay ako. Kahit binusinahan na siya ng driver na nasa likod niya. At lagi ko talagang inaabangan na makita siya kahit sa malayo sa parking ng MGC Building. Pero hindi ko naman mahanap ang red BMW na gamit niya dati. Ngayon, red Honda SUV pero luma na, parang hindi bagay sa kanya.
“Get in quickly please!”
Wala na kong magawa kundi sundin siya. Hindi naman suplada si Joelle. At nakakairita na yung bumubusina sa kanya. Maganda kasi ang kotse, Mercedez Benz, at ang gamit ni Joelle ay lumang kotse. Asan kaya yung red BMW niya. Kaya pala hindi ko siya nakikita lagi - ibang kotse ang dala niya.
Mukhang kinikilig pa yung guardia nung makitang si Joelle pero agad nagpalit ng expression ng makita ko. Sa loob loob ko, gulat ko noh, si Joelle Montecillo ang kasama ko. Kinawayan ko – pang-asar lang.
“Manong, pakisabi nga po don sa driver ng kotse sa likod ko matuto siyang maging pasensiyosa. Kung ayaw niyang patalsikin ko siya sa building na 'to.”
Huh? Ang taray pala nitong si Joelle. Patalsikin sa building na to? Kanya ba itong building na ito? Kaya ba lagi akong pumupunta dito dahil kanya ito? May kapilyahan din pala tong babaeng ito. Inintay pa talagang sabihin ni Manong Guard yung ipinagbilin niya.
Naku! Parang nainis yung isang driver dahil sinundan pa kami. Baka mapaaway pa si Joelle, ah. Sinulyapan ko si Joelle na parang kalmado lang. Hindi agad bumaba ng kotse at parang inintay pa talaga yung babaeng driver ng MB.
“Mrs. Montecillo, I'm really sorry for being impatient. I didn't recognized you.” Tiklop pala tong babaeng ito, parang namumutla pa. Pero kung titingnan mo mukhang mataray at mayaman, eleganteng manamit at maraming borloloy sa katawan. Di tulad ni Joelle na simple lang. Naka- blazer na brown na three fourth, white blouse and brown skirt. May maliit na hikaw at kuwintas na may nakasulat ng Joelle. At wrist watch na kulay white.
“Next time, never judge the driver by the looks of it's car!”
May ganon bang sayings? Ang alam ko – never judge the book by its cover! Kung sabagay tama naman siya. Itong kotse niya lang ang out-of-place dito. Kaya sino ang mag-aakalang si Joelle Montecillo pala ang sakay nito?
This woman really amazed me, she's rich and yet so simple. Mataray pero cool! Lalo tuloy akong na-i-inlove sa kanya! Natutulala ako hindi lang sa kagandahan niya pero dahil sa kakaibang ugali niya.
“Did you also forget being a gentleman to open the door for a beautiful lady or do you want me to open the door for you?”
Huh!!! Anobayan! Bakit nga ba hindi ko siya pinagbuksan ng pinto? Nasanay ba ko kay Princess na hindi ko naman pinagbubuksan ng pinto ng kotse niya? Nakakahiya ka talaga, Angelo! Alangan naman ang isang Joelle Montecilllo pa ang magbukas ng pinto para sa'yo, mahiya ka nga! Sa sobrang tamis ng ngiti niya lalo tuloy akong nahiya kaya dagli akong bumaba para pagbuksan siya at alalayan. Buti nakuha ko pang humingi ng paumahin. Ingleserang babae, akala ata di ako marunong mag-english.
“Thank you! Please come with me.” Sige sasama na ko. Gusto ko rin talagang pumasok sa building na yan. And you know your manners – saying please and thank you! Hindi ko naman makuhang sumabay sa kanya kaya nagpahuli ko ng konti. She's so graceful while walking, straight body at maumbok ang puwit at makinis ang binti, nakasuot ng itim na sandals na may takong na di kataasan. Inintay pa niya kong makasakay sa elevator.
Joelle POV
May sarili kong susi ng elevator to put it “on service” para hindi tumigil sa ibang floor. Katabi ko Angelo na nakatingin lang sa'kin at hindi nagsasalita. Na-mesmerized na naman siguro sa kagandahan ko. Hi hi hi. Hindi rin ako kumibo at ngitian ko lang siya habang paakyat ang elevator sa penthouse.
Nagulat ako pagbukas ko ng dahil may limang mga security na nakatutok ang mga baril sa'min. Pero di ako nagpahalata. “What's with the guns, gentlemen?” seryosong tanong ko.
At itinutok nila sa kasama kong lalaki ang mga baril. Yung isa na taga concierge ay may hawak pang radio. Tiningnan ko ang kasama kong lalaki baka natakot na pero kalmado lang siya.
“Mrs. Montecillo, hindi ka ba sinaktan ng taong iyan?”
Hinila pa ko ng isang security para ilayo kay Angelo. “Your safe, Ma'am.”
“Wait, wait.” Sigaw ko. “Why are you doing this to my friend? Are you judging him because of his looks? Can you please put down your guns now!” Hinarangan ko si Angelo at tiningnan ng masama ang mga guards. Tumingin pa sila sa Head of Security at sumenyas naman ito at ibiniba nila ang mga baril nila.
“Ma'am, we're just doing our job. He looks suspicious. He's been here before.” sabi ni Alfred. Yung Head Security dito sa condo.
“He's been here before? When was that?” Gulat kong tanong. Tiningnan ko si Angelo pero kalmado pa rin siya.
“If I'm not mistaken, last December, Ma'am!” sabi pa rin ni Alfred.
Last December pa, nung salalukuyan hinahanap namin siya. Nakauwi na pala siya sa bahay niya.
“Thank you, Alfred.” sa mababang tono na. “I know you're just doing your job. But don't judge him by his look right now, you might be surprise who he is. Keep monitoring your CCTV and don't blink your eyes.” makahulugan kong sabi.
“You may go now!” Nag-aatubili pa silang sumakay sa elevator. Pero tiningnan ko ulit sila ng masama.
“Sa-sa-salamat!” sabi naman ni Angelo sa'kin nung makaalis na ang mga guardia civil. “Ka-ka-kanino bang u-unit ito?” Tiningnan ko ulit siya. Nakakaalala na ba siya or hindi pa rin? Pero mukha naman hindi pa.
“You will know.” Binuksan ko ang pinto at hinila ko siya papasok at ini-lock ang pinto pagpasok namin. “Do you recognize this place?” Pinagmamasdan ko siya habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng salas ng condo. At umiling siya.
Angelo POV
May sarili pang susi si Joelle sa elevator. Kanya nga siguro ang building na ito. At yung PH pa ang pinindot. Iyon yung pinuntahan ko dati. Tahimik ako habang nakasakay kami sa elevator pero gusto ko sanang ikumpirma kung kanya talaga itong building. Pero natutulala ako sa ganda ng ngiti niya. Parang nawala ang malungkot na mata niya na lagi kong nakikita sa TV.
Nang bumakas ang elevator. Nagulat siya pero agad din kumalma. Naitawag na siguro ng guardia sa gate na kasama ko ni Joelle kaya inabangan na nila kami. Itinutok pa ang mga baril sa akin at inilayo si Joelle. Hindi naman ako takot. Wala akong ginagawang masama at wala akong armas. Pero pinag-aaralan ko ang kilos ng mga guard kung papuputukan ako.
Ikinagulat ko ang pagharang ni Joelle sa harap ko at pagsigaw niya.
“Why are you doing this to my friend? Are you judging him because of his looks? Can you please put down your guns now!”
Kahit galit may manners pa rin. Tama naman sila, sino ba ang hindi iingatan ang isang Joelle Montecillo sa isang katulad ko na mukhang serial killer or kidnapper or hitman. Akala siguro gagawin kong hostage si Joelle.
“He's been here before? When was that?”
Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagulat niya. Bakit kaya? May kataka taka bang magpunta ko dito? Oo nga, ako rin nagtataka kung bakit ako nagpunta dito dahil dito ba nakatira si Joelle? Hindi kaya talagang stalker ako ni Joelle bago ko naaksidente sa Dubai kaya alam ko ang lugar na ito?
Magaling din ang memorya nito security na to. Oo, December nga yon mula nung mamasyal kami nina Princess at nakita ko tong building na ito.
“I know you're just doing your job. But don't judge him by his look right now, you might be surprise who he is. Keep monitoring your CCTV and don't blink your eyes.”
Ano ang ibig sabihin ni Joelle sa mga sinabi niya? You might be surprise who he is? Bakit sino ba ko? Isang hamak na karpitero lang ako at mangingisda sa isla! I-monitor ba daw ang CCTV at huwag kukurap ha, ima-make over ba ko ni Joelle at paglabas ko ay ibang tao na ko! Hindi kaya madyikin ako ni Joelle na maging kamukha ng asawa niya? Aba gusto ko yon! Wizard kaya talaga siya kaya bruhilda ang tawag sa kanya ni Princess?
Nang makaalis na ang mga guardia ay nakuha ko rin magpasalamat at magtanong kay Joelle. Pero ang gulo ng sagot niya. “You will know.” Gusto ko sanang sabihin, that's why I'm asking because I want to know! Hindi kaya mabatukan niya ko pag namilosopo ko? Huh? Bakit ko naman naisip yon? Mukhang di naman kayang mambatok ng isang Joelle Montecilllo.
“Do you recognize this place?” tanong niya nung buksan ang pinto ng condo. Paano ko matatanda ang lugar na ito, eh, hindi ko alam kung kanino to. Nakapunta na ba ko dito para matandaan ko ito? Hindi kaya naging kaibigan ko na dati si Joelle at baka nga nakarating na ko dito. Sabi nina Kapitana, lumuwas ako ng Manila para makita si Joelle at agawin sa asawa niya? Hindi kaya nagawa ko yon or baka naman naging kaibigan ko nga sila?
Joelle POV
At hinila ko siya sa balcony. “How about this place?” Iginala niya ang tingin at lumapit pa sa may balcony at iginala ulit ang tingin. “Aarrghh!” napakapit siya sa ulo niya. Nag-alala kong nilapitan ko siya. Gusto ko sana siyang yakapin pero baka matakot siya.
"I'm sorry, don't push yourself.” naaawang sabi ko. Maya-maya ay parang ayos na siya at humarap sa akin.
“I-I-I can see you wi-with a man, bu-b-but his fa-face is s-s-still b-b-blurred. Y-you are e-e-eating dinner.” sabi niya at medyo huminto. “Y-y-you are ki-ki-kissing pa-passionately.” at tumungo siya na parang nahihiya.
Hindi ko maiwasan maluha sa sinabi niya habang nakangiti pa rin. Nag-angat siya ng mukha. “Ba-ba-bakit ka u-u-umiiyak, Joelle?” nag-aatubiling pinunasan niya ng hinlalaki niya ang luha sa mga mata ko. “So-so-sorry marumi ang ka-ka-kamay ko!” Hindi ako kumibo. I don't care kung marumi or madungis ka man ngayon.
“Can I remove your eyeglasses?” tanong ko pero hindi ko na siya hinintay inalis ko na at ngayon, siguradong sigurado na ko. Naguguluhan ang kanyang mata pero nakita ko pa rin ang pagmamahal niya sakin. Lalong tumulo ang luha ko at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Naramdaman kong nagulat siya pero niyakap din niya ko at umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung gano katagal pero na-miss ko ang yakap na ito. Ang yakap na nagpapakalma sa akin. Nag- medyo kalmado na ko ay nag tanong siya.
“W-w-why are you cr-cr-crying, Joelle?” Nakayakap pa rin siya at tinatapik ang likod ko. Para kong batang umiiyak ng agawan ng laruan.
“I'm just happy because you came back home!” sabi ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingala sa mata niya para titigan ito. “You found your way back home to me, Mister M!”
Angelo POV
Niyaya niya ko sa balcony. Parang pamilyar nga sa akin ang lugar na ito. Napakaganda naman dito parang kahit paano ay makakalanghap ka ng sariwang hangin. Kita ang maliliit na gusali at traffic na mga kalye. Maganda siguro dito pag gabi. Humarap ulit ako kay Joelle at muling pinagmasdan ang paligid. Napako ang mata ko sa isang circle table.
“Aarrghh!” Eto na naman ang sakit ng ulo ko. Nakita ko ang masayang lalaki at babae, malinaw ko ng nakikita ang babae at si Joelle iyon pero malabo pa rin ang lalaki. Parang nag-didinner sila with candle light pa. Nagkukuwentuhan at nagbibiruan at naghahalikan ng maalab. Nag-init ako sa halikan nila kaya tumungo ko at nawala rin ang sakit ng ulo ko.
May katagalan pero hindi kumikibo si Joelle kaya nag-angat ako ng tingin, “Ba-ba-bakit ka u-u-umiiyak, Joelle?” naguluhan ako at nataranta. Naawa ba siya sa akin dahil sa pagsakit ng ulo ko? Ayokong makita siyang umiiyak kaya pinunansan ko ang luha niya pero naalala kong marumi nga pala ang mga kamay ko at napakinis at napakalinis ng mukha ni Joelle. Pero parang hindi niya alintana ang sinabi ko patuloy lang siyang lumuluha at. . .
“Can I remove your eyeglasses?” Tinanong pa niya ko pero bigla rin palang aalisin. Lalo naman siyang naluha ng makita niya ang mata ko. Naguguluhan ako pero nag-aalala rin sa kanya. Ayokong nakikitang siyang umiiyak. Mahal na mahal ko ang babaeng ito ewan ko kung bakit! Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at patahanin pero siya na ang kusang yumakap sa akin. Sa higpit ng yakap niya para kong lumilipad – parang sanay na ko sa yakap niya. Hinigpitan ko rin ang yakap ko dahil patuloy siya sa pag-iyak. Parang ayoko ng siyang kumalas sa mga bisig ko. Sa mga oras na ito gusto ko siyang patahanin at sabihin. . . calm down, everything will be okay! I'm just here the man who loves you so much!
Pero kahit hindi ako magsalita parang naramdaman niya dahil unti-unti ay kumalma siya. Pero bakit nga ba siya umiiyak? “W-w-why are you cr-cr-crying, Joelle?” Inulit ko ang tanong ko pero english na, ingleserang nga pala si Joelle. Kaya siguro hindi ako sinagot kanina.
“I'm just happy because you came back home!” I came back home? Hindi naman sa akin condo to. Ano ba ang sinasabi ni Joelle, nagbibiro ba siya pero sa titig niya seryoso talaga siya. “You found your way back home to me, Mister M!” Mister M? Ako ba ang tinawag niyang Mister M? Ang alam ko si JX si Mister M at hindi ako si JX. Malabo ba talaga ang mata ni Joelle?
Joelle POV
Kita ko ang pagkalito sa mata niya. Pero hindi siya kumontra sa tawag kong Mister M. “Y-y-you're mistaken. I-I-I am not y-y-your hu-hu-husband! I'm A-a-angelo!” hinila niya ko nang may pag-iingat sa malaking portrait namin ni Mister M. Ito yung portrait ng kasal namin na naka-kindat siya. “Lo-lo-look at me, co-co-compare to him. Bu-b-but how I wi-wish that I am he!”
Nginitian ko siya. “When was the last time did you look at yourself in the mirror? Did you ever see yourself without those beard and mustache?” Umiling siya.
“Would you like me to help you remove those beard and mustache?”
“A-a-ayaw ni P-p-princess!” sabi niya. Ikinawit ko ang braso ko sa batok niya at kinagat ko ang lower lips ko at malambing na sinabi. “Mas gusto mo ba siyang sundin kaysa sa'kin?” Napalunok naman siya ng ilan ulit. Nang hindi siya sumagot ay nag-pout ako at tumingin pa rin sa kanya. Wala na ata akong epekto sa asawa ko. Baka si Princess na ang gusto niya.
“S-s-stop po-pouting, o-okay, I wi-wi-will re-remove it!” Ngayon lang siya ulit ngumiti at nasilayan ko ang pantay pantay niyang ngipin. Hhmmm. Medyo yellowish na. He needs to see his dentist, pilyang sabi ko sa isip ko.
Angelo POV
Bakit ang isang katulad ko ang napapagkamalan ni Joelle na asawa niya dahil ba matangkad at maputi ako? Pero hindi ako si JX, si Angelo ko. Baka sobrang na-mi-miss lang niya ang asawa niya kaya akala niya ako siya. Kaya iginabay ko siya sa harap ng portrait nilang mag-asawa. Napakinis ng asawa niya na pilyong nakangiti at naka-kindat pa.
“Lo-lo-look at me, co-co-compare to him. Bu-b-but how I wi-wish that I am he!” Ilan libong beses ko ng hiniling na sana ako na nga lamang si JX. Para ako ang kasama at minamahal ng isang Joelle Montecilllo pero imposibleng dahil ako si Angelo Almario. At lahat ng kababaryo namin ay kilala ko.
“When was the last time did you look at yourself in the mirror? Did you ever see yourself without those beard and mustache?” Ano kinalaman ng balbas at bigote ko? Kahit naman ahitin ko to mababago ba nito ang itsura ni Angelo? Pero nagising na kong may medyo makapal ng balbas at bigote at hinayaan ko ng lumago ito ng lumago dahil naiitago nito ang hiya ko sa pagiging utal-utal at pilantod.
“Would you like me to help you remove those beard and mustache?” Sa loob ng isang taon at mahigit, mas gusto ko na maging ganito. Parang hindi na ko sanay wala ito sa mukha ko at isa pa. .
“A-a-ayaw ni P-p-princess!” Sabi ni Princess ay ito ang nagustuhan niya sa akin. Ayokong mag-away kami dahil lamang dito. Hindi naman ito makakasakit sa akin at maliit na bagay lang 'to kumpara sa ginagawang pag-aalaga at sakripisyo ni Princess para sakin.
Ano ba ang ginagawa ni Joelle sa akin – parang inaakit niya ko. Gusto ba niya kong halikan? At gusto niya ba sa isang lalaki ang kasing kinis ng asawa niya? “Mas gusto mo ba siyang sundin kaysa sa'kin?” At gustong gusto ko rin siyang halikan. Sa tingin pa lang niya parang gusto ng magwala ang isip ko at gustong gusto ko ng tikman ang mapupula niyang labi. Pinipigil ko ang sarili ko sa paglunok na lang. Hindi ko kayang pagsamantalahan ang pagiging mabuti sa kin ni Joelle. Nag-pout pa siya. . . sobrang cute niya at lalo akong natuksong hagkan siya.
“S-s-stop po-pouting, o-okay, I wi-wi-will re-remove it!” Basta ba kiss mo ang kapalit. Sino ba ko para tanggihan ang isang babaeng pangarap ko lang at ngayon ay nasa harap ko na parang sine-seduce ako. Hindi ko na siguro kasalanan yon kung ako ang ipalit niya sa asawa niya! Napuna ko ang sarili ko magaling rin pala kong mag-english – not bad for a HS graduate!
Joelle POV
Masaya kong niyaya siya sa bathroom at inilabas ang mga shaving kit niya. Sa tutoo lang hindi ako marunong gumamit nito. Hindi naman ako nag-aahit kahit sa legs. Flawless lang talaga ko.
Hindi ko alam kung ano ang una kong iaabot.
Medyo tumawa siya. “I-I-I can ma-ma-manage!”
Naupo ako sa toilet bowl after closing the lid at nakangiti akong pinapanood ang pag-aahit niya. Saglit siyang tumigil at tumingin sa kin. “I-I'm getting co-con-concious!”
“Please, don't be! I just want to watch you.” Gusto ko kasi makita ang reaksiyon niya.
Angelo POV
Tutulungan daw niya kong mag-shave pero parang hindi naman marunong gumamit ng shaver si Joelle. Kaya ko naman at parang alam ko naman gamitin ito.
Akala ko lalabas siya ng CR. Ganito ba si Joelle sa kaibigan niya? Nagtataka na nga ako na isinama niya ko dito sa loob ng condo niya na kami lang dalawa. Sobra ba siyang magtiwala sa tao? Gayon napagkamalan na nga niya kong rapist at serial killer dati. Pano kung hindi ko mapigil ang sarili ko at rapin ko nga siya unless kusa niyang ibigay ang sarili niya.
At ngayon nandito pa kaming dalawa sa CR at nakatitig siya habang nag-aahit ako. Gusto ba niyang malaman kung talagang kamukha ako ng asawa niya? Ni hindi ko pa nga nakita ang litrato ko dati pero sabi nina Kapitana na guapo daw ako. Kasing guapo kaya ako ng asawa ni Joelle? Hayaan ko na nga siyang panoorin ako. Sobra na ang confident ko na may gusto sa'kin si Joelle!
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top