Chapter 31: Marie Remember Princess
End of July
Joelle POV
Five more months pass, wala pa rin kaming balita kay Princess Cruz. At gayon din kay JX a.k.a Angelo. Mahirap talagang makipaglaro ng hide and seek lalo na sa laki ng Maynila. At alam kong tuso ang kalaban kong babae. Ilan Princess Cruz na rin ang nakausap ni Kuya Alex dahil medyo may hawig sa larawan. Very common kasi ang mukha nitong babae na ito. Kaya siguro pamilyar siya sa kin. Pero ngayon naiinis na ko sa kanya kung dati ay sinabing maganda siya ngayon ay mukha demonyita na siya sa paningin ko dahil alam kong sinadya niyang itago ang asawa ko.
Bumalik na si Mama sa Canada at si Mommy Chelsie ulit ang nandito sa Pinas para tulungan ako sa triplets. Eleven months na ang Triple J lalong nagiging mga cute at chubby. Regular model sila ng mga ini-endorse nilang mga damit, shampoo, diapers, baby food at baby milk. Kasama nila ko lagi sa shooting. Pati yung Baby Lotion ay kami pa rin mag-iina ang regular model. Lumakas daw lalo ang sale nila dahil sa commercial. Marami pa rin kumukuhang ibang mga company pero hindi ko na mapagbigyan. Naisip ko magandang business pala talaga ang mga babies. Sabi ni MK dati hindi business ang paggawa ng babies, eh, itong tatlong babies pa lang namin. Malaki na ang kinikita. Nakalagay na nga sa sari-sarili nilang account ang kinikita nila.
Nag hire din ako ng bodyguards mula sa agency ni Kuya Alex. Sampu sila na laging mga naka barong. PSG talaga ang dating! Hindi para sa akin ang mga body guard kundi para sa mga babies ko. Uso na naman kasi ang kidnap for ransom. At paranoid akong ina. Hindi ko pa nga nakikita ang tatay nila, eh.
Wala akong bodyguard, feeling ko ay walang naman treat sa buhay ko. Si Kuya Alex kasi ay busy pa rin sa paghahanap kay JX at Princess. Siya lang kasi ang gusto kong bodyguard. At feeling ko kasi superwoman ako. Pero iba't ibang kotse ang gamit ko araw-araw puro tinted pa, hindi kasi mahilig mag-collect ng kotse ang asawa ko. Mas malaki pa nga ang garahe sa likod bahay kaysa sa mansion. Sa bahay ay sampung kotse lang ang naka-park pero sa mansion nina Mommy ay marami. Kaya dumaaan ako lagi don para magpalit ng kotse. Kahit araw araw sa isang buwan ay iba't iba ang gamit ko. Puro mamahalin pa. Ramdom naman ang paggamit ko. Ayoko kaya bigyan ng clue kung sakaling may magtangka man sa'kin. Kaya ngayon bihira rin akong masundan ng mga paparazzi. Maliban kung kilala nila ang kotseng gamit ko.
Nagsasalita-salita na rin ang Triple J. Tata ang first word ng mga boys ko at Nana kay little princess. Lagi namin ipinapakita ang malaking poster ni Mister M at sinasabing Tatay kaya kilala nila ang tatay nila. Mas matatas magsalita si little princess dahil babae pero tumatakbo na ang mga boys at umaakyat na ng hagdan. Kaya double ingat ang mga yaya. Si Jem, pahakbang hakbang pa lang.
Lagi pa rin dumadalaw si Liam sa mga bata pero di ako ga'no nakikipag-usap sa kanya. Mabuti na yung lumayo ang loob niya sa kin kesa lalo ko siyang masaktan pagnakabalik na si Mister M. Ayoko siyang bigyan pag-asa na puede niyang palitan ang asawa ko. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kahit matagalan bago ko makita ang asawa ko, hinding hindi ko siya ipagpapalit. Minsan ay tinatawag siyang Tatay ng mga bata pero kino-correct ko agad na Ninong.
Kung siguro ay humingi ako ng tulong sa media para i-post ang picture ni Princess baka madali siyang makita pero tuso talaga ang tingin ko dito at mukhang mayaman din dahil hindi nasisilaw sa Php5M rewards. Maaring maitago niya sa malayo ang asawa ko or baka nga sa ibang bansa pa. Ibig sabihin asawa ko talaga ang habol niya at hindi ang pera nito.
Nakakainis kasi si Mister M, very irresistable, ako nga laging napapatunganga makita ko palang siya. Kahit nga sa life-size poster niya na nakadikit sa wall ng room namin. Napapanganga ko tapos nakakindat pa kin. Sino hindi kikiligin non? Pagnakita ko talaga ang lalaking yan mababatukan ko – hinding hindi ko na siya papayagan mag-model or mag singer. Kung gusto niyang mag-model sa harap ko. . .kahit nude pa! Ha ha ha. Oh, I missed him so much! At ako na lang ang kakantahan niya kahit pautal-utal siya, ok lang sakin!
Nandito ko ngayon sa office at hawak ko ang ipinirint kong picture ni Princess na nilagyan ko pa ng sungay na pula. Hindi ko kasi puede drawingan ang computer screen ko.
Beep beep --> intercom ni Ann. Na miss nyo!
“Yes, Ann?”
“Mrs. Montecilllo, Marie's here, may sasabihin daw sa inyo.”
“Sure, let her in. Thanks Ann.”
Pumasok ang very seksi dati kong PA. “Good Afternoon, Mrs. Montecilllo. I want you to be the first one to know.” very excited siya. Ano kaya ang ibabalita niya! Akala ko may ipapabibigay lang si Liam dahil hindi na talaga siya nagpupunta dito kundi rin lang business. Takot lang niya sa kin.
“What is it?” seryoso ko dahil nasa office ako. Pero kung nasa labas kami at walang ibang tao baka magkayakap pa kami, close kami di ba? Kumare ko nga siya, eh!
“I'm getting married!” Patalon talon pa siya.
“Really?” Na excite na rin ako at niyakap siya. Kami lang naman dalawa nandito. “Who's the unlucky guy!” biro ko.
“Unlucky? Very lucky kaya siya, super sexy ang magiging Misis niya!” namewang mewang pa siya sa harap ko na parang model.
“So, sino nga ang kawawang nilalang for sure hindi mo palalabasin ng silid nyo hanggat hindi nakalawit ang dila sa pagod!” marunong na rin akong magbiro ng mga green jokes. Hindi na ko naive, di ba!
“Si Jerrence pa rin my loves!”
“Huh? Kala ko ba break na kayo?”
“Nagkabalikan kami two months ago at kagabi tinawagan niya ko at niyayang pakasal. Uuwi siya in two months at dito kami papakasal!” halatang halata ang saya sa mukha ni Marie.
Niyakap ko siya. “I'm happy for you!”
“Happy ka nga ba? Eh bat ang lungkot ng boses mo. Pang – MMK!” (Maalaala Mo Kaya!)
“Syempre malungkot pa rin ako dahil wala pa si JX. Kaibigan niya si Jerrence, di ba!”
“Wala pa bang news, Miss” pag kami lang either Miss or Joelle pa rin ang tawag niya sakin.
“Buwisit kasi tong demonyitang babae to. For sure siya ang nagtatago sa asawa ko.” Actually, wala naman alam si Marie or kahit sino about kina Angelo at Princess. Kaming tatlo lang nina Kuya Alex at Kuya Daniel. As usual, nadulas lang ako kay Marie dahil nakita ko yung picture ni Princess sa table ko.
Inagaw ni Marie yung picture sa kin. “I think, I know her!” sabi niya.
“That's what I thought, too! But her face and name is just very common. Princess Cruz!” sabi ko. “Di kaya pinsan mo to? Ka-apelyido mo, eh!”
“Princess. . . yes, Princess but not Cruz. . . it's Princess Choi! Daughter of Mr. Vincent Choi! Your partner in MGC Recording! Leader ng mga fans club niyo ni JX mula nung mag-start si Sir JX sa singing career niya. Laging ngang may suhol sakin para makapagpapicture sa inyo. Ka-FB ko siya pero for a long time wala siyang status. Pahiram ng PC mo, Miss, pakita ko sa'yo ang FB account niya!”
“Are you sure?” Natulala ako sa nalaman ko. Bakit nga ba hindi ko tinanong si Marie? PA ko si Marie kaya mas kilala niya ang mga fans namin. So, hindi nga pera nag habol nitong babae ito kundi si JX talaga!
Nag-login nga si Marie at FB niya at ipinakita niya sakin ang FB page ni Princess. Princess Choi nga ang gamit ng babae na kamukha sa image na hawak niya. Tiningnan niya ang timeline nito, more than one year ago na ng huli nitong status. . .”You cannot find me, Papa!”. . . ang mga pictures, puro kuha nila ni JX, at alam kong ako yung katabi ni JX sa kanan pero putol ako. . . ni walang isang napasalit nabuo. . . wow, ang galing ng photographer. . . hindi halatang sinadya. . . at ang description pa . . . “JX & Princess Forever XOXO”
“Teka Miss bakit mo sinabing itinatago niya si Boss?” humalukipkip si Marie sa tabi at nag-iintay ng sagot habang nagtitingin pa rin ako ng pictures ng demonyitang babae. Bakit walang pictures dito si Angelo? Yung tutoong Angelo?
"Ha? Ah wala! Thank you and I will talk to you later!” sabi ko kay Marie at idinayal kong number 1 sa phone para kausapin si Ann at para hindi na magtanong si Marie. “Ann, Please set an immediate meeting with Mr. Vincent Choi!” utos ko kay Ann. Lumabas na si Marie na naguguluhan ang itsura. Sorry Marie, saka na ko magpapaliwanag but thank you! Sabi ko sa isip ko.
Tinawagan ko rin si Kuya Alex para sabihin ang bagong impormasyon nasagap ko. How can this woman deceived a reputable detective like Kuya Alex? Napabutong hininga ko sa inis.
“Joelle, sigurado ka bang iyan ang Princess na hinahanap natin?”
"Check your FB account, friend mo si Marie di ba? Look for Princess Choi. Hindi naman siya naka-private.”
“Ilan tao sa ospital ang tinanong ko – iisa ang last name na sinabi nila. Nahihiya ako sa'yo!”
“Don't be, it's either naka-usap na niya ang mga tao na iyon or sadyang ibang name ang ibinigay niya sa ospital. Mukhang ayaw siyang magpahanap sa ama niya. I met Mr. Choi several times but I didn't met her wife yet! Kamukha ba ng nanay niya ang babaeng yan?” Nagdududa ko kasi ni konting pagkahawig ay wala kay Mr. Choi.
“Sige, aalamin ko yan.” Nagpaalam na si Kuya Alex.
Beep, beep
“Yes, Ann? Nakapag-set ka ba ng meeting?”
“No. Nasa China daw si Mr. Choi for almost eight months already!”
“Maybe I can meet with his wife?”
“Mrs. Montecilllo, sabi nito madaldal na sekretarya ni Mr. Choi, si Mrs. Choi daw ay nasa Paris for a leisure trip, kaaalis lang daw at for a month daw mawawala. At ang nag-iisang anak na babae ay naglalagalag kung saan.”
“Tell his secretary to at least let Mr. Choi that I need to talk to him, ASAP or I will pull out all my share to his company! Thanks Ann.” Ewan ko lang kung hindi nagmamadaling tawagan ako non. Mula ng maging partner ang MGC at V.A. Choi Recording, nag-invest din kami ni Mister M sa ibang mga business niya like yung garments and shoes business niya. It's not a small investment! Late in the afternoon na rin naman. Malamang bukas na bukas rin ay tatawagan ako ni Mr. Choi kung mabibigay ng sekretaria niya ang mensahe ko.
I check my computer once more. The game is almost over Princess Cruz or rather Princess Choi. . .
tringggg tringgg tringgg -> text message yan
From: PSG Alex
Joelle, pls chck d pic of Mrs. Choi! Thx
Aish! I hate reading text messages, nabobobo ko sa spelling!
Nakita ko ang sa image ng isang mestisang babae na Pilipina. Medyo singkit din ang mata. Makinis. Sophistikadang manamit.
Pinagtabi ko ang litrato ni Princess at Mrs. Choi at inalala sa isip ko ang imahen ni Mr. Choi. Possible kaya magkaroon ng anak na hindi kamukha ng kahit ama or ina nito?
Ang mga babies namin, kamukha lahat namin ni Mister M. Hindi maiitangi anak namin sila.
tringggg tringgg tringgg
From: PSG Alex
Joelle, pls chck d pic of Yaya Ising of Prncez! Thx
Bat pinadalhan ako ni Kuya Alex nito. Anong pakialam ko sa yaya ni Princess? Hindi ko naman kukunin yaya 'yan ng mga anak ko baka maging maldita pa ang anak tulad ng demonyitang Princess na yan!
Pero tiningnan ko na rin. Nanlaki ang singkit kong mata. Pinagtabi ko ng larawan ni Princess sa picture sa cellphone ko. Kulay pa lang parehas na, pati mata at bibig, hindi lang ang ilong dahil pango na medyo malaki ang ilong ni Yaya Ising at maliit na medyo matangos ang kay Princess. Unless nagpa-Vicky Belo siya. Natawa ko!
Lumabas na ko ng opisina, it's 5:30 PM na rin. Gusto ko munang dumaan sa condo namin ni Mister M. Once or twice a week ay dumadaan ako dito just to check if everything in the proper places (for sure naman dahil wala naman ibang gugulo ng condo namin) at nagda-dusting din (hindi k na iniuutos sa mga kasambahay ang palilinis ng condo). Pero saglit lang ako.
Derecho ko sa parking! Sakay ako sa Red Honda CRV ko, ito pa yung kotse ko mula pa noon. Gusto na nga itong i-dispose ni Mister M dahil binilhan niya ko ng mga bago. NO WAY! Love na love ko, to! Maganda pa naman ang takbo nito at hindi ako itinitirik. Kaya pa nga nitong umakyat kahit 100x sa Baguio, eh! Pinapalitan lang ni Mister M ng tinted ang mga salamin.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top