Chapter 3: Si Angelo . . . Si JX

February 14

JX POV

PI-PR-PRINCESSSSSSSS!!!!” Napabaligwas ako at hawak ko ang ulo ko. Ang sakit! May napanginapan akong babae pero malabo ang mukha niya pati ang itsura ng lalaki hindi ko makita. Boses lamang ang naririnig ko. “My Princess wife, I miss you so much. . . wait for me. . .I'll be home soon!” Pero bigla siyang nagpalam sa'kin. . . pahina ng pahina ang boses niya kaya paulit-ulit ko siyang tinatawag na Princess!

Luminga-linga ako sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Yari sa kawayan ang sahig na bahay at pawid ang kabuuan. Nakahiga ako sa isang kawayan papag at naka-kumot. Kinapa ko ng ulo dahil makirot pa. Parang may benda ko sa ulo. May benda rin ang kanan braso ko at kaliwang binti. May nakalagay na dextrose sa'kin sa kaliwang braso ko. Kinapa ko ang mukha ko. Medyo malago na ang balbas at bigote ko.

Iniisip ko kung ano ang nangyari at kung nasaan ko. Nang may nagmamadaling babaeng papasok sa silid. Bago ko siya mapagmasdan. . .

Thank God! Gising ka na rin!” Niyakap niya ko bigla. Nagulat ako! Sino kaya siya? Siya ba si Princess?

 “Si-si-sino ka?” Bakit ganito ko magsalita? Parang hirap na hirap ako at nautal-utal?

Tumingin siya sa akin na parang pinag-aaralan ang tanong ko. Pero hindi siya kumibo. Kayumanggi ang kulay ng balat niya, bilugan ang makinis na mukha, bilugan din ang mata niya, katamtaman ang tangos ng ilong at medyo manipis ang labi na mapula. Nakaladlad ang hanggang balikat niyang buhok.

Hindi mo ko nakikilala?” balik tanong niya sa'kin. Pinagmasdan ko ulit siya at umiling. Dapat ko ba siyang makilala? Tumungo ko at nagtanong. . . “I-i-ikaw ba si Pi-pi-princess?”

Hindi agad siya sumagot. Tiningnan ko siya na parang natitigilan pa rin. “Salamat natatandaan mo ko!” at yumakap ulit siya sa akin. So, siya nga si Princess. Siya ba ang babae sa panginip ko na tinawag kong My Princess Wife?

Nagulat ako dahil may parang maliit na bagay na gumalaw sa bandang tiyan niya na nakadikit sa katawan ko. Wala akong pang-itaas. Nagbitiw siya ng yakap at humawak sa tiyan niya na may ngiti sa labi. Napatingin ako sa hinawakan niya. Buntis siya.

Sumipa si baby! Naramdaman mo ba?” nakakapit pa rin siya sa tiyan niya at nakangiti sa sakin. Tumango ako. Siya ba ang asawa ko at buntis siya?

Argghhh!” Kumapit ako sa ulo dahil sumasakit na naman. Parang may nag-uusap na babae at lalaki. Malungkot ang tinig na babae na malabo pa rin ang itsura. “Mister M, negative pa rin, I'm sorry!” Malungkot din ang boses ng lalaki na parang boses ko. . . “Okay lang, Misis M, we're still young!” Parang lalong sumasakit ang ulo ko.

 Princess POV

Huminga ka muna ulit at magpahinga. Kukunin ko lang ang gamit ko at titingnan kita.” tumalikod ako at kinuha ko sa isang maliit na kabinet ang strethoscope ko at Aneroid Sphygmomanometer para ma-check ang blood pressure niya.

Sumunod naman siya pero hindi inaalis ang tingin sa mukha ko habang chinecheck ko ang BP niya. Hindi ako doctor, nurse lang ako at may hinala ako sa kondisyon niya. Na siya ko talagang dinadasal.

Medyo mababa lang ang BP niya pero natural lang yon dahil sa tagal ang pagtulog niya.

Halos isang buwan at kalahati siyang walang malay mula ng matagpuan namin siya sa tabing dagat. Kilala ko siya. Siya si JX Montecilllo, singer, model, P/CEO ng MGC. Ang lalaking pinapangarap ng lahat ng babae at isa na ako sa babaeng obssessed na obssessed sa kanya mula noon una siyang naging singer at nag-promote sa ng album niya three years ago.

Ba-ba-bakit hindi ki-kita ma-ma-maalala? A-a-asawa ba k-kita?” pautal-utal niyang sabi. Hindi ako kumibo at pinag-aralan ko muna ulit ang itsura niya. Makikita sa mata niya na sincere ang tanong niya. Talagang naguguluhan siya. Hindi siya talaga nakakaalala. May amnesia siya – hindi ko lang alam kung gaano kalala? At ang pag-s-stutter niya or pagka-utal utal na salita at maaring may naapektuhan parte ng utak niya dahil sa impact ng pagkabagok niya.

Oo, Angelo, ako si Princess ang asawa mo?” Itinigil ko ang ginagawa ko at umupo sa tabi ng kama at tiningnan siya sa mata. Nakatitig lang siya na naguguluhan pa rin ang itsura.

Princess talaga ang pangalan ko. Ewan ko kung bakit Princess ang isinigaw niya kanina. Akala ko natandaan niya ko. Isa kasi ako sa avid fan niya na laging nangunguna kung saan siya may guesting, nandoon ako at lagi akong nagpapakilala sa kanya at nagpapa-picture. Magaling naman kumuha ang mga kaibigan ko. Kami lang ni JX ang kinukunan at pinuputol ang bruhilda niyang girlfriend na si Joelle na ngayon ay asawa na niya. Kahit na todo ngiti pa ito sa akin. Mabait sana si Joelle pero inis ako sa kanya dahil siya ang gusto ni JX. Madalas naka-akbay pa sa'kin si JX sa mga picture dahil very accommodating din siya at hindi suplado.

A-a-ako si A-angelo? Ba-ba-bakit di ko ma-ma-matandaan ang pa-pa-pangalan ko?”

Dahil na-aksidente ka. Right now, your suffering from amnesia.” sabi ko. Sana lang matagalan pa siya bago makaalala ng lubos. Para matagalan pa siyang mapasaakin.

Si Angelo ang nobyo ko na namatay sa Dubai dahil naaksidente daw. Hindi ko na nakuha ang bangkay niya dahil wala akong pambayad at illegal lang ang pagpunta niya doon. Ipinakita lang ng isang kaibigan namin ang mga litrato ng labi niya.

 Si Angelo ay dating driver namin sa Manila. Ayaw sa kanya ng Papa ko kaya nagtanan kami at dito niya ko dinala sa bahay niya sa gitna na kagubatan sa isang isla sa 100 Island in Pangasinan. Hindi ko naman gaano gusto si Angelo pero may pagkahawig siya kay JX dahil maputi rin ito at matangkad. Anak ng isang Pinay at Americano sa Zambales. Ulila na sa ina at walang kapatid. Hindi na nakilala ang ama niyang kano.

 Taga Paranaque ako. Nag-iisang anak ng mayaman negosyante. Pero hindi kasing yaman ni JX Montecillo. Walang ka-amor amor sa akin ang Papa ko, tanging si Mama lang ang nagmamahal sa kin at ang yaya ko na siyang kasama ko dito. Si Yaya Ising! Galit pa rin daw sa kin si Papa ko dahil sa ginawa kong pagtakbo sa lalaking gustong ipakasal sa'kin ni Papa para sa negosyo. Kaya nakipagtanan ako kay Angelo at nagpabuntis!

Si Mama lang ang nagbibigay ng allowance sa kin hanggang ngayon. Ayaw pa niya kong pauwiin sa bahay dahil sa kalagayan ko. Intayin na muna daw makapanganak ako at baka magbago ang ihip ng hangin pag nakita na ni Papa ang apo niya. Hindi rin naman alam ni Mama na namatay na si Angelo.

I-i-lan buwan na ang ti-tiyan mo?” tumingin siya sa maambok ng tiyan ko. Anak namin ito ni Angelo.

Walo.” matipid kong sagot.

 “Ma-ma-malapit na pa-pala lu-lu-lumabas!”

 “Excited ka ba?” gusto kong malaman kung ano ang reaksiyon niya.

 Ngumiti siya at tumango at hinawakan ang tiyan ko. Niyakap ko ulit siya at yumakap din siya sa akin. Sana sa akin na lang siya habang-buhay. Hinding hindi ko siya ipapakita sa mga naghahanap sa kanya.

Ilan mga rescuer na rin ang nakita ko sa kabayanan nitong isla na nagtatanong. May mga poster pa ni JX. Ang kinis kinis ng mukha niya at sobrang guapo sa mga poster niya. Hinayaan kong tumubo ang balbas at bigote at humaba ang buhok niya para walang makakakilala sa kanya.

 [A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top