Chapter 27: MGC's Christmas Party

 December 23

 Joelle POV

Napakalungkot ng pasko ko ngayon. Wala pa rin ang asawa ko at isang taon na siyang nawawala ngayon araw na ito. Last year, natulala ako kaya kahit sumapit ang pasko wala sa akin. Kaya ngayon ko nararamdaman ang sobrang pangungulila ko kay JX. Buti na lang ay may mga anak na kami ngayon kung wala baka tuluyan na kong sumuko.

Sa grandball room ng isang hotel ng MGC kung saan laging ginaganap ang ganitong malalaking event. Maraming mga tables ang chairs dahil hindi lamang sa mga empleyado ito kundi pati sa pamilya nila. Alas dos ang umpisa ng party para sa mga bata. Laging binibigyan ng MGC ng regalo ang mga anak ng mga empleyado. Last year, bago naganap ang aksidente - ginanap ang Christmas Party at mismong si Mister M pa ang nag-costume bilang Santa Clause.

Ngayon isa sa staff ng MGC ang naka-costume na Santa Clause. Kami ang unang family na nagpa-picture. Nakakandong sina JA at JR sa magkabilang hita ni Santa at kalong ko si Jem. Ang kulit talaga nina JA at JR. Hinila ba naman yung balbas ni Santa kaya naalis. Nagkatawanan tuloy dito sa loob ng hall at nadismaya ang mga a little bit older kids na nakaka-intindi na. Ay, fake si Santa!

 Kahit nagkaganon ay naging masaya pa rin ang mga bata dahil sa mga regalong natanggap nila. Marami rin mga regalo para sa Triple J na bigay ng mga employee. May mga iniabot din ang mga waiter. Ang dami regalong bubuksan ng mga anak ko sa Pasko.

 Naka-check-in kami dito sa isa sa 3BR VIP Suite sa Penthouse kasama ko si Gab sa isang room, sa isa pa ay para sa mga yaya at sa amin ng mga babies ko. Dalawa ang VIP Suite dito yung isa kina Kuya Daniel kasama sina Mama at Mommy dahil 3BR rin naman.

Dahil yung party sa gabi ay para sa mga adults. Mostly inuman at sayawan. Naka-bestidang kulay pula ako. Yung mga yaya ang naiwan sa mga natutulog na bata sa kani-kanilang playpen.

 Sabay sabay kaming bumaba nina Kuya Daniel at Ate Gel at Ako. Si Gab ay sinundo si Rhianne. Kami ang magkakasama sa table kasama rin si Liam.

Nagbigay ako ng opening remarks. “Good evening, Ladies and Gentlemen, I just want to greet each one of you a Merry, merry Christmas and a Blessed New Year to come! I won't keep it long! Just enjoy the night and cheers!” Iniangat ko sa ere ang hawak kong kopita ng red wine na kalahati ang laman at ininom ko ng mabilis. Palakpakan naman sila at bumalik ako sa table namin. Gusto ko sanang sabihin . . . this is the first time that our P/CEO will not going to join us. . . pero baka mag-iyakan lang ang mga staff. I don't want to ruin the night. Ako na lang ang maglalasing!

Liam POV

Nakangiti si Joelle pero nakapaka-lungkot pa rin ng mata niya. Alam kong hindi rin naman siya sanay uminom pero ang bilis niya naubos ang red wine sa cup niya. Lalo siyang mabilis malalasing.

Princess, huwag kang ganon uminom baka malasing ka!” paalala ng Kuya niya.

 “I won't, Kuya, thanks!”

Niyaya ko na lang siyang sumayaw. Sweet yung tugtog. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko at ang sa akin sa balingkinitan niyang baiwang.

You're so beautiful tonight, Joelle.” Di ko maiwasan hindi ibulaslas ang paghangang nararamdaman ko.

Ngumiti siya ng tipid. “Only tonight?”

Natawa naman ako. “No, everynight and day, every hour, every minute and every second. You really is so gorgeous!”

Thank you!” matipid niyang sagot. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya at nawala ng ngiti sa mga labi niya.

Joelle, just for tonight. Please, smile!” seryoso kong sabi. Gusto ko sanang sabihin. Just for tonight, don't think about your lost husband. Stay with me.

Humarap siya sa akin at ngumiti ng matipid ulit. “I will try, thank you!”

Angelo POV

Tinawagan ako ng supervisor ng hotel para mag-dishwasher ngayon araw na ito, ipinasabi niya lang kay Jhun. Christmas Party daw kasi ng MGC. Sumigla ang pakiramdam ko dahil posibleng makita ko si Joelle. Hindi nga ako nagkamali.

Kanina sa party ng mga bata ay naisingit kong ipaabot kay Jhun yung regalo ko kay Joelle at sa triple J. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na kahit saglit ay masilip ko sila nung breaktime ko. Tamang tama na sila ang kinukunan ng picture kay Santa. Natawa ko sa kakulitan ng dalawang batang lalaki sa paghila sa balbas ni Santa. Ha Ha Ha

Ang duty ko ngayon ay 2:00 PM to 10:00. Mamaya rin ay ibibigay ang sueldo. Ipinasulat lang ang pangalan namin sa isang papel. Halos lahat ay nickname ang ginamit. May isang may pangalan na Angelo kaya Elo ang ginamit ko. Iyon naman ang nickname na gamit ni Princess sa akin at don sa construction.

Mamayang gabi pala ay party naman para sa mga adults. Sabi ni Jhun, naka-check-in daw sa penthouse ang mga Montecillo. Sana ay masilip ko ulit si Joelle. Kanina ay nakablouse siya at pantalon maong na kulay puti. Ano kaya ang isusuot niya mamaya sa party?

Tatlo kaming dishwasher at salit-salitan mag-break. Pinauna ko na yung dalawa. Nung breaktime ko ay sumilip ulit ako sa grandballroom, iisa lang naman ang hinahanap ng mata ko. At nakita ko naman, napanganga na naman ako sa kagandahan niya. Nakatali ang buhok niya at kulay pulang semi-gown dress ang suot niya. Lalong lumitaw ang puti niya. Makita ko lang siya ay nabusog na ko. Lalo akong sumigla sa trabaho ko at laging nakangiti.

Ang sipag mo bata, mukhang masaya ka sa trabaho mo ah. Ganyan ang gusto ko laging nakangiti!” puna ng supervisor namin. “Pag kailangan ang extra ay lagi kitang kukunin.” dagdag pa niya. Ngumiti lang ako bilang pasasalamat. Hindi ako nagsasalita. Akala nga nila ay pipi ako. Kaya hindi na rin nila ko gaano kinakausap.

Liam POV

Sandali lang nag-stay dito sa party ang mga kapatid ni Joelle. Ipinagbilin si Joelle ng Kuya niya sa akin na huwag daw hahayaan malasing. Pinapagod ko na nga lang siya sa pagsayaw pero ang bilis ng kamay sa pagkuha ng cup of wine sa mga napapadaan mga waiter.

Namumungay na ang mata niya. “Joelle, halika na ihatid na kita sa taas.”

I'm still enjoying the night. Don't be KJ!” At hinila pa ulit ako sa dance floor. Medyo rock ang tugtog dahil medyo gabi na. Kaya pampagising ang tugtog. Sa bawat indak ni Joelle sa saliw ng musika at maharot na kislap ng mga disco light ay nag-iinit ako ang buong katawan ko. Pinigilan ko ang sarili ko at hinila na palabas si Joelle.

Dumaan kami sa isang restaurant dito sa loob ng hotel at bumili ko ng kape para sa'min dalawa. Niyaya ko na lang si Joelle sa garden sa labas ng hotel at naupo kami sa isang bench na medyo malayo at kubli.

Joelle, I know you're still hurting inside. Why don't you just cry it out?” Tahimik siyang humihigop ng kape. Hindi siya tumitingin at nakatungo lang.

Angelo POV

Sumilip ulit ako sa grandballroom pagkatapos ng shift ko. Nakakasayahan pa lang ang mga tao. Hindi mahagilap ng mata ko si Joelle. Nagstay pa ko sa labas ng grandballroom sa di kalayuan. Nandiyan pa kaya si Joelle or baka umakyat na siya.

Maya-maya ay nakita kong lumabas siya kapit ng isang lalaki, si William. Nakaramdam ako ng selos. Pano ko pa kaya siya malalapitan? Lagi niya kasama si Willian Nobledo. Sila na nga kaya? Pumasok sila sa isang restaurant at lumabas din dala ang cup of coffee. Akala ko ay aakyat na sila pero dumaan sila sa gilid ng hotel papunta sa makubling lugar ng hardin. Sumunod ako. Stalker na naman ako parang sa Isla lang.

Parang napakalungkot ng mukha ni Joelle. Paskong-pasko ang lungkot niya. Binuksan na kaya niya ung regalo ko? Sana mapangiti siya. Lumapit pa ko para marinig ang usapan nila.

Joelle, I know you're still hurting inside. Why don't you just cry it out?” sabi ni William. Dahil pa rin kaya kay JX. Lalo naman lumungkot ang mukha ni Joelle.

Joelle, nasasaktan ako sa nakikita kang ganyan. May balita na ba kay JX?” tanong ulit ni William. So, tungkol pa rin talaga sa asawa niya. Umiling lang si Joelle.

Nilalakasan ko loob ko, ayokong ipakitang mahina ako, maraming umaasa sa akin. Si JX lang ang nagbibigay sa 'kin ng lakas, siya ang laging gumagabay sa akin, ang nagpapalakas sa'kin. Nahihirapan rin ako at nasasaktan. Nag-umpisa ng humikbi si Joelle.

Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko. Pero iyon na ang ginawa ni William. Yakap yakap niya si Joelle habang patuloy na umiiyak.

Bakit kasi ang lupit ng tadhana sa'kin? Bakit ako iniiwan ng mga taong mahal ko? Ano ba kasalanan ko? Si JX ang naging lakas ko nung nawala si Eric.” Eric, siya yung first bf ni Joelle? “Sa bawat paglipas ng araw at wala siya sa tabi ko, nanghihina ako. Para kong nauupos na kandila. Alam kong marami na ang isinuko siya. Marami kong naririnig na wala na ang asawa ko pero ayokong sumuko. Hindi ko siya kayang isuko.” Lalong lumakas ang iyak niya. Lalo rin humigpit ang yakap sa kanya ni William. How I wish na ako sana ang yumayakap at nagbibigay lakas sa kanya.

Hayaan mong ako ang maging lakas mo habang wala siya. Hayaan mo damayan kita sa pag-aalaga sa mga anak nyo. Hayaan mo kong mahalin ka habang wala siya?” Ang lahat ng gusto kong ioffer kay Joelle ay si William ang hayagan nagsasabi kay Joelle. Mahal nga niya si Joelle. At mahal ko rin siya. Pero sino ako kumpara kay William Nobledo? At isang pagkakamali ang umibig ako kay Joelle dahil may asawa na ko.

Binitawan niya sa pagyakap si Joelle at iniangat ang mukha at hinalikan sa labi. Medyo matagal na magkahinang ang kanilang labi. Parang nadurog ang puso ko sa selos. Hindi ako magtataka na bukas or sa makalawa ay hayagan na nilang aaminin ang kanilang relasyon at ititigil na niya ang paghanap sa asawa niya. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Dahil parang sinaksak ng matalim na punyal ang puso ko. Tumalikod ako sa lumakad palayo na may luha sa mga mata ko.

Liam POV

Hindi ko napigil na ipagtapat ang nararamdaman ko kay Joelle. Hindi naman siya nag-react kaya hinalikan ko siya sa labi niya. Naging mapusok ang halik ko sa kanya at ninanamnam ang tamis ng dila at labi niya pero ni hindi siya tumutugon. Ako na ang kusang bumitiw at tiningnan siya. Galit ang nakita ko sa mata niya.

Bago pa ko makahingi ng paumanahin ay dumapo na sa pisngi ko ang isang malakas na sampal. Tumayo siya at mabilis na tumakbo palayo.

Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit? Bakit hindi ko pinigil ang damdamin ko? Ngayon, sigurado akong iiwasan niya rin ako.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top