Chapter 26: Christmas Time
Joelle POV
Pagtapos ng binyag ng Triple J ay di pa rin nakalusot sa media ang mga cute na cute na mga pictures nila. Maraming mga Baby Products Company ang gusto silang kunin modelo ang mga babies ko like baby shampoo, baby lotion, baby clothes, diaper, etc.
May isang baby lotion na kaming mag-iina ang gustong kunin. Kung di lang ang Advertising Firm ni Reese ang gumagawa ng advertisement, hindi ko sana papayagan mag-model kaming mag-iina. Pero tulong ko na iyon sa Ninang nila. Kaya exclusive lang kaming mag-mo-model kung Advertising Firm ni Reese ang gagawa ng commercial. Kaya masayang masaya rin ang kaibigan ko.
Tuwang-tuwa naman sina Ate Gel, Mama at Mommy sa pagsama sa Triple J ko pag nag-shooting ng commercial. I always try to catch-up with them dahil kailangan din ako sa office.
Kaya ngayon Christmas Time nasa malalaking Billboard sa Edsa ang pictures ng Triple J signature baby clothes at madalas ilabas sa TV ang mga commercial namin.
Wala pa rin kaming balita kina Angelo at Princess. Ayoko naman ilabas sa media at baka lalo silang magtago. Hahayaan ko ng gamitin ni Kuya Alex ang koneksiyon niya. Hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa - masyadong busy lang ngayon dahil magpapasko at halos isang taon ng nawawala ang asawa ko.
Angelo POV
Akala ko dito sa Manila ay madali kong makikita si Joelle. Napakarami palang tao dito at hindi magkakakilala. Kahit ang katabing condo namin ay bihira kong makita at ni hindi ko kakilala.
Sana talaga ay kinausap ko na si Joelle nung binyag ng mga babies niya. Dahil mula noon hindi ko na sila ulit nakita. Sa TV ko na lang napapanood ang commercial nila ng Baby Lotion. Napakakinis talaga ni Joelle. At lalo akong nagiging masaya pag pinagmamasdan ko ang Triple J. Ewan hindi naman ako ganitong kasaya pag pinagmamasdan ko si Baby Angela.
Minsan ay naiwan ni Princess ang cellphone niya. Sinubukan kong tawagan ang numero na nakalagay sa poster ni JX. Lalaki ang sumagot at marami agad tanong kung magsasabi ko ng tutoong impormasyon tungkol kay JX kundi ay huwag sayangin ang oras niya. Hindi na tuloy ako nagsalita. Gusto ko sana itanong kung saan ko makikita si Joelle. Akala ko pa naman kay Joelle na number iyon.
Namasyal din kaming mag-anak nung day-off ni Princess. Dyan lang sa Market Market Mall at Serendra. Ewan ko parang pamilyar sa akin ang lugar gayon noon lamang daw ako nakapunta don sabi ni Princess. Lalo na yung dalawang building. . . yung isa ay yung SM Aura. At ang katabing building na mas mataas.
Sinubukan ko nga umakyat don sa SM Aura, ewan ko kung bakit pinindot ko ay 25th floor pero maya-maya ay may mga guard na lumapit agad sa akin at tinanong kung tenant ba daw ako don. Sinabi ko na hindi at pinalabas ako. Dahil kaya sa itsura ko. Kasi narinig kong sabi ng ibang tenant. Mukha daw akong hoodlum or hitman.
Medyo magaling na ang pilay ko paa kaya medyo na lang ang paika-ika ko. Gusto ko sanang humanap ng trabaho. Kaya pag-umaalis na si Princess, nagpapaalam ako kay Inay na maghahanap ako ng trabaho. Sa construction daw ako nagti-trabaho sa Dubai dati at dati daw akong driver nina Princess, kung mag-apply kaya akong driver ni Joelle? Kaso nga lang saan ko kaya siya hahanapin?
Madaming ginagawang mga building doon sa BGC daw. Isang sakay lang ng tricycle mula dito sa condo namin kaya madalas ay doon ako pumupunta para mag-apply sa construction. Minsan ay nabibigyan ako ng paisa-isang araw. Madalas ay naka long-sleeve na kamiso chino pa rin ako dahil sa init ng araw.
Napakataas ng isang building na halos katapat ng pinapasukan ko, 80-stories daw ito. Mababasa ang malaking pangalan na yari sa tanso. . . Montecillo Group of Companies, Head Office. Ewan may mga scene akong nakikita sa isip ko na pumapasok ako sa building na yon. I think, I'm getting crazy. Nung tanungin ko ang foreman ko kung kilala si Joelle Montecillo. Pinagtawanan ako, dahil sino ba daw ang hindi nakakakilala sa mga Montecillo. Si Joelle daw ang P/CEO ng MGC Head Office. Bigla tuloy akong na-excite at maaga kong pumapasok at baka makita ko si Joelle at pagkatapos ng trabaho ko ay nag-iintay din ako. Minsan lumapit ako sa building pero pinaalis agad ako ng mga guards.
Natiyempuhan ko rin si Joelle isang hapon. Tanaw ko mula sa malaking gate na bakal, naglalakad siya sa parking pero may kasama si William Nobledo. Yung katabi kong lalaki na nakatanaw din sa kanila pinagkukunan sila ng litrato at sinundan yung sasakyan nila gamit ang motorcycle at kinukunan pa rin ng litrato. Kaya kinagabihan nasa news ulit sila. Lagi daw inihahatid ni William si Joelle sa bahay nina Joelle.
Isa pang building na pinupuntahan ko ay yung mataas na condo sa tabi ng SM Aura. Ewan parang pamilyar ako sa condo na yon, lagi akong nakatingala sa penthouse. Minsan nalusutan ko ang security at nakarating ako sa penthouse. Lumabas ako sa elevator sa kumatok sa pinto ng unit na nandoon. Pero walang nagbukas. Maya-maya ay may mga security na naman kumuha sa akin. Ininterrogate pa ko kung ano ang ginagawa ko sa harap ng unit na iyon. Pero wala akong maisagot. Gusto pa sana nilang tumawag ng pulis pero nakiusap ako. Wala naman akong dala kahit anong armas. Pinakawalan din naman nila ko kaya mula noon hindi na ko makalapit sa building na yon. Patanaw tanaw lang ako.
Naging kaibigan ko na rin si Foreman Jhun De Guzman. Alam niya na lagi kong inaabangan si Joelle dahil naikuwento ko na nagkakilala kami sa Isla. Niyaya niya ko sa iba pang trabaho. Nag wa-waiter pa daw siya sa gabi. Puede daw akong pumasok na dishwasher at least doon hindi ko kailangan makipag-usap sa customer. Lalo daw ngayon magpapasko kailangan ang mga extrang tao dahil laging may party. Ipinakilala niya ko sa supervisor niya at dahil kailangan kailangan nga nila. Tinanggap ako na on-call dishwasher sa isang malaking hotel. On-call kung kailangan lang ng extrang tao. Ni hindi nga ako hinigan ng ID.
Sabi ni Jhun, pag-aari daw ng Montecilllo ang hotel na ito at madalas daw ay dito ginaganap ang mga party ng MGC. At madalas daw na nakikita niya dito sina Joelle at William. Sasabihan daw niya ko pag nakita niya ulit si Joelle. Na-excite tuloy ako. Pero sobrang yaman pala nila. Parang nakakahiyang makipagkaibigan ang isang katulad ko kay Joelle kahit na hindi siya suplada. Pero talagang excited ako. Sana nga ay matiyempuhan ko sila. Bumili kong regalo para sa mga anak ni Joelle. Tshirt na blue, green at pink at pinaburdahan ko ng mga pangalan nila. Yung buong first name nila. Nandoon sa isang diaryo na ginupit ko noon ang pangalan nila. Jonnel Andrix, Jomar Redrix at Jeanne Maerix! At isang panyong puti para kay Joelle na may burda rin. Mayron din para kay Angela at Princess. Sana maibigay ko kay Joelle yung para sa kanila. Ibinalot ko itong mabuti at inilagay sa bag na lagi kong dinadala sa pagpasok. Nilagyan ko ng maliit na note sa loob ng box.
Joelle & Triple J,
This gift didn't cost much but I hope it will make you smile. Merry Christmas!
Angelo Almario
Mas gusto ko yung maraming trabaho para makaiwas na rin sa pagbubunga ni Princess. Minsan pag nanonood ako ng news laging laman pa rin ng balita sina Joelle at William Nobledo. Laging nag-ko-comment ng kung anu-anong masamang salita si Princess kay Joelle, kesyo malandi daw si Joelle. Kunwari lang daw ang paghahanap ni Joelle don sa asawa niya. Kaladkarin babae daw si Joelle. Hindi na rin kasi nag-ku-kumento si Joelle about sa issue sa kanila ni William. Kaya nasasaktan ako. Pinag-aawayan lang namin ni Princess iyon.
Itong asawa ko nga ang lagi akong nilalandi. Madalas ay nagtutulog tulugan ako or nagdadahilan na pagod ako sa konstrukyon. Ewan, hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-feel na asawa ko talaga siya. Kung si Joelle pa siguro siya kahit pagod ako – ako pa ang lalandi sa kanya kahit gabi-gabi. Ha ha ha!
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top