Chapter 23 - Hide & Seek
Princess POV
May lahing witch talaga itong Joelle na ito. Napaimbistigahan agad si Angelo at ako naman ang pinagtatanong ngayon. Buti na lang at kaibigan ko ang napagtanungang at nasabi agad sa kin. Ha ha ha. Tingnan ko lang kung mahanap ninyo ko. Unless matandaan niya itsura ko. At wala pa rin silang mahahanap na record ni Baby Angela dahil hindi ko pa siya napapa-registered.
Hanapin rin nila ang pangalan ni Angelo na pumunta ng Dubai ay wala rin silang makikita dahil ibang pangalan sa passport ang gamit nito sa Dubai. Para silang naghahanap ng karayom sa buhangin.
Nandito ko sa bahay namin sa Paranaque. Madali ko rin nauto si Mama dahil nga halos magkataas si Angelo at JX at parehas maputi. Hindi ko pa rin binago ang ayos ni Angelo. At nasanay na rin siya dahil sa inferiority complex niya sa pagsasalita at paglakad. Ayaw na niyang ahitin ang balbas at bigote niya at medyo mahaba pa rin ang buhok na tumatakip sa mata niya at ang malapad sa salamin at baseball cap na ngayon sa halip na straw hat.
Buti at wala pa rin si Papa dito. May 3-BR Condo sa Cypress Taguig si Mama at doon kami titira nina Angelo. Kasama pa rin namin si Yaya Ising para mag-alaga kay Baby Angela. Mag-a-apply akong nurse dyan sa St. Luke's Hospital Taguig or sa Makati Medical or Hospital ng Makati sa Pembo. Kung saan matanggap. For sure, hindi makakapaghanap ng trabaho si Angelo dahil sa kapansanan niya.
Joelle POV
Princess Cruz! Ito ang pangalan ng asawa ni Angelo at wala rin record si Baby Angela. Ilang libong Princess Cruz meron dito sa Pilipinas. Buti na lang at may mga nakuhang litrato nina Angelo at Princess si Kuya Alex sa facebook account ni Kapitana. Ini-email ni Kuya Alex sa kin ang mga larawan. Guapo rin itong si Angelo, mukhang magkasing taas nga sila ni Mister M at maputi rin. Pero hindi singkit ang mata niya tulad ni Mister M. Itong si Princess Cruz, kayumanggi pero medyo maganda rin. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan. Sa dami ng mga taong nakakasaluha ko.
Wala na kaming makuhang ibang information sa Pangasinan. Gagamitin na raw ni Kuya Alex ang koneksiyon niya sa loob ng PNP, NBI at ibang government agency. Dati palang siyang Intelligence Officer pero nagresign para magtayo na lang ng sariling Security and Detective Agency.
==
December 6
Binyag na ng mga babies ko at hindi pa rin nahahanap si JX at kahit si Angelo. Ako ang nasunod ngayon na maging simple lang binyag ng mga anak ko. Sa isang maliit na kapilya dito sa may Ususan, Taguig ko sila pabibiyagan ng walang ibang kasabay. Kamag-anak, kaibigan, mga Ninong at Ninang lang ang nandito sa loob ng kapilya. Walang Media People dahil gusto ko ay solemn ang binyag nila. Pero hindi pa rin naman maiiwasan ang mga usi na nanonood sa labas at gilid ng kapilya di nga lang sila pinapayagan makapasok muna sa loob habang nandito kami.
Umuwi sina Kuya at Ate Gel, gayon din si Ben. Kasama sila sa mga Ninong at Ninang ng Triple J. Sina Reese, Marie, Joyce, Sarah at Sammy, Rhianne ay kabilang din sa mga Ninang. Sina Mike, Chris, David, Aries, Kuya Alex, Gab, Edwin ay kabilang sa mga Ninong. Pati sina Nico at Jerrence pero hindi sila nakapunta ngayon.
Lahat sila ay bumalik ng Pilipinas para sa binyag ng Triple J. Hindi pa rin perfect. . . almost perfect lang ang binyag dahil may kulang pa rin. . . ang kanilang ama na hindi pa rin namin nakikita.
Picture taking na walang katapusan. Hawak ko si Baby Jem, Hawak nina Kuya Daniel at Ate Gel sina JA at JR. Tingin sa camera. Click! Napatingin ako sa mga tao na nasa labas ng kapilya at nakikiusi. . . nanlaki ang mata ko. . . at mahina kong nasambit. . . “Angelo!” . . . tumingin ako kay Kuya Alex na nasa bandang harapan ko lang dahil sila naman ang susunod na magpapapicture sa triplets.
Sandaling nag-usap ang mata namin ni Kuya Alex kaya mabilis siyang lumabas ng kapilya para hanapin si Angelo.
“Sino ang tinawag mong Angelo.” tanong ni Kuya Daniel na may pagdududa. Napatingin ako sa kanila ni Ate Gel. Parang may galit ang mata ni Ate Gel kahit nakangiti ang labi.
“Si Angelo, yung mangingisda sa Isla. Siya yung nagdadala ng bayabas at buko sa akin nung naglilihi ko, natatandaan mo ba Kuya? Naging kaibigan ko na siya sa Isla at parang nakita ko siya sa labas.” paliwanag ko. Nagliwanag naman ang mukha ni Ate Gel at nawala ang napuna kong galit sa mata niya. Pero kay Kuya, alam kong hindi sapat ang paliwanang ko. Nagtatanong pa rin ang mga mata niya pero hindi na kumibo.
Hindi ko pa maaring aminin sa kanila kung sino si Angelo dahil hindi pa kami sigurado ni Kuya Alex. Bumalik si Kuya Alex at sumenyas na wala at hindi niya nahanap. Nalungkot na naman ako. Nakatingin sa kin si Kuya na nakapoker face at lipat tingin sa min ni Kuya Alex. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kanya.
Balik picture taking, may picture kami na kalong ni Liam sa magkabilang bisig niya ang dalawang barako ko at kalong ko ang little princess ko. A picture of happy family again. . . pero hindi si JX kundi si Liam ang kasama namin.
Natapos din ang oras namin at may susunod pa raw na mga binyag. Dumarecho kami sa Palace namin dahil doon gaganapin ang reception.
==
Angelo POV
Araw ng binyag ni Baby Angela dito sa isang kapilya sa Ususan, Taguig. Malapit lang sa condo na tinitirhan namin. Medyo maaga kaming dumating kaysa sa nakatakdang oras sa amin. Nasa loob pa raw ng kapilya ang unang set ng mga bininyagan. Nagtataka ko kung bakit ang daming tao sa labas at nanonood at bakit ayaw papasukin sa loob ng kapilya.
But my curiosity ends ng marinig ko ang dahilan.
“Ang cu-cute ng mga anak nina Joelle at JX.”
“Buti dito sila nagpabinyag sa kapilya natin.
“Ang ganda ganda pa rin ni Joelle, parang dalaga pa rin!”
“Sayang, hindi pa rin nakikita si JX!”
“Buhay pa kaya si JX?”
“Ako, tulad ni Joelle, hindi nawawalan ng pag-asa na buhay pa si JX para magkabalikan na sila!”
So, sina Joelle pala ang nasa loob. Naki siksik ako sa mga tao para makiusi rin. Nakita ko na kalong nga ni Joelle si baby Jem at kalong ng Kuya niya ang isang batang lalaki. Alam kong kuya ni Joelle ang lalaki dahil iyon yung kasama niya sa Isla at isang babae na kalong ang isa pang batang lalaki.
Tingin ko ay nakita rin ako ni Joelle, kakaway sana ako pero bigla akong hinila ni Princess at niyaya sa loob ng tinted na kotseng niya at hinalikan ng mapusok sa labi. Napakalandi talaga nitong asawa ko. Gusto pa atang mag-love-making kami dito sa loob ng sasakyan. As you wish Princess! Kung si Joelle ka pa, you don't need to beg me! Pilyo ngiti sa naisip ko.
“Gu-gu-gusto kong ka-ka-kamustahin sina Jo-Joelle?” sabi ko kay Princess.
“Joelle and I are playing hide and seek! Hindi pa niya ko dapat makita!” sabi ni Princess na may pilyang ngiti sa labi. Parang ngiti ng isang demonyita. Ano kaya talaga ang nagustuhan ko sa babaeng ito? Nag-ha-hide ang seek daw sila ni Joelle at dito pa sa kapilya at araw ng binyag ng mga babies namin. Hindi ba matanda na sila para maglaro ng hide & seek? Magkaibigan ba sila?
Magtatanong pa sana ko pero hinalikan niya ulit ako sa labi. Nakakarami na siya ng tyansing sa akin, ah! Bumaba lang kami sa sasakyan ng umalis na ang grupo ng unang bininyagan. Nawala na rin ang mga tao. Di naman kasing sikat ng Triple J si Angela para panoorin ang binyag niya.
Sayang hindi ko man lang nakausap si Joelle.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top