Chapter 22 - I hope it's Him!
Joelle POV
Nakahiga ako sa tabing kama ng kay Baby Jem. Hindi ko maiwas alalalanin si Angelo. Bakit ba kaboses siya ni JX? Kaya tinawagan ko si Kuya Alex nung umalis si Liam at lumabas din si Maeanne dahil inutusan kong bumili ng tubig.
Flashback
“Hello Joelle! Bakit may problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Kuya Alex.
“Kuya, may iuutos ako sa'yo. Yung lalaking kausap ko kanina. Kilala mo ba?”
“Hmmm.. . Angelo ata ang pangalan non. Yung mangingisda?”
“Oo, siya nga. Naka-usap mo ba siya?”
“Hindi. Ipinakilala lang ni Aling Tale kanina. Bakit ganyan ang mga tanong mo Joelle? Sinaktan ka ba niya kanina?” nag-alala na naman siya at medyo matigas ang pagkasabi niya. Mukhang galit.
“Hindi. Naka-usap ko siya sandali. Kaboses siya ni JX.”
“Ano? Sigurado ka ba dyan? Pano nangyari yon hindi naman sila magkamukha? Ang layo ng itsura nila.”
“I know, kaya nga gusto ko puntahan mo siya. Kausapin, pakinggan mong mabuti ang boses niya. Utal-utal siya pero magkaboses talaga sila. At saka nakipagkamay ako sa kanya. Ang lakas ng epekto niya sa akin at kinabahan ako. Si Mister M lang ang ganon kalakas ang epekto sa kin.”
“Sige bukas na bukas pupuntahan ko ulit. Sigurado ka talaga, Joelle?”
Pumasok si Meanne dala yung tubig na pinabili ko at kasunod si Liam.
“Oo, kuya Alex, sigurado ko. Please kung puede mo siyang mainvite. I want to talk to him.”
“Sige, isasama ko siya para maka-usap mo.
“Thanks, Kuya! Ok, bye!”
End of flashback
I hope it's him! Sana siya talaga ang asawa ko. Maaring nagka-amnesia nga siya at hindi niya ko nakikilala at kaya nautal ay dahil din sa trauma niya. Gayon din ang pagka-ika ika niya.
Ang sabi ni Kapitana, yung babaeng lumapit sa kanya noon ay asawa at anak niya yung sanggol. Gaano kaya kakilala ni Kapitana si Angelo at yung babae? Makapal ang balbas at bigote ni Angelo, hindi kaya para ikubli ang tunay na anyo nito? Sino ang babae na asawa daw ni Angelo? Natatandaan ko tiningnan pa niya ko ng masama nung makatingin ako kay Angelo. Sana Angelo ikaw nga si JX! Ikaw sana ang asawa ko!
==
Maayos na ang lagay ni Baby Jem at puede na raw iuwi sa bahay. Binayaran ko na yung bill sa cashier ng hospital at bumalik sa silid ni Baby Jem. Nadatnan ko ulit si Liam na nadon na ang aga pa lang. 7:30 AM pa lang.
“Lalabas na ba ngayon ng hospital si Baby Jem?” tanong niya na nakangiti at halatang masaya.
“Oo, ayos na daw si Baby!”
“Ihatid ko na kayo.” sabi niya.
“Nandyan na si Tatay Ato, siya ang sumundo sa amin.”
“Ah, ganon ba? Puede ba kong sumama muna sa bahay nyo? Gusto ko rin makipaglaro kina JA at JR. May dala na kong extra damit sa kotse kung sakaling malungaran ulit nila ko.”
Natawa naman ako don. “Sige, kung wala ka bang ibang lakad, eh!”
Siya pa ang nagbuhat kay Baby Jem. Kung may paparazzi na naman mababalita na naman kami. Parang si Liam ang tatay at ako ang nanay at kalong ng tatay si baby at kasunod namin ang yaya na bitbit ang bag ng damit. Hamo na nga, mukhang masaya naman si Liam sa ginagawa niya. Hindi nawawala ang ngiti. Magiliw din siguro siya sa bata tulad ni Mister M nuong wala pa kaming baby. Lagi siyang nakikipaglaro sa mga anak ng mga kaibigan ko.
==
Nandito kami sa garden kasama ang Triple J. Nakalagay sila sa bassinet nila at nagpapaaraw. Maaga pa naman kaya maigi daw ito sa mga baby. Nakikipaglaro si Liam sa dalawang boys. Kawag ng kawag yung dalawa at ngiti ng ngiti. Ibinaba ko rin sila sa bermuda grass na nilatagan ko ng blanket dahil nagpipilit na rin dumapa ang dalawang barako ko. Si Baby Jem, tamad - hindi makaya ang katawan. Ha ha ha.
Maya-maya, tumunog ang cellphone ko. Nakita ko si Kuya Alex ang tumatawag. Nag-excuse ako kay Liam at sinagot ko ang tawag sa may di kalayuan. Nakabantay din naman ang mga yaya ng bata.
“Kuya Alex, anong balita?”
“Joelle, hindi ko na sila inabutan. Sabi ng mga ibang kabaryo nila. Nakita daw nila kahapon na may dalang mga maletang malalaki. Wala naman makapagsabi kung saan sila pupunta. Pinuntahan ko rin yung kubo nila sa gitna ng gubat. May mga gamit don pero wala ng mga damit. Kung magbabakasyon lang sana siya, hindi naman dadalhin ang lahat ng damit di ba? Nakausap ko rin yung laging kasama raw mangisda ni Angelo. Hindi rin daw nagpaalam sa kanya.”
“Alam ba nila ang tunay na pangalan ni Angelo? May asawa siya, diba? Ano pangalan non? May baby din sila? Baka naka-registered na. Para malaman mo kung ano pangalan?”
“You're amazing, Joelle. You're thinking like a detective. Sige, aalamin ko yan. Mag-iinterview muna ko dito at tatawagan ulit kita.”
“Okay, Kuya. Thank you!”
Nalungkot naman ako sa balita niya. Bumalik ako kung nasaan ang mga anak ko pero nalulungkot pa rin ako. Bakit bigla silang aalis na lang? May tinatago ba sila? Saan kaya sila nagpunta?
“Joelle, okay ka lang ba?” nag-snap pa sa harap ng mukha ko si Liam kaya napatingin ako sa kanya.
“What's wrong, Joelle, ano ang iniisip mo? It's too deep that I cannot reach it!” seryoso niyang sabi.
Ngumiti ako ng pilit. Ayoko munang sabihin kahit kanino ang hinala ko hangga't hindi pa ko nakatitiyak. I don't want to give them any false hope.
“Ah, wala naman.” pilit kong pinasigla ang boses ko.
“I don't believe you, Joelle, tungkol ba kay JX? Si Alex ba yung kausap mo?” pangungulit ni Liam.
“Oo, pero wala pa rin development.” malungkot kong sabi. Ayoko pa rin banggitin ang tungkol kay Angelo.
==
Dito na nag-lunch si Liam at umuwi na rin pagkatapos. Natutulog naman yung tatlong anghel ko. Nasa library ko at iniisip pa rin ang tungkol kay Angelo. Umaasa akong may makuha kong impormasyon tungkol kay Angelo. Iba talaga ang kutob ko.
Dali dali kong sinagot ang cellphone ko ng makita kong si Kuya Alex ang tumatawag.
“Anong balita kuya?”
“Angelo Almario daw ang pangalan nung lalaki. Matangkad at maputi daw dahil Americano ang ama, tubong Zambales. Pero matagal ng naninirahan dito mga limang taon na at ulila na sa ina. Yung babae, Princess ang pangalan. Asawa daw ni Angelo. At Angela ang pangalan ng bata.”
“Wala na bang ibang impormasyon?”
“Ito ang interesting. Two years ago, nung mag-promote kayo ng album ni JX dito. Ito daw si Angelo ay crush na crush ka. Kaya lumuwas daw ito ng Maynila at ang biro ay aagawin ka sa asawa mo pero bumalik din after a year at kasama na yung asawa niya at buntis. Nag-punta daw ito ng Dubai pero bumalik mga 10 months ago at pautal-utal na raw at paika-ika dahil naaksidente daw sa Dubai. At isa pang interesting. May amnesia si Angelo dahil sa aksidente pa rin sa Dubai.”
“May amnesia? 10 months ago? Hindi ba halos kaparehas ang timeframe ng aksidente ni Angelo at JX? Almost a year na rin nawawala si JX pero possible rin na wala siyang malay ng ilang linggo diba? Si Princess, ano apelyido niya?”
“Hmmm... walang nakakalam dito. Pero sabi nurse daw at nag-wo-work sa hospital sa Pangasinan. Pupuntahan ko yung hospital at hahanapin ko rin kung may record ang baby nila. Sige tawag na lang ulit ako.”
Lalo tuloy akong nag-isip at lalong lumakas ang kutob ko na si Angelo at JX ay iisa. Sana nga lang mahanap na kita.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top