Chapter 21 - Concern Daddy ang Peg niya!

Joelle POV

Tinawagan ako nina Mama na maayos naman daw si JA at JR, pinabalik lang niya dito si Maeanne para dalhan ako ng damit na pamalit pati na rin si Baby Jem.

Tok tok tok

 Si Maeanne ang nagbukas. Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Jem.

Joelle, how's baby Jem?” seryoso at nag-aalalang tanong ni Liam. Lumapit siya agad sa tabi ng kama ni baby at tiningnan ang natutulog na munting anghel. May dala siyang mga lobo at teddy bear na kulay puti at bulaklak. Itinali niya yung mga lobo sa tabi ng kama ni Baby Jem at inilagay yung teddy bear sa tabi ni Baby.

She's gonna be fine sabi ng doctor.” sabi ko sa malungkot pa rin tinig. Iniabot niya sa akin yung bouquet of white orchids. White orchids? Bat ito ang bigay niya sa akin.

Para saan to? Hindi naman ako ang may sakit.” medyo nag-pout pa ko.

I hope it will make you smile. Alam kong nag-aaalala ka sa baby mo!” Tiningnan ko siya at seryoso naman ang pagkasabi niya. Medyo worried din ang itsura. I hope it will make you smile! Iyon din ang sinasabi ni JX nung nanliligaw pa lang sa akin.

Thank you for being so thoughtful!” Inayos ko ang mga bulaklak sa base na nandoon sa room sa tabi ng kama ni Baby.

Weekend ngayon, wala ka bang date?” tanong ko kay Liam na nakatayo sa tabi ko pinapanood ang pag-aayos ko ng bulaklak.

Kayo ni Baby Jem ang ka-date ko ngayon.” nakangiting sabi niya. Lumitaw yung pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin.

Ganon? Kaya tayo na-tsi-tsimis dahil dyan sa pinagsasasabi mo, eh. Baka mamaya nasa news na naman ang pagdalaw mo.” Alam ko naman nagbibiro lang siya at talagang mabuting kaibigan lang siya.

Kung nagtataka kayo kung asan ang Circle of Ten, right now, they are out-of-the country. Sina Bes at Mike, sa Singapore naka-base for almost one year na. Sina Sarah at Chris nasa Japan dahil may mga project doon si Chris. Sina Sammy at David nagbabakasyon sa US sa family ni David. At si Reese nasa Hongkong for one week seminar. Si Edwin nasa US pa rin. Tumatawag pa rin sila sa kin at nakikibalita tungkol kay JX. Pinalalakas din nila ang loob ko na huwag akong susuko.

Kaya sina Kuya Alex, Marie at Liam ang pinakamalapit kong kaibigan ngayon.

Affected ka pa rin sa sinasabi sa balita?” naka-poker face siya at parang hindi ako sanay.

Ikaw lang ang inaalala ko. Kabinata mong tao. Nadadamay ka sa tsimis dahil sa'kin. Baka kaya wala kang girlfriend, akala nila tutoo yung tsimis.”

Pano ko magkaka-girlfriend, wala naman akong nililigawan.” casual na pakasabi niya.

Tumingin ako sa kanya at seryoso siya. “Bakit naman friend? Beki ka ba tulad ni Uly?” Si Uly yung isang classmate namin at barkada sa Harvard.

Napakunot ang noo niya. “Beki?” Ay! Hindi niya alam?

Beki means Bading, Gay, you know, baka kapwa mo lalaki ang gusto mo at ayaw mo sa babae.”

What!” medyo napalakas ang sigaw niya. Kaya medyo umiyak si Baby. “Ooopppss, sorry!” tinapik tapik niya si Baby sa legs at agad din naman nakatulog.

Joelle, kilala mo naman ako. Hindi ako Beki! Nakakapagtaka ba kung wala akong nililigawan ngayon?” seryoso na naman siya.

Oo, sayang naman ang kaguapuhan mo – malamang maraming babae ang gusto magpapansin sa'yo!” nakangiting sabi ko.

 “Isa ka ba sa kanila?” Aba at pine-peg ang pagiging poker face. Hindi ako sanay dahil alam niyo naman laging makulit yan.

Hoy, Mr. Nobledo, syempre exempted ako. Alam mo naman isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Ang asawa ko lang!” Lalo naman siyang naging poker face. “Teka may problema ka ba? Bakit ang seryoso mo ngayon? Akala ko ba gusto mo kong pangitiin? Eh, parang lalo akong nalulungkot sa itsura mo, eh!” nag-pout ulit ako.

Tinakpan niya yung mukha kong isang kamay niya. “Huwag ka ng pout ng pout dyan. Ang cute mo eh!” ngayon nakangiti na siya.

So, my pouting makes you smile then. Dapat pala lagi akong mag-pout.” nag-pout ulit ako at tumawa siya. “I'm glad your back, Joelle!”

Gutom ka na? Kain muna tayo almost 7PM na!” yaya niya sa'kin.

Hmm... I can't go. . . ayokong iwan si Baby Jem.” sabi ko. “Gusto mo kayo na lang ni Maeanne. Then, dalhan mo na lang ako dito.”

Nag-blush naman si Maeanne sa sinabi ko at tumungo na nakangiti. “Ikaw talaga, Joelle, pati si Maeanne, binibiro mo. Sige, bibili muna ko ng food. Babalik agad ako. Ano gusto mo?”

Hmm, parang gusto ko ng chicken joy at spaghetti.” sabi ko.

Okay then.”

Liam POV

Okay lang naman sa akin kahit lagi akong ma-tsimis basta ang ka-link ko naman ay si Joelle. Nung last na na-tsimis kami nung buntis pa siya at kumain kami sa Market market. Nasa news kami kinagabihan, feeling caring husband daw ako sa pregnant na wife. Tuwang tuwa ako pero si Joelle sorry ng sorry sa kin. At nung ipinag drive ko siya at nalungaran ako ni JA. A perfect replacement daw ako for JX. Nag sorry na naman si Joelle sa kin pero ako masaya. Ewan ko bat hindi napapansin ni Joelle na talagang mahal ko siya at puede niya talaga kong ipalit sa asawa niya. Pero ayoko rin naman magtapat sa kanya.

Nag-aalala rin ako kay Baby Jem, alam ko sobrang worried din si Joelle. Idinadaan lang niya sa mga biro sa akin. But I'm happy that I can make her smile. Alam kong white orchids ang gusto niyang bulaklak, iyon ang bigay ni JX sa kanya nung anniversary nila nung nasa Harvard pa kami.

Natawa ko pinagkamalan niya kong bakla. Pero guapo daw ako, ha. Kaya lang para sa kanya nag-iisa pa rin si JX. Naiinggit talaga ko kay JX, almost a year na ng mawala siya – hindi pa rin siya sinusukuan ni Joelle.

Ang cute talaga ni Joelle, mag-pout – parang gusto ko siyang halikan buti napigil ko sarili ko. Kaya tinanong ko na lang kung gutom siya. Buti naman may Jollibee na malapit dito sa ospital. Umorder ako ng madami. Alam ko naman malakas kumain si Joelle. Lalo na pag-nag-iisip yan at nag-re-review. Ewan lang bakit hindi tumataba. Ngayon nga kapapanganak lang balik ulit sa dati ang katawan.

Balik ako sa hospital dala ang mga food. May kausap sa phone sa Joelle. Inilapag ko yung food sa center table na nandito sa private room. Medyo maluwag tong room ni Baby Jem. Dalawa ang kama. Para sa magbabantay yung isa. May couch din at center table. May TV rin.

Oo, kuya Alex, sigurado ko. Please kung puede mo siyang mainvite. I want to talk to him.”

Thanks, Kuya! Ok, bye!”

Yung PSG mo ba ang kausap mo?” casual kong tanong. Parang seryosong seryoso ang itsura ni Joelle ngayon di tulad nung iwan ko kani-kanila lang.

 “Oo.” matipid niyang sabi.

May development na ba sa paghahanap kay JX?” pina-casual ko ang boses ko kahit na kinakabihan ako na baka nakita na si JX. Dahil meron siyang gustong kausapin.

Wala pa. Tulad pa rin ng dati mga false caller lang. Gusto lang makuha yung reward.” lumungkot na naman ang mukha niya.

 “Lika kain na tayo. Idaan mo na lang sa kain yan.”

Tumingin siya sa nakahain na pagkain. “Bakit ang dami naman nito? Kaya ba natin ubusin to?” gulat niyang sabi.

Alam kong sa'yo pa lang kulang pa yan. Kunwari ka pa. Si Liam lang to. Kilala naman kita kung gano ka kalakas lumamon.” Tumawa pa ko.

Nagpunta siya sa washroom para maghugas ng kamay sumunod din ako.

Maeanne, halika sumalo ka na dito.” nagulat naman yung babae. “Bakit hindi ka ba nagugutom?”

Eh, Ma'am, amo ko po kayo, bakit nyo po ako isasabay sa pagkain?” nahihiyang sabi ni Maeanne.

Ipinagbawal ba ng Diyos na magsabay sa pagkain ang amo at yaya? Kelan pa? Hindi ko ata nabasa sa Bibliya yon!” papilosopong sabi ni Joelle. Joelle na Joelle na talaga.

Eh, Ma'am. . .” parang nag-aatubiling sabi ni Maeanne.

Maeanne, maaring Mrs. Coldhearted ang tawag sa akin sa TV pero dahil marami lang akong problema. Importante ka sa'kin. Ipinagkakatiwala ko sa'yo ang isa na pinakamahalagang tao sa akin. Si Baby Jem. Huwag mong mamaliitin ang trabaho mo. Naintindihan mo ba?”

Tumango naman yung babae at humihikbi.

Bakit ka umiiyak?” worried na tanong ni Joelle.

Kasi Ma'am, ikaw lang ang nagpahalaga sa akin ng ganyan at hindi nyo nilait ang trabaho ko.” sabi ni Maeanne sa kabila ng paghikbi.

Pag may lumait sa trabaho mo, isumbong mo sakin. Makakatikim sila sa kin. Sige na, maghugas ka ng kamay at kumain na rin. Baka maubusan kita!” kinindatan pa ni Joelle si Maeanne.

Tumayo at pumunta sa washroom. Nakangiti na ng lumabas at kumuha ng pagkain.

Lalo tuloy akong humahanga kay Joelle. It's something na hindi ko alam. May puso siya sa mga taong kahit hindi niya ka-level. At pinahahalagahan niya anuman ang hanapbuhay nila. She really is someone amazing kaya siguro mahal na mahal din siya ni JX Montecilllo.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top