Chapter 19 - First Meeting. . .Again!

 Angelo POV

Lumakad siya papasok sa kalagitnaan ng gubat. Palihim akong sumunod. Tumigil siya sa lugar kung saan may isang maliit na falls. Parang paborito niya ang lugar na ito. Dito ko sila huling nakita ni Alex dati.

Umupo siya sa isang medyo malaking bato at nakatingin sa falls. Nagsasalita siyang mag-isa!

Mister M, kailan kaya ulit tayo makakapaligo ng sabay dito sa batis na ito. Hindi ko malilimutan kung paano mo ko turuan gumawa ng baby sa falls na yon.” natawa siya at medyo nag-blush sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nag-love-making sila sa falls na ito? Biglang nag-init ang katawan ko.

Nasa bandang likuran lang niya ako dahil lalapitan ko na siya para makipagkilala. Tumayo siya pero nadulas siya. “Aaahhhh!” Sigaw niya. Bago siya tuluyan bumagsak ay mabilis ko siyang nasalo sa likod niya. Gumapang sa akin ang init ng katawan niya na para kong na-kuryente. At lumakas ang tibok ng puso ko.

Tumingala siya sa akin at bigla siyang tayo. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito. Stalker ba kita, rapist, serial killer! Huwag mo kong sasaktan, please, hindi ko pa nahahanap ang asawa ko!” tarantang sabi niya. Napangaginipan ko na ang halos katulad nitong tagpo.

Please huwag mo rin akong ra-rape-in. Hindi ka masasarapan sa'kin. Huwag mo rin akong papatayin. May tatlo kong anak na nag-iintay sakin. Three months pa lang sila. Ayokong maulila sila sa ina. At hindi pa rin namin nahahanap ang kanilang tatay. Kaya please nakiki-usap ko.” Magkatiklop pa yung mga palad niya at nakatapat sa dibdib niya. Gusto ko sanang matawa sa kadaldalan niya. Hindi daw ako masasarapan pag ni-rape ko siya. Eh, mukhang ang sarap sarap niyang tikman. Ang kinis kinis ng legs dahil naka-short siya at hapit na polo shirt ang suot niya na kitang kita ng magandang hubog ng katawan niya.

Hindi ako nagsalita dahil baka lalo siyang matakot sa akin sa pagka-utal-utal ko. Umiling lang ako at iniabot sa kanya ang orchids. Napatingin siya sa iniabot ko at tumingin sa akin. “Para sa akin iyan white orchids?” mahinahon na niyang tanong na hindi pa rin nawawala ang titig niya sakin. Na-concious naman ako at tumungo at tumango ng tumango.

Inabot naman niya ang bulaklak. “Salamat. Sino ka? Ano pangalan mo?” tanong niya ulit. “Ako si Joelle.” at inilahad niya ang kamay niya.

Jelle POV

Buti na lang at may nakasalo sa kin bago ko bumagsak pero nagulat ako sa itsura niya. Akala ko si Kuya Alex lang. Pero pagtingin ko isang lalaki na ngayon ko lang nakita, makapal ang balbas at bigote, naka-straw hat at malapad na salamin sa mata. Natanta ko at natakot. Ayokong pa talagang mamatay.

Kung titingnan mo siya ay mukha siyang serial killer or hoodlum or rapist. Parang takas lang sa bilibid. Nagmakaawa na ko. Hindi ako pumipikit para kung lumapit siya ay makagawa akong paraan. Ayoko naman sumigaw at tawagin si Kuya Alex at baka mataranta siya at bigla na lang sapakin at makatulog ako. Lalo lang niya ko mapagsasamantalahan or worst hindi na ko sikatan ng araw at baka ipaanod na lang ako sa dagat.

Umiling siya at iniabot sa akin ang orchids. White orchids! Lalo akong mapatitig sa kanya. Halos kasing taas siya ni JX. Hindi ko lang gano maaninag ang mata dahil sa malapad niyang salamin at sumbrero. Tumungo pa. At ang labi ay medyo natatakpan din ng bigote. Hindi ba marunong mag-ahit ang lalaking ito.

Pipi kaya siya? Kailangan kausapin ko siya at malaman ang pangalan niya. Para kung rape-in man niya ko at buhayin. Mahahanap ko siya. Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Dahil ba sa takot ito?

Salamat. Sino ka? Ano pangalan mo?” tanong ko ulit. “Ako si Joelle.” At inilahad ko ang palad ko. Parang nag-aatubili siyang tanggapin dahil urong sulong ang kamay niya. Sa tutoo lang ay medyo natatakot ako. At baka nanginginig pa ang kamay ko pero nilakasan ko lang ang loob ko.

Tinanggap din niya pero agad din kaming nagbitiw. “Static!” sabi ko. “S-s-static nga!” sabi niya. Naramdaman ko ang mainit na gapang ng kuryente nang magdikit ang palad namin at ang malakas na tibok ng puso ko lalong lumakas. Utal siya? Naalala ko ang lalaking napagkamalan kong si JX sa isang isla. Tiningnan ko siya uli. “Ikaw ba si Angelo?” tanong ko. Kahit nanganak na ko ay matalas pa rin ang memorya ko.

Pa-pa-paano mo ko na-nakilala?” nakatungo tanong niya. Ang boses niya parang ka-boses niya si JX. Utal nga lang itong kausap ko pero nakita ko na may kasama siyang asawa at anak noon. Imposibleng maging si JX ito. Paranoid lang siguro ko dahil sobrang miss ko na si JX.

Naalala ko rin na Angelo ang pangalan ng mangingisda na nagdedeliver kay Manang Tale at may kapansanan daw kaya nahihiyang makipagkilala sa akin. “Ikaw ba yung mangingisda?” gusto ko lang i-confirm. Tumango naman siya.

I'm sorry kung napagkamalan kitang stalker, rapist, or serial killer. Nagulat lang ako. Sa wakas ay nakilala rin kita ng personal. Gusto kong magpasalamat sa iyo sa ibinibigay mong bayabas at buko nung naglilihi ako. Puede ba tayong maging magkaibigan?” Nakatungo kasi siya at gusto kong makita ang mata niya. Alam kong makikilala ko ang mata ng asawa ko.

Nag-angat naman siya ng mukha pero dahil sa salamin niya. Nasinagan naman ito ng araw kaya hindi ko rin makita ang mata niya.

Si-si-sigurado ka gu-gusto mo kong ma-ma-maging ka-kaibigan?” Tumungo na naman siya. Kaboses siya talaga ni JX.

Oo naman, hindi ka naman mukhang masamang tao. Hindi rin naman ako suplada or matapobreng tao. At malaki ang naitulong mo sa paglilihi ko. Puede tayong maging magkaibigan. ” Inilahad ko ulit ang kamay ko.

Tinanggap naman niya. Ganon pa rin ang naramdaman ko – may kuryenteng gumapang sa ulit sa katawan ko at lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Mahina kong nasambit. . . “JX!

Hi-hi-hindi a-ako si J-JX, hi-hi-hindi ako ang a-a-asawa mo!” sabi niya na nakatingin na sa akin. Tumingin ako sa mata niya pero saglit lang dahil. . .

Joelle, Joelle, Joelle! Nasaan ka?” malakas na sigaw ni Kuya Alex.

Nandito ko sa falls!” sigaw ko. Nakita ko naman na mabilis siyang nakalapit sa akin na dala ang bag ko at parang humahangos siya.

Tumingin siya saglit kay Angelo. “Nagkakilala na pala kayo!” at humarap sa akin. “Joelle, kailangan na natin bumalik ng Manila ngayon na! Isinugod sa ospital si Baby Jem! Nag-iintay na ang helicopter!” Para kong binusan ng malamig na tubig. Inalalayan ako ni Kuya Alex at patakbong tinahak ang landas papunta sa nag-iintay na helicopter. Saglit akong lumingon kay Angelo na parang nabigla rin.

==

Ano daw ang nagyari kay Baby Jem?” nag-aalalang tanong ko.

Hindi ko rin alam. Tinatawagan ka sa cellphone mo pero naiwan mo sa bag mo. Kaya ako ang tinawagan nila.”

Naluha na ko sa pag-aalala. Sana okay lang ang anak ko. Sana walang masamang nangyari sa kanya!

Dumarecho kami kung saan isinugod ang baby ko. Nakita ko sa isang private room ang baby ko na may nakalagay na dextrose sa maliit niyang braso. Parang magdudurog ang puso. Ganito para ang pakiramdam ng isang ina.

Nandon si Mama at si Maeanne na yaya ni Baby Jem.

Mama, ano pong nangyari kay baby Jem?” kumapit ako sa tabi ng kami ng anak ko at pinamasdan ang natutulog niyang mukha. Mukha siyang isang cherubin.

 “Nag-convulsion siya kanina sa taas ng lagnat niya. Maayos na siya ngayon. Sabi ng doctor, mabuti at naagapan kundi ay baka na-tipos na siya.” Lalo akong napa-iyak sa narinig ko. Nagi ba kong pabayang ina? Sa kagustuhan kong mahanap ang ama nila ay muntik ng manganib ang muntik prinsesa ko na wala ako sa tabi niya.

Ipapaubaya ko na lamang kay Kuya Alex ang paghahanap kay JX. Alam ko naman ginagawa niya ang lahat para makita sa JX. Bigla kong naalala si Angelo. Kahit pautal-utal siya. Kaboses siya talaga ni JX. Hindi ko nga lamang nakita ang kanyang mga mata.

Nagising na sa little Princess at umiiyak... sa wari ko kay nagugutom siya kaya pinadede ko na siya sa aking dibdib. Iingatan kita anak ko, sambit ko habang yakap ko siya at nagpapakabusog. Nakatulog ulit siya pagkaraan ng ilan minuto.

Ako na ang nagbantay dito sa ospital. Pinauwi ko muna sina Mama at Maeanne, nagbilin lang ako na bantayan mabuti sina JA at JR dahil baka may lagnat din ang dalawa.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top