Chapter 17: Working Mother
Joelle POV
Balik opisina na naman ako. Ako na ang nag-di-drive ulit na mag-isa, isa sa kotse ni Mister M ang gamit ko na medyo tinted. Hindi ko na inistorbo si Kuya Alex dahil busy siya sa paghahanap kay JX. Marami pa rin kasing tumatawag para makuha yung reward. Pati ang mga nakuhang bangkay na sinasabi nilang si JX daw iyon. Hindi ako naniniwala hangga't hindi ko nakukuha ang DNA result.
“Good Morning, Mrs. Montecilllo!” bati ng mga empleyado na nandito sa lobby. Medyo tinanghali ako dahil sa sobrang traffic dahil may banggaan.
Derecho ko sa lobby para mag-intay ng elevator. Hindi na ko nakabati dahil hindi good ang morning ko. Mainit ang ulo sa traffic.
“Cold pa rin si Ma'am until now!”
“Oo nga! Akala ko ngingiti na ulit siya dahil may mga cute na siyang Triple J.”
“Sana dalhin niya dito sa office yung mga babies, super cute eh.”
Napangiti ako ng pumasok ako sa elevator. As usual, walang gustong sumabay sa akin. Tuloy-tuloy ako sa top floor.
“Good Morning, Mrs. Montecilllo. Nasa loob ng office si Mr. Nobledo, akala kasi namin ay hindi kayo papasok ngayon.” paliwanag ni Ann.
“Sobra kasing traffic kaya na-late ako!” sabi ko na medyo nakakunot ang ulo. “Ann, can you please give me coffee.”
Pagpasok ko nakaupo sa swivel chair ng P/CEO si Liam na medyo nakakunot ang noo sa binabasang documents. Pero agad nagliwanag ang mukha ng nakita ko at tumayo para salubungin ako.
“Good Morning, Ms. . .” tiningnan muna ko mula ulo hanggang paa. “Still very Gorgeous Lady!” sabay halik sa pisngi ko. Medyo nagulat ako. Walang ibang lalaki na humahalik sa pingi ko maliban kina Kuya at Gab or ang mga close friends lang namin tulad nina Mike, David, Chris, Nico, Jerrence at Ben.
“Keep distance, Mr. Nobledo. Hands-off please!” pasuplada kong sabi.
“Hay, ang suplada pa rin! Na-miss kaya kita – almost six months ka rin nawala ah!”
“Ump! Can I claim my chair now?” Lumapit ako sa table ng P/CEO.
“It's all yours, namumuti ang buhok ko sa posisyon mo.” seryosong sabi niya.
“Why any problem?” na-curious ako sa sinabi niya.
“Try to study this financial report. I think there's discrepancy but I cannot detect yet!” iniabot niya ang isang folder na nasa ibabaw ng marami pang iba.
“Ok, I will. How's everything when I was gone?”
“So far so good! Except for financial reports. It's my weakness, you know that!” he smirked alittle. Parehas sila ni Mister M, pag financial report na nakakunot ang noo. Kaya sa akin niya ibinibigay ang mga Financial Report.
“That's okay, you can leave it to me!” sabi ko. Ipinasok ni Ann yung kape ko at binigyan din niya si Liam. Kahihigop ko pa lang ng tunog ang cellphone ko.
“Ma'am Joelle, si Maeanne po. Iyak po ng iyak si Baby Jem. Hindi ko po mapatahan, sinubukan na rin po nina Ma'am Olive at Ma'am Chelsie pero hindi pa rin po tumatahan.” napa-buntong hininga ko sa narinig ko.
“Did you already check the diaper? Did she already drink her milk? Did you check her temperature?”
“Opo, Ma'am pero iyak pa rin po ng iyak.” sabi ni Maeanne na parang natataranta na.
“Ok, ilagay mo yung telephono sa tenga ni Baby Jem, kakausapin ko.” Narinig ko ang mas malakas na iyak niya. Kaya alam kong itinapat na phone sa kanya. “Hello, my little princess. Na-miss mo ba si Nanay? Huwag ka na umiyak ha. . . uuwi na si Nanay!” narinig ko ang huni niya. “Aha! gusto mong kantahan ka ni Nanay, sige. . .
Tulog na, tulog na
Oh singkit kong baby
Tulog na mahal ko
Ikaw ay matulog na. . ..
hmmm hm mmm hmmmmm
Narinig kong natahimik na. “Ma'am nakatulog na po!”
“Ok, tawagan mo ko pag-umiyak ulit. Uuwi ako sa bahay after lunch!”
“Ang hirap maging working mother, Mrs. Montecillo, I can relate when my children was small.” sabi ni Ann.
“What should I do pag laging ganito? Masyadong malabing si Jem. Can you find any room here in the office that I can convert to nursery? I cannot drive home every now and then! Do I have appointment outside the office this afternoon?”
“Not today but tomorrow you will have and the rest of the week. Okay, I will look for a room!” sabi ulit ni Ann.
Humarap ako kay Liam na naka-ngalumbaba at nakatitig sa akin. “Mr. Nobledo, I need you help!” Para naman siyang tulala kaya tinapik ko siya sa noo niya.
“Ha? Are talking to me, Joelle?” parang nagulat pa siya at bumalik sa malilim na pagkakatulog.
“I said, I need your help!” ulit ko sa sinabi ko.
“Sure, by all means, I'm always willing to help you! Except for Financial Report please!”
Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Puede ko bang ipasa ko sa'yo yung mga meeting ko outside sa office?”
“In one condition!” sabi niya na seryoso.
“Ha?? May kondisyon pa?”
“Ayaw mo ata, eh!”
“Okay, ano yon?” pasimangot kong tanong.
“Galit ka ata, eh!”
“Hay, ang kulit mo, you're wasting my time!” reklamo ko.
“Kunin mo kong Ninong ng babies mo, ha!” nakangiting sabi niya.
“Iyon lang pala – kala ko kung ano na! Oo, nasa listahan ka talaga! You have two months para maghanda ng regalo!” biro ko pa na napangiti ako.
“One more – dalas-dalasan mo na ulit ang pag-ngiti! Miss ko na yung dating Joelle, eh!” sabi ulit niya.
Nagseryoso na ulit ako. “I already said yes to your first condition. Don't force me to the second one. Now, finished your coffee and you can go back to your office now.” Inirapan ko na siya.
“Ann, please coordinate with Marie regarding the schedule of Mr. Nobledo. If possible, please set the meeting here in the office next time. But don't forget to look for the nursery room ASAP. Yung sound proof para umiyak man ang mga anak ko hindi maka-istorbo. Please and thank you!”
Pagharap ko kay Liam, nakatulala na naman. Tinapik ko na naman sa noo. At sinenyasan lumabas na. Pero hindi pa siya nakakalabas.
Tumunog na naman ang cellphone ko at si Maeanne ulit. Sandali lang daw natulog si Jem at iyak na naman. “Okay, I'm going home now. Just put her down in her crib huwag mo laging bubuhatin. If she's crying for more than 10 minutes. Call me again.”
Iniligpit ko mga gamit ko at tumayo ulit. “Urg! I hate driving sa Pinas.” reklamo ko. Dala ko ang lahat ng folder dito sa table ko.
“Ihatid na kita. Ako ang mag-di-drive.” Kinuha niya sa akin yung mga folders.
“Wala ka bang meeting?” tanong ko.
“After lunch pa!” hinila pa ko sa kamay ko.
“Ann, call me if there's urgent!” habol bilin ko kay Ann.
Liam POV
Natutulala ako kay Joelle. Kahit na kapapanganak lang niya sobrang ganda at sexy pa rin niya. Tingin ko mas lalo siyang sumeksi ngayon dahil mas lumaki ang boobs niya. Unang kita ko pa lang sa kanya sa Harvard. Gusto ko na siya pero nalaman ko na may asawa na. Ang bata pa niya at isang JX Montecillo pa ang asawa niya. Anong laban ko don. Mas lamang siya sa lahat ng bagay kaysa sa akin.
Wala akong plano pumasok dito sa MGC dahil masasaktan lang ang puso ko, ha ha ha, pero nawala si JX. Pagkakataon ko ng mapalapit kay Joelle. Ayoko siyang ligawan dahil for sure, iiwasan lang niya ko tulad ng ibang mga nanliligaw sa kanya. Tama na muna ang maging kaibigan niya at least hindi niya ko iniiwasan.
Para siyang super woman, OIC P/CEO at Mother for Triple J. Pero priority pa rin niya ang mga family niya. Siya yung tipong papangarapin talaga ng lahat ng lalaki. Mapagmahal, maganda, matalino, sexy, matapang and yet she's very vulnerable like a Princess. Kailangan pa rin niya ang isang Prince or Knight in Shining Armour. Dahil wala ang Prince niya, ako na lang ang Knight niya.
Ang gusto ko sanang condition, ako ang ipalit niya sa asawa niya pero hindi ko naman masasabi yon kaya ang maging ninong na lang ng mga babies ay masaya na ko. Willing naman talaga kong maging second father ng mga anak niya. Ha ha ha. Ang dami nga namin willing eh!
Inalalayan ko siyang sumakay sa passenger seat ng kotse niya. Latest model ng Audi na puti itong car niya na gamit niya. Ako ang magdi-drive.
“Liam, are you with me?” tinapik ako ni Joelle sa balikat na nakapagbalik sa akin.
“Ha? Bakit?”
“Bakit ba kanina ka pa tulala? Parang ang lalim ng iniisip mo? Okay ka lang ba?” Na-mesmerized kasi ko sa ganda mo at ikaw ang laman ng isip ko at okay na okay ako dahil kasama kita. Iyan sana gusto kong sabihin pero baka mabatukan lang niya ko.
“Yeah, I'm fine, may sinasabi ka ba?” palusot ko na lang.
“I'm asking you a while ago. How's your meeting with Mr. Watashima sa Japan last week? Di ko pa kasi nababasa ang report.”
“It's great! I actually met with Ms. Tamiko Takushi not Mr. Watashima.”
“Oh, that bitch! Ooppss, sorry for the bad words!” saglit akong tumingin sa kanya at nahuli ang pagsimangot niya. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng 'bitch' or bad word sa ibang tao. Mukhang may galit siya kay Ms. Takushi ah.
“You seems like a jealous wife, Joelle?” I smell something fishy!
“Well that was long time ago, how was she? Is she still single?”
“Yeah and she's still very pretty!” pang-asar lang. Sumimangot na naman siya at saka ako tumawa ng malakas. “Ang cute mo palang mag-selos – flattered naman ako!”
“As you wish, Liam! Sa iyong sa iyo na siya. Huwag lang siyang lalapit ulit kay Mister M. Baka matiris ko siya!” Oohh, akala ko pa naman – ipamigay ba naman ako sa iba. Sa iyo na lang ako. Ang taray talaga nito basta sa asawa niya. Eh, pano makakalapit sa asawa niya eh, hindi pa nga nahahanap.
“Ang galing mo palang mag-drive, hindi ko alam 'tong lugar na 'to, ah. . . kaya nagka-traffic-traffic ako kanina. Dati ka bang taxi driver?” medyo nakangiti niyang sabi.
“Ha ha ha. Now your joking, it's more like the old Joelle was back! Puede kong maging part-time driver mo!” Iningusan niya lang ako. But I'm glad napapangiti ko na siya.
Itinuro niya sa akin ang daan papunta sa bahay nila ni JX. Halos kasing laki ng bahay namin ang bahay nina Joelle.
“Hi Mommy! Hi Mama!” bati niya sa dalawang may edad na babae na nasa garden. “Si, Liam po, OIC-VP po sa MGC. Inihatid niya lang po ako dalhin nahirapan akong mag-drive ngayon.” paliwanag niya.
Nagbigay galang ako sa dalawang babae at nakipagkamay naman sila sa kin na nakangiti. Nagpaalam si Joelle at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ako kay Joelle kahit hindi niya ko niyaya, magalang din akong nagpaalam sa dalawang babae.
Napalingon naman si Joelle sa kin na parang nagulat pa. “Oh, I'm sorry, I forgot my manners! Thanks Liam for driving me home. Aren't you going to back to the office now?” Pasuplada na naman niyang sabi. Gusto talagang paalisin agad ako.
“Didn't I deserve to at least have a drink of water and to see my future godchildren?” I smirked.
“Yeah, I guess you deserve that! Have a seat! Tingnan ko kung gising yung mga boys pero naririnig mo naman si Baby Jem, iyak pa rin ng iyak.” Tumalikod siya at para may iniutos sa isang kasambahay at umakyat sa taas.
Dinalhan ako ng juice ng isa sa kasambahay. Maya-maya lang ay bumababa na si Joelle sa hagdan. Muntik na kong masamid sa iniinom kong juice. Naka-short na siya na di gaano maiksi pero litaw ang makikinis at mahabang mga biyas at tshirt na medyo maluwag. Napalunok ako kahit talaga simple lang ang suot ni Joelle mapapanganga ka. Kalong niya ang chubby at very cute na batang babae na ngayon ay nakangiti na.
“Little princess, say hi to Ninong!” sabi niya. “Halika sa taas nandon yung dalawang barako ko.” anyaya niya sa akin. Sumunod naman ako.
Pumasok kami sa silid na pambatang lalaki ang desenyo na nasa third floor ng bahay. Naglalaro sa tig-isang crib ang dalawang batang lalaki na mga chubby rin at very cute. . . identical silang tatlo.
“Puede ko ba silang kalungin?” na-excite kasi ko kalungin yung bata na kawag ng kawag at nakangiti at huni ng huni na parang nakikipag-usap.
“Sure, mag-practise ka na!” biro ni Joelle. Oo, magpi-practice na kong maging daddy nila! Ha ha ha! Kinalog ko yung isang batang lalaki at iniabot naman niya si Baby Jem sa yaya nito.
Yumukod siya sa crib ng isang baby boy para kalungin naman ito. Napalunok ulit ako sa nakita. It's something that I never seen before. Dahil maluwag yung tshirt niya, pagyukod niya at nakita ko ang dalawang mabibilog niyang hinaharap na kahit may bra ay nakakapanggigil. Saglit lang yon pero parang nag-init ang buong katawan ko. Liam kelan ka pa naging pervert! Sabi ko sa sarili ko. Hindi naman ako mahilig makipaglandian sa mga babae. Pero bakit ang lakas ng epekto ni Joelle sa akin.
“Mari, Sabel, nag dede na ba sila?” tanong niya sa mga yaya.
“Oo, Ma'am. Katatapos lang.” sabay na sabi nung tinanong.
“Katatapos lang! Nag burp na ba sila?” Tanong ni Joelle sa dalawa at napatingin sakin.
“Hindi pa po!” At bigla nga na lumungad sa suot kong suit ang batang hawak ko.
“Oh, I'm sorry, Liam.” sabi ni Joelle. At nakangiti siyang humarap sa baby. . . “Pilyo ka talaga, JA! It's that the way of saying “hi” to Ninong?” Parang naka-intindi naman ang bata at humini-huni pa. Kinuha naman ng yaya sa'kin ang bata.
“It's okay, Joelle. No worries!” kahit amoy maasim na ko.
“No, it's not okay! You're going back to the office at may meeting ka pa mamaya.” Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Medyo na-concious ako. Me plano ka bang masama sa'kin, Joelle. Willing akong pagbigyan ka!
“I think, magkasing katawan kayo ni Mister.” Iniabot ang kalong niya bata sa yaya nito sa lumabas ng silid. Maya-maya ay pumasok din siya at may dalang isang set ng suit, long sleeve na blue na may katerno rin necktie.
“Try this - if its fit you! You need to change before you go back to the office! There's a washroom next to this room.” Iniabot niya sa'kin yung damit. At lumabas ako ng silid para magpalit ng damit sa washroom. Fit nga sa'kin. Magkasing-size pala kami ni JX. Kung sabagay matangkad lang ng konti sakin si JX.
Bumalik ako sa silid at nakangiti na lumapit sakin. “That's much better! It's fits perfectly!” Inayos pa niya yung kuwelyo ko at necktie. Feeling asawa ko na inaasikaso ng maganda kong Misis. “Now, go back to work, Mr. Nobledo, lagi kang natutulala ngayon!” Ha? Oo nga. Nakatitig na naman ako sa kanya!
Nagpaalam na ko sa kanya at sa Mama at Mommy niya. May nag-iintay na taxi sa gate. Siguro nagpatawag na siya. Masaya kong bumalik sa opisina. Buti na lang nilungaran ako ni JA, na-experiece ko tuloy asikasuhin ni Joelle. Ang suerte talaga ni JX. Ang sama ko ba kung i-wish kong hindi na mahanap si JX?
==
Joelle POV
Nakatulog na rin si Jem. Hindi ko naman sinanay kalungin si Jem. Malambing lang talaga ang batang yon.
Pumasok na ko sa library para don mag-trabaho. Inuna ko muna yung ibang mga report at binasa. At pinirmahan ang mga dapat pirmahan.
Tok tok tok
“Please come in – it's open!” si Mommy pala.
“Joelle, hija, halika kumain ka muna ng lunch.” Napatingin ako sa wrist watch ko. It's 30 minutes past twelve noon na pala.
“Thank you po, Mommy! Susunod na po ako.”
“No, Joelle, thank you! Alam kong nahihirapan kang mag-trabaho at mag-alaga sa mga anak nyo pero hindi ka nagrereklamo. Kung marunong lang sana ko sa negosyo!” parang maluluha na siya.
Lumapit ako sa kanya at yumakap mula sa likod niya. Hinilig ko yung baba ko sa isang balikat niya. “Mommy, don't worry about me. Kaya ko naman po at kakayanin para sa inyo na pamilya ko!”
“I'm so lucky na ikaw ang naging daughter-in-law ko!”
“Mas lucky po ako na kayo ang mother-in-law ko! At very lucky po, na ako ang pinakasalan ng anak niyo.”
“Please don't give up on him!” humarap siya sa kin.
“Never!” ngumiti ako sa kanya at inaakbayan niya papuntang dining area.
==
Pag gising ang triplets ko, nilalaro ko sila na magkakasama sa isang silid para bonding din nila. Hindi naman gaano nag-iiyak si Jem. Naamoy niya siguro na nandito lang ako.
Nakasanayan na namin manood ng evening news na magkakasabay pagkatapos mag dinner sa family room. Nagulat ako sa balita. May paparazzi pala na nakasunod samin ni Liam kanina. May kuha na naka-ngiti ako habang pinagbubuksan ako ni Liam ng pinto ng kotse. Meron din nakangiti ako habang nakaharap kay Liam na nag-di-drive – ito yung biniro ko siya. Pati dito sa gate ng subdivision ay may kuha rin. May kuha rin si Liam nung palabas na siya ng gate ng subdivision. At hindi rin naka-ligtas sa kanila ang magkaibang suot ni Liam nung pumasok at lumabas ng bahay. Kaya ang tanong, si William Nobledo na ba ang papalit kay JX Montecillo sa puso ni Joelle? Nawala na ba ang pagiging coldhearted ni Joelle dahil kay William Nobledo?
Nagngingit ako sa inis sa balita. At nahihiyang napatingin kina Mama at Mommy. “I'm sorry for this news! Nilungaran kasi ni JA yung suit niya kanina. He's just a good friend of mine.” defensive kong sabi.
“It's okay, hija!” nakangiting sabi ni Mommy. “Hindi ka pa rin nasanay sa showbiz.”
Hindi pa nga dahil pag tungkol kay JX – hindi talaga! Ayokong isipin ng mga tao na papalitan ko na ang asawa ko.
Tinawagan ko lang si Liam para humingi rin ng paumanhin sa mga balita. Ayokong madamay siya sa mga intriga sa akin. He's a good friend. At alam kong wala siyang gusto sa'kin. Friendship lang talaga! Buti na lang naintindihan niya.
One week pa kong dito sa bahay nag-work. Inobserbahan ko si baby Jem kung paano umiyak pag wala ako. Nagkukulong lang ako sa library para don gawin ang trabaho ko. Jem seems okay. Hindi naman siya umiiyak ng more than 10 minutes. Nataranta lang siguro si Maeanne dahil hindi pa siya sanay at may dalawa pang grandma na natataranta din sa pag-iyak ni Jem. But I assure them not to worry too much.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top