Chapter 16: Triple J
Joelle POV
It's Mid-October
Two months na ang mga babies namin. Ang bilis nilang lumaki. Ang lalakas kasi dumede hindi ko sila nai-breast feed lahat dahil ang takaw ng dalawang lalaki. Kaya bottled milk sa kanila. Si baby Jem lang ang na breast fed ko dahil ayaw niya ng bottled milk. Kaya madalas ay nagpa-pump ako at inilalagay sa fridge. Tinuruan ako ni Ate Gel na kung ano yung una kong na pump ay iyon din ang una kong ibibigay at nilalagyan ko ng time.
Naayos ko na rin ang mga papers nila - ang birth certificate, social security number, health card at passport. Kumpleto na rin sila sa bakuna na ayon sa kanilang edad. Puede ko na silang iuwi kaya bukas ay nasa Pinas na kami. Sina Mama, Mommy at Gab ang kasama ko. Nagbakasyon din kasi dito sa Gab ng isang buwan. Sa December ko plano pabinyagan ang triplets kaya sa December uuwi sina Kuya.
Nuong two weeks mula ng ipinanganak ko sila ay kinuha silang model ng sikat na baby photographer na si Anne Geddes. Summer ang theme ng pictures. Sina JA at JR ay mga bubuyog at bulaklak naman si Jem. Nakakatuwa dahil super cute sila.
17 October
Buti at walang bagyo ngayon. Nasa NAIA Terminal 2 kami at as usual, may mga media people na naman dito gusto nila kong ma-interview pero tumanggi ako at sinabi na papaunlakan ko sila sa ibang pagkakataon. Si Gab kasi ang may tulak ng mga bagahe namin at tig-iisa kami nina Mama at Mommy na buhat buhat ang car seat basket ng Triple J. Agad naman kaming sinalubong ni Tatay Ato dala ang 15-seater na van. Maayos kong isi-seat belt ang kani-kanilang mga carseat.
May mga kumukuha pa rin video at litrato. Para naman nakakaintindi ang mga anak ko at hindi umiiyak at ang gaganda pa ng mga ngiti. Hindi sila camera shy tulad ko. Namana ang kapal ng mukha sa Tatay nila. Ha ha ha. Hindi ko maiwasan mapangiti ng wagas sa naisip ko.
Nakakatuwa naman kasi sila talaga. Si JA ay super kulit. Masayahin siya at laging huni ng huni. Palagay ko nga ay magigi siyang singer tulad ng Tatay niya. Si JR ay medyo tahimik pero pala ngiti rin. Si Jem ay medyo malambing at iyakin. Babaeng babae talaga. Pero super cute at puti. Madalas din ay nakatawa kapag busog. Pero kapag gutom super iyakin. Sa akin niya naman namana ang katakawan niya. Ha ha ha. Tumaba lang ng konti ang katawan ko kaysa dati pero may curves pa rin ako. Nag gym din kaya ako.
For sure nasa news na naman kami mamaya. Sa Alabang kami dumarecho sa Palace namin ni Mister M. Yung nursery room nila na noon pa naka-arrange ay magagamit na rin. Magkasama sina JA at JR sa isang silid na light blue at puro panlalaki ang mga laruan at desenyo ng silid. Dinagdagan ng isang kuna dito. Sa kabila naman ang kay Jem na kulay baby pink at puro manika at mga princesses ang desenyo ng silid. May canopy pa sa crib niya na para talaga siyang isang prinsesa. Dito ko sa master bedroom namin ni Mister M.
Ang mga dating kasambahay nina Mommy na sina Mari at Sabel ang pinag-aral ni Mommy ng caregiver course para sa mga apo niya. Kaya sila ang yaya nina JA at JR. May bago naman hire na yaya para kay Jem, pinsan daw ito ni Mari na galing probinsiya pero nag-aral din ng caregiver dahil gustong pumunta sa Canada. Maeanne ang pangalan niya. Mukhang mabait naman. Siya ang tinuruan ko kung paano paiinumin ng gatas si Jem. Next week ay balik trabaho na ko kaya kailangan matutukan ni Maeanne si Jem.
Angelo POV
Mula nung manganak si Joelle ay lagi ulit silang laman ng mga balita sa TV at pahayagan. Laging may pictures ang Triple J. Lalo na ng lumabas ang mga pictures mula sa sikat na photography studio ng Anne Geddes. Nag-model pala sila doon. May nagupit ako sa diaryo at itinago ko dahil nakakatuwa silang magmasdan. Si Joelle ay bibihira lang magkaroon ng pictures.
Ibinalita na uuwi na sila sa Pilipinas dahil kailangan bumalik ni Joelle sa pamamahala ng negosyong naiwan ng asawa.
Kaya nandito na naman ako sa kabayanan para makapanood ng balita. Nasa news nga ulit sila. Nakunan ng video ang paglabas nila sa Airport. May kasamang dalawang may edad na babae si Joelle, may dala silang parang mga basket kung saan nakalagay ang mga Triple J, nakakatuwa sila at laging mga nakangiti, nai-focus pa sila ng camera at yung kapatid ni Joelle na lalaki na nakita ko na dati ang may dala ng bagahe.
Naka-focus din sa camera ang may edad na babae na nanay pala ni Joelle at biyenan niya. Napatutok ako sa biyenan ni Joelle at lumakas ang tibok ng puso ko. May edad na siya pero napakaganda at amo ng mukha niya. Hindi ko maiwasan mapangiti ng makita ko siya.
Sunod na ipinokus si Joelle para interviewhin pero tumanggi siya. Nakamaong na puti si Joelle at hapit na blouse na kulay purple. Kitang kita pa rin ang magandang hubog ng katawan na parang hindi nanganak. Medyo nakangiti siya ng inilalagay niya sa van ang mga bata. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top