Chapter 15: Almost Perfect Family
Angelo POV
Napagod na ko sa pag-iyak kaya bumalik na ko sa Isla.6:00 AM Nakita ko si Kapitana na nasa pangpang at namimili ng mga isda. Nilapitan ko siya at nagpaalam kung maaring manood ng pang-umagang balita sa TV. Pumayag naman siya at binuksan niya ang TV sa Baranggay Hall. Tutok na tutok ako sa balita dahil baka may mapasalit na tungkol kay Joelle.
Announcer 1: I'm so happy at excited dahil dito sa fresh na fresh na kapapadala lang ng ating source.
Announcer 2: Aba! At talagang mukhang excited na excited ka? Ano ba yan? Huwag mo ng patagalin at na-e-excite din ako!
Pumasok na rin dito sa Kapitana at nakinood at ang ilan mga kabaryo namin.
Announcer 1: Tungkol ito sa inaabangan ng marami. . . ilan buwan din tayo hindi nakasagap ng balita mula sa kanya. . .
Announcer 2: Sino ba ang tinutukoy mo at lalo akong na-e-excite dito. . . palagay ko ganon din ang ating mga manonood!
Announcer 1: Ang inaabangan ng lahat ng pagsisilang ni Joelle Montecilllo ng kanilang kambal. . . pero hindi po pala kambal ang mga sanggol kundi triplets po! Dalawang sanggol na lalaki at isang sanggol na babae. Ayan, kanina lamang kuha iyan picture ng mga-iina! Ipinost daw iyan sa isang FB account ng kaanak ni Joelle.
Ipinakita ang larawan ni Joelle na masayang nakangiti kalong ang isang sanggol na may pink na blanket at may dalawang sanggol na magkabilang tabi na asul at berde ang mga blanket. Napansin ko rin na may nakakabit pang dextrose kay Joelle at kuha rin ang heartbeat monitor. Maaring nanganib nga ang buhay niya kaya may heartbeat monitor pa rin.
Pero sobrang saya ko na kulang na lang ay magtatalon ako dito. Maganda ang pagkangiti ni Joelle. Ipinakita rin ang iba't ibang larawan nina Joelle at pamilya niya.
Announcer 2: Itong isang larawan na naka-focus sa screen ang pinakagusto ko. Almost perfect family picture. . . kung sana si JX Montecillo ay kasama sa larawan iyan - Perfect na sana.
Oo nga. Kung sana nandoon ang asawa ni Joelle. Na sana ako na lang! Sinabi rin ang mga pangalan ng mga sanggol at ang mga nickname. Puro abbreviation na naman JA, JR at Jem.
Tumayo na ko para lumabas na may masayang mukha at nakangiting mga labi. Nakita ko sa may pintuan ang madiim na mukha ni Princess na masama ang tingin sa akin pero dagli rin siya tumalikod. Hinabol ko siya.
“Pa-pa-pasok ka na ba? I-i-ihatid na ki-kita sa pa-pang-pang!” masiglang kong sabi. Inakbayan ko siya.
“Umuwi ka na at alagaan mo si Angela kaysa sa unahim mo ang bruhang si Joelle na 'yan!” angil niya at inalis niya ang braso ko na naka-akbay sa kanya. At tinginan ako ng masama at saka dere-derecho lumakad sa may pangpang para sumakay sa pampaseherong mga bangka.
Hinayaan ko siya sa pag-aalburoto niya at masaya kong umuwi. Excited na excited ako sa triplets nina Joelle. Sana makita ko sila.
Princess POV
Paano nalaman ni Angelo na manganganak na si Joelle? Kanina pangalan ni Joelle ang isinigaw niya at umiiyak siyang ng lumabas. Napangaginipan niya siguro. Bakit ang lakas pa rin ng koneksyon nilang mag-asawa? Thousands of miles away na sila sa isa't isa! At may amnesia pa rin si JX.
Hindi ko pa rin hahayaan magkita sila. Ang alam ko sa ibang parte na ng mga bayan dito sa Pangasinan sila naghahanap. Hindi na sila babalik dito. Noon ay parang nakilala ni Joelle si Angelo dahil pinagmasdan pa niya. Kahit tinapunan ko siya ng matalim na tingin ay sinundan pa rin niya ng tingin si Angelo.
Ibang -iba na ang itsura niya ngayon at ni isa ay walang makapagsasabing hindi siya si Angelo. Kahit si Pedro na kaibigan niya ay hindi naman nagtatanong. Kahit may pagkakaiba sa boses nina Angelo at JX ay hindi nila pinapansin dahil akala nila ay dala lamang iyon ng aksidente. Dito lang kami at hindi nila mahahanap si JX. Sana ay hindi na umuwi sa Pilipinas ang bruhang Joelle na yon at sumuko na lang sa paghahanap kay JX. Dahil wala na si JX. Almost Perfect Family na lang kayo. . . hindi ko hahayaan maging Perfect Happy Family kayo!
At si Angelo, sobrang saya niya ng makita ng larawan ng mag-iina niya. Nakakasira talaga ng araw. Hindi ko pa nakita ang saya na yan sa kanyang mukha kahit kalong niya at nilalaro si Angela. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganon? Naaalala ba ng puso niya ang hindi maalala ng isip niya? Akala ko sa mga pelikula at teleserye lang nangyayari ang ganon!
Joelle POV
Umuwi na kami ng mga bata matapos ang tatlong araw ko sa ospital. Inobserbahan pa nila ko dahil sa muntikan na kong mamamatay. Babalik na rin dito sa Canada si Mommy dahil excited siya sa mga bago niyang mga apo.
May tatlong kuna dito sa silid na ginagamit ko, mga ipinahiram daw iyon ng mga kaibigan nina Ate Gel at Kuya. Hindi na kasi ko bumili dahil plano ko na umuwi rin sa Pilipinas pag naayos ko na ang mga papers ng mga sanggol. Plano ko na sa Pilipinas na rin binyagan ang mga babies namin. Sana mahanap ko na si JX para nandoon siya.
Napanood ko ang mga balita sa TFC. Ang bilis talaga ng balita – naibalita na agad ang panganganak ko at ang mga babies namin. Triple J ang tawag sa mga babies namin dahil puro J ang start ng name. Almost Perfect Family daw kami. . . almost. . . dahil wala pa si JX. Ngayon, ay ang media na ang nag-aanunsyo na kung sino ang nakakita kay JX. . . sana ay maibalik na siya!
Dahil ang haka-haka nila ay tulad na rin ng sa'kin. Na maaring na-amnesia siya at may nakakuha lang at hindi alam kung kanino isosoli. Sana. . . sana makauwi na siya at matutunan na niya ang landas pabalik sa aming tahanan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top