Chapter 13: Joelle's Life in Danger
Joelle POV
Mabilis lumipas ang tatlong buwan dahil busy rin ako makipag meet sa mga investors. Hindi ako puedeng mag-travel kaya sila ang nagpupunta para i-meet ako. Yung iba ay kilala na ko dahil na-meet na namin dati ni Mister M pero yung iba naman ay bago lang. Natutuwa naman sila paglalaman nilang triplets ang anak namin ni MKA. Good luck charm ko raw ang mga babies ko. Tinatanong nila lagi ang gender pero hindi ko alam, mas gusto ko surprise. Ang importante healthy sila.
Pero nalulungkot sila dahil alam rin nilang hindi pa nahahanap si JX. But they still giving me hope. In other words, successful naman ang meetings ko dahil bilib din sila sa akin sa kabila ng mga problema ay nakakaya kong pamahalaan ang MGC.
Dito ko kina Ate Gel at Kuya Gab nakatira para daw pag sumakit ang tiyan ko madadala nila agad ako sa ospital. Pero don kami tutuloy ng mga bata sa townhouse ni Mommy at si Mama ang nandoon ngayon. Hindi ako gaano bumili ng mga furniture ng mga bata dahil uuwi rin kami sa Pilipinas. Sina Mama at Mommy ay magpapalitan ng 6 months para lagi raw akong may kasama dahil hindi pa rin naman kami sumusuko sa paghahanap kay JX. At kailangan isa sa kanila ang kasama ng mga magiging yaya ng mga anak namin pag bumalik ako sa opisina at pag hinahanap ko si JX.
August 13 1:00 PM
Isa lagi kina Ate Gel or Kuya Daniel ang kasama ko sa bahay. Nagpapalitan sila sa trabaho. Ngayon ay si Kuya ang kasama ko. Pagkatapos namin kumain ng pananghalian, pumasok ako sa washroom dahil mainit at summer pa dito sa Canada. At dahil buntis ako, init na init ako. Ganon daw talaga ang buntis sabi ni Mama. Nagulat ako sa kulay ng tubig habang nakababad ako shower. Ang daming kulay light yellow na tubig na nakita ko. Dali dali akong nagbihis at tinawag si Kuya Daniel.
“Kuya, I think, I broke my water bag already. Samahan mo na ko sa hospital.”
“Sumasakit na ba tiyan mo?” tanong niya habang kinuha niya ang naka-ready na baby bag. Iba't iba ang kulay ng baby blanket na dala ko may mga pink, blue, green and yellow. Ready ko kung ano man ang maging gender ng mga anak ko.
“Arghhhh.” Daing ko dahil naramdaman ko na ang sakit ng tiyan ko. Ang tigas tigas. . . hindi ko maipaliwanag. Cool naman si Kuya at hindi natataranta dahil sa hospital naman siya nagta-trabaho kaya siguro cool lang siya.
Isinakay niya ko sa kotse sa kabilang pag daing ko. . . tinawagan pa niya si Ate Gel na naka-duty sa hospital. Malapit lang naman ang hospital at derecho sa emergency room. Si Kuya na ang nagbigay ng mga information ko. Siya ang guardian ko dahil wala ang asawa ko kaya siya ang nag sign ng mga weaver.
Sobrang sakit na nararamdaman ko. Mas masakit sa dysmennorhea ko ang nararamdaman ko ngayon. Libong beses na mas masakit. Exaggeration ko dahil hindi ko ma-explain. Hindi ko na maiwasan ang umiyak sa sakit. Normal delivery ang gusto ko dahil puede naman daw sabi ng OB Gyn ko na si Dra Natasha Parent.
Nasa delivery room na ko at wala akong kasama dahil hindi naman puede si Kuya dahil hindi siya ang asawa ko. Parang gusto ko ng mamatay ng mga oras na iyon sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. “Aaarrrgghhh!” Pero nilalakasan ko ang loob ko dahil gusto kong isilang ang mga anak namin. Bahala na kung mamatay ako pagkatapos!
“Push harder, Joelle!”
I tried it harder! “I miss you, JX!” Sigaw ko. I heard the baby is crying! I smile.
“It's a boy!” narinig kong sabi ni Dra.
“Now, push harder again, Joelle! I can see the other baby's head.”
“Aaarrgghhh! I love you JX!” sigaw ko ulit. I heard the baby is crying! I smile once more.
“It's a boy again!”
“One more Joelle, do not close your eyes, it's not done yet!” Pagod na pagod na ang pakiramdam ko. Parang gusto ko ng bumigay.
“Stay with me, Joelle.” May inilagay silang oxygen sa kin. May nag checheck ng BP ko. “Her BP is getting lower.”
“Joelle, push please. . .push harder!”
“Arrggghhh, I hope to see you JJJXXX!” I heard the baby is crying again!
“It's a girl!”
“You have two healthy boys and a healthy girl!” narinig ko pa ang sabi niya at pinilit kong ngumiti.
“Dr. Parent her heartbeat is getting slower and her BP is getting lower!” Wala na kong maintindihan sa mga sinasabi nila. Ang nakikita ko na lang ang mukha ni JX na nakangiti sa akin at kumakaway. . . Huminga ko ng malalim. . .JX!
<blank>
Angelo POV
August 14 3:00 AM
“Jo-jo-joeeelllleee!” Napabaligwas ako ng bangon. May luhang pumatak sa mga mata ko. Napanaginipan ko si Joelle na magsisilang ng nga sanggol. Tinatawag niya si JX. Hirap na hirap siya at. . .at. . . napatakip ako sa mukha ko! Joelle, huwag kang sumuko! God, please help her! Dasal ko. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Bakit kailangan mapanaginipan ko si Joelle gayon si JX naman ang tinatawag nito! Pero sa panaginip ko. . . sumuko na siya sa buhay! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Ano ang nangyari kay Joelle?
Lumabas ako ng silid at uminom ng tubig. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Princess. Tumakbo ko palabas. Nakatuon ang isip ko kay Joelle. Takbo ko sa Baranggay Hall pero madaling araw pa lamang. May mga tao na pampang na mga mangingisda na parating pa lang. Hindi ako nakasama ngayon kay Pedro.
Gusto kong magwala at sumigaw. Ano ang nangyari kay Joelle? Hindi ako mapakali. . .Nakita ko na paparating na si Pedro. Tinulungan ko siyang iahon ang huli niya at hiniram ang bangka niya. Dagli akong sumakay at pinuntahan ko ang Isla Jon-elle. Doon ako nag-iiyak at sumigaw ng sumigaw!
Gel POV
Isang akong Pediatrician na naka-assign to check the health of the newly born babies. Ako ang naka-assign sa isisilang ni Joelle. Sanay na ko sa mga sigaw at iyak ng mga babaeng nanganganak. Pero hindi ko maiwasan mapakagat ang labi ko para di ako maiyak sa sigaw ni Joelle. Hirap na hirap siya.
Sa unang baby “I miss you, JX!” Ang isinigaw niya. Ang kapatid ko pa rin talaga ang nasa isip niya! And she push harder! Sa pangalawa ay “I love you JX! Naman ang isinigaw niya. Sa pangatlo ay “I hope to see you JX!” Malakas at mahaba ang sigaw niya na unti-unti humihina ng mailabas niya ang pangatlong sanggol. Ramdam ko hirap ng panganganak ni Joelle na parang ako mismo ang nanganganak. Kaya siguro hindi ko na magawang sundan si JD dahil nahirapan din akong manganak noon.
Narinig ko pa ang sabi ng nurse na bumaba ang BP niya at bumagal ang tibok ng puso ni Joelle. Kinabahan ako ng ipage nila si Dr. Merritt sa delivery room. Si Dr. Merritt ay isang heart specialist at sinabi ang code na pang-emergency.
Tahimik na tumutulo ang luha ko habang nililinisan ko at chinecheck-up ko ang tatlong kong pamangkin na nag-iiyakan din na parang nararamdaman ang sakit ng loob ng kanilang nanay. Malulusog ang sanggol. Kahit na mababa ang timbang 4.9 lbs , 4.8 lbs. , 4.5 lbs
“Her heartbeat stops!” sabi ng isang nurse. Bumungtong hininga ko at impit na umiyak. Joelle. . .
“God help her please!” mahina kong dasal ko.
Nakita ko ang doctor na binibigyan siya ng paunang lunas. Naka-ilan pump sila sa dibdib ni Joelle.
“She's back!” Sigaw ni Dr. Meritt. Nakakabit na sa kanya ang heartbeat monitor. Masayang nagpalakpalakan ang mga staff dito sa loob ng delivery room habang may mga luha rin sa mata.
Pinagmasdan ko si Joelle. May luha sa kanyang mga mata at hirap sa kanyang mukha.
“She'll be fine now. Her heartbeat and BP are back to normal now.” tinapik ako sa balikat ni Dr. Meritt dahil alam nilang sister-in-law ko si Joelle. Nakahinga ko ng maluwag.
Paglabas ko sa delivery room. Nag-aalalang mukha ng asawa ko ang nakita ko. “What happen to Joelle? Is she okay? I heard the emergency code?”
Niyakap ko siya. “We almost lost her but she's fine now!” Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni Daniel at may munting ngiti din. Niyakap niya ulit ako.
“Thanks be to God!” sabi niya. “Amen.” ang sagot ko.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top