Chapter 11: From a Distance. . .

[A/N:  Happy Thanksgiving, Canada! Holiday kaya update muna!]

Joelle POV

Isa't kalahating buwan pa ulit ang mabilis na nakalipas pero wala pa rin makapagsabi ng tungkol kay JX. Nalibot na namin ang mga isang daang isla kahit ang pinakamaliit ay napuntahan namin.

May supply pa rin ako ng buko at bayabas mula kay Angelo. Napag-isip tuloy ako bigla dahil naalala ko ang isang lalaki na napagkamalan kong si JX. Angelo ang pangalan niya at utal-utal daw. Iyon din kaya itong mangingisda na tinutukoy ni Manang Tale?

Ito ang huling linggo ko sa Pilipinas. Babalik ako sa Canada para doon manganak. Iyon ang usapan namin ni JX noon. Gusto daw niyang maging Canadian Citizen agad ang mga anak namin. Para kung mag-decide kaming mag-settle don ay hindi na mahirapan pang mag-ayos ng papeles. Hindi na kasi ko puedeng magbiyahe pag naging seven months na ang tiyan ko.

Bumalik ulit ako sa isla at kasama pa rin sina Kuya Alex at Gabriel. Pero hindi na kami maghahanap. Gusto ko lang nakita ulit ang Isla kung saan marami kaming alaalang mag-asawa. Malaki na ang tiyan ko kaysa sa ibang anim na buwan dahil hindi lang iisa ang nasa loob ng sinapupunan ko.

 Nasa kalagitnaan ako ng gubat kung saan may maliit na falls. Kasama ko pa rin si Kuya Alex at inaalalayan ako.

Mami-miss ko ang lugar na ito. Ilan buwan din akong hindi makakapasyal dito.” sabi ko kay kuya Alex.

Angelo POV

Kada weekend at patuloy pa rin akong naghahatid ng isda at lamang dagat sa Isla Jon-elle pati bayabas at buko. Nagpapalam lang akong aalis na pero ililipat ko lang ang bangka sa di kalayuan at iniintay kong makita si Joelle. Stalker na ko ni Joelle.

Ang sarap niya laging pagmasdan kumain ng bayabas at buko. Nakangiti siya at kinakausap ang mga bata sa sinapupunan niya. Halos binalatan ko na ang mga buko bago ko dalhin sa kanya. Para hindi na sila mahirapan magbukas. Niloloko na nga ako ni Pedro kung kanino ko raw ibinibigay ang mga buko na dala ko.

Ngayon ay huling araw daw ni Joelle dito sa Pilipinas at pupunta ng Canada para don magsilang ng sanggol. Nalungkot ako ng malaman ang balitang iyon. Mami-miss ko siya. Ka-usap niya ang nagngangalang Alex. Sabi ni Aling Tale ay malapit na kaibigan daw ito nina Joelle at JX at ito ang Personal Security Guard ni Joelle. Kaya pala laging kasama at pinuprotektahan si Joelle.

 “Mami-miss ko ang lugar na ito. Ilan buwan din akong hindi makakapasyal dito.” sabi ni Joelle kay Alex. Malungkot pa rin ang kanyang mata at lalong malungkot ang kanyang tinig.

Hindi ka pa rin naman namawawalan ng pag-asa, di ba?” sabi ni Alex.

Hinding – hindi! Kahit sumuko na ang na lahat, hindi ko pa rin siya isusuko. Nararamdaman kong buhay ang asawa ko magkikita pa rin kami.” Napakapalad talaga ang asawa niya at mahal na mahal niya.

 “Umaasa rin akong magkita kayo. Para makita kong muli ang ngiti sa mga mata.” Oo nga iyon din ang hinahangad kong makita. “Ang nakikita ko ngayon ay ang Joelle four years ago nung una kitang makita?” matagal tagal na rin pala silang magkakilala.

Kuya Alex, four years ago?” medyo nagtatakang sabi ni Joelle. “Di ba, three years ago pa lang nang ipakilala ka ng asawa ko sa'kin?”

Medyo namula ang lalaki na hindi malaman ang isasagot. “May iniliihim ka ba sa akin, Kuya Alex? Gusto mong ituring ulit kitang hindi nag-e-exist?” sabi ulit ni Joelle. Na walang kangiti sa labi. Ituring na hindi nag-e-exist, pano yon?

Huwag naman Joelle.” napakamot pa sa ulo yung si Alex. “JX hired me four years ago to be your secret body guard before he left - back to Canada. I'm just following you from the distance. Your eyes are always so sad – just like right now. Ako ang tumulong sa'yo nung gusto kang pagsamantalahan ni John. Natatandaan mo ba yon?” Secret body guard? Over protective naman pala ang asawa niya pero hindi mo masisisi dahil talagang maganda si Joelle at may gusto pa palang magsamantala sa kanya. Kung wala siyang secret body guard baka napagsamantalahan nga siya.

He hired you to protect me? Ni hindi pa siya nanliligaw sa akin non ah. Binakuran na agad ako?” nag pout pa si Joelle. Bakit parang ang cute cute ng pag pout niya na parang ang sarap hagkan ng mga labi niya. Pero natatawa ko sa JX Montecillo na yon, hindi pa nanliligaw nangbabakod na agad. Kung sabagay naiintindihan ko siya. Ako nga may asawa na pero eto at nag-i-stalk pa kay Joelle.

Now, its my chance to say “thank you” for protecting me from John. Ngayon, nadagdagan ang dahilan ko para makita ko ang asawa ko. He's a real GA to me!” sabi ni Joelle. GA? Ano na naman kaya ang ibig sabihin non?

Kuya, kahit nasa Canada na ko, huwag kang hihinto sa paghahanap sa kanya. Balitaan mo agad ako kung may development or leads.”

 “Pangako yan, Joelle.”

Sana bago lumabas ang mga anak namin. Mahanap ko na ang Tatay nila. Kailangan ko lang talagang pumunta ng Canada dahil don gusto ni JX na isilang ko ang magiging anak namin. Noon nanganak yung bestfriend ko si Joyce, mas excited pa si JX sa paglabas ng kambal. Parang siya ang ama. Lagi siyang excited kapag may isisilang na mga sanggol. Ganon siyang kadespiradong magkaanak kami. Sayang nga lamang – hindi niya nalaman nagdadalang tao ko at magiging Tatay na siya ng tatlong bata.” naiyak si Joelle sa sinabi.

Parang gusto ko siyang yakapin at ikulong sa mga bisig ko. Hindi alam ni JX na magiging ama na siya ng tatlong bata? Triplets ang magiging anak nila? Kaya pala ang laki ng tiyan ni Joelle. Parang bigla akong nakadama ng lungkot para kay JX. Hindi niya masasamahan ang asawa sa panganganak na siya palang pinakaaasam asam niya.

Tinapik-tapik ni Alex sa balikat si Joelle. “Don't worry, Joelle, mahahanap din natin si JX.”

 “Ilan buwan ka pala mawawala?” tanong ni Alex.

 “Five to six months. Marami rin kasi kong i-me-meet na client at investors sa Canada at US.” malungkot na sabi ni Joelle.

I cannot stay longer dahil kailangan din ako dito sa head office. Kung nandito lang sana si Mister M, my Prince Husband, my MKA, my GA, my PSG. I would like to stay home for our kids!” Ano kaya yung MKA, GA, PSG?

 “Joelle, ang hilig mo talaga sa abbreviation, ang alam ko lang yung PSG – personal security guard, dahil si JX ang naging PSG mo mula ng umuwi siya from Canada. GA – guardian angel dahil si JX ang umalalay sa'yo nung namatay si Eric na dati mong nobyo. Ano naman yung MKA?” Namatay si Eric, dating nobyo ni Joelle? Iyon kaya yung trahedya sinasabi sa news dati?

It's just the same as MK – Mahal Ko but since husband ko na siya MKA na... Mahal Kong Asawa!”

Ah, ok! Ang dami niyo kasing tawagan. Nakakalito.” sabi ni Alex. Oo, nga ang dami. . . iyon pala ang ibig sabihin ng mga iyon.

Napakapit na naman ako sa ulo ko. May mga naririnig na naman akong boses. “MKA ka talaga, Mister M” sabi nung babaeng malabo ang mukha. “MKA? Mahal Kong Asawa ang ibig sabihin niyan, diba Misis M?” tumawa yung babae. “Hindi na ngayon, MKA- Manyak Kong Asawa!” tawa ulit yung babae “Ah, manyak pala, ha!” then they kissed passionately. Napasinghap ako ng hangin na parang ako ang humalik. Bakit ang mga tawagan nina Joelle at JX ang naaalala ko? Yung Mister M, Misis M, My Princess Wife, MKA! Ilan na lang ang kulang. . . Mahal Ko, GA, PSG na lang. Mukhang hindi naman alam ng media ang mga iyon dahil hindi nga alam ni Alex. Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ulit ang tinig ni Joelle.

Mas maganda yung marami kaming tawagan para unique kami, mas madaming alaala, kung sakaling makalimot man kami sa isa't isa. . . sana ipaalala ng mga tawagan namin. . . hindi tulad ng mga very common na babes or hon. . . ” malungkot pa rin niyang sabi. May katwiran si Joelle dahil abbreviation ang mga tawagan nila maaaring sila lang nakakaalam. Pero bakit ang tawagan nila ni JX ang mga naalala ko? Ganon ba kong ka-obssessed kay Joelle? Ganon din ba ang tawagan namin ni Princess? Pero Babes ang madalas na tawag sa kin ni Princess at hindi Mister M or MKA.

Tama ka nga, Joelle, dapat pala baguhin ko na rin ang tawagan namin ng honey ko!”

 “Kuya, gusto ko lang isigaw to. . . takpan mo na lang ang tenga mo”. . . sabi ni Joelle. “Ahhhhh, I MISS & LOVE YOU SO MUCH, JONAS HENDRIX MONTECILLO, Please wait for me . . . I'll be back!” Malakas niyang sigaw na nag-echo dito sa isla.

Jonas Hendrix Montecillo pala ang pangalan ni JX. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko parang sa'kin niya sinabi ang mga sweet words na iyon.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top