Chapter 1 - Where is JX Montecilllo?
Joelle POV
“JJJJJJJJJXXXXXXXXX!” malakas kong sigaw. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Bakit ko kaya isinigaw ang pangalan ni Mister M? Inaalala ko ang panaginip ko pero hindi ko matandaan.
Nakita ko sina Mama at Kuya Daniel na mabilis na pumasok sa silid ko. Tiningnan ko ang buong paligid. Hindi ito ang silid namin ni JX.
Si Mama niyakap agad ako. “Anak, salamat sa Diyos at bumalik ka na?” Huh? Bumalik na? Bakit naglayas ba ko? Eh, mukhang kagigising ko lang, ah. Tiningnan ko si Kuya na nag-aalala rin ang itsura, seryoso na naman. Gusto ko sanang magpa-cute para mapangiti ko siya. Pero. . .
“Nasaan ako?” mahina kong tanong. Mamaya na ang pagpapa-cute alamin ko muna kung nasaan ako. Palinga-linga pa rin ako sa paligid. Tiningnan ko ang sarili ko. Naka-sweater ako ng fleece, pajama, medyas. Bakit ganito ang suot ko, parang pang winter. . .kelan pa naging winter sa Pilipinas?
“Nandito ka sa bahay namin ni Ate Gel mo.” sabi ni Kuya. Bahay nila ni Ate Gel, di ba sa Canada sila nakatira? Bumili na ba sila ng bahay dito sa Pinas?
“Dito na ba kayo mag-se-settle sa Pinas, Kuya? Anong lugar 'to?” palagay ko may munting ngiti sa labi ko. May naramdaman akong konting saya sa dibdib ko na malaman dito na sila maninirahan sa Pilipinas. At least malapit lang sa'min.
“Dito pa rin sa Canada. Nakarating ka na dito dati, diba?” wala pa rin ka-ngiti-ngiti si Kuya na parang pinag-aaralan ang reaksiyon ko.
“Nasa Canada ko?” napabalikwas ako ng bangon. “Kasama ko ba ang asawa ko? Asan si JX?” lipat tingin ako kina Mama at Kuya. Nagkatinginan kasi sila. May itinatago ba sila?
“Mama, tulungan niyo po munang magbihis si Joelle.” sabi ni Kuya at lumabas ng silid. Si Mama, naghalungkat sa closet at inilapag ang napiling damit sa kama.
“Mama, asan ho si JX?” ulit ko sa tanong ko.
“Malalaman mo rin, halika tutulungan kitang mag-shower.” mahinang sabi ni Mama. Parang kinabahan ako sa ikinikilos ni Mama. Pero sumunod na lang ako.
Binuksan niya ang dutsa sa CR at kinapa kapa ang tubig na dumadaloy dito. Tinulungan ako ni Mama na alisin ang damit ko. “Mama, kaya ko na po ito. Hindi na ko bata para paliguan nyo pa.” Tumawa pa ko ng mahina. Si Mama napangiti pero lumabas na rin ng CR.
Ang sarap sa pakiramdam ang buhos ng maligamgam na tubig sa buong katawan ko. Matapos kong mag-shower. Naglagay ako ng lotion, nagsipilyo. Iisa lang ang sipilyo dito palagay ko akin it. Hello Kitty na kulay pula. Ha ha ha. Bakit parang na-miss kong mag-sipilyo? Nag-mouth wash rin ako!
Lumabas ako sa CR at pumasok sa silid na gamit ko. Isinuot ko ng damit na inihanda ni Mama na nasa kama. Itim na panty, itim na bra, itim at makapal na leggings, itim na medyas, at kulay gray (buti hindi itim) na sweater dress na gawa sa wool. Sumilip ako sa bintana. Wow! Nag-s-snow! Parang gusto kong lumabas at maglaro sa snow.
Lumabas ako ng silid at bumaba. Natatandaan ko na ang bahay na ito. Ilan beses na rin ako nakapunta dito. Ang una ay noon kasama ko si JX dahil kakukuha ko pa lang ng Permanent Residency visa ko. Then, from time to time, nagbabakasyon kami ni Mister M dito. Kahit na noon nag-aral ako ng 6 mos sa Harvard. Pumunta pa rin ako dito nung Christmas vacation. At nagbakasyon din si Mister M.
“Mama, Kuya puede ba kong maglaro muna ng snow sa labas?” para kong batang nagpapaalam.
“Mamaya na lang, anak. May pupuntahan tayo ni Kuya mo.” sabi ni Mama na naka-winter coat na. Gayon din si Kuya. Iniabot ni Mama ang isang winter coat at winter boots sa akin. Sa akin ang mga ito. Ito ang ginamit ko nung last Christmas na nagbakasyon ako dito. Iniwan ko na dito dahil hindi ko naman magagamit sa Pilipinas.
“Pupuntahan po natin si JX?” excited kong tanong. Asan kaya ang guapo kong asawa. Parang sobrang miss na miss ko siya. Pero hindi ako sinagot nina Mama at Kuya. Nagkibit-balikat na lang ako. Tumuloy kami sa garahe at sumakay sa SUV ni Kuya. New model ito ang Honda Pilot. Cool! Sa likod pumuwesto si Mama kaya sa passenger seat ako umupo. Ipinagbukas kasi ko ni Kuya ng pinto. Hi hi hi. Very gentleman talaga Kuya ko!
“Kuya, asan pala si Ate Gel at JD?” tanong ko kay Kuya. Seryoso siyang nag-mamaneho.
“Si Ate Gel mo nasa ospital na, may duty siya ngayon. Si JD nasa school na.” Oo nga pala, grade 2 na si JD, 7 years old na siya. Maghapon ang pasok dito sa Canada. Mamaya pang 3:30 PM ang labas non sa school. Anong oras na ba? 9:30 AM pa lang.
“Wala ka bang pasok ngayon, kuya?” tanong ko.
“Papasok na sana ko kanina bago ka nagising kaya nag-leave muna ko. Mas importante ang pupuntahan natin ngayon?” hindi pa rin ako nililingon ni Kuya. Ipina-park na ni Kuya ang sasakyan niya. Sumilip ako sa labas.
Nakita ko ang kulay asul na ospital. South Calgary Centre. Kaya pala malapit lang ang drive namin. Dito nagwo-work si Ate Gel. Susunduin siguro muna namin si Ate Gel.
Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto ulit gayon din si Mama at inalalayan niya kaming lumabas. He's a real gentleman and I'm proud that he is my Kuya.
Nag-abresiete ko kay Kuya at Mama habang naglalakad kami papasok sa ospital. Naupo kami ni Mama sa mga upuan na nasa waiting area. Si Kuya may kinausap sa reception, maya-maya, nakita ko si Ate Gel. Kumaway siya sa akin. Naupo rin si Kuya sa tabi ko. Parang na-miss ko rin si Kuya, ihinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya ko at ngumiti ng matipid sa akin.
“Ayan, nakangiti ka na!” sabi ko at nag-puppy eyed pa ko. Para lalo siyang mapangiti. And it's a success! Dahil nakita ko na ang maputi at pantay pantay niyang ngipin.
“Ang kulit mo, Princess!” Hinapit niya ko payakap sa kanya. “Everything's gonna be okay!” mahina niyang bulong na parang sa sarili lang niya sinasabi pero narinig ko dahil nakayakap siya sa kin.
“Joelle? Who is Joelle?” tawag ng isang mukhang Filipina na mukha rin nurse. Tumayo kaming tatlo nina Mama. Gusto ko sanang paupuin sina Mama at Kuya dahil hindi naman sila si Joelle. Ako lang kaya!
“Hi, Daniel.” bati nung babaeng mukhang nurse kay Kuya. Dito nga rin pala nagti-trabaho si Kuya.
“Hi, Lyn.” Bati ni Kuya sa nurse. “Siya si Joelle, sister ko at si Mama ko.” akbay akbay pa rin kasi ko ni Kuya at katabi namin si Mama.
“Ahhh! Hi Joelle, hi po!” magalang na bati nung nurse na mukhang masayahin. Ganda kasi ng ngiti niya lalo na kay Kuya. Nginitian siya ni Mama.
“Hi!” matipid ko ng bati.
“Sa Room 301. Iniintay na kayo ni Dr. Baker.” sabi nung nurse at nagpaalam na rin. Dr. Baker? Ospital 'to ah, hindi naman ito bakery shop!
Lumakad kami papunta sa elevator at pinindot ni Kuya ang button na naka-sulat ay 3. Pumasok kami sa Rm. 301. nandon na yung nurse na tumawag sa'kin kanina, si Lyn. Wow, ang bilis niya. Nag teleport ba siya? Pinaupo niya kami sa sofa na nasa waiting area. Si Kuya pumasok sa isang room. Binasa ko yung Diploma na nakasabi sa dingding.
“Dr. Aimee Galang-Baker, Psyshiatrist” Bakit kaya kami nandito? Akala ko susunduin lang namin si Ate Gel. Intay muna daw kami dito.
Daniel POV
“Daniel, tell me what happened to Joelle after she woke up this morning.” Si Dra Aimee Galang-Baker, ay isang Psychiarist. Filipina rin siya pero dito na siya nagpi-practice ng propesyon niya. Doctor din siya sa Pilipinas pero kailangan niyang mag-upgrade dito. Isa siya sa malapit na kaibigan namin ni Gel dito sa ospital at siya ang doctor ni Joelle for the past month. Kanina tinatawagan ko agad siya para mag-set ng immediate appointment. Mabuti naman at after lunch pa ang appointment niya. Kaya na-accomodate niya si Joelle ngayon.
“Narinig namin ang malakas niyang sigaw na tinatatawag ang pangalan ng asawa niya, si JX. Nagulat siya na malaman nandito siya sa Canada. Sabi ni Mama, hindi na nagpatulong si Joelle sa paliligo at pagbibihis. Habang nag-di-drive ako, normal siyang nakikipag-usap sa'kin pero nagtataka siya at lagi pa rin itinatanong kung asan ang asawa niya. Naramdaman ko pa rin ang pagiging sweet ng kapatid ko at ang kakulitan niya. She seems to be back to normal except she didn't remember what happened to her husband!”
“At it's a good sign na nakaka-usap na natin siya unlike before that she never talks at all. Let me talk to her!” sabi ni Aimee.
Lumabas kami sa waiting are kung saan naka-upo sina Mama at Joelle. Ngumiti si Joelle nung makita ko.
“Princess, siya si Dr. Aimee Baker, natatandaan mo ba siya?” pakilala ko kay Joelle. Tumingin siya kay Aimee.
“Good morning po, Dra! Ngayon ko lang po kayo nakita, kaya pasensiya na po kayo at hindi ko kayo matatandaan. Pasensiya na rin po kayo sa tanong ng Kuya ko. Mukhang inaantok pa po siya! At pasensiya na rin po kung tinatagalog ko kayo. Mukha naman po kasi kayong Filipina. Naintindihan niyo po ba ko? Kung hindi po i-inglishin ko na lang po!” parang gusto kong matawa at mahiya sa sinasabi ng kapatid ko. Pero iyan talaga ang normal niya. Very specific na siyang sa pagsasalita niya mula ng mag-asawa siya, ayaw niya ng paligoy ligoy.
Ngumiti naman si Aimee sa kanya. “Oo, Joelle, Filipina ako at inintinihan kita. Gusto sana kitang maka-usap ngayon. Halika don sa silid.” Tumingin si Joelle sa akin na parang nagtatanong pero walang sinabi. Nginitian ko lang siya at sumunod naman siya kay Aimee.
Kami ni Mama, pumasok sa observation room. May malaking salamin sa harap namin at nakikita namin si Aimee at Joelle. Naririnig din namin ang usapan niya. Pero sa kabilang silid. Hindi mo aakalain na may nanonood sayo. Parang sa interregation room sa mga police station.
“Joelle, can you tell me your whole name, please?” unang tanong ni Aimee.
“Joanne Marielle Martinez Mateo – Montecillo po.” pati ang middle name namin sinabi rin.
Naka-video rin ang session na ito ni Joelle at lahat ng session niya mula nung una namin siyang ikonsulta kay Aimee.
“How old are you right now?”
Medyo nag-isip siya pa siya. “25 turning 26 on February 8 po.”
“Do you know what day is it today?”
Nag-isip na naman si Joelle. “I'm sorry, I don't know. Anong araw po ba ngayon?” siya naman ang nagtanog kay Aimee.
“It's Friday!” sabi ni Aimee. “Do you know what date is it today?” tanong ulit ni Aimee
Hinawakan ni Joelle ang ulo niya. “I'm sorry po, hindi ko pa alam. Dra. Mawalang galang na po. Bakit ako po ang tinatanong ninyo? Tingnan nyo na lang po sa calendar nyo.” sabi ni Joelle.
Hay! Ang kulit ni Princess. Umiral na naman ang pagiging pilosopo!
Ngumiti lang sa kanya sa Aimee. “Today si February 14. So you are 26 years old already.” mahinahon sabi ni Aimee.
Pero biglang namutla si Joelle. “February 14 po ngayon? Wedding Anniversary namin ni Mister M ngayon. Pero bakit naging February na po agad? Di po ba December pa lang po? Nagkakamali po ata kayo doktora. Pina-excite nyo naman po ako bigla. Buti na lang naalala kong December pa lang.” sabi ni Joelle na ngayon ay nakangiti ulit.
“Tell me what is the last thing that you remember bago ka nagising kanina?” tanong ni Aimee.
“Po?” Nag-isip si Joelle medyo may katagalan? “Hindi ko po maalala!” hinawakan na niya ng dalawang kamay niya ang ulo niya na medyo sinasabunutan yung buhok niya.
“Relax, Joelle, sabi mo kanina February 14 is your Wedding Anniversary with Mister M. Sino si Mister M sa buhay mo?”
Ngumiti si Joelle. “Dra. Nasa “the Buzz” po ba tayo? Kala ko po doctora kayo baka naman celebrity reporter po? Ambush interview po ba ito? Asan po mga camera?” maraming tanong ni Joelle.
Mahinahon lang ang anyo ni Aimee. “Uulitin ko ang tanong Joelle, sino si Mister M sa buhay mo?”
Nagseryoso namang si Joelle. Napansin niya siguro na seryoso rin si Aimee. “Si Mister M po si JX Montecillo po. Mahaba po kasi ang Montecilllo kaya ginawa ko na lang po M. Mahilig po kasi ko sa abbreviation. Si JX po ang asawa ko. Asan nga pala si JX? Dra. Marami pa po ba kayong tanong? Hinahanap ko po kasi ang asawa ko, pupuntahan po namin siya ni Kuya.”
“Saan mo pupuntahan si JX? Alam mo ba kung asan siya?” tanong ulit ni Aimee.
“Hindi ko nga po alam, kaya tinatanong ko kayo or si Kuya. Akala ko sasamahan niya ko kay JX. Puede na po ba kong umalis? Hahanapin ko pa ba siya or tatawagan ko po. Nandito rin po ba siya sa Canada or sa Pilipinas? Kailangan ko pong maka-usap ang asawa ko. Miss na miss ko na po ang asawa ko. Please po doctora, paalisin niyo na po ako.” Medyo naiiyak na siya at parang maghi-hysterical na.
“Calm down, Joelle! I'm helping you here to know where your husband is. Can you bear with me?”
Tumahimik naman siya at tumingin ulit kay Aimee.
“Joelle, nakikita mo ba itong hawak ko?” Tumingin si Joelle sa hawak ni Aimee.
“Opo, ano po iyan, medallion? Masasabi po ba niyan kung asan si JX?”
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top