M 9: Jenie's Game
Chapter 9:
Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang sumapi kay Jenie at talagang nagyaya pang makipaglaro habang umiinom ng alak.
Balak niya yatang magpakalasing with a twist. At saan naman niya napulot ang alak? Malamang siguro kay Sir Jayson na isang lasenggero.
Pero mas lalong hindi ko maintindihan si Master Zef dahil talagang sinakyan pa ang kalokohan ng estudyante niya. Feeling ko ako ang na-highblood sa nakikita ngayon.
Nandito na kami sa bleachers ni Honey kasama ang ibang mga kaklase habang pinapanood sina Jenie. Dalawang bote ng alak ang dala niya. At dahil siya ang may gusto ng laro ay siya na rin ang pumili ng makakalaban.
Pinili niya 'yong isang lalaki na may isang piercing sa tainga. By the looks of it, mukhang hindi rin basta-basta ang lalaking makakalaban niya. Pero sa pagkakataong ito, tila hindi nagustuhan ng lalaki ang balak ni Jenie. Pero wala siyang nagawa dahil parang siya iyong tipo na walang inaatrasang laban.
Lumapit sa kanila iyong lalaki at kumuha ng pana at palaso. May pinag-usapan sila ni Jenie na tila nag-aasaran base sa hitsura nila. Si Master Zef ang taga-bantay nila.
"I can't believe this. Talagang ang rank 6 ang pinuntirya niyang kalabanin. Jenette is really a crazy bitch," dinig kong komento ng isang kaklase namin sa gilid.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Rank 6?
"It's no big deal. Parehas naman silang nasa top 10. Isang rank lang naman ang lamang ni Kier kay Jenie," tugon naman ng isa.
"I wonder, what she is up to now?"
"I don't know. No one knows her plan. But I think she is aiming to claim Kier's rank."
"Talagang hindi pa siya satisfied na nasa rank 7 siya."
Lalong kumunot ang noo ko sa narinig. Ibig sabihin, rank 7 si Jenie? Gano'n siya kalakas?
Muli akong napalingon sa dalawang tao na nasa harapan. They are now starting the game. Unang tumungga ng alak si Jenie saka pinuntirya ng pana ang board. Malayo ito pero tinamaan niya pa rin ang maliit na bilog.
Hindi ko mapigilang mamangha. Ang galing niya.
Sunod naman si Kier na gano'n din ang ginawa. Katulad ni Jenie ay tinamaan niya rin ang maliit na bilog. Hindi na yata basta-bastang laro ang mangyayari, ah.
"I wonder, sino kaya ang mananalo sa kanila?" bulong ni Honey saka lumingon sa akin. Hindi ko malaman kung nag-aalala ba siya o ano base sa reaksyon niya.
Hindi na ako sumagot. Hindi ko rin naman din kasi alam.
Nagpatuloy ang laro. Nakailang ikot na sila ng tagay at masasabi kong may mga tama na sila. Naubos na nga ang isang bote at lagpas kalahati na rin iyong natira.
Medyo tipsy na si Jenie pero si Kier ay lasing na. Pero hindi pa rin no'n nababawasan ang galing nila sa archery. Kahit lasing ay nagagawa pa rin nilang tamaan ang maliit na bilog.
"What now, Kier? Kaya mo pa ba?" nang-aasar na tanong ni Jenie sa katunggali na ngayon ay papikit-pikit na ang mata.
"S-Shut up! I am strong and brave, you know?" sagot naman ng isa na hindi na ma-i-balanse ang pagkakatayo.
"Sumuko ka na kasi. Alam ko namang matatalo kita," hagikhik ni Jenie.
"M-Matatalo mah ass! Y-You can nevah get mah rank!"
"Well, let's see about that." Muling ngumisi si Jenie at saka uminom ng alak. Pinuntirya niya ang maliit na bilog na agad namang tumama ang arrow.
Pagkatapos niyang gawin iyon ay si Kier naman ang sumunod. Uminom ito ng alak saka hinawakan ang bow and arrow. Kahit pasuray-suray na ang tayo ay pinilit niya pa ring i-balanse ang pagtutok ng pana sa board.
Pero mukhang hilong-hilo na siya dahil napapailing na niya ang kanyang ulo. Nakailang kurap na rin siya habang nanginginig ang mga kamay.
Maya-maya lang ay nagulat kami nang bigla niyang ibinaling sa iba ang pana na hawak— kay Jenie na ito mismo ngayon nakatutok!
A-Anong—?
"Y-You will nevah win against me—"
Biglang bumulagta si Kier. Hindi niya naituloy ang binabalak dahil doon.
Agad na lumapit si Master Zef at tumalima sa ngayong lasing na si Kier.
Napanganga na lang kami sa nakita. Samantala, malaki naman ang ngisi sa labi ni Jenie, ngising tagumpay.
"Jenie planned this game." Napatingin ako kay Honey nang magsalita siya.
"What do you mean?"
"She purposely brought the alcohol drinks and invited Kier as her opponent in order to win. She hit his weakness which is the alcohol tolerance."
Natahimik ako sa sinabi niya at muling nilingon si Jenie.
Tama siya. Mukhang planado nga ito ni Jenie.
Dahil ba sa gusto niyang maagaw ang puwesto ni Kier o may iba pang malalim na dahilan?
***
Kinabukasan. Gaya ng nakagawian ay maaga akong gumising para ihatid ang breakfast ng presidente.
"Where are you going?" Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumulpot si Thricia sa lobby. Dala niya pa rin ang paborito niyang notebook at ballpen.
"Oh, hi! Gising ka na pala..." puna ko saka ngumiti sa kanya. "Pupunta ako sa cafeteria."
Agad umarko ang kanyang kilay. "You will go there alone? Nasaan ang so-called friend mo?"
"Hindi ko na siya inabala. Kailangan ko kasing maihatid ang breakfast ni Chief Laurent bago mag-7."
"Chief Laurent?" Kumunot ang noo niya. "And why would you deliver his breakfast? I didn't know na may personal delivery girl na pala siya ngayon. Worst, from his cluster member pa."
"Is there a problem with that?" tanong ko pa.
"Wala naman. Just be careful everytime you are around with him." Saka siya umalis at naiwan akong nagtataka.
Nagkibit-balikat na lang ako saka dumiretso sa cafeteria. Gaya ng nauna kong in-order ay isang egg-sandwich ang pinili ko saka isang brown coffee.
Pagdating sa office ay naabutan ko na ang mga lalaki na halatang kakagising lang din. Nang makita nila ako ay agad na napangisi si Dwiey samantalang sinundan lang ako ng tingin ni Vincelee.
Dumiretso ako sa table ni Chief Laurent kung saan may binabasa na naman sa isang papel.
"Breakfast mo po, kamahalan," sarkastikong sabi ko saka inilapag ang tray.
Nag-angat naman siya ng tingin sa akin kaya naman ay tumalikod na agad ako at umalis.
Hindi pa naman ako nagugutom kaya napagdesisyunan kong dumiretso na lang muna sa klase.
Pero habang naglalakad sa corridor ay nagulat ako nang may biglang ballpen ang tumama sa braso ko. Sa sobrang lakas ng impact ay napasigaw ako.
Ang sakit! Shit! Sino bang naghagis—
Natigilan ako nang may babae ang biglang humarang dinaraanan ko. Apat sila at hindi ko kilala. Pero lahat sila ay galing sa Lake cluster.
Nakaramdam ako bigla ng kaba lalo na nang palibutan nila ako at binigyan ng nakakakilabot na ngisi. Sa unang tingin, aakalain mong isa silang member ng cheerdance dahil na rin sa look at style ng damit.
"So, this is the girl who caught Martin's attention, huh?" sabi ng babaeng nasa gitna at nakahalukipkip sa akin. May pikas ang isa niyang kilay. Halatang sinadyang gawan ng style para magmukhang siga.
"S-Sino kayo?" kinakabahang tanong ko.
"Ako? Ako lang naman si Jennifer Balones, ang girlfriend ni Martin," matigas na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.
Girlfriend ni Martin? So, ibig sabihin, kung girlfriend niya ito ay malamang isa rin itong bully!
Oh, no!
"A-Anong kailangan mo sa 'kin?" kinakabahang tanong ko pa.
"Kailangan ko? I want you dead. Can you do that?" Ngumisi siya sa akin. Ako naman ay lalong kinabahan.
"W-Wala akong ginagawang masama sa iyo kaya iba na lang pag-aksayahan mo ng oras," sabi ko at nilagpasan sila.
Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay muli niyang hinila ang braso ko pabalik sa kinaroroonan ko.
"Hindi pa ako tapos sa iyo kaya wala kang karapatang mag-walk out!" biglang sigaw niya dahilan para halos mapatalon ako sa pagkagulat. Kaagad rin naman akong hinawakan ng mga kasama niya sa magkabilang braso.
Lumapit siya sa akin saka hinawakan ako sa mukha.
"My boyfriend wants to play with you. He always mention your name everytime we are together. Lagi niyang sinasabi kung paano ka niya gustong makuha at paglaruan. He didn't realize it yet, but I am already jealous! I don't want any other woman to interfere with our relationship, you retard!"
Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mukha ko. Halatang gigil na gigil.
"B-Bitiwan mo ako! Wala akong pakialam sa boyfriend mo—"
Nagulat ako nang sinampal niya ako.
"I hate it when someone talks back at me!"
Natigilan ako sa sinabi niya. May naalala kasi ako.
Parehas sila ng sinabi sa akin ni Ella bago siya mamatay.
"I'm warning you. Isa pang lapit mo sa boyfriend ko ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka."
Saka niya ako pinakawalan.
Napaupo na lang ako sa sahig dala ng panghihina at takot.
Oh, goodness!
Bakit ako nilalapitan ng gulo?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top