M 7: Punishment

Chapter 7:

Kaagad na lumapit si Chief Laurent sa bangkay ng babae at ininspeksyon ito. Maya-maya lang ay tumingala siya sa building.

"Looks like she committed suicide," puna ni Vice President Dwiey na nasa tabi ni Chief Laurent.

"Puwede ring hindi," dagdag naman ng Sergeant at Arms na si Vincelee.

"Alin man sa dalawa, damn it! My member again?!" naiinis na sigaw ni Dreyah.

"Calm down, Dreyah." Lumapit ang auditor na si Julie Rose sa kanya at hinawakan ang braso nito. Sa hitsura niya ay para siyang babaeng hindi makabasag-pinggan. Kalmado, maamo ang mukha at halatang very maingat. Idagdag mo pang ang ganda niya at nakakabighani talaga ang appeal.

"I'll swear, mapapatay ko kung sino man ang gumawa sa kanya nito!" muling saad ni Dreyah saka kinuyom ang kamao.

Napayuko na lang ako at kagat ang labi na umatras. Pero nagulat ako nang may biglang kamay ang humablot sa akin at kinaladkad ako paalis ng lugar.

"S-Sandali! Bitiwan mo ako!" natatarantang sigaw ko at sinubukang makawala sa pagkakahawak niya. Pero potek naman! Ang lakas niya!

"S-Saan mo ba ako dadalhin?" muling tanong ko nang makitang pumasok kami sa isang building. "Hoy! Chief Laurent! Bitiwan mo ako sabi!"

Pero hindi siya sumagot. Bagkus ay dumiretso kami sa SC Office at agad itong binuksan. Ni-lock niya ang pinto na siyang lalong nagpakaba sa akin saka kumuha ng upuan at hinila ako paupo roon.

Tumayo siya sa harapan ko habang nakapamulsa. Mataman niya akong tiningnan bagama't wala 'yong reaksyon.

"A-Ano na naman bang kailangan mo? Sisisihin mo na naman ba ako sa pagkamatay ng babae na iyon?" sabi ko at tiningnan siya ng masama. "Uunahan na kita. Hindi ako ang pumatay sa kanya at wala akong kinalaman sa pagkamatay niya, okay? Inosente ako, inosente!"

Bahagya siyang napangisi sa sinabi ko. Tila naaliw. Ginagawa niya yata akong clown!

"I'm not thinking of that."

"Kung gano'n, bakit ako nandito?" takang tanong ko.

"What do you think?" Muli siyang ngumisi at saka sumandal sa mesa habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang sa paraan ng tingin niya.

"H-Hindi ko alam sa 'yo!" Umiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi kung makatingin siya ay parang hinahalukay niya ang buong katawan ko?

"I thought you will bring here the person who killed Ella. I was waiting for you, Ms. Cabunci."

Muli akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Nagsimulang umusbong ang kaba sa aking dibdib.

Don't tell me...?

"My only mistake is that I did not give you a deadline. Now it's too late to capture the suspect." Naglakad palapit sa akin si Laurent. Ako naman ay hindi makatingin sa kanya. Feeling ko guilty ako kahit hindi naman.

"Don't you know that I hate people who do not fulfill their promises?" muling sambit niya saka naglakad palibot sa akin. Napahigpit na lang ako ng hawak sa palda dahil sa kaba.

Hindi ako gano'n katanga para hindi mahalatang alam niya kung sino ang pumatay kay Ella.  

"I was thinking of a punishment suitable for your mistake."

Huminto siya sa harapan ko. Ako naman ay muling napatingin sa kanya  na may gulat sa mukha.

"P-Punishment?"

"But since it was just a mild mistake, I will give you an easy punishment." Bahagya siyang ngumisi sa akin. Pero ang ngisi na iyon ay nagbigay ng kilabot sa buong sistema ko.

"A-Anong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko.

"I'll give you two choices. You will clean all the building's floors for 1 month or..." Tumingin siya sa mga mata ko dahilan para mapalunok ako. "You will follow all of my command and demand everyday."

Agad akong nag-react sa sinabi niya.

"N-Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Who says I'm kidding?"

"Seriously? 1 month to clean all the building's floors? All building?! For goodness sake, mahigit lima ang building dito at puro matataas pa! Iyan ba ang easy para sa iyo?" pagrereklamo ko pa.

"That's why I am giving you another option."

"Ayoko." Humalukipkip ako at umiwas ng tingin. Bahala siya diyan! Hindi ko gagawin ang gusto niya lalo na ang pangalawa! Heck, follow his command and demand everyday? Malapit na sa pagiging alipin iyon! Makita ko pa nga lang siya ay nanginginig na ang tuhod ko sa kaba tapos ito pa gusto niya.

No thanks! Mahal ko pa buhay ko!

"It's just simple, lady," nakangising sambit niya. "If you don't want to clean all of the buildings, then why not choose the latter one?"

"Follow your demand? Hell, no," tugon ko.

"Ang tigas ng ulo mo, you know that? I'm not asking you to be my pet or slave. All you have to do is to deliver my breakfast, lunch, and dinner. Also, you will help me with some things here in the office. Mahirap bang gawin iyon?"

Napatingin ako sa kanya. So, gagawin niya akong delivery girl?

"Ayoko pa rin," sabi ko at umiwas ng tingin. Makikita ko pa rin siya no'n kaya never!

"Really?" Tinaasan niya ako ng kilay. "You still won't follow my command? My punishment? Then what about... if I give you a severe punishment? Perhaps torture? Or a little play..."

Lumapit siya sa mesa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may kinuha siyang isang calibre mula sa kabinet at inasinta ito.

"A-Anong gagawin mo?" natatarantang tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay nangilabot na ako sa uri ng tinging ibinigay niya. Para akong pinapatay sa malamig niyang mga mata.

Maya-maya lang ay bigla niyang itinutok sa akin ang baril na siyang lalong ikinatakot ko.

"P-Papatayin mo ba ako?" natatakot tanong ko.

"No. But someone will do it for me. Someone who is closed to your heart." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "I will give her 3 chances to pull the trigger. Kapag tinamaan ka, patay ka. Kapag hindi naman, you are lucky."

Napakuyom ang kamao ko saka sinamaan siya ng tingin.

"You. Demon!" Akmang susugurin ko siya pero pinigilan ko ang sarili. Hindi ako dapat pumapatol sa mga kalokohan niya.

Imbis na mainis ay ngumisi lang siya sa akin. Ngisi na nakakakilabot. "Yes, I am a demon. That's why I am the president. No one angel could reach this position."

Natahimik ako sa sinabi niya. May punto kasi siya.

"Still, I'm giving you the option. It's up to you now." Muli siyang lumapit sa kanyang mesa at sumandal saka tiningnan ang relo. "I'm giving you 1 minute to think. Your time starts now."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano? Hoy—"

"59 seconds."

"Teka sandali lang—"

"57."

"Ang bilis naman—"

"55."

"Napakadaya mo!"

"50."

Napapikit na lang ako nang mariin. Argh! Nakakainis naman ang presidente na ito!

Hindi man lang ako binigyan ng mahabang minuto para mag-isip! Talagang paspasan, e, 'no?

Sinasadya niya akong i-pressure! Kainis!

"Fine!" Bumuntong-hininga na lang ako saka sinalubong siya ng tingin. Wala na. Suko na ako. In the end ako pa rin naman ang talo sa aming dalawa.

"I will clean all the building's floors."

Napangisi siya sa sinabi ko. "Good. Your punishment starts today."

Oh, god! Remind me to pull his eyeballs after this shit!

***

Nandito ako ngayon sa loob ng cafeteria, nagma-mop ng sahig. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-luksa sa nangyari kay Tifany at Ella. Well, kahit naman masama ang ugali nila ay tao pa rin sila at may damdamin.

Nakakalungkot lang isipin na idinaan niya sa suicide ang mga nangyari. Hindi naman kasi nasusulusyunan ang problema sa pagpapakamatay. She did not deserve to die. No one does.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa paligid.

Lunch time na ngayon kaya naman ay marami nang tao sa paligid. Pero heto ako, pagod na nga dahil kanina pa ako naglilinis mula sa corridor ay gutom pa. Wala yata akong balak pakainin ng buwisit na presidente na ito!

At ang abnormal naman ay nakaupo sa mesa kasama ang mga SC officials habang masayang kumakain ng lunch nila.

Hindi ko tuloy mapigilang mainis lalo na kapag may dumi na namang bumabakat sa sahig galing sa mga tao. Ang totoo niyan ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang iba ay pinagtatawanan ako, ang iba naman ay sinasadyang dumihan ang mga nilinis ko. Talagang inaasar nila ako.

Isa pa sa nakapag-agaw atensyon dito sa loob ay ang grupo ng SC Officials. Oo, agaw-atensyon sila ngayon dito. Paano, ngayon lang pala sila kumain dito sa cafeteria. Lagi raw kasi silang hinahatiran ng pagkain sa opisina nila at madalang lang magpakita sa mga tao! Paano ko nalaman? Malamang doon sa babaeng tindera.

Feeling ko nga lalong ginanahan kumain ang mga tao rito lalo na ang mga babae. Sa katunayan ay sumikip ang cafeteria sa dami ng tao. Fully loaded kumbaga! Paano, may vitamins sa paligid. Ang ilan naman ay natahimik at natakot lalo na ang mga lalaki. Miski nga si Martin na nandito ay hindi nam-bully o gumawa ng ingay. Tila naging maamong tupa siya ngayon pero pasimple naman niyang tinapon ang pagkain sa sahig saka binigyan ako ng nang-aasar na tingin.

Okay, cancel ang pagiging maamong tupa niya. Isa pa siyang dagdag ng sakit sa ulo!

"I still can't believe na dito tayo ngayon kumakain sa cafeteria. I thought allergic sa mga tao si Chief," natatawang saad ng VP na si Dwiey habang napapailing. "Oh, well. It's fine with me. Atleast marami na naman akong chicks na napapasaya sa aking presensya."

Ngumisi ang loko saka kumaway sa grupo ng mga babaeng kanina pa sila tinitingnan. Nagulat pa nga ang mga ito dahil sa ginawa ni Dwiey saka impit na napapatili. Halos mahimatay na sila nang kindatan sila ng walanghiya!

"Shut up, moron. Inuuna mo na naman ang kalandian mo," irap sa kanya ni Dreyah na umiinom ng juice.

"Says the one who have a suitor. Hindi ko sinasabing Patrick ang pangalan," nakangising tugon ng isa.

Agad naman siyang hinagisan ng tinidor at mangkok na walang laman ni Dreyah. Pero walang kahirap-hirap niya itong sinalo kaya inirapan na lang siya ng huli.

"I think this one is better," komento ng isa pa nilang kasamang lalaki na si Vincelee saka inabot kay Dreyah ang isang patalim. "Promise, I won't torture you for your punishment the moment you kill him."

"Fuck you, dude!" mabilis na anas ni Dwiey.

"Oh, thank you for this," nakangising saad ni Dreyah saka akmang ibabato kay Dwiey ang patalim pero agad siyang napigilan ni Julie na umiiling-iling at ininguso ang kaharap na presidente.

Doon na ako napabaling ng tingin sa kanya. Laking gulat ko nang makitang nakatitig pala siya sa akin. Dali-dali akong nagpatuloy sa pagma-mop at tumalikod.

Feeling ko nagkarambola ang sistema ko sa paraan ng paninitig niya. Potek naman. Bakit ba kasi siya nakatitig sa akin? Binabantayan niya ba ang bawat kilos ko?

"Alyana!" Napalingon ako kay Honey nang lumapit siya. Kakatapos lang niya kumain. Sana lahat. Ako kasi mamamatay na yata sa gutom.

"Gusto mo bang tulungan kita?" pag-aalok niya. Nag-aalala ang mukha niya.

"Hindi na. Kaya ko na ito, salamat," ngiti ko.

"Pero hindi ka pa kumakain. Sige na, kumain ka muna. Ako na muna rito." Kinuha niya ang mop na hawak ko.

"S-Sure ka ba?" nag-aalangang tanong ko. Ngumiti naman siya saka tumango.

"Oo naman. Kaya ko ito. Sige na, kumain ka na."

"P-Pero..." Napabuntong-hininga ako nang kumalam ang sikmura ko. "Sige na nga. Salamat, Honey—"

Halos manlamig ako sa gulat nang biglang may punyal ang dumaan sa gitna namin ni Honey. Miski ang ibang taong nakakita ay natahimik. Agad kong sinundan ang pinanggalingan nito.

Gano'n na lamang ang takot at gulat na namutawi sa mukha ko nang makita ang mukha ni Chief Laurent na ngayon ay salubong ang kilay at naniningkit ang mga mata. Sa uri ng tingin niya ay tila hindi niya nagugustuhan ang nakikita at tila binabalaan niya ako.

Napalunok na lang ako saka muling bumaling kay Honey at inagaw pabalik ang mop na hawak.

"A-Ah, hindi pa pala ako gutom!" pahapyaw akong tumawa sa gulantang niyang mukha. "Sige na, mauna ka na sa klase. Sunod na ako!"

"P-Pero—"

"Goodluck sa klase!" sabi ko saka tinulak siya palayo. Wala na siyang nagawa kundi ang bigyan ako ng nakakaawang tingin bago lumabas ng cafeteria.

Muli kong nilingon ang presidente na ngayon ay tumayo na rin at umalis ng lugar na agad namang sinundan ng mga kasama niya maliban kay Dreyah na agad nilapitan ni Patrick.

Napapadyak na lang ako sa inis. Buwisit talaga na Chief iyon!

Inabot ako ng ilang oras bago nalinis ang buong cafeteria. Kung wala nga siguro si Dreyah sa paligid ay malamang inabot ako ng gabi sa paglilinis. Paano ba naman, kahit oras na ng klase ay sinadya pa ring magpaiwan ni Martin at ng grupo niya para asarin ako.

Nakailang ulit silang bili ng mga pagkain sabay ilalaglag sa sahig na talaga namang nagpapainit lalo ng ulo ko. Pero ang loko, kung hindi ako ngingisihan ay bibigyan naman ako ng nagbabantang tingin.

Hindi na lang ako umimik kahit nasa 000.1 na lang ang natitirang pasensya ko.

Kung hindi lang din ako takot na ma-bully niya ay malamang kanina ko pa siya sinipa sa inis.

Pagkatapos sa cafeteria ay CR naman ang nilinis ko. Pero laking gulat ko nang maabutan ang CR.

Sobrang dumi ng paligid! Nagkalat ang mga basura at nagbaha ng tubig!

Shit naman! Parang gusto ko na lang maiyak sa inis. Gusto kong murahin ang sinumang nanadya na gawin ito sa akin.

At dahil masyado na akong pagod at gutom ay napagpasyahan kong hindi iyon linisin. Bahala sila diyan!

Inuna ko na lang ang second floor na CR. Pero pagdating ko roon ay ganoon din ang tumambad sa akin. Sa katunayan ay mas malala pa ito kaysa sa naunang CR.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang galit. Gaya ng naunang CR ay hindi ko rin ito nilinis. Umakyat ako sa 3rd floor at inuna ang CR doon.

Pero kagaya rin ng nauna ay sobrang dumi rin dito! Mas triple pa nga kaysa sa 2nd floor!

Potek naman! Ano ba ito? Bawat floor ay level up din ang dumi?

At sino naman ang may pakana nito?! Napakuyom ako ng kamao nang maalala si Martin. Malamang siya siguro ang gumawa nito! Siya lang naman ang bumu-bully sa akin, e!

Napaiyak na lang ako sa inis saka padabog na itinapon ang mop at walis.

Ayoko na! Suko na ako! Ayoko na talaga!

Hindi ko na kaya ito!

Nagmartsa ako papunta pabalik sa SC Office at walang anu-ano'y padabog na binuksan ang pintuan.

Lumikha iyon ng malakas na ingay na talaga namang nagpagulantang sa lahat ng tao na nasa loob.

Dumiretso ako kay Chief Laurent saka hinampas ang mesa niya.

"Ayoko na! I'll change my mind!"

Agad kumunot ang noo niya. Pero maya-maya pa ay unti-unti ring sumilay ang nakakakilabot niyang ngisi.

"I'll choose the second option!" sabi ko saka tumingin sa mga mata niya. "I'll choose to be your d-delivery girl."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top