M 6: Ella's friend
Chapter 6:
Today is another day. I'm just glad that I did able to escape Martin's play yesterday. Thanks to Jenie and Master Colleen.
Simula no'ng dumating siya kahapon ay natahimik ang buong klase. Lahat ay tila naging maamong tupa sa kanyang harapan. Well, sino ba namang hindi magiging mabuting estudyante kung hahagisan ka ng espada kapag nakikipag-tsismisan ka sa katabi mo at hindi nakikinig? That's how kind she is.
Mabuti na lang at hindi niya rin kami binigyan ng skill test sa unang klase kaya nakahinga ako ng maluwag.
Wala kaming morning class ngayon kaya naman ay napagpasyahan ni Honey na pumunta sa library muna. Ako naman ay naglibot-libot sa paligid para makahanap ng taong tutulong sa akin sa pag-i-imbestiga sa pagpatay kay Ella.
Hays! Sa totoo lang hindi ko alam kung paano magsisimula. Wala naman kasi akong alam na—
Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang punyal ang dumaan sa harap ko. Tumama ito sa pader. Kung hindi pa ako nakahinto ay malamang tinamaan na ang braso ko!
Agad kong sinundan ang may gawa. Gano'n na lang ang gulat at pagtataka ko nang makita si Thricia na papalit sa akin.
"Ikaw ang naghagis ng punyal sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Kinuha niya muna ang punyal bago muling humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Yes. May problema?" mataray na tugon niya.
"At bakit mo naman ginawa iyon?" muling tanong ko dahil hindi ko nagugustuhan ang ginawa niya. I am not a toy!
"I'm just testing your reflexes." Inirapan niya ako. "Isa pa, sinabihan na kita noon. Always be alert. And in this case, mukhang hindi ka pa rin nag-i-improve. Hindi ka tatagal dito kung palagi kang ganyan."
Muli siyang tumalikod at umalis. Pero muli siyang huminto at bumaling sa akin.
"Anyway, if you are looking for someone to help you with your so-called little investigation, go and ask one of Ella's friend."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"P-Paano mo nalamang—"
"I am not blind, Alyana. Hindi rin ako tanga. Duh?" Muli niya akong inirapan bago tuluyang umalis.
Naiwan tuloy akong nakasunod ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ayaw ba sa akin ni Thricia kaya ganyan siya makitungo o sadyang mataray at suplada lang siya?
Anyway, malaki pa rin naman ang naitulong niya sa akin kaya ayos lang.
And then it came to my senses. Ella and her friends are part of the Tiger Cluster. So, malamang puwede kong makausap ang isa sa kanila sa dorm nila!
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Agad kong tinungo ang dorm ng mga Tiger Cluster. Hindi naman ako nabigo dahil saktong pagkarating ko ay siyang paglabas naman ng isang babaeng familiar sa akin.
Nang makita niya ako ay agad nanlaki ang mga mata niya saka walang anu-ano'y kumaripas ng takbo.
Wait... Siya ang isa sa mga kasama ni Ella no'ng binu-bully niya ako!
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad kong sinundan ang babae.
"Wait lang!" sigaw ko habang patuloy siyang hinahabol.
Pumasok siya sa isang building at agad na tumakbo sa hagdan. Walang mga tao sa corridor ngayon dahil oras ng klase kaya naman ay rinig na rinig ang mga yabag naming dalawa.
"Sandali lang!" muling sigaw ko sa kanya habang patuloy sa pagtakbo.
Shit naman! Bakit ba siya tumatakbo? May itatanong lang naman ako!
Hingal na hingal na ako nang makarating ng fourth floor. Tumatagaktak ang pawis ko. Wala pang tanghali pero ang haggard ko na tingnan siguro. Napakapit na lang ako sa railings habang pilit na inaakyat ang rooftop. Grabe, runner ba ang babae na iyon? Hindi ko siya halos mahabol! Halos bumigay na rin ang mga paa ko.
Sa awa ng diyos ay nakaabot pa ako sa roof top. Kahit hingal na hingal ay binuksan ko ang pintuan saka humugot ng hangin.
"Huwag kang lalapit! Diyan ka lang!" Napalingon ako sa babae nang magsalita siya.
May hawak siyang baseball bat habang nanginginig ang buong katawan. Para siyang natataranta na natatakot na ewan. Ang laki rin ng eyebags sa mata niya. Parang hindi siya nakakatulog. Wait... Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, ah? Bakit kung umarte siya ay parang papatayin ko siya?
Huminga ako nang malalim saka akmang lalapitan siya nang muli siyang sumigaw.
"Sinabi nang diyan ka lang! Isang lapit mo pa sa akin ay talagang ibabato ko sa iyo 'tong hawak ko!"
Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi na rin ko humakbang.
Wait... Anong nangyayari sa kanya? Parang noong nakaraang araw lang ay ang tapang-tapang niya tapos ngayon ay takot na takot siya.
"Huminahon ka lang. Hindi ako nagpunta rito para makipag-away o bugbugan sa iyo. Nandito ako dahil may gusto lang akong itanong sa iyo," mahinahong tugon ko.
"Ah, talaga? Sa tingin mo ba madadaan mo ako sa ganyang kasinungalingan mo?" Napasinghal siya saka matalim akong tinitigan sa mata.
"Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ako kaaway at lalong hindi kita sasaktan. Hindi naman ako mamamatay tao," sabi ko saka humakbang ng isa pero umatras din siya.
"Sinabi nang diyan ka lang!" natatarantang sigaw niya.
"Please! Huwag kang matakot sa akin!" Huminga ako nang malalim at muli siyang binalingan. "Sige, ganito na lang. Sagutin mo na lang ang tanong ko, puwede?"
Hindi siya sumagot. Bagkus ay iniharap niya sa akin ang dalang baseball bat. Tila naghahandang sugurin ako.
"Ganito... May alam ka ba sa pagkamatay ni Ella?" muling tanong ko.
Medyo natigilan siya sa sinabi ko.
"H-Hindi ko sasagutin iyan!" sigaw niya at umiwas ng tingin. Pero hindi ako nagpatinag.
"Sino ang nakita mong pumatay sa kanya?"
"Sinabi nang hindi ko alam!"
"Sinungaling!" sigaw ko. "Alam kong nagsisinungaling ka. Please, sabihin mo na sa akin ang totoo. Bigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan mo!"
"Hindi ko siya kaibigan!" Nagulantang ako sa biglang outburst niya. Nasundan pa iyon ng sunod-sunod na patak ng mga luha niya. "Hindi ko siya kaibigan kaya tigilan mo ako!" muling wika niya.
"K-Kung hindi mo siya kaibigan, bakit ka umiiyak?" takang tanong ko.
Agad naman niyang pinunasan ang mga luha sa mata niya. "Anong paki mo?! Wala kang pakialam!"
"Please, sabihin mo na sa akin. Sino ang pumatay kay Ella? Kilala ko ba siya? Please, sabihin mo na. Tulungan mo ako," muling saad ko.
"Shut up!" sigaw niya.
"Please—"
"I said shut up! Arggh!"
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang bigla niyang ihagis ang baseball bat. Pagkatapos noon ay bigla na lang din siyang pumalataw ng iyak at nanghihinang umupo sa sahig.
"I did not kill her. I did not! I did not kill her! I did not!" muling sigaw niya sa gitna ng pag-iyak.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"I did not kill her! I-Inutusan lang ako dahil papatayin niya ako k-kapag hindi ko ginawa iyon!" muling saad niya.
Kumunot ang noo ko. "I-Inutusan? Sino? Sino ang nag-utos sa iyo?"
Napalingon siya sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya saka hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Sabihin mo na, please. Sino ang nag-utos sa iyo?" muling tanong ko kahit kinakabahan na rin.
Pero imbis na sumagot ay itinulak niya ako palayo saka siya tumayo at sinamaan ako ng tingin.
"'Wag na 'wag ka nang lalapit ulit sa akin!" sigaw niya saka nagmamadaling tumakbo pababa ng hagdan. Ako naman ay naiwang tulala sa nangyari.
Don't tell me, siya ang pumatay kay Ella?! Pero sino iyong isa?
***
Matapos ang nangyari kanina ay hindi na ako pinatahimik ng utak at kuryusidad ko. Umamin ang isang kaibigan ni Ella na siya nga ang pumatay rito. Pero may kasama at kasabwat siya.
Hindi kaya ay iyong isa pa nilang kaibigan ang tinutukoy niya? Pero bakit? Anong dahilan?
Bakit nila pinatay si Ella?
"Alyana! Alyana..." Nabalik ako sa reyalidad nang sikuhin ako ni Honey.
"B-Bakit?"
"Tinatawag ka ni sir." Inginuso niya ang harapan namin. Doon ko napansin na kanina pa pala ako tinitingnan ng mga kaklase at ng professor ko.
"Looks like you're spacing out. Are you still with us?" nang-iinis na tanong niya saka tumungga ng lambanog. Doon ko napansing medyo lasing siya.
Hindi ko alam na pati pala alak ay pwede rito. Nangunguna pa mismo ang professor namin.
Nagdududa na talaga ako kung school ba talaga itong pinasukan ko o kuta ng mga baliw sa mundo.
Napayuko na lang ako. "Sorry po."
Napa-tsk siya sa naging tugon ko at papikit-pikit na muling tumingin sa attendance sheet. Nandito kami sa open field, nakaupo sa green grass. Sa pagkakaalala ko ay Jayson Limpiao ang pangalan ng professor namin na ito. Nasa mid 30's na siya. Siya ang training master namin sa firing at taekwondo. Pero sa hitsura niyang lasing, gusot-gusot ang damit at mukhang sabog ay parang hindi siya professor. Para siyang tambay at lasenggero sa kanto!
"Okay... Where are we? Ah, right. Where is... Tifany Genosa?" muling sambit ni sir Jayson.
Walang sumagot miski isa sa amin.
"Again, Tifany Genosa? Wala?" Muling tumungga ng lambanog si Sir Jayson saka napasinghal. "Edi wala. Absent siya for today's videow."
Sinirado na ni sir ang notebook saka pasuray-suray na humarap sa amin. Hindi ko mapigilang mawirduhan sa ginagawa niya. Para talaga siyang siraulo. Kita namang may klase tapos umiinom pa. Worst, sa harap pa namin!
Sinong matinong professor ang gagawa no'n?
Yeah, right. Wala nga palang matino rito.
"Alyana. CR lang ako, ah? Gusto mo bang sumama?" bulong ni Honey sa akin. Umiling lang ako.
"Sige lang."
"Okay!"
Tumayo na siya at nagpaalam na mag-CR kay sir na agad naman nitong pinayagan.
"So, for today's videow, ang gagawin natin ay magsuntukan! Ganito, oh. Hiyaahh! Yaaah! Wusho! Wusho!" Umaktong nakikipagbuno sa hangin si sir.
Hindi ko mapigilang mapatampal ng noo samantalang poker face naman ang ipinakita ng mga kaklase ko.
Hindi ko tuloy alam kung maiinis o matatawa na lang sa kanya. What a crazy man!
"Seriously, sir? Are you on drugs?" Hindi na napigilang itanong ng isang kaklase ko. Agad namang natawa ang iba.
"Who says I'm on drugs? Hey! Look at me! Sa mukha kong ito? Naka-drugs? Baka gusto mong magkasubukan tayo!" nanghahamong saad ni sir saka itinapon kung saan ang bote ng lambanog. "C'mon here, boy! Tuturuan kita ng ilang mga teknik!"
Tila naging interesado ang lalaki sa sinabi ni Sir Jayson kaya naman ay tumayo siya at lumapit.
"Listen, everyone. I'll show you some trick for today's videow!" Humarap siya sa lalaki at initusan itong i-ekis ang dalawang hintuturo.
Pero ang sumunod na pangyayari ang nagpadismaya sa aming lahat. Paano ba naman kasi, akala ko tuturuan niya kami ng ilang karate moves or whatsoever. 'Yon pala ay para siyang siraulong nagtatali ng hangin sa mga darili ng lalaki.
"Tingnan ninyo! After ng ilang 20 counts ay mararamdaman ninyong parang may nakatali sa hintuturo kahit wala naman. This is what we called gravity of the earth! Napakagandang magic—"
"Sir Jayson! Sir Jayson! Emergency po!" Napalingon kaming lahat sa isang lalaking humahangos na tumakbo rito.
"Oh, anong mayro'n?" takang tanong ni sir.
"I-Isa po sa mga estudyante ninyo ngayon ay natagpuang patay sa kabilang building!"
Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. Nagsimulang magkarambola sa takot at pangamba ang dibdib ko. Estudyante ni sir?!
Hindi na nag-aksaya ng oras si sir. Kahit pasuray-suray ang lakad ay agad niyang tinungo ang lugar ng insidente na agad naman naming sinundan.
Pagdating doon ay marami na ang mga nagkumpulang mga tao. At dahil kasama nga namin si sir ay nakadaan din kami sa gitna.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napaka-familiar na babaeng nakahandusay ngayon sa lupa habang naliligo sa sariling dugo.
"I-Is this Tifany? The one that absent for today's videow?" gulat na wika ni Sir Jayson.
Ang tinutukoy niyang Tifany ay ang kaibigan ni Ella na parang kanina lang ay kausap ko pa!
Napaatras na lang ako sa gulat at saka napatakip ng bibig.
Sakto naman ang pagdating ng mga SC officials.
Agad nagtama ang mga paningin namin ni Chief Laurent.
At sa mga oras na iyon ay parang alam ko na ang mga susunod na mangyayari.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top