M 5: Swords Combat

Chapter 5:

Inhale... Exhale.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nagawa iyon. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko. Malamig naman dito sa kinaroroonan ko pero daig pa ang sun sa dami ng pawis na tumatagaktak sa akin. Feeling ko tuloy nasa impyerno na ako.

Oh, goodness. Sino ba namang hindi mangangatog ang paa kung ang kaharap mo ay para ka nang lalamunin sa tingin pa lang.

Nandito ako ngayon sa Student Committee Office. Kaharap ko ngayon ang president na tinatawag nilang si Chief Laurent, ang VP na Dwiey Yangco ang pangalan, si Vincelee na isang Sergeant at Arms, si Dreyah na secretary at si Julie Rose Mondesa na isang Auditor. Paano ko nalaman ang name nila? Well, nakalagay kasi sa plake ng bawat mesa nila kung saan sila nakaupo ngayong lahat at nakatitig sa akin.

"So, care to tell us what happened, Ms. Cabunci?" seryosong wika ni Chief Laurent habang nakalumbaba sa mesa niya at pinaglalaruan ang ballpen na hawak. Napahawak ako nang mahigpit sa palda ko. Feeling ko magkakaroon ng interogation ngayon. Feeling ko haharap ako sa korte at lilitisin ang kasalanan ko.

Nararamdaman ko ang mabigat na atmospera at tension sa paligid.

"Uh... ano..." Napapikit ako nang mariin. Shit! Paano ko ba ipapaliwanag ang sarili ko na hindi magmumukhang defensive?

Hindi naman kasi ako ang pumatay. Ipis nga nahihirapan akong batuhin ng tsinelas, ang pumatay pa kaya?

"Speak up now, lady. Don't make us wait for your response," muling turan ni Chief Laurent. I wonder bakit Chief ang tawag sa kanya.

Napakagat-labi na lang ako at yumuko. "H-Hindi ko alam."

"Hindi mo alam?" Bahagyang umarko ang kilay niya.

"I'm telling the truth."

"Ahuh? Then who do you think did this to her?"

"Hindi ko rin alam."

Umayos ng upo si Chief Laurent saka ngumisi sa akin, tipong nanghahamon. "C'mon, lady. Puro hindi ko alam na lang ba ang kaya mong sabihin sa akin?"

"What do you expect me to say? Ni hindi ko nga alam kung sino ang pumatay sa kanya. Oo, inaamin ko, inaway niya ako kanina. Sinampal at muntikan nang bugbugin pero never akong lumaban sa kanya! Heck, I can't kill, you know? Ipis nga hindi ko kayang galawin, e." Napatingin sa akin ang ibang mga SC, tila na-amused sa sinabi ko. Tumingin ako sa presidente saka humugot ng hininga. "Huwag kang mag-alala. Kapag nalaman ko kung sino ang pumatay sa kanya ay ako mismo ang hihila sa tao na iyon dito. So, stop thinking that I am the killer cuz I am certainly not!"

Tumayo ako pagkatapos at padabog na lumabas ng room. Tumakbo ako at huminto saka nanghihinang sumandal sa pader.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Grabe, feeling ko mahihimatay ako sa kaba kanina. That was hell!

***

Kinabukasan, pinagtitinginan ako ng mga tao habang naglalakad sa hallway. Ang sama ng tingin nila sa akin. Iyong tipong gusto akong sugurin. Dahil ba ito sa nangyari kahapon?

So, they really think that I am a killer, huh? Ako na nga ang binugbog ni Ella, ako pa ang napasama sa mata ng mga tao?

Wow, great!

"Don't worry, Alyana. I'm here..." Napatingin ako kay Honey na kumapit sa braso ko at binigyan ako ng assurance na ngiti.

Nararamdaman niya sigurong kinakabahan ako ngayon sa mga tao.

"I hope everything's alright. Wala ka naman kasing kasalanan pero ikaw ang sinisisi ng mga tao," dagdag niya.

"You can't blame them. They love that bitch kahit pa masama ang ugali." Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang sumabay ng lakad at sumabat sa amin.

Isang babaeng may kinakain na lollipop. Mapula ang labi niya dahil sa lipstick. Pati na ang relo, kwentas at earrings ay kulay pula pati na ang cutics sa mahahaba niyang kuko. She has the logo of Rose cluster.

Nang mapansin niya ang nagtatakang reaksyon namin ni Honey ay natawa siya.

"Did I just make you shocked? Sorry, uminom kasi ako ng strawberry juice kanina. Hihi! By the way, I am Jenette Senio. You can call me Jenie. Magkaklase tayo sa mga trainings. Pero kung naghahanap kayo ng source or tsismis, I am just a one call away." Kumindat siya pagkatapos at saka tumawa na parang tanga.

Nagkatinginan lang kami ni Honey.

"Uh, do you know Ella?" nag-aalangang tanong ni Honey sa kanya.

"Of course!" Ngumisi siya rito. "Who would not know her? The ultimate bad bitch in M-School."

Humakbang siya na parang bata papunta sa harapan namin saka patalikod na naglakad habang naka-cross arm.

"That Mariella is one of the strong and influencial person. Achiever ang ate ninyo. She is the rank 11 and level 7 kaya 'wag na kayo magtaka kung bakit mahalaga siya rito kahit pa bad bitch. Wala, e. Pinalad talaga ng talento ang babae. But, sadly, wala na siya kaya ako na ang papalit na bad bitch!" Muli siyang tumawa pagkatapos. Pinaglaruan niya ang lollipop sa bibig. Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya.

"M-Magkaaway ba kayo ni Ella?" muling tanong ni Honey.

"Kami? Depende. Hihi!" Muling tumawa si Jenie saka ipinahid ang lollipop sa bibig niya. "It depends on your mind."

"Anong rank and level ka?" tanong ko out of the blue. Wala lang, na-curious ako sa pagkatao niya.

"Now you're curious about me, huh?" Ngumisi siya sa akin na tila natutuwa. "I'm level 8. Rank? Secret. It's for me to know and for you to find out."

Muli na naman siyang tumawa. May nakakatawa ba? Konti na lang iisipin ko nang takas siya sa mental.

"Anyway, nice meeting you, girls. See you around! Babush!" Kumaway siya sa amin at parang bata na patalon-talon palayo sa amin.

"She's weird," puna ni Honey habang nakatingin sa babae.

Nagkibit-balikat na lang ako saka pumasok sa classroom namin.

***

Mabilis lumipas ang mga oras. Naka-survive ako sa mga naunang subjects na hindi nagkaroon ng sugat o pasa sa katawan. Kaya lang, kung nakamamatay ang tingin, malamang kanina pa ako nakahandusay.

Hanggang sa magtanghalian kasi ay hindi pa rin nawawala ang mga matutulis na tingin sa akin ng ibang estudyante.

Okay, fine! Alam kong galit sila sa nangyari kay Ella at ako ang sinisisi kaya para sa ikatatahimik nila, ako mismo ang maghahanap sa taong pumatay kay Ella.

Sana lang ay mahanap ko nga ang tao na iyon.

Matapos ang lunch ay dumiretso kami sa gym. Nagulat pa ako nang maabutan doon ang grupo ni Martin the bully. Oo, iyan ang tawag ko sa kanya at sa mga kasama niya.

But wait... Don't tell me kaklase namin sila sa subject na ito?

Nang makita nila kami ay agad silang napatayo sa kinaroroonan at nakangising lumapit sa amin.

"Looks like the killer is not afraid to expose herself," nakangising saad niya.

Kinabahan ako bigla. Ibig sabihin, alam na rin nila ang balita at kilala na niya ako.

Napalunok ako saka yumuko. Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay dumiretso lang ako ng lakad. Agad namang sumunod sa akin si Honey. Naalala ko muli ang sinabi ni Thricia. We have to avoid this man.

Hangga't maaari ay hindi ko siya papatulan. Iiwasan ko siya dahil ayaw kong maging susunod na biktima ng pambu-bully. Isa pa, ayaw ko nga ng gulo.

Pero bago pa man ako makaiwas sa kanya ay bigla namang humarang ang mga kasama niya sa harapan ko.

"Hindi ka basta-bastang makaka-iwas sa amin, Ms. Newbie," muling sambit nito. Ramdam ko ang nakakakilabot na tinig sa mga salita niya.

"A-Ano bang kailangan ninyo sa amin?" kinakabahang tanong ni Honey sa kanila. Mahigpit na rin ang kapit niya sa balikat ko, tila natatakot sa presensya ng mga lalaki na ngayon ay pinapalibutan na kami.

Napakuyom ako ng kamao kong nanginginig na rin. Sana naman wala silang binabalak na masama sa amin.

Pumunta sa aming harapan si Martin at ngumisi. Ngayong malapit siya ay doon ko napansin ang iilang mga tattoo sa katawan niya. Mukha nga talaga siyang gangster.

"Kailangan? Wala naman. Gusto lang namin personal na magpakilala sa inyo lalo na kay Alyana Cabunci."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Martin.

"H-How did you know my name?" kinakabahang tanong ko.

"I have a lot of source, babe," ngisi niya. Bigla akong nakaramdam ng pandidiri sa tinawag niya sa akin.

Babe my ass!

"O-Okay... Ngayong kilala niyo na siya p-pwede na ba kayong umalis?" muling saad ni Honey sa kanila.

Sa gulat ko ay biglang tumawa si Martin na agad sinundan ng mga kasama niya.

"Where did you get the braveness that you have now, nerd? Ang lakas ng loob mong paalisin ako," tumatawang sambit nito. Pero nakakakilabot ang mga tawa nilang iyon. Halatang may laman.

Nang matapos sila pagtawa ay saka lumapit si Martin sa amin at marahang hinawakan sa mukha si Honey.

"A-Anong gagawin mo—"

"You have a very beautiful eyes there, baby. Do you want to be my girlfriend?" mahina ngunit nakangising tanong ni Martin sa kanya. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Honey.

"A-Ayoko—"

"I won't take no as an answer." Bigla kaming nakaramdam ng kilabot sa tono ng pananalita ni Martin ngayon. Ang seryoso at nakakatakot! "Kapag naging girlfriend kita, hindi mo na kailangan magsuot ng salamin. Pagagandahin kita. Kaya lang, gusto kong magaling ka rin dapat sa kama. You must give me the pleasure that I want—"

Dahil sa narinig ay agad kong tinulak si Martin at hinila sa likuran ko si Honey.

"You maniac! Wala kang karapatang bastusin ang kaibigan ko!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang biglaang tapang na mayro'n ako ngayon. Basta ang alam ko ay kailangan kong protektahan mula sa kanya si Honey.

Bahagyang nagulat si Martin sa sinabi ko pero agad rin namang nakabawi at ngumisi.

"Feisty. I like it." Akmang hahawakan niya ako nang hinampas ko ang kamay niya at saka umatras.

Tila hindi niya inasahan ang ginawa ko dahil talagang nagulat siya at agad na nagbago ang timpla ng mukha.

"Fuck it, babe! I like you, but I won't tolerate this kind of behaviour! You need to be punished! Boys!" biglang sigaw siya sa mga kasama.

Agad namang lumapit ang isang lalaki sa kanya saka iniabot ang isang bagay- isang espada.

Napaatras ako sa takot nang makita kung gaano katulis at kahaba ang espada na hawak niya. Oh, no! Don't tell me sasaktan niya ako ng espada?

Have I messed up with a bad guy again?

Biglang nangatog ang mga tuhod ko nang makitang papalapit sa akin ang galit ngunit nakangising si Martin.

"What now, babe? Afraid to accept your punishment?" nakangising saad niya.

"A-Alyana..." Biglang napahawak nang mahigpit sa braso ko ang naiiyak na sa takot na si Honey. Napalunok ako habang nakatitig sa espada.

"B-Bitiwan mo iyang espada! A-Anong gagawin mo sa akin?" natatarantang tanong ko pa.

"Wala naman. Lalagyan lang kita ng marka sa mukha," ngisi niya saka inangat ang espada.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ihahampas niya ito sa akin. Napasigaw ako sa takot saka napatakip ng mukha.

Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang segundo. Akala ko mamamatay na ako. Pero nagtaka ako bakit walang espada ang tumama sa akin. Agad kong inangat ang mukha ko.

Nagulat ako nang makita ang isa pang espada na nakaharang sa espada ni Martin ilang inches mula sa mukha ko. Napaatras ako sa pagkagulat.

"I'm bored right now. Let me play with you instead," nakangising saad ng babaeng may hawak ng espadang nagligtas sa akin.

"J-Jenie..." tawag ko sa pangalan niya. Napalingon naman siya sa akin saka ngumiti.

"Hi, Alyana! Sana masarap ulam mo kanina!" hagikhik niya pagkatapos ay muling bumaling kay Martin na ngayon ay unti-unting sumilay ang mga nakakakilabot na ngisi sa labi.

"What now, Martin? You will play with me or I will play with you?" muling tanong ni Jenie sa kanya sabay tawa.

"I'll choose both," nakangising tugon naman ng isa sabay hampas ng espada kay Jenie.

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko na lang ang sarili na nanonood sa dalawang taong nagpapalitan ng atake sa isa't isa. Grabe, ang bilis ng mga kilos nila. Halos hindi ko masundan.

Napanganga na lang ako sa nakikita. How did they get that kind of skill?

"For someone who's in the rank 14, not bad," nakangising saad ni Jenie sa kalaban habang dinedepensahan ang sarili.

"Huwag kang masyadong pakampante baka maagaw ko ang rank mo," nakangising tugon naman ni Martin.

"Oh, I'm afraid na! Hihihi!" hagikhik ni Jenie na tila isang laro lang ang ginagawa nila.

Shit! Don't tell me magpapatayan sila ngayon dito? Sa harap ko mismo?! At sino na naman ang may kasalanan kapag namatay ang isa sa kanila? Ako?! Ako na naman?!

Oh, no! This is bad! Kailangan kong gumawa ng paraan para patigilin silang dalawa!

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Akmang tatakbo ako para humingi ng tulong nang may biglang isang babae ang lumitaw dala ang dalawang espada at walang anu-ano'y itinapon ang mga espada ni Martin at Jenie sa ere. Kasabay noon ay ang pagtutok niya ng kanyang mga espada sa leeg ng dalawang tao sabay ngisi.

Nalaglag ang panga ko sa nakita.

"What a nice show for my first class subject," nakangising sambit nito sa mga nagtataka naming mukha.

"At sino ka naman?" galit na tanong ni Martin sa kanya.

Inalis ng babae ang pagkakatutok ng espada sa dalawa saka isinuksok ang isang kamay sa bulsa nito.

"I am Colleen Cabello, your new professor slash training master of swords combat subject for this year. Welcome to my first class, everyone."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top