M 49: Siblings game

Chapter 49:

"Everyone, I am Alyana Sernoso, and I'm going to kill you."

Nanlaki ang mga mata ng nila. Shocked was written all over their faces. I could even see Master Zef looking unbelievably at me while glaring.

"I hope you like our little surprise," nakangising wika ni Honey sa mga kaharap ko.

"Alyana..." Napalingon ako kay Laurent. He's staring at me. Pain and anger was visible in his eyes. Napalunok ako at pilit pinipigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatutok ang katana sa kanyang leeg.

Hindi niya puwedeng makita na nasasaktan ako. Hindi niya puwedeng makita na nahihirapan ako sa sitwasyon. Pinilit kong magmukhang walang reaksyon sa kanilang lahat.

"I can't believe you. Traitor," nanggagalaiting wika ni Dreyah habang matalim ang tingin sa akin.

"How could you do this to us, Alyana? I trusted you!" dagdag naman ni Master Zef.

"Well, you trusted the wrong person," sabi ko at pinilit na ngumisi.

"My cousin is a good actress, too, isn't she?" sabat ni Honey at nakangising umakbay sa akin.

Gusto ko siyang sipain ngayon sa totoo lang. Cousin her face!

"I just can't believe that the president doesn't know your true identity, cous'," baling sa akin ni Honey. "Magaling talaga magtago ng anak si Tito Andrio. Akalain mong isa lang ang kilala ng lahat na anak niya? He's so proud of you. And, oh! Gabriel, too!"

Proud my ass! Baka gusto mong ikaw ang pumalit sa puwesto ko! Tingnan natin kung masasabi mo pang proud sa akin ang papa ko! You're such a good actress, too, Honey!

Parang gusto ko siyang parangalan ng Best in Acting award.

"So, dear cousin, you can do your mission now. The whole stage is yours." Yumuko sa akin si Honey na umaaktong parang isang tapaglingkod ng reyna. Umatras siya na sinundan naman ng iba.

Muli akong napalingon kay Laurent. Wala ng reaction ang mga mata niya ngayon. Blangko lang siyang nakatitig sa akin at kinakabahan ako roon dahil hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Laurent..." I called him. "You know I love you, right? Do you still believe in me?"

Bahagya siyang nagulat at napaangat ang kilay niya sa akin. Pero bumalik din sa dating reaction.

"I told you, I trust in you, Alyana," seryosong wika niya. Bahagya akong napangiti roon.

"So, you're also going to believe that I'm going to kill you now?"

"Except that one," walang pag-aalinlangan niyang sagot. Napatango naman ako saka sumulyap kay Vincelee.

Nakatingin lang din siya sa akin at naghihintay ng mga susunod kong hakbang. I remember what he told me. He said he's not a traitor. Maybe I should trust him, too.

"You love me, right?" muling baling ko kay Laurent. "Are you willing to die in my hands? Are you willing to sacrifice yourself for me?"

Saglit siyang natahimik bago muling sumagot.

"If that's what makes you happy, then I'll gladly accept it."

Agad napasinghap ang mga kasama niya sa narinig.

"Laurent, what the hell! She's a traitor, can't you see?" singhal ni Master Zef sa kapatid.

"I guess that's how love works," hagalpak ni Dwiey na tila natutuwa pa sa mga nangyayari. Wala yata siyang pakialam kung magpapatayan na kami ni Laurent. "Good luck to the both of you. Sana sa kama na lang kayo mag-away, 'wag sa espada."

"Shut the fuck up, Yangco!" singhal ni Dreyah sa katabi.

"C'mon, Alyana. Do it already," nakangising wika ni Honey.

Muli akong bumaling kaya Laurent at binigyan siya ng isang genuine na ngiti.

"If love could kill, I'll be gladly accept my fate," sabi ko sa kanya at agad na inikot ang katana papunta kay Honey na siya namang ikinagulat niya.

Sinundan din iyon ni Vincelee kaya napunta na sa amin ang espada ng mga nakamaskara.

"What the hell!" sigaw ni Honey sa akin.

"Sorry to say this, Honey, but I already told you before. I'm not part of the Sernoso clan," seryosong sambit ko sa kanya. "No one has the right to control my life."

"Agree," dagdag ni Vincelee sa aking tabi.

Agad namula ang mukha ni Dreyah sa panggagalaiti sa akin at kay Vincelee.

"You piece of trash! Traitor!" sigaw niya sa akin at agad na sumugod.

Naging cue iyon upang muling magkagulo sa paligid. Muling nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng mga Sernoso at Agiones. Ako ang pinuntiryang atakehin ni Honey kaya naman ay ginawa ko ang best ko para iwasan siya.

At dahil marami na rin ang pumupuntirya sa akin ay nawala kay Honey ang atensyon ko. Si Thricia na mismo ang kalaban niya ngayon at ako naman ay pilit iniiwasan na makapatay ng tao. Pinapatulog ko na lamang sila dahil ayokong pumatay.

"Alyana!" Napalingon ako kay Laurent na biglang lumapit sa akin. Sinipa niya ang kalaban ko at walang anu-ano'y hinila ako paalis ng gymnasium.

Pagdating sa labas ay binitawan niya ako. Kinabahan ako nang matiim niya akong tinitigan sa mga mata.

"Laurent—"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang agad niyang sinakop ang mga labi ko. Napapikit ako at agad tumugon. Medyo aggressive ang mga halik niya na tila pinaparusahan ako.

Maya-maya lang ay humiwalay siya sa akin para muli akong titigan sa mga mata.

"You don't know what I felt earlier, Alyana. You almost broke me," madamdaming wika niya. Napakagat na lang ako ng labi at yumuko. I'm so guilty!

"I'm sorry, Laurent," kinakabahang sabi ko saka napalunok. "I-I'm sorry for hiding the truth from you. I swear,  it's not my intention to keep a secret but—"

"I know it, Alyana," pagputol niya sa akin. "I already know your identity."

"W-What?" Nagtataka ko siyang tiningnan. He stared at my eyes and touched my face. He is serious right now with a glimpse of concern in his eyes.

"I know that you are the daughter of Andrio Sernoso."

Natigilan ako sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata. "H-How?"

"The day before you got kidnapped," tugon niya saka huminga nang malalim. "I've been also investigating you, Alyana. Well, I just didn't expect that you would kill me. Hindi ko alam na iyon pala ang misyon mo rito."

"Laurent..." Napatitig na lang ako sa kanya. I don't know what to say!

"That's one of the reasons why I want you to stay out of this game war tonight. I can't let you risk your life just because you are part of our enemy. But, I guess, fate doesn't let me keep you safe." Saka siya bahagyang natawa sa sinabi.

Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Bahagya siyang nagulat pero gumanti na rin ng yakap sa akin. Hindi ko alam na alam na pala ni Laurent ang totoong pagkatao ko. Well, okay na rin iyong alam niya atleast sure siyang wala akong masamang plano sa kanya.

"Let's go back inside. They need our help," bulong niya sa akin saka humiwalay. Um-agree ako sa sinabi niya at sabay na naming tinahak ang daan papasok sa gymnasium.

"Wow! Nagawa niyo pang mag-date kahit nasa alanganing sitwasyon na tayo! Unbelieveable!" nakatawang saad ni Dwiey nang makita kami habang may pinapatumba na kaaway. Saktong nawalan ng malay ang kalaban niya kaya muli siyang bumaling sa amin at tumawa. "When kaya ako?"

Hindi siya pinansin ni Laurent. Saktong may panibagong kalaban ang lumapit kaya muling natuon doon ang aming atensyon.

"Alyana, baka may friend kang babae na puwedeng ireto sa akin? I'm so lonely!" nakatawang saad ni Dwiey habang nakikibuno sa mga kalaban. Dalawa ang kaharap ko ngayon na pilit kong iniiwasan. Si Laurent naman ay nasa kabila at tatlo ang kaharap.

"Uh, mayro'n naman kahit papano!" sabi ko habang umiiwas sa mga atake.

"Talaga? Who?"

"Si Thricia!"

Bahagyang natigilan si Dwiey at nagulat sa sinabi ko. "What?!"

"Si Thricia!"

"Wala na bang iba maliban sa kanya?"

Umiling lang ako at pinatulog ang isang lalaki. Hindi pa ako tinigilan ng isa nitong kasama kaya gano'n din ang ginawa ko. I can say na malaki talaga ang improvement ko. From being scared to fight, now I am a fighter. A real fighter that is suitable for this school.

"What the heck, Ms. Alyana? You can't refer that freak to me!"

"Why? She's a good person, anyway," pagtatanggol ko pa saka muling humarap sa mga panibagong kalaban.

"She's my sister, for goddamn sake!"

Natigilan ako sa narinig at gulat na napatingin sa kanya.

"What?!"

"What a moron!" Napalingon kami kay Thricia na nasa likuran na pala ni Dwiey. May sinaksak siyang kalaban doon na muntikan nang itarak kay Dwiey ang espada kung hindi lang naagapan.

Saktong muli akong sinugod ng mga kalaban kaya wala akong ginawa kundi ang umiwas nang umiwas habang ang atensyon ay na kay Dwiey at Thricia.

"Isa ka talagang tanga!" singhal ni Thricia kay Dwiey at umirap. "Hindi ko alam kung bakit kita naging kapatid."

And before Dwiey could even react, nawala na si Thricia. May bago na itong kalaban ngayon.

Ako naman ay pilit pa ring pinapasok sa utak ang mga narinig. Like, I really can't believe that they're actually siblings! Hindi halata sa hitsura nila at pakikitungo nila sa isa't isa.

"One wrong move and they'll be dead!" Napatigil ako nang biglang may espada ang nakatutok sa leeg ko.

Kasabay no'n ay ang paghila sa akin ni Honey palapit sa kanya at hinawakan ako sa leeg. Dahil doon ay natigilan ang mga tao saka napalingon sa amin. Dreyah was even forced to come near us with Hendrick on his side, smirking. Kagaya ko ay hawak niya rin si Dreyah sa leeg.

"Don't you dare—" Akmang susugod si Laurent nang makita si Master Zef na ngayon ay hawak na rin ni Master Colleen sa leeg. Lahat sila ay nakangisi sa mga kasama namin.

"Sa tingin ba ninyo ay panalo na kayo?" nakatawang sambit ni Master Colleen sa mga ito.

Mabigat ang paghinga ko ngayon habang tinatansya ang tulis ng espada na nakatutok sa akin.

"Now, I'm starting to love this game," nakangising wika ni Hendrick. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Dahil doon ay napabaling siya ng tingin sa akin. "Oh, hi, Ms. Alyana!" Kinindatan niya ako.

"How dare you, Hendrick? Paano mo nagagawa sa akin ang traydurin ako? Tinuring kitang kaibigan!" nanggagalaiting sumbat ko sa kanya.

Pero muli lang siyang natawa na tila isang joke ang narinig mula sa akin.

"I never treated you as a friend, Alyana," ngisi niya dahilan para makaramdam ako ng sakit sa dibdib.

So, pakitang tao lang pala talaga siya. Mapagpanggap! Buti nga at hindi ako tuluyang nagpauto sa kanya.

"Besides, I only put my trust to Honey, the girl that I am pursuing right now." Kinindatan niya ang nasa likuran ko.

"Tsk. Shut up, Hendrick. This is not the right time to discuss your romance with me."

"So, sa lahat ng mga pagkakataon na niligtas mo ako, lahat iyon ay pagkukunyare lamang?" muling saad ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "You even fooled me for believing that Honey should take care of me to keep me away from death!"

"Well, that's just part of the plan." Nagkibit-balikat lang siya na tila hindi iyon big deal sa kanya dahilan para manggalaiti ako sa galit.

They tricked me! Ha! Tama talaga si Thricia. Masyado akong bulag at hindi nakikita kung alin ang totoo sa hindi.

"Just cut it out!" sabat ni Master Colleen. "We're about to reach the exciting part of this game. Go, Honey, do the honor!"

"Sure." Naramdaman kong ngumisi si Honey sa likuran ko at lalo pang idinikit ang espada sa leeg ko. Bahagya akong napaangat para subukang ilayo ang balat ko sa matulis na espada.

"Now that we are already done with the basic and medium parts of the game, let's now go to the final part. This is the most awaited moment!" nakangising wika ng kasama ko.

Kinabahan ako sa sinabi niya. May iba pa pala silang plano. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagkakataong ito. Samantala, seryoso lamang na nakatingin sa kanila ang kampo nina Laurent. Tila naghihintay ng sasabihin.

Si Sir Jayson naman ay nakangisi lang, tila hindi man lang nasindak o kinabahan. Si Mr. Monzalis naman ay nakatingin lang din. Siguro dahil sanay na sila sa patayan at mas malala pa nga yata rito ang naranasan nila noong kapanahunan nila.

"Wow, I didn't know that this game was by level.," sarkastikong wika ni Dreyah habang hawak ni Hendrick. Ni hindi man lang siya makikitaan ng pagkabahala sa mukha. Pagkamuhi pa mismo ang namumutawi sa kanya. Parehas sila ni Master Zef. Hindi tulad ko na halos manginig na rito sa kinaroroonan.

"Make sure that it's exciting," sarkastikong dagdag ni Master Zef. "I don't wanna get bored."

"Don't worry, madali lang naman ang final part," nakangising wika ni Honey. "All you have to do is to have a one-on-one fight. To be fair, there are only six participants. These are Alyana vs Dreyah, Master Zef vs Laurent, and Thricia vs Dwiey. All you have to do is to win and kill your opponent, because if you don't, all the students inside the dorm now will be put at stake. Don't you know that there's a bomb planted in every corner of the building?"

Nagsinghapan kami sa mga narinig. Like, what? Bomba? Tama ba ang narinig ko?

"You heard me, people." Itinaas ni Honey ang isang kamay niya na may hawak na maliit na remote. "We planted a bomb in every corner of the building."

"Nahihibang ka na!" sigaw ni Dreyah kay Honey.

"Kung isang kahibangan ang game na ito, siguro nga totoong hibang na ako." Saka humagalpak ng tawa si Honey.

"Can't you just die?!" dagdag naman ni Master Zef.

"Not now, Master Zef. Marami pa akong pangarap sa buhay. 'Di ba, Alyana?" baling sa akin ni Honey pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko papansinin ang isang baliw na tulad niya!

"Anyway, here's the mechanics, I'll give you all 5 minutes to kill your opponent. Kapag lumagpas sa 5 minutes at nag-fail kayong manalo laban sa isa't isa, I will destroy one building. Kaya bilis-bilisan ninyo ang laro."

Napatiim-bagang si Laurent sa narinig. Napakuyom din siya ng kamao at galit na galit habang nakatitig kay Honey. Kahit naman ang iba naming kasama ay gano'n din ang reaction. May iba na kinabahan at natakot.

"Ano, ready na ba kayo?" ngisi ni Honey. "Oh, wait! I just want to remind you that this game is just between the two siblings. Since tatlo lang naman ang may kapatid rito ay kayo lang din ang magkakalaban. Kumbaga, ipapakita niyo lang kung sino ang mas malakas sa inyong magkakapatid."

"You're so stupid!" bulalas ni Dreyah sa kanya. "If this game is just between the two siblings, then why am I included?! Wala naman akong kapatid!" gigil na sigaw niya.

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Dreyah. Pero natawa lang si Honey.

"Oh, I forgot to tell you something, Dreyah. You actually have a sister. Ngayon ninyo nga lang mare-realize ni Alyana," nakangising wika ni Dreyah dahilan para pagtakhan namin siya ng tingin.

"What do you mean?" takang tanong ni Dreyah sa kanya.

"Dreyah, meet your long lost sister, Alyana. Magkapatid kayong dalawa."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top