M 48: Game War

Chapter 48:

"Tell me this is not true!" pambungad na wika ko kay Laurent nang makarating sa office nila.

Masyado akong nagulantang sa idiniklara ng mga Sernoso kanina. At talagang nag-panic ako! War ang pinag-uusapan dito at buhay ng mga tao ang nakataya!

Isa pa, in-announce ni Mr. Monzalis na ang lahat ng mga sasali sa game war mamayang gabi ay ga-graduate at makakalabas na ng M-School. So, ano 'to? Itataya nila ang buhay ng mga estudyante para rito?

"You heard it already, Alyana," kalmadong tugon ni Laurent. Ni wala man lang siyang pakialam na nagpa-panic na ako rito.

"Pero, Laurent! This is a war! A serious war!" pagkontra ko. "Buhay ang nakataya rito!"

"Hey..." Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinawakan ang mukha ko. "It's alright, Alyana. Matatalo natin sila, I promise."

"No, Laurent!" Agad kong iwinaksi ang mga kamay niya saka lumayo. Ikinagulat niya ang ginawa ko pero wala na akong pakialam. Seryoso ako.

"Hindi ninyo sila matatalo," dagdag ko. "Hindi ninyo alam kung anong klaseng laro ang binabalak nila!"

"Whatever it is, I'm not afraid, Alyana."

"Pero—"

"Hey..." Muli niya akong nilapitan at niyakap. Natigilan ako roon lalo na nang hinalikan niya ang buhok ko. "Everything's gonna be alright."

Hindi ko na napigilan ang sarili. Naiyak na ako sa mga bisig niya. Natatakot ako at kinakabahan. Hindi ko naman kasi alam na ngayon na pala mangyayari ang sinabi sa akin ni Honey. Hindi ako nakapaghanda.

"I'm scared, Laurent. So much scared..." naiiyak na wika ko sa kanya saka napahigpit hawak sa kanyang damit. Hinaplos niya naman ang buhok ko.

"Don't be. I'll win this fight. I promise you."

"But this is not just about the fight anymore," tugon ko.

I'm talking to my mission, Laurent!

Humiwalay siya ng yakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Pinahid ng mga kamay niya ang mga luha at masuyo akong tiningnan sa mga mata. Halata rin ang pag-aalala niya sa akin.

"I love you, okay? Always remember that," wika niya.

"Sabihin mo... Matagal mo na bang alam na mangyayari ito? Alam mo na ba kung sino ang nasa likod nito?" sunod-sunod na tanong ko pa.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay hinila niya ako para umupo. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Muli niyang kinuha ang mga kamay ko saka bahagyang yumuko at bumuntong-hininga bago muling bumaling sa akin.

"Alyana..." panimula niya. "I already knew it from the start. From the death of Ella until Julie, Only one person could do that. I told you before it was very confidential because I didn't want you to get involved in this kind of mess. I am just protecting all of you."

Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang ako sa kanya at hinintay siyang magpatuloy.

"We are moving, Alyana. We are all moving without the students noticing it. They might think that we did not care about the death of Ella up until Julie or even investigated it, but the truth is, we were just waiting for the right time."

"Laurent..."

Muli niyang hinawakan ang pisngi ko. "We already have a plan, Alyana. Trust me. Mmm?"

Saglit akong natahimik. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Honey mamaya kaya iyon ang iniisip ko.

Napalunok na lang ako bago muling bumaling kay Laurent.

"I'm joining you," seryosong sabi ko. Agad namang kumunot ang noo niya, tila tumututol sa sinabi ko.

"What? No, Alyana."

"Yes, Laurent."

"I said no. You're not going to join the game war. I'm not going to risk you, okay? You're not going to kill!"

"Pero—"

"Enough, Alyana. You'll be staying in my room tonight for your protection."

"Ano—"

"Chief Laurent!" Napalingon kami kay Dreyah na biglang pumasok sa opisina. Saglit siyang tumingin sa akin bago sa presidente. "They're waiting."

Napatingin ako sa kaharap ko, nagtataka.

"Susunod ako," seryosong tugon niya bago lumingon sa akin. Agad namang lumabas si Dreyah at isinarado ang pinto.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ko sa kanya.

"We'll be having a meeting. Let's go." Wala na akong nagawa nang hilain niya ako palabas ng office.

Dumiretso kami sa dorm at umakyat sa kuwarto niya. Pagdating doon ay kaagad niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil ramdam ko sa mga halik niya ang takot at pag-aalala sa akin.

"You'll stay here until tomorrow. Okay?" sambit niya habang magkadikit ang mga noo namin.

"Pero—"

"I'll send some men to protect you here."

"Laurent—"

"Do you remember the 3rd rule?" tanong niya. Kaagad naman akong tumango kaya bahagya siyang napangiti. "Stay alive, Alyana. Please do that."

"I should be the one saying that to you!" naiiyak na sabi ko. Totoong nag-aalala na ako sa kanya ngayon pa lang.

"I love you." Muli niya akong hinalikan sa huling pagkakataon bago humiwalay at binuksan ang pintuan. Pero bago pa niya magawa iyon ay pinigilan ko na siya.

"Please take care of yourself," kinakabahang sabi ko. Ngumiti naman siya at hinawakan ang mukha ko.

"For you, I will." Hinalikan niya ang noo ko bago tuluyang umalis.

Doon na ako tuluyang nag-break down pagkaalis niya. Nagpa-panic ako. Hindi ako mapakali at sobrang kinakabahan ako sa mga mangyayari. I hope everything is okay.

Napatingin ako sa oras. Alas singko na pala ng hapon. Ang bilis naman ng araw. Napatingin ako sa bintana. Mula rito ay kitang-kita ko ang sunset na papalubog. Hindi maganda ang tingin ko roon dahil para siyang sumisimbolo na ang kadiliman ay malapit nang magwagi.

Napakutkot ako ng mga daliri. Kanina pa ako nag-back and forth dito at hinihintay ang mga mangyayari. My hands are sweating already. Sinubukan kong buksan kong pintuan pero naka-lock ito galing sa labas.

Mukhang ayaw talaga akong palabasin ni Laurent. Gusto niyang i-secure ang kaligtasan ko not knowing na ako ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. Napaupo na lang ako sa gilid ng kama at nagdarasal na sana ay ayos lang ang lahat. Na sana ay isa lang itong panaginip.

Maya-maya lang ay napatayo sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa mula roon si Vincelee.

"Anong—"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang bigla niya akong hilain palabas. Nagulat pa ako nang makitang walang malay ang apat na lalaking nagbabantay sa akin.

Natakot ako sa nakita at kinakabahang bumaling kay Vincelee.

"S-Saan mo ako dadalhin?" nagpa-panic na tanong ko pa. "Bitiwan mo ako!"

Sinubukan kong makawala sa pagkakahawak niya pero diniinan niya lang iyon saka seryosong tumingin sa akin.

"Stop panicking. I'm not going to harm you," seryosong wika niya.

Dahil sa sinabi niya ay tumigil na ako at nagpatangay na lang sa kanya. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang 2nd floor. May hinala na ako kung saan kami pupunta.

Agad akong bumaling kay Vincelee na nasa harapan lang ang tingin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"You're a traitor."

Sumulyap lang siya sa akin bago muling tumingin sa harapan.

"I'm not."

"Yes, you are! Isa kang kampon ng mga Sernoso at patalikod mong sinasaksak ang presidente!" sigaw ko sa kanya. "Ano sa tingin mo ang iisipin niya kapag nalaman ang totoo?!"

Muli siyang bumaling sa akin at bahagyang umangat ang kilay. "What do you think he is going to do once they know your identity?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko lang siya at saka nanginginig na napakuyom ng kamao.

So, alam niya rin pala. Kilala niya ako.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ito. Naghalo-halo na lahat sa utak ko at para akong masisiraan ng bait.

Saktong bumukas ang elevator kaya naman ay hinila niya ako palabas at dumiretso sa kuwarto ni Honey. Bago siya kumatok ay bumaling muna siya sa akin.

"Always remember, Alyana. I'm not a traitor."

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa mula roon ang nakangising si Honey. Pumasok kami sa kuwarto niya. Una ko agad napansin ang maskarang nakapatong sa kanyang kama.

"I'm leaving," seryosong wika ni Vincelee saka binigyan muna ako ng huling tingin bago umalis.

"So, are you ready for today's game, Alyana?" nakangising wika ni Honey. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "You'll be making a big surprise tonight, aren't you excited?"

"What are you planning?" seryosong tanong ko. Natawa naman siya saka tinanggal ang salamin at nilugay ang buhok. There, she exposed her true self.

"Simple lang naman ang plano. Papatayin mo ang presidente sa anumang paraan o ako ang papatay sa inyong dalawa."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na binigyan siya ng nakamamatay na tingin.

"Ano ba talagang gusto mo sa buhay, ha? Ang gulo mo kausap sa totoo lang!" inis na sigaw ko sa kanya.

Natawa lang siya saka napapailing sa akin.

"Oh, Alyana. Dati pa naman akong magulo," nakangising sambit niya. "Well, hindi ko naman binago ang plano. Dinagdagan ko lang. Besides, I'll be leading the Sernoso clan, anyway. Mapupunta na sa akin ngayong gabi ang trono ng ama mo."

"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot ay ngumisi lang siya.

"You'll know it later. For now, suotin mo muna ito."

Kinuha niya ang isa pang itim na maskara at mahabang tela saka hinagis sa akin na agad ko namang sinalo. Nagtatakang tiningnan ko lang siya.

"You'll be at the game, Alyana. Of course, no one would know your identity unless I said so."

Sinuot niya na ang kanya kaya wala na akong nagawa kundi ang suotin din ang akin. Isa pa, gusto ko rin talagang makita kung ano ang mangyayari mamaya.

Tiningnan ni Honey ang oras. Alas siete na ng gabi. Nagulat ako nang kumuha siya ng dalawang espada at hinagis sa akin ang isang katana.

"You'll be needing that. Let's go."

Nagpamauna na siyang lumabas. Napahigpit bigla ang hawak ko sa katana at sumunod sa kanya. Walang tao ngayon sa dorm. Sa tingin ko ay nagtipon-tipon sila para sa mangyayari mamaya.

"Remember, Alyana. Follow my command," paalala ni Honey. Hindi na ako nagsalita. Nag-iisip ako kung ano ang gagawin.

Pagdating sa labas ay nakaabang na rin pala ang mga kasamahan namin. Lahat sila ay nakasuot ng maskarang itim. Hindi ko mapigilang makaramdam ng takot sa kanila. Hindi ko sila kilala at baka hindi ko kayanin na makita ang tunay nilang hitsura.

Maya-maya lang ay may isa pang nakamaskara ang dumating.

"Are you ready?" tanong nito sa amin. Hindi siya gumagamit ng voice changer kaya naman ay napakunot ang noo ko nang maalalang familiar ang boses niya.

"Let's go."

Agad silang naglakad paalis kaya no choice ako kundi ang sumunod. Tansya ko'y halos nasa 50 pataas ang mga kasama ko ngayon. Ewan ko lang kung madadagdagan pa mamaya.

Hindi na ako nagtaka nang makarating kami sa gymnasium. Nasa labas pa lang kami at parang naghihintay ng cue. Sa tingin ko ay nasa loob na rin ang mga tao kasama na si Laurent.

Kinalma ko ang sarili ko. Kaya ko ito. Kakayanin ko ito. Sana lang ay handa akong harapin si Laurent ngayon.

Natigilan ako nang marinig ang kakaibang sigawan sa loob ng gymnasium. Nagsimula akong mag-panic sa loob-loob ko. Oh, goodness! What the hell is happening inside?

"Stay still, Alyana. The game has already started," seryosong wika ni Honey. Kahit hindi ko makita ang hitsura niya ay alam kong nakangisi siya. So, this is her plan, huh?

Napakuyom na lang ako ng kamao habang pinipigilan ang sarili na magalit at sumigaw sa kanya. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na makita ang mga nangyayari sa loob. Natatakot na ako sa kung ano ang madadatnan.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang biglang tumunog ang bell. Segundo lang ang tinagal noon.

"It's time," seryosong saad ni Honey saka sumenyas na pumasok na sa loob. Nauna ang mga kasama namin na sinundan ng lalaking familiar ang boses.

Kaming dalawa ni Honey ang pinakahuli na pumasok. Dahan-dahan lang ang paglalakad naming dalawa. Actually sinasabayan ko ang lakad niya. Kalmado lang siya at para siyang isang reyna na rumarampa sa red carpet.

Hindi ko naman alam kung ano ang binabalak niya kaya sinusundan ko lang ang galaw niya.

Nang makapasok sa loob ay nagulat ako sa nadatnan. May iilang mga bangkay ng mga tao ang nadaanan namin. Ang iba ay nakamaskara, ang iba naman ay grupo nina Laurent. Pero mas nagulat ako nang makita ang nangyayari sa unahan.

Halos mapahinto ako sa paglalakad nang makitang nakatutok kay Laurent ang espada ni Vincelee, samantalang sa isa pang nakamaskara naman nakatutok ang espada ni Laurent. Si Dreyah naman ang nagtutok ng espada kay Vincelee, gano'n din kay Dwiey, Master Zef, Sir Jayson, at Mr. Monzalis at sa iba pang mga faculty staff. Si Thricia naman ay nasa gilid ni Laurent at sinamahan siyang tutukan ng espada ang kaharap na kaaway. Lahat sila ay nagtutukan ng mga espada sa mga kalaban.

Nang makita nila kaming paparating ay hindi ko mapigilang manginig sa kaba. Ang bigat ng paghinga ko. Para akong nasisikipan sa paligid at napakabigat ng tension dito. Feeling ko nahihirapan ako sa paghinga dahil sa mga nakikita.

"Oh, there they are!" sambit ng isang nakamaskara na tinutukan ni Laureng ng espada. Boses babae iyon at familiar din. Huminto kami sa tapat nila. Grabe ang titig ni Laurent sa aming dalawa ni Honey. Mabuti na lang at nakasuot ako ng itim na tela at maskara kaya hindi niya makikita ang  panginginig ko.

"We have a little surprise for you, Laurent!" muling sambit ng babaeng nakamaskara. "I hope you like it!"

Biglang tinanggal ng babae ang maskara na suot. Sinundan iyon ng iba pa naming mga kasama hanggang kay Honey. Napasinghap kaming lahat nang mapagsino ang mga nasa likod ng maskara.

Gusto kong mapaatras sa nakita. Hindi ako makapaniwalang makikita ko ang tunay na pagmumukha nila ngayon. Talagang nakakagimbal!

"Colleen..." Nanggagalaiting tumingin si Master Zef sa babaeng kanina ay nakasuot ng maskara.

Oo, tama siya. Nandito nga si Master Colleen. Pero ang mas ikinagulat ko pa ay ang makilala ang familiar na boses ng lalaki kanina.

Si Hendrick. Malaki ang ngisi sa kanyang labi na tila naaaliw sa mga nakikita.

Naikuyom ko ang aking kamao. How dare he? Hindi ako makapaniwala na ang lalaking hinangaan ko sa pagliligtas sa akin mula sa mga lumilipad na weapons ay siya palang lubos na sisira sa tiwala ko.

Parehas sila ni Honey. Mga mapagpanggap! Parang gusto kong matawa sa sarili. How could I be so naive? Talagang napaniwala nila ako na mabuti silang tao. At mas lalo nila akong napaniwala sa pagpapanggap na hindi magkakilala!

Parang gusto kong sugurin si Hendrick at bugbugin sa galit ngayon. Hindi ko alam na ito pala ang tunay niyang pagkatao. Huh! Ang lakas pa ng loob niyang magyaya na kumain sa akin? Buti na lang at hindi natuloy baka tuluyan na nila akong pagtawanan na nauuto nila ako ni Honey.

Huminga ako nang malalim at pinipilit pakalmahin ang sarili. I should not let my anger to eat me. I should control myself.

"Hi, Zefinah!" nakangising sambit ni Master Colleen kay Master Zef na ngayon ay parang mangangain na ng tao sa galit.

Hindi na ako magtataka kung kalaban si Master Colleen dahil fiancee siya ng kuya ko.

"Finally. You exposed yourself voluntarily," wika ni Laurent. Bahagya siyang napangisi habang nakatingin sa amin. "Hindi na kami mahihirapan pa."

Natawa si Master Colleen sa sinabi ni Laurent na tila isa itong malaking biro. Sinundan iyon ni Hendrick.

"How are you, Honey Velaso?" baling ni Laurent sa katabi ko saka muling ngumisi. "Or should I say, how are you, Honey Sernoso Velaso?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Laurent saka agad na napalingon sa katabi ko.

What did he say? Sernoso? Isang Sernoso si Honey? Tama ba ang narinig ko?

"Nice to finally meet you, Laurent Fluresco Agiones," nakangising tugon naman ng katabi ko.

Pinigilan ko ang sariling mapahawak sa ulo. Para akong mababaliw ngayon sa mga nalalaman. Sumasakit ang ulo ako at ang hirap iproseso ng mga naririnig!

"I'm impressed by how you hide your true identity," nakangising wika ni Laurent sa katabi ko na agad naman siyang tinawanan.

"Oh, thank you! Well, same to you, Mr. Agiones. You hide your true identity very well."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan mas magugulat. Kung sa katotohanan bang blood related kami ni Honey o dahil sa kilala siya ni Laurent. Parehas nakakawindang!

"I'm pretty much certain your mother is now throwing a party for winning the battle outside.," muling saad ni Laurent. Lalo lang akong naguluhan sa mga nangyayari.

Ano? Winning the battle? Ibig sabihin, may gulo na nagaganap sa labas ngayon?

Pero wait... Paano naging Sernoso si Honey? Sa pagkakaalam ko ay walang kapatid si papa. O kung mayro'n man ay hindi ko alam kung sino. Hindi rin naman ako nagtatanong sa kanya dahil sa ugali niya.

Pero baka nga may kapatid si papa at pinsan ko ang hayop na nasa tabi ko?

"So, you already know my mother, huh?" ngisi ni Honey sa kausap. "What about the brother of my mother? Did you already meet him?"

"There's no need to meet the headmaster. There's a right time for that."

Lalong nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. So, tama nga ako! Magkapatid ang mama ni Honey at ang papa ko!

"Oh, really? But I bet you want to meet his daughter," tugon ni Honey. "Hindi naman puwedeng si Gabriel lang ang kilala mong anak niya, hindi ba?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Laurent sa sinabi ng katabi ko. Ako naman ay pinagpapawisan na ng malamig at sobrang kinakabahan sa kinatatayuan ko!

Oh, god! I hope I can do this smoothly! Hindi ako puwedeng pumalpak dahil damay ang mga tao sa paligid.

"And speaking of. Everyone, may I present to you my beautiful cousin!"

Agad akong tinuro ni Honey dahilan para mabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Napalunok ako lalo na nang magtama ang mga paningin namin ni Laurent. He was confused as heck!

Binigyan ako ng nagbabantang tingin ni Honey kaya naman ay bahagya akong lumapit sa kanila. Humigpit ang hawak ko sa katana at parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.

Napapikit ako nang mariin at humugot ng malalim na hininga. Alam kong hindi ako mapapatawad ni Laurent sa gagawin ko kaya ngayon pa lang ay tinatanggap ko na ang magiging kapalaran ko.

Bahagya akong napayuko at saka dahan-dahang inalis ang maskara sa aking mukha. Lahat sila ay hindi kumukurap habang inaabangan ang rebelasyon ko.

Nang tuluyang maalis ang maskara sa mukha ay nagsinghapan ang mga tao sa paligid. Gulat ang namutawi sa mga mukha nila. Bahagya pang napaatras si Laurent at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla, pagtataka, pagtatanong, galit, at sakit. Biglang nanginig ang mga kamay niya.

"Alyana..." Halos ibulong niya iyon. Para siyang pinagtaksilan ng kasintahan. Well, totoo naman.

I feel the tension inside me at para akong maiiyak na ewan kaya naman ay pasimple kong ipinilig ang ulo at buong tapang na humarap sa kanila.

"Everyone, I am Alyana Sernoso, and I'm going to kill you." Sabay tutok ko ng katana kay Laurent na siyang lalong ikinagulat niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top