M 47: Declaring war

Chapter 47:

After Master Zef's confession, hindi na ako nagtaka kung bakit gano'n siya makatingin sa akin noong kasama ko rito si kuya. She's jealous at hindi ko siya masisisi sa part na iyon lalo pa't alam ko na mahal niya pa rin ang kapatid ko.

But the sad part is, may fiancee na si kuya. Mas complicated pala ang sitwasyon nila kaysa sa amin ni Laurent. Ang guwapo talaga ng kuya ko. Sana lahat.

"Oh my god! May bago na namang bangkay?"

"Oo! Nasa rooftop! Tara puntahan natin!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng dalawang taong tumakbo sa gilid ko. Bigla akong kinabahan. Bagong bangkay? Someone died?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad kong tinungo ang rooftop na sinasabi nila. Pagdating doon ay may mga kumpulan na ng mga tao nang maabutan ko.Mabilis lang akong nakasiksik dahil hindi pa naman gano'n karami ang mga estudyante.

Nang makarating ako sa gitna ay napatakip ako ng bibig nang makita ang tatlong babaeng nakahandusay sa sahig at naliligo na sa sariling dugo. Lahat sila ay wala nang mga mata!

Tinitigan ko silang mabuti.That's when I realized that they were the ones who bullied Honey at the comfort room before!

May isang bond paper sa gilid na saying,

Are you ready for the big surprise, Mr. President?
-S.

Napakuyom ako bigla ng kamao. Isa lang ang kilala kong tao na kayang gumawa nito sa mga biktima.

Akmang aalis na sana ako ng lugar nang bigla namang dumating ang mga SC officials. Kaagad na lumapit sa tabi ko si Laurent samantalang lumayo naman si Dreyah sa amin. Galit pa rin talaga siya sa akin. Kasunod nilang dumating ang babaeng may dahilan ng lahat.

Umarte pa siyang nagulat at nag-aalala ang tingin na bumaling sa akin. Seryoso ko lang siyang tinitigan. Na-a-amaze ako sa kung paano siya magpanggap. Talagang mapapaniwala ka. Kung wala lang mga tao rito ay baka kanina ko pa siya sinugod.

"It looks like they are plotting something against you, Chief," naiiling na sambit ni Dwiey habang binabasa ang sulat.

Nang tingnan ko si Laurent ay nakatitig lang din siya sa papel at hindi ko mabasa ang reaction niya.

"They are always plotting something against him. That's not new," tugon naman ni Vincelee. Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang din siya sa tatlong mga bangkay habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa.

Maya-maya lang ay napalingon din siya sa akin nang maramdaman ang titig ko kaya naman ay umiwas ako ng tingin. Alam kong aware din si Vincelee sa tunay kong pagkatao pero nagpapanggap lang siyang inosente o walang pakialam.

Palihim akong napahigpit ng hawak sa laylayan ng damit. Parang gusto kong matawa na ewan. I just can't believe na napapaligiran kami ng mga traydor na tao. Dalawang miyembro ng Sernoso ang nandito. Tatlo na kung isasama pa ako.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit sa sarili. Itanggi ko man ay hindi pa rin maipagkakaila na isa akong Sernoso. Dugo't laman ko ang nananalatay sa katawan na hindi ko ginusto.

"Hey, are you alright?" tanong ni Laurent.

Nandito na kami ngayon sa SC office at nag-uusap na sila tungkol sa nangyari kanina. Ako naman ay kanina pa tahimik habang nakaupo sa tabi ni Laurent at malalim ang iniisip. Ni hindi ko nga maintindihan ang pinag-uusapan nila. Sad part is, kulang na sila. Wala na si Julie kaya parang hindi na sila kumpleto. Nakakalungkot tingnan ang bakanteng mesa ni Julie. Kasalanan ko ang nangyari.

Ngumiti na lang ako kay Laurent para itago ang totoong nararamdaman ko.

"I'm fine. Don't worry."

Kinuha niya bigla ang mga kamay ko saka masuyong 'yong hinaplos. Ramdam ko ang init ng mga palad niya na siyang nagpakalma sa akin.

"If there's bothering you, tell it right away, Alyana. I'm always ready to help you. Mmm?" masuyong saad niya. Tumango na lang ako. Agad namang napa-whistle si Dwiey sa table niya at ngumisi habang nakatingin sa isang painting.

"Nangangamoy pag-ibig na naman sa kabilang table, ah. Nagbabalak na sana akong manghuli ng mga ibon ngayon pero hindi na pala kailangan," pagpaparinig niya na pinipigilan ang pagtawa.

"Shut up, Yangco!" inis na saway ni Dreyah saka sinamaan ako ng tingin. Umiwas na lang ako dahil obvious naman na ayaw niyang nakikita ako. Kung wala lang kami sa office ay kanina niya pa ako sinugod.

"What? Wala naman akong sinabing masama," natatawang depensa ng isa. "I'm just stating the facts. Isa pa, mahilig ako sa mga ibon lalo na kapag—"

Bigla siyang hinagisan ng ballpen ni Dreyah na agad naman siyang sinalo at sinamahan ng tawa.

"Oh, c'mon, Dreyah Mari. Ayaw mo ba ng ibon? Bibigyan pa naman sana kita—"

Muli siyang binato ng ballpen ni Dreyah. This time, sinama niya na pati ang lalagyan kaya lalong natawa si Dwiey.

"You're so harsh on me. Konti na lang maniniwala na akong crush mo ako," hagalpak ng lalaki kaya binigyan siya ng nakamamatay na tingin ng babae.

"I prefer seeing you dead," irap niya.

"Together with you?"

"Dumb—"

Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang galit na galit na si Thricia. Akmang sisigaw na siya nang makita ako kaya naman ay natigilan lang siya.

Kunot-noo siyang tumingin sa akin, tila nagtataka kung ano ang ginagawa ko rito.

"Uh, hi, Thricia...?" Sinubukan kong kumaway sa kanya kahit pa naiilang ako at kinakabahan. Alam niya kasi ang tungkol sa misyon ko.

"Nandito ka pala..." puna niya saka nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Laurent hanggang sa huminto ito sa mga kamay naming magkahawak. Napalunok ako dahil sa uri ng tinging ibinibigay niya. Parang hindi nagugustuhan ang nakikita.

"What do you want?" seryosong tanong ni Laurent sa kanya.

Tumingin muna sa akin si Thricia bago sumagot sa presidente.

"I demand more security outside and inside the school."

Napatingin ako kay Laurent na tinaasan lang siya ng kilay. "And why is that?"

"Can't you see what's happening here? They are gradually killing the top students!"

"I know."

"And they are going to destroy this school if we lose our armies!"

"That won't happen."

"But—" Humugot ng malalim na hininga si Thricia. "I can't take this anymore! Hahayaan pa ba natin sila hanggang sa maubos nila tayo? Araw-araw na lang may namamatay! Sunod-sunod na ang pag-atake nila!"

"I know."

"But why are you all so calm about it?" Isa-isa niyang tiningnan ang mga SC officials at halatang frustrated na siya. Pero tahimik lang ang ibang mga kasama namin sa kanya.

Maya-maya lang ay muli siyang tumingin sa akin bago bumaling kay Laurent na ngayon ay nasa mga kamay namin ang atensyon at pinaglalaruan ito.

"You don't know that someone here is a traitor, Chief," muling sambit ni Thricia saka saglit na sumulyap sa akin.

Napalunok ako sa sinabi niya at kinabahan. Si Laurent naman ay tiningnan lang siya at parang walang pakialam.

"Who do you think it would be?" tanong niya sa babae.

"It's better if you discover it by yourself. I'm leaving." Saka siya nagmartsa paalis ng lugar.

Lihim akong napalunok. Goodness! Muntik na akong ibuko ni Thricia!

***

Kinabukasan, may meeting ang mga SC officials kaya hindi muna ako pumasok sa opisina nila. Hinahanap ko ngayon si Thricia dahil gusto ko siyang makausap. I need her help.

Saktong nakita ko siya sa isang hallway habang may kausap na hindi ko kilalang lalaki. Base sa ekspresyon ng mukha nila ay seryoso ang mga pinag-uusapan nila. Napatigil lang siya nang makita ako.

Kahit kinakabahan ay lumapit pa rin ako. May sinabi muna siya roon sa lalaki bago ito umalis.

"What do you want?" seryosong tanong niya pagkalapit ko.

"I..." I sighed. "I need your help."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "If you're asking me to help you on killing the president then sorry to say this but I wont."

Akmang lalagpasan niya ako nang pinigilan ko siya.

"Wait lang, Thricia! It's not about the president."

"Uhuh?"

"Look... I know someone—"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang biglang makarinig ng malakas na pagsabog sa kung saan. Nagdulot iyon ng malaking impact dahilan para bahagyang yumanig ang building. Halos matumba ako kung hindi ko lang nakontrol ang sarili.

Nagkatinginan kami bigla ni Thricia. Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad naming tinakbo ang pinanggalingan ng pagsabog.

Pagdating sa labas ay nakita naming nagtatakbuhan at nagsisigawan ang mga estudyante. Nagkakagulo sa labas!

Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang fountain na ngayon ay wasak at umaapoy pa. Nadurog ang mga semento at nagkalat sa lupa ang mga tubig. Natuod ako sa nakita. Parang ang hirap iproseso sa utak ko ang mga nangyari.

"Oh, shit!" Napamura sa inis si Thricia saka biglang nawala sa tabi ko. Balak ko siyang sundan pero hindi ko alam kung anong uunahin ko.

"What the fuck is happening— oh shit!" Napatingin ako sa mga SC officials na agad na tinakbo ang kinaroroonan ng fountain.

Maya-maya lang ay biglang umalis si Dreyah at tumakbo sa kung saan. Ang tatlong mga lalaki naman nag-uusap at bakas ang kaseryosohan sa mukha nila. Nakita ko pa ang pagtiim ng bagang ni Laurent at pagkuyom ng mga kamao niya na tila pinipigilan ang sariling magwala sa galit.

Maya-maya lang ay tumunog ang speaker. Boses ni Dreyah ang bumungad sa akin.

"Attention, everyone! Please proceed to the gymnasium, now!"

"Let's go." Nagulat ako nang biglang hatakin ni Laurent ang kamay ko.

Kinakabahang tiningnan ko siya dahil  napakasama na ng awra niya.

"A-Anong nangyayari?" tanong ko pa kahit may hint na ako.

Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating nga kami sa gymnasium. Akala ko ay sa uupo kami sa mga audience seat. Pero nagulat ako nang umakyat kami sa stage at doon umupo sa mga bakanteng upuan.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang iba pa ang ibang mga SC officials na sinundan naman ng dean. Saktong napuno na rin ang loob ng gymnasium kaya tumayo ang dean at siya mismo ang nagsasalita sa unahan. Bakas ang kaseryosohan sa kanyang mukha pero wala akong nakikitang gulat o pagkabahala man lang.

In-expect niya na bang mangyayari ang pagbomba sa fountain?

"Good day, students!" panimulang bati ng dean sa mga tao. "I hope you are all aware of why you're suddenly gathered here. Hindi na ako magpapaligoy pa. Alam kong alam niyo naman na siguro kayo kung ano ang mga nangyayari ngayon sa paligid."

Napalingon ako kay Laurent. Nasa harapan lang ang tingin niya at wala na akong mabasa kahit anong emosyon doon. Hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan para mapatingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti. Muli naman siyang  tumingin sa harap pero ipinagsiklop niya ang mga kamay namin at hinigpitan ito na tila takot siyang mawala ako.

"What happened to our fountain is not a surprise anymore," muling wika ni dean. Sabi ko na. "I already know that this will happen. Hindi ko nga lang inakala na ngayon na pala iyon. I hope you're all familiar with the Sernoso clan. They have a lot of men here to destroy the school and accomplish their revenge. They are the ones behind all of the killing that is happening here. And just earlier, I received a warning or more on a threat regarding their plans for the fountain. Do you know what that means?"

Nagbulung-bulungan ang mga tao sa narinig.

"They are declaring war, students."

Napasinghap ang lahat sa narinig. Kasama na ako roon. Gulat akong napabaling ng tingin kay Laurent na wala man lang reaction sa mukha.

So, he's also expecting this? Alam na niya ang mangyayari? Kaya ba wala siyang ginagawa kundi ang hayaan sa ginagawa ang mga Sernoso? Kaya ba kalmado lang sila sa mga rant at demand ni Thricia dahil alam na nilang mangyayari ito?

"You heard it right. There will be a war that's going to happen—"

Halos mapasigaw kaming lahat nang biglang may putok ng baril ang narinig. Sinundan iyon nang biglang pagdating ng mga nakamaskara na mga tao. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Medyo marami sila!

"Oh, here they are!" At tila natuwa pa si Mr. Monzalis nang makita sila imbis na magulat. "Students, please welcome our visitors!"

Imbis na sundin ang sinabi ng dean ay nag-panic lang ang mga estudyante. Kasama na ako roon. Umingay sa loob ng gymnasium.

"Laurent, what the hell is happening?" natatarantang baling ko sa katabi.

Tumingin naman siya sa akin saka bahagyang ngumiti.

"Don't worry. You're safe with me, Alyana." Hinalikan niya lang nang mahigpit ang kamay ko bago muling bumaling sa harapan.

"Anong you're safe? Ano ba talagang nangyayari?" bulalas ko saka muling tiningnan ang mga nakamaskara.

Lumapit silang lahat sa harapan ng stage at inilabas ang mga espada. Hindi tuloy malaman ng mga estudyante kung tatakbo ba o mananatili na lang sa upuan. Paano sila makakatakbo kung nakaharang ang mga kalaban?

"Kumusta, Mr. Monzalis?" seryosong wika ng isang nakamaskara na nasa pinakaunahan. As usual, gumagamit siya ng voice changer device.

"I'm perfectly fine. How about you? Aren't you satisfied with destroying our fountain?" balik-tanong ng dean saka bahagyang ngumisi.

"That was just a testing, Mr. Monzalis. Hindi pa nagsisimula ang totoong laro."

"I hope you're all aware that we love game challenges," tugon naman ng kaharap saka humarap sa mga estudyante. "Right, students?"

Walang sumagot miski isa sa mga tao. Bagkus ay nagtaka lamang sila. Ang iba naman ay tila na-excite pero hindi nagsasalita. Lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila.

"I love the spirit, Mr. Monzalis. Tunay ngang hindi kayo umaatras sa laban," wika ng nakamaskarang tao. Balot na balot ang katawan nila kaya hindi ko malaman kung lalaki ba siya o babae. Either way, alam kong hindi siya si Honey dahil magkaiba ang tindig nilang dalawa.

I wonder, who's this person behind the mask?

"So, what are the plans now?" nakangising tanong ni dean, tila na-i-excite sa mangyayari.

"Now that you are here..." Biglang itinaas ng nakamaskara ang kanyang espada at humarap sa mga tao.

"I, the representative of Sernoso clan, is declaring a game war tonight. May the best survive."

I gasped. SAY WHAT?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top