M 46: Official
Chapter 46:
Nagising ako na nasa isang clinic bed. Nang tingnan ko ang paligid ay doon ko napansing kasama ko si Laurent. Nakaupo siya sa gilid ko habang nakayuko at hawak nang mahigpit ang aking kamay.
"Laurent..." I called him. Dahil doon ay kaagad siyang napadilat at tumingin sa akin. Natuwa siya nang makitang gising na ako.
"Hey... How are you feeling?" nag-aalalang tanong niya saka hinawakan ang noo ko. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"I'm fine. Thank you."
"Goodness, Alyana! You made me damn so worried!" muling sambit niya saka tumayo. Pagbalik niya ay may dala na siyang tubig kaya naman ay bumangon ako.
"Drink this," utos niya na agad ko namang ginawa.
"Salamat."
"Are you alright?" muling tanong niya. Tumango lang ako.
"Anong nangyari kahapon?" tanong ko sa kanya.
"I should be the one asking you that," tugon niya. "What happened yesterday? Nakatanggap na lang ako ng sulat saying you were in danger. You don't know how much I worried about you!"
"Agree. Muntik na niyang sirain ang buong office kahapon." Napalingon kami ni Laurent kay Dwiey na kakapasok lang.
"Shut up, Yangco." Sinamaan siya ng tingin ng katabi ko.
"What?" Natawa si Dwiey saka lumapit sa amin. "I'm just telling the truth."
"Salamat..." buong pusong wika ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam na gano'n ang nangyari nang mawala ako at para akong nagsisi talaga.
"Anything for you, Ms. Alyana." Yumuko si Dwiey at umaktong parang kawal na nagbigay-galang sa reyna. Natawa ako dahil doon. Inismaran lang siya ni Laurent.
Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko. Hinatid ako ni Laurent matapos sabihin ng doctor na okay naman na ang lagay ko. Although may benda pa rin ang mga kamay ko dahil sa sugat na galing sa higpit ng pagkakatali sa akin. Isa pa, matulis ang klase ng tali na inilagay sa akin nina Honey.
And speaking of, kakausapin ko siya mamaya.
"You should rest now," wika ni Laurent nang humiga ako sa kama.
"Are you going to leave me?" I asked him. Tumingin naman siya sa akin saka ngumiti.
"Why would I?"
Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
"Samahan mo na ako rito matulog."
"Are you sure?" nag-aalangang tanong niya. Tumango naman ako saka bahagyang natawa.
"Para namang first time natin magtabi matulog," ngisi ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay saka naiiling na tumabi sa akin ng higa. Humarap ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. We stared at each other's eyes for a second. Tila nag-uusap kami gamit ang mga mata. Namumungay ang mga mata ni Laurent, bagay na nakakaakit tingnan.
Maya-maya lang ay humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero uunahin ko muna ang tunay kong nararamdaman.
"Laurent..." panimula ko saka napalunok. "I'm sorry."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "I'm sorry for what?"
"For lying."
Bahagya siyang natahimik at napatitig sa akin, tila naghihintay ng karagdagang paliwanag. Ngumiti na lang ako saka inabot ang pisngi niya.
"Laurent... Maniniwala ka ba kapag sinabi kong mahal kita?" I asked him.
Hindi siya nakasagot kaagad. Pero hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi at hinalikan ito bago muling bumaling sa akin.
"I never take a joke, Alyana. Isang salita mo lang ay paniniwalaan ko," tugon niya saka ngumiti sa akin. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib pero nilabanan ko iyon. He should never know that he's going to die in my hands.
"I love you," I told him.
Hindi siya sumagot. Pero nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang bewang ko saka ako hinalikan sa labi. It was a passionate kiss. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal doon kaya naman ay napaluha na lang ako. I easily get emotional when it comes to him.
Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati. Kakaiba pala talaga 'pag inlove. Nagiging madamdamin ang mga tao.
Maya-maya lang ay humiwalay si Laurent sa akin saka ako matiim na tinitigan sa mga mata.
"I'm sorry, Alyana. I'm sorry for the words I told you before," madamdaming saad niya saka hinawakan ang pisngi ko. "I'm just scared that they might also kill you. Ayokong mangyari iyon, Alyana. Hindi ko kakayanin na mawala—"
Agad ko siyang hinalikan sa labi para patahimikin. Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya ngumiti ako.
"You don't have to say sorry. Kasalanan ko rin naman."
"But—"
I kissed him once again.
"Alyana—"
Then again. He groaned at me pero hindi na nagprotesta.
"May aaminin ako sa iyo, Laurent," sabi ko sa kanya.
"What is it?"
Napalunok ako lalo na nang tumitig siya sa akin. "I... I tried to commit suicide the day before I got kidnapped."
"What?!" Agad kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"I'm sorry... Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko," naiiyak na paliwanag ko. Agad lumambot ang mga mata niya dahil doon. "I'm just glad na hindi natuloy."
"Alyana, don't you ever do that again. Suicide is not a good choice," concern na wika pa niya.
"I know that's why I'm sorry..."
"It's okay. It's already done. I still love you, mmm?"
Tumango na lang ako. Muli niyang sinakop ang mga labi ko. That was just a passionate kiss kaya naman ay halos lumuwa na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.
And that's when we became official.
***
Kinabukasan, nagising ako na wala na si Laurent sa tabi ko pero may iniwan naman siyang note at breakfast sa mesa. Napangiti ako nang makita ang fried rice and bacon. Binasa ko ang note at hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya.
'Eat now, my heart. I love you.'
Napakagat na lang ako sa labi saka sinimulan ang kumain. Naubos ko lahat iyon kaya naman ay tumayo na ako at nagbihis. May kailangan pa akong gawin ngayon.
Paglabas ng kuwarto ay dumiretso ako sa 2nd floor. Kumatok ako sa pinto at hindi naman ako nabigo dahil bumukas ito at iniluwa ang traydor kong kaibigan.
Nakasuot pa rin siya ng usual pretended look niya at eye glass. Pero ang ugali ay ibang-iba na.
Ngumisi siya nang makita ako at hinila ako papasok sa loob.
"What brings you here today, my friend?" nakangising wika niya saka napa-crossed arm. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"I'm not your friend," mariing tanggi ko.
"Hindi ba?" Bahagyang umarko ang kanyang kilay saka nagkunyareng dissapointed. "Nakakapanghinayang naman. Itatapon mo na lang ba basta-basta ang pagkakaibigan natin?"
"Bakit? Ni minsan ba tinuring mo akong tunay na kaibigan?" balik-tanong ko. "Sa loob ng mga panahon na magkasama tayo at hindi ko pa alam ang tunay na pagkatao mo, ni isa man lang ba roon ay totoo?"
Saglit siyang natahimik at napatitig sa akin. Maya-maya lang ay muli siyang ngumisi at saka bahagyang natawa.
"Kailangan pa bang itanong iyan? Obvious naman na siguro ang sagot?"
Napakuyom ako ng kamao. Gustong-gusto ko siyang sampalin ngayon. Pero pinipigilan ko lang ang sarili dahil hindi ko gawaing manakit ng traydor.
"Wala kang kasing sama!" gigil na wika ko saka sarkastik na natawa. "Nakakatawang isipin na kung anong ikinatamis ng pangalan mo ay siya namang ikinapait ng ugali mo!"
"O, easy lang, Alyana! Para kang bulkan na puputok na sa galit. Saka alam ko namang mali ang binigay na pangalan sa akin," hagalpak niya. "Anyway, the mission will still continue. Kaya lang, may nabago. Naisip ko kasing gawan ng twist para mas thrilling, hindi ba?"
"Anong binabalak mo?" inis na tanong ko pa.
"Bakit? Gusto mo na agad malaman?" Humagalpak siya ng tawa saka nag-flip hair. "Well, sige. Tutal nandito ka naman na, sasabihin ko na."
Tumalikod siya sa akin at lumapit sa isang kalendaryo na ngayon ko lang napansing may mga red mark. Walang duda, siya nga ang nagpapadala ng death note sa akin. Hindi naman kasi makakapasok nang basta-basta ang galing sa ibang cluster dito.
"Isa lang gagawin mo sa panibagong plano, Alyana. Once I declare a war, that's the time you will kill the president."
Natigilan ako sa narinig saka gulat na napalingon kay Honey.
"A-Anong sabi mo?"
Muli siyang humarap sa akin saka ngumisi.
"You heard me. There will be a big war that's going to happen inside the M-School so better get ready to do your job, okay?"
Tinapik niya ako sa balikat saka siya lumabas ng kuwarto na parang walang nangyari.
Kinabahan ako bigla. Nag-aalala ako sa mga mangyayari.
She's going to declare a war. Nababaliw na talaga si Honey. Hindi ko alam na mas baliw pa pala siya kaysa kay Jenie.
Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I need to think properly.
***
Dumiretso ako sa SC office. Kailangan kong balaan si Chief Laurent sa mga mangyayari. Ayokong may mangyaring masama sa kanya. Hindi siya puwedeng mapahamak.
Pero akmang papasok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa mula roon si Master Zef. Nagulat siya nang makita ako pero agad rin iyong nawala.
"G-Goodmorning, Master Zef," magalang na bati ko sa kanya.
"Alyana. Can I talk to you?" Bagkus ay tanong niya na siyang ipinagtaka ko. Pero pumayag na lang din ako.
Dumiretso kami sa isang bakanteng room. Sinirado niya ang pinto at humarap sa akin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pag-uusapan naming dalawa.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na pinapalayo niya na ako kay Laurent. Pero nag-iba ang sitwasyon. Boyfriend ko na si Laurent ngayon.
Napalunok na lang ako saka tumingin kay Master Zef.
"A-Ano pong pag-uusapan natin?" magalang na tanong ko kahit kinakabahan.
Sumandal siya sa pader saka bumuntong-hininga bago bumaling sa akin.
"Alyana... We both know how stubborn my brother is," panimula niya. "Ayaw niyang makinig sa lahat ng mga sinasabi ko. He always fight for you. He's willing to sacrifice himself just to make you safe."
"M-Master Zef..."
"This is the first time he fell in love, you know? Kahit kay Julie na fiancee niya ay hindi siya nagkagusto." Muli siyang bumuntong-hininga saka tumingin sa malayo. "My brother is very important to me. Ayoko lang naman na mapahamak siya kahit pa alam kong kaya naman niya ang sarili niya. Just so you know, he is the heir of Agiones society, Alyana. Only few people knows it dahil hindi puwedeng malaman nang lahat ang totoo niyang pagkatao. Bata pa lang siya ay lagi nang nanganganib ang buhay niya. Ilang beses na ba siyang sinubukang patayin ng mga tao? Hindi ko na maalala."
Bahagya siyang natawa na tila may inaalala. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig.
"But I salute him for being strong and a brave person. Kaya kahit wala ako sa tabi niya ay panatag na ako dahil alam ko namang kaya niyang ipagtanggol ang sarili."
Muli siyang humarap sa akin saka bahagyang ngumiti. I could see from her eyes that she's going to cry pero pinipigilan niya lang.
"So, Alyana. Do me a favor, mmm?"
"W-What favor po?"
"Protect him."
Natigilan ako sa sinabi niya at natulala.
"Protect him like how he protected you, Alyana," dagdag niya. "Love him unconditionally, never leave his side, and do the things I did not able to do for the former president."
Agad napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"A-Anong ibig mo pong sabihin?" naguguluhang tanong ko saka napaisip. "Wait, former president? Tama po ba ang narinig ko?"
Tinitigan niya ako saka siya tumango. "Yes. The one who attended during M-School's anniversary."
Nanlaki ang mga mata ko. "Y-You mean, si kuya?"
"Kuya?" Siya naman ngayon ang napakunot ang noo sa akin, nagtataka.
"Kapatid ko po si Gabriel, ang dating presidente," pag-amin ko pa.
Nanlaki ang mga mata niya saka napanganga sa sinabi ko.
"Kuya mo si Gab?!" bulalas niya.
"Ah... Yes po." Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Hindi po ba obvious?"
"I thought..." Wala sa sariling napaturo siya sa akin. "I thought... Oh, god!"
Napahawak siya bigla sa kanyang ulo at parang nahiya.
"Uhh, don't tell me may namagitan po sa inyo ng kuya ko?" hula ko pa.
Muli naman siyang napalingon sa akin at kinagat ang labi.
"Your brother is my ex-boyfriend."
Nalaglag ang panga ko.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top