M 42: Letting Go
Chapter 42:
I hope you like our little surprise.
-S.
Another twist! Your mother will be the next after Julie Rose. Exciting, huh?
-S.
Nanginginig na nilukot ko ang dalawang sticky note na nakadikit sa pinto.
So, ito pala ang ibig nilang sabihin na may mauuna kay Julie. Sinadya nila ang nangyari sa cafeteria para takutin ako.
Muli na naman akong nilukob ng galit dahil sa napagtanto. At ngayon ay idadamay nila si mama na walang kaalam-alam!
Napasigaw na lang at frustrated na ginulo ang buhok. Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Si mama na ang pinag-uusapan dito at iyon ang hindi ko kayang mangyari. Hindi ko kaya na pati siya ay mawawala dahil siya na lang ang mayro'n ako.
Muli kong naalala ang sinabi ni Julie. She said that Laurent is her fiancé. Though it is not done by their will, their parents arrange their marriage. Yes, naka-arrange marriage sila.
But, still, that doesn't change the fact that I need to kill him. Now, I'm on the verge of doing my mission. Hindi ko kayang isakripisyo si mama.
Isn't ridiculous? Ako ang papatay kay Laurent pero ako rin ang gagamitin ng mga Sernoso para pabagsakin siya. Ano ba talaga ang balak nila?
Masisiraan na ako ng bait sa naiisip. Pero anuman ang mangyari, I need to avoid him now. Iyon lang ang tanging paraan para hindi na ako mahirapan, para hindi na siya mahirapan.
I decided to go to Honey's room. Saktong pagdating ko ay kalalabas niya lang din. Napasinghap siya sa tuwa nang makita ako.
"Alyana! Buti nandito ka!" nakangiting wika niya saka niyakap ako. "Tara, sabay na tayong kumain!"
Wala na akong nagawa nang hilain niya ako palabas ng dorm. Saktong naabutan namin si Thricia sa lobby na as usual ay hawak na naman ang ballpen at papel. Nang makita niya kami ay agad na umarko ang kilay niya.
"Himala at nagkasabay ulit kayo," sarcastic na wika nito.
"Hi, Thricia!" Nakangiting kumaway si Honey sa kanya. "Sabay na tayong kumain!"
"No. Ayoko!" Umirap si Thricia saka nagpamaunang naglakad sa amin.
"Uh, Honey..." tawag ko sa kanya. "I don't think sa cafeteria tayo kakain ngayon. Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari kahapon, 'di ba?"
"Ay, oo nga pala..." Napabuntong-hininga siya saka inayos ang salamin sa mata. "Nakakalungkot isipin na ang daming namatay kahapon. Sa tingin mo, sino ang gumawa nito? At anong motibo nila?"
Napatitig ako kay Honey. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot.
"S-Sa tingin ko, mga rebelde..." tugon ko na lang.
"Mga rebelde?" Nanlaki ang mga mata niya saka biglang kinilabutan. "K-Kung gano'n, hindi na tayo safe rito, Alyana!"
"Hindi naman naging safe ang school, Honey."
"Pero kahit na! Hindi naman ganito dati, e! Natatakot ako na baka pati tayo ay madamay kahit wala naman tayong ginagawang masama!"
"Honey—"
"Mahal ko pa ang buhay ko, Alyana. Marami pa akong mga pangarap na gustong marating kaya ayokong mamatay. I'm not ready."
"Honey..." Hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin. "Hindi ka mamamatay. Hindi ko hahayaang mangyari iyon."
At hindi ko hahayaang idamay ka ng mga Sernoso.
"Alyana..." Binigyan ako ng nag-aalalang tingin ni Honey. "Please be safe. Ayokong pati sa iyo ay may mangyaring masama. Hindi ko kakayanin iyon. Ikaw lang ang kaibigan ko rito."
Ngumiti na lang ako sa kanya at bumuntong-hininga. "Promise."
***
Nandito kami ni Honey sa isang swing. Dito na muna kami kumain dahil sira pa ang cafeteria though puwede naman nang um-order ng pagkain doon. Inaayos na rin naman ang mga nasirang kagamitan doon.
"Sa tingin mo, makaka-graduate pa kaya tayo, Alyana?" biglang tanong ni Honey sa gitna ng katahimikan. "Gustong-gusto ko na makalabas dito pero parang suntok sa buwan ang makaabot ng level 10."
"Hindi ko rin alam..." tugon ko saka uminom ng juice.
"Natatakot ako na baka dito na ako mamamatay. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari kaya nababahala talaga ako sa totoo lang." Bumuntong-hininga siya saka sinipa ang mga dahon sa paanan niya.
"Basta stay ka lang sa library. Mas safe roon," sabi ko na lang.
Napalingon siya sa akin dahil doon. "Paano ka? Dapat sa library ka na lang din manatili baka mapahamak ka pa."
"Ayos lang ako, Honey. Kaya ko sarili ko," ngiti ko sa kanya.
"Sure ka, ah?"
"Mmm." Tinanguan ko siya.
Nagpatuloy kami sa kinakain. Pero natigilan ako nang matanaw sa 'di kalayuan si Laurent kasama si Dwiey kaya naman ay agad akong tumalikod.
Hindi niya dapat ako makita dahil ayoko nang gumulo pa lalo ang sitwasyon ko. Mas mabuti pa ang magkunyare ako na hindi siya nag-e-exist.
***
Today is archery time. Oo, may nangyaring gulo kahapon pero hindi ibig sabihin no'n ay walang klase. May ibang tao naman kasi ang nag-aasikaso sa mga bangkay.
Isa pa, ang mga SC officials na ang bahala sa lahat.
Nag-focus na lang ako sa pagpapana. Natutuwa ako dahil ang laki na ng improvement ko. Dati ay hindi tumatama sa mga bilog ang palaso pero ngayon ay talagang bullseye lahat.
Napangiti na lang ako sa resulta.
"I'm impressed by your improvement, Alyana." Napalingon ako kay Master Zef nang lumapit siya sa akin.
"M-Master Zef..." Bahagya akong yumuko sa kanya.
"Hindi ka na katulad dati na takot na takot. Ang laki ng ipinagbago mo," dagdag niya saka bahagyang ngumiti. Nagulat ako roon.
Hindi siya galit sa akin ngayon. Back to normal ang ugali niya na laging positibo samantalang kahapon ay para siyang makakapatay ng tao sa galit.
"Anyway, can you be honest to me just this time?" tanong niya.
"A-Ano po iyon?" tanong ko saka sinulyapan ang mga kaklase namin. Buti naman at lahat ay busy.
Tinitigan ako sa mga mata ni Master Zef. Doon ko napansin ang pagkakahawig nila ni Laurent. Mula sa hugis ng mukha, mga labi at mata na kung makatingin ay parang hahalukayin ang pagkatao mo. Ang kaibahan lang ay kulang brown ang mga mata ni Master Zef.
"Tell me, honestly, Alyana. Have you fallen in love with my brother?"
Hindi ko inasahan ang mga sinabi ni Master Zef kaya talagang nagulat ako.
"P-Po?"
"Are you in love with Laurent?"
"M-Master Zef..."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi.
"Alyana..." Bumuntong-hininga siya. "Laurent is a very special person to me. Kaming dalawa lang naman ang nagdadamayan sa isa't isa. You don't know how much I love my brother."
Napalunok ako. Hindi ko maintindihan ang punto niya.
"If you love my brother, then, better stay away from him. Hindi mo pa siya kilala at hindi mo alam kung anong magiging epekto mo sa kanya," dagdag niya. "He's starting to lose himself, Alyana, and all that he thinks about is you and your safety."
"M-Master Zef..."
"It's not that I don't like you. In fact, both of you are compatible with each other, but we are talking about you and Laurent's safety here. Maraming gustong patayin siya at ikaw ang gagamitin nila laban sa kanya."
Tuluyan na akong natameme.
"So, please, help him. Ikaw na mismo ang lumayo sa kanya dahil hindi niya kayang gawin iyon."
***
Master Zef statement still lingers on my mind. Dalawa na sila ni Julie ang nagtulong-tulong para layuan ko si Laurent.
Nakakatawang isipin na kailangan kong iwasan si Laurent dahil mapapahamak lamang siya. Ang hindi nila alam ay ako ang papatay sa kanya.
But they are right. Kailangan kong layuan si Laurent dahil mas mahihirapan lamang ako kung patuloy akong nakadikit sa kanya. Magiging magulo lamang ang lahat.
The thought stabbed my heart. Pero anong magagawa ko? We're not meant for each other.
Napakagat-labi na lang ako para pigilan ang sariling maiyak.
Akmang liliko na sana ako sa isang hallway nang makasalubong ko sina Julie at Laurent. They were talking to each other pero napahinto rin nang makita ako.
My heart beats faster lalo na nang magtagpo ang mga mata namin ni Laurent.
Bago pa niya ako tawagin ay tumalikod agad ako at tumakbo palayo sa kanya. Hindi niya na dapat ako kausapin pa. Hindi na puwede.
Napagdesisyunan ko na lamang na dumiretso sa dorm. Doon ako nagmukmok at nilabas ang lahat ng sakit sa puso ko.
Oo, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako sa ginagawa ko pero wala naman akong choice, 'di ba? Both choices na pipiliin ko ay makakapahamak pa rin kay Laurent.
Ano pa ba ang silbi ng choices kung parehas lang din naman ng kahahantungan? Very useless.
Kinuha ko ang keychain ng Sernoso clan. Tinitigan ko ito.
Am I meant to be a killer? Is it my destiny?
Ilang beses kong pinili ang maging fighter pero sa huli nagiging killer pa rin ako.
Maybe I am both a killer and a fighter. Nakakasawa rin pala ang maging ganito. Parang gusto ko na lang bumalik sa pagkabata. Iyong tipong wala kang ibang iisipin kundi puro laro.
Ipinalis ko ang mga luha sa pisngi saka muling nagpasyang lumabas. Kailangan kong magpahangin. Nasu-suffocate na ako.
Pero saktong pagbaba ko sa lobby ay nagulat ako nang makasalubong si Laurent. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya naman bago pa siya makalapit ay muli akong tumalikod at dali-daling sumakay ng elevator.
Pero nagulat ako nang makahabol siya at diretsong pinindot ang pinakahuling floor. Lumayo ako bigla sa kanya at yumuko. Humarap naman siya sa akin at ramdam kong tinititigan niya ako.
Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayong kasama ko siya. Feeling ko ang bigat ng tension sa paligid.
Mabuti na lang at huminto na sa floor kung saan ang kuwarto ko kaya dali-dali akong lumabas. Pero bago pa ako makalabas ay biglang hinawakan ni Laurent ang kamay ko at hinila ako pabalik sa loob.
Sa lakas ng pagkakahila niya ay tumama ako sa kanyang dibdib.
"A-Ano ba—" Sinubukan kong makawala sa kanya pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin saka sinirado pabalik ang elevator.
"Laurent—"
"Shut up, lady." Binigyan niya ako ng masamang tingin kaya naman ay gano'n din ang ginawa ko.
Mabuti na lang at pinakawalan niya ako kaya nakalayo ako sa kanya.
"Ano bang problema mo?" inis na wika ko sa kanya. "Nandoon ang floor ng kuwarto ko, Laurent!"
"I know and I don't care."
"Anong I don't—" Muling nagbukas ang elevator.
Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Laurent palabas saka dumiretso sa kuwarto niya.
"B-Bitiwan mo nga ako!" inis na wika ko saka pinilit na magpumiglas sa kanya. Pero mas malakas siya sa akin kaya kahit ano ang gawin ko ay hindi effective. "Laurent, ano ba!"
Hindi siya nakinig sa akin. Bagkus ay binuksan niya ang kanyang kuwarto at ipinasok ako roon. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ano ba talaga ang problema mo, ha? Bakit mo ako dinala rito?" sabi ko sa kanya.
"What about you? What's problem, Alyana?" balik-tanong niya sa akin saka nagsimulang lumapit.
Agad akong napaatras sa ginawa niya. Nagtitigan kaming dalawa. Napakaseryoso ng mukha niya kaya lalo akong kinabahan.
"D-Diyan ka lang! Huwag kang lalapit sa akin!" sabi ko pero hindi siya nakinig. Nagpatuloy lang siya sa paghakbang. "Sinabi nang diyan ka lang—"
"Tell me, Alyana. Why are you being like this all of the sudden? Hindi ka naman ganito kahapon," seryosong wika niya saka huminto. "Are you avoiding me, Alyana?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
"Answer me, Alyana."
"H-Hindi..." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga nakakatunaw niyang mga mata.
"I don't believe you."
"H-Hindi nga!" tanggi ko saka bahagyang yumuko. "W-Wala namang dahilan para gawin iyon—"
"Uhuh? Then why can't you look at me in the eyes?"
"L-Laurent—"
"Look at me, Alyana."
Hindi ko siya sinunod. Nanatili lang akong nakayuko.
"I said look at me, lady."
Napapikit ako nang mariin saka kinagat ang labi bago muling tumingin sa kanya. There, I saw sadness in his eyes. Napalunok na lang ako dahil hindi ko kayang makita siyang ganito. He looked so down.
"Tell me honestly. Why are you avoiding me?" muling tanong niya.
"Laurent—"
"Did I do something bad?"
"N-No, Laurent—"
"So why are you making me feel this way? Why do you have to avoid me?"
Napatitig ako sa kanya. My heart is beating so loud but it's also aching at the same time. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito pero kailangan niyang malaman.
Kailangan na naming tapusin kung ano man ang mayro'n kami. Kailangan niya akong pakawalan.
"Laurent..." I trailed off. "W-We... We have to avoid each other."
"W-What?" Kumunot ang noo niya, halata ang gulat dahil sa sinabi ko.
I sighed. Pinipilit kong labanan ang mga luha na gusto nang kumawala sa mga mata ko. Feeling ko sarili ko ang sinasaktan ko.
"L-Layuan mo na ako dahil ayaw na kitang makita," sabi ko saka umiwas ng tingin.
Sandali siyang natahimik. Nang muli ko siyang tingnan ay nakatitig lang siya sa akin at wala akong makitang kahit anong reaction doon. Lalo akong kinabahan doon.
"That's why you are avoiding me, huh?" walang emosyong tugon niya.
"Laurent—"
"Tell me, Alyana. Is it because of what happened yesterday?"
"No—"
"Then, there's no reason to avoid me." he cut me off.
"Laurent!" Huminga ako nang malalim bago siya muling tingnan sa mga mata. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. "Hindi kita mahal, okay? Hindi kita mahal at wala kang pag-asa sa akin! Kung ayaw mong masaktan ay layuan mo na ako!"
Saka ko siya nilagpasan at akmang aalis na sana nang muli niya akong hinila paharap sa kanya.
"Laurent, ano ba—"
"Then, I'll make you love me, too, Alyana."
Natigilan ako sa sinabi niya. Siya naman ay matiim akong tinitigan sa mga mata.
"L-Laurent—"
Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Nagulat na lang ako nang biglang kabigin ni Laurent ang bewang ko saka walang anu-ano'y hinalikan ako sa labi.
Natulala ako sa ginawa niya. Nablangko ako ng ilang segundo. Ramdam na ramdam ko ang malambot na labi niya sa akin at halos mawalan ako ng lakas. Sinubukan ko siyang itulak pero lalo niyang idinikit ang sarili sa akin saka sinubukang pasukin ang mga labi ko.
"No one's gonna tell me when or why to avoid you because I will not do it. Ever," sambit niya saka muling sakupin ang mga labi ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili. Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Kahit ano ang gawin ko ay hindi ko siya kayang layuan. How could I not resist this man?
Napaiyak na lang ako lalo dahil labag sa kalooban ko ang iwasan siya.
"I love you, Alyana, and I'll do everything for you to love me back," sabi niya sa pagitan ng mga labi namin.
Wala na. Sumuko na ako. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at saka tumugon ng halik sa kanya. He is my first kiss at hindi ko pinagsisihang angkinin niya ang mga labi ko.
Lalong lumalim ang mga halik ni Laurent kaya bahagya akong napaungol. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at lalong idinikit ang mga sarili. Hindi ako marunong humalik kaya sinasabayan ko na lang ang bawat galaw niya.
His kisses makes my toes to melt. It was very passionate and I could feel the love, longing and pain there.
Naramdaman ko ang pag-init ng aming mga katawan. Kasabay noon ay ang pagbuhat sa akin ni Laurent pahiga sa kama nang hindi binibitawan ang mga labi.
Maya-maya lang ay bahagya siyang bumitaw sa saka namumungay ang mga matang tumingin sa akin. Napalunok ako.
"Promise me, Alyana. You will not leave me."
"L-Laurent..."
"Just promise me, Alyana."
Hindi na ako sumagot. Tumango na lang ako sa kanya. Muli niyang inangkin ang aking mga labi at sa pagkakataong ito ay naging mapusok ang mga halik niya.
I was now lost. Wala na akong ibang iniisip kundi ang mga halik niya. Ang hirap maging marupok lalo na kung sa presidenteng tulad niya.
And I know, pagsisisihan ko ito pagkatapos.
Damn that mission!
***
I was now staring at the most gorgeous man beside me. He was sleeping peacefully while hugging me so tightly.
Iyong tipong takot na takot na mawala ako. Napangiti na lang ako saka hinawakan ang mukha niya. He really is like an angel kapag tulog. Kay sarap pagmasdan.
Napabuntong-hininga na lang ako saka dahan-dahang inalis ang mga kamay niya. What we have right now are just temporary. Ang reyalidad ay naghihintay sa labas. Ang totoong laban ay nag-aabang na.
Pinunasan ko ang mga luha na muli na namang lumandas sa pisngi ko. Muli kong binalingan ng tingin si Laurent saka masuyong hinalikan sa noo.
I love you, Laurent, and I'm sorry.
Sa paglabas ko ng kuwarto niya ay muli na namang nanumbalik sa aking mga alaala kung bakit ko nga ba minahal si Laurent. Kung bakit sa dami ng lalaki ay siya pa ay pinili ng puso ko.
Pero kailangan kong harapin ang katotohanan. Hanggang dito na lang talaga kami at wala nang karugtong ang kuwento naming dalawa. Si Julie ang nararapat sa kanya.
Kahit mabigat sa dibdib ay iniwan ko si Laurent. Tinalikuran ko siya hindi para sa amin kundi para sa mga taong nakapaligid sa amin. I have to do it for everyone's sake.
Tama na ang pagiging selfish ko. Oras na para ang kabutihan naman ng lahat ang piliin ko.
Saktong pagbaba ko sa 3rd floor ay bumungad sa akin si Thricia. Bahagya siyang nagulat nang makita ako pero agad ring napalitan ng pagtataray niya.
"Thricia..."
"Where have you been? Kanina pa ako kumakatok sa kuwarto mo pero wala ka naman pala roon."
Napakurap ako sa sinabi niya at hindi nakaimik. Hindi naman kasi ako sa kuwarto natulog.
"Anyway, a letter for you." Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang isang sobre. Nagtatakang tiningnan ko siya.
"Sino ang—"
"Just read it and stop asking me," mataray na saad niya saka umalis.
Naiwan naman akong natulala ng ilang segundo bago tingnan ang sobre na hawak.
"To: Alyana Cabunci.
From: Liyana Yalcor."
Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat na pangalan kaya naman ay dali-dali akong pumasok sa kuwarto at umupo sa kama.
Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang letter at binasa ito.
"Hi, anak! How have you been? Sorry, ngayon lang ako nagkaroon ng chance na makapagpadala ng sulat for you! I hope you're fine there and I miss you so much! But, there is something I need to tell you except for the regards.
First of all, I just want to apologize for keeping a secret from you. You know I love you, right? Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin kapag nalaman mo na ang totoo, anak.
Your father is part of the underground society. Matagal ko nang alam iyon pero hindi na ako nangialam pa sa kanya. Ang importante ay kasama ko siya at hindi niya ako iniiwan. Just so you know, I love your father so much and alam kong alam mo iyon. I can do anything for him kahit masakit.
Until one day, I was surprised and almost fainted when I saw your father carrying a baby while walking down to our living room. 5 years old pa lang si kuya mo noon. And you know what's the most shocking part is? That's when your father told me that the baby is his daughter and that I should take care of her, too. Oo, masakit na malamang niloko ako ng ama mo pero nawala iyon nang makita ko ang baby na ngumiti sa akin. For the second time in my life, I feel so happy again, anak. May bunso nang babantayan si kuya. At wala na akong ibang iniisip noon kundi ang alagaan siya at ituring na parang tunay kong anak.
Yes, Alyana. The baby is you. I'm sorry for keeping the truth away from you pero gusto kong malaman mo na pinoprotektahan lamang kita. If you're asking me about your biological mother, she is already dead, Alyana. But what angers me is that when I discovered the truth, you were already part of the plan to get revenge against Agiones society right before you even existed in this world.
Yes, your father killed your biological mother as an exchange for your existence, anak. Your father killed her because she was part of the Agiones society and she was not just a member, Alyana. She's a very important woman in Agiones's life. That's why I'm telling you, Alyana. Be smart and strong. Please, keep yourself alive and come back to me, hmm? I love you so much and I'm so sorry. I hope you will forgive me after reading this.
Ps. Your father is not just a leader of the Sernoso clan. He is the mastermind, and on top of that, you are not a Cabunci, my princess. That's just the middle surname of your father. You have a true identity...
You are Alyana Lewis Sernoso."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top