M 41: Unexpected turn of events

Chapter 41:

Kinabukasan, maaga akong nagising. Ay mali. Hindi pala ako nakatulog.

Paano ako makakatulog kung hanggang ngayon ay iniisip ko ang nasaksihan kagabi? I really can't believe that the Sergeant at Arms had a connection with the Sernoso clan.

Nangangamba tuloy ako sa kaligtasan ng mga SC officials. Hindi nila alam na isa sa kanila ang traydor. Mas lalong hindi ko alam kung paano haharapin si Vincelee na hindi mangangatog ang tuhod.

Na-stress na talaga ako sa mga nangyayari.

Nawalan na ako ng ganang pumasok kaya naman ay dumiretso ako sa mini-gym ni Laurent. Gusto kong magpalamig ng ulo. Ang dami ko nang iniisip. Baka mabaliw na ako nang tuluyan.

Pero saktong pagpasok ko sa gate ay napahinto ako nang makita si Laurent habang seryosong dinidiligan ang mga bulaklak. He's just wearing a sando at ang hot niyang tingnan.

Naisipan kong lapitan siya. Alam kong nararamdaman niya ang presensya ko kahit hindi siya lumingon.

"Flowers will die if not watered," panimulang wika ni Laurent habang nasa bulaklak pa rin ang buong atensyon. "So, in order to keep them alive, someone must take care of them."

Napangiti ako sa sinabi niya saka kumuha ng isang white rose. Hindi naman nagalit si Laurent sa ginawa ko kaya kumuha pa ako ng isa.

"Just like the school, Alyana," muling sambit ni Laurent saka bumaling sa akin. Sadness is visible in his eyes kaya naman ay napalunok ako. This is the first time I see him sad. Pero ito rin ang ayaw kong makita sa kanya dahil pati ako ay nasasaktan.

"The school won't be able to survive if no one take cares of it," dagdag niya.

Napakurap ako. "Laurent..."

"That's why I'm doing my best to protect the school and the people. Also, I'm ready to sacrifice my life in order to make my loved one safe."

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Sadness is still in his eyes. Why is he sad about it? He's doing his best and he's a great president. Don't tell me he's carrying a burden now? May problema ba siyang hindi ko alam?

Muli siyang nagpatuloy sa pagdidilig ng mga bulaklak. Ako naman ay napayuko at napatitig sa mga puting rosas na hawak ko.

"Having a healthy environment makes us happy, don't you think?" muling sambit niya dahilan para muli akong mapatingin sa kanya. "Alyana, do you remember the rule number three of this school?"

Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin.

"I was the one who added that rule," dagdag niya. "I know that sounds ridiculous because killing is prohibited. But, that's not really a rule. That's just my hidden advice to all students. No matter what happens, they have to stay alive. They have to keep going and graduating to get their freedom outside."

Napatitig ako sa kanya. Muling bumalik sa alaala ko ang unang araw ng pagtapak ko rito.

Rule number 3 is to Stay alive. Now, I understand bakit gano'n ang nakasulat. Pinagtawanan pa iyon ng mga tao pero hindi nila alam na isa iyong advice.

"Do you also know why they named our school as Miles School?" muling tanong niya.

"W-Why?"

"Because Miles is a latin word for a warrior, Alyana. That's the reason why M-School exists. We are warriors. So in order to be one, we need to be fighters. We trained to be brave."

Natahimik ako. Ngayon ko lang alam na iyon pala ang ibig sabihin ng Miles School. Akala ko literal na miles dahil malayo ito sa kabihasnan. May malalim na word pa pala.

"Alyana..." muling sambit niya. "Do you know why people call me "chief" instead of "president"?"

I waited for his answer. Ito ang isa sa pinagtataka ko dati. Bahagya naman siyang ngumiti sa akin at muling nagdilig ng mga bulaklak.

"That's because they think so highly of me. They called me chief because they thought I deserved the title," paliwanag niya. "I am a chief because of my braveness and my ability to handle them. They give so much respect to me. I don't feel any pressure, though. Mas na-appreciate ko nga sila dahil doon."

Hindi na talaga ako nakapagsalita. Napatitig lang ako sa kanya. Kaya pala chief ang tawag sa kanya ng mga tao.
Akala ko trip-trip lang nila na tawagin siya sa gano'n.

Well, miski ako, masasabi kong deserve naman niya ang tawagin siyang chief dahil he's a great leader.

Then I remember something.

"Laurent..." I called him. Feeling ko may bumara sa aking lalamunan sa sumunod na sinabi ko. "Paano kung... wala na ang taong nag-aalaga sa mga bulaklak? Anong mangyayari?"

Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko. Nagtama ang mga paningin namin at bakas ang kaunting pagkalito at pagkagulat sa mga mata niya.

"What do you mean?"

Peke akong tumawa. "I mean, like umalis na, gano'n."

I mean if you are already dead, Laurent.

"Then... someone must continue doing it. Someone who is worthy," tugon niya saka bahagyang ngumiti sa akin.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng bigat sa dibdib. His words is like a gun, very painful. Wala naman siyang ibang ibig sabihin doon pero ako, iba ang pagkakaintindi ko.

"Alyana..." Biglang kinuha ni Laurent ang kamay ko saka ako iginaya sa loob ng garden niya. "Look at the garden. It's beautiful, isn't?"

Sinulyapan ko muna siya saka tiningnan ang kabuuan ng garden. Iba't ibang makukulay na mga bulaklak ang makikita rito at napakaganda sa mata.

Napangiti na lang ako saka muling tumingin kay Laurent.

"Yes. It's really beautiful," tugon ko.

Bumaling naman siya sa akin saka bahagyang ngumiti. Ano ba iyan, kanina ang lungkot naming dalawa tapos ngayon ay iba na! Nakaka-abnormal si Laurent kasama.

"This garden is yours, Alyana."

Natigilan ako sa sinabi ni Laurent.

"Ha?"

"Do you remember why I made this garden? Do you remember I told you I will bring my lady here?" tanong niya sa akin saka ngumiti. Kahit kinakabahan ay tumango naman agad ako. "I already found her, Alyana. I already found you."

My world suddenly stopped. My heart was beating so loudly that I couldn't hear anything except for it. My whole system is in chaos right now!

Napatitig na lang ako kay Laurent. I don't know what to say. I'm too overwhelmed right now. At inaamin ko, sobrang kinikilig ako! Feeling ko sa aming dalawa lang umiikot ang mundo.

Biglang hinawakan ni Laurent ang mga kamay ko saka tinitigan ako sa mga mata. Kinabahan tuloy lalo ako.

"Alyana, now that you're here... Can you promise to take care of this garden?"

"Laurent..."

"My garden symbolizes my heart, Alyana. Will you accept it?" muling sambit niya. "Can you take care of it?"

Muli akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay nablangko ako at wala akong ibang iniisip kundi ang mga sinabi niya.

"I'm not forcing you to accept my heart, Alyana. But, at least, even if I'm gone, you'll take care of my garden. You'll give it value and make it still alive." Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin. "Make my heart alive forever, Alyana."

Hindi ko alam pero bigla akong naiyak sa sinabi ni Laurent. May laman kasi ang bawat sa salita niya at pinaghalong saya, sakit, at lungkot naman ang nararamdaman ko.

He's confessing his love to me right now. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko rin siya dahil sa katotohanang kailangan ko siyang patayin.

The thought stabbed my heart like hell kaya naman ay niyakap ko na lang si Laurent. Niyakap niya naman ako pabalik saka hinalikan sa ulo.

"I'll wait for you, Alyana. I'll wait for you until you're ready. I promise you that," bulong niya.

Hindi na ako nagsalita. Bagkus ay hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya saka sumubsob sa kanyang dibdib. Doon ako lihim na umiyak.

I'm sorry, Laurent.

***

Nandito kami ni Laurent sa cafeteria ngayon. Matapos ang kaganapan sa garden niya kanina ay dumiretso kami rito. Tanghali naman na din kaya marami nang tao ang kumakain ng lunch dito ngayon.

Tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Hindi ko alam pero kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Hindi naman sa naiilang ako kay Laurent pero kasi kapag naaalala ko ang mga sinabi niya kanina ay para akong nasa cloud nine.

Ganito ba ang pakiramdam kapag may nag-confess sa iyo? Feeling ko mababaliw na ako lalo na at ang tahimik naming dalawa.

Kahit nagugutom ako ay nahihirapan akong lunukin ang kinakain ko. Feeling ko busog na ako kahit hindi naman talaga.

"Don't you like the food?" biglang tanong ni Laurent nang mapansing ang konti ng kinakain ko.

Agad naman akong umiling saka ngumiti. "M-Masarap naman. Kaso, wala akong gana."

"Why?" takang tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako. "You should eat, Alyana. Hindi ka dapat malipasan ng gutom."

"Why do I feel like I'm talking to my mother?" pang-aasar ko pa. Tumaas lang ang kilay niya kaya naman ay bahagya akong ngumuso. "Joke lang."

Hindi yata alam ng lalaking ito ang salitang joke. Pangit niya ka-bonding, ah!

"Don't pout, Alyana."

"Ha?" taka ko siyang nilingon.

"I said don't pout."

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Wala. Tsk." Umiwas siya ng tingin saka muling nagpatuloy sa kinakain. Ako naman ay napatitig lang sa kanya.

Masama ba ang ngumuso?

"Just eat your food and quit staring at me," muling sambit niya. Biglang nag-init ang pisngi ko kaya naman ay umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang kumain.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakanguya ay bigla na lamang nabasag ang salamin ng bintana sa cafeteria. Napako ako sa kinauupuan nang makita ang isang bagay na papalapit sa kinaroroonan ko. Tila nag-slow motion ang paligid habang unti-unting lumalapit ang isang bala sa mukha ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko at nablangko ang utak ko!

Bago pa ito tuluyang dumapo sa akin ay isang kamay ang humila sa akin payuko sa mesa. Agad kong tiningnan kung saan dumiretso ang bala.

Isang lalaking estudyante ang bigla na lamang bumulagta sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sandaling natahimik ang buong paligid. Maya-maya lang ay sabay-sabay na nagsigawan ang mga estudyante kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril sa paligid.

Nagkagulo bigla sa loob ng cafeteria at ako naman ay halos himatayin sa takot.

"Damn it!" Laurent hissed to himself before pulling me down under the table.

Napatakip ako sa tainga dahil sa sobrang lakas ng tunog ng mga bala. Kitang-kita ko pa kung paano nagtalsikan ang mga gamit sa paligid na dumagdag sa takot ko.

What the hell is happening? May war bang magaganap?

"Stay put, Alyana. Don't move," seryosong utos ni Laurent na siya namang sinunod ko.

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman na naming wala nang panganib sa paligid.

"Don't move yet, Alyana," muling utos ni Laurent saka siya dahan-dahang tumayo. Nang masiguro niyang okay na ay inalalayan niya akong lumabas sa mesa.

Nanginginig ang buong katawan ko habang patakbo naming tinatahak ang pintuan ng cafeteria. Halos manghina ako sa takot nang makita ang ilang mga tao na walang buhay at naliligo sa sariling dugo.

"Damn!" Muling napamura si Laurent saka hinila ako papunta sa SC office.

Sa sobrang blangko ng utak ko ay hindi ko namalayang nasa loob na pala kami ng opisina nila. Kumuha ng upuan si Laurent at saka ako pinaupo roon.

Saktong nasidatingan ang ibang mga officials kaya nagkagulo sila.

"What the hell just happened? Hindi pa ako tapos tumae ay nakarinig na agad ako ng putok ng baril!" pambungad na wika ni Dwiey na ngayon lang sinirado ang zipper ng pants niya.

"Oh, God! Ang daming tinamaan sa cafeteria!" bulalas ni Julie.

Kaagad na kumuha ng baril si Laurent si cabinet ng mesa niya na hindi ko alam na mayroon pala siya. Inasinta niya agad ito na agad namang ginaya ni Dwiey at Vincelee.

"Someone's attacking us," seryosong wika ni Laurent. Nang tingnan ko siya ay halos kilabutan ako sa mukha niya. Napakaseryoso nito at nag-aalab sa galit ang mga mata. Iyong tipong handa nang kumitil ng buhay.

Akmang aalis na sana sila nang biglang bumukas ang pintuan saka iniluwa mula roon ang galit na galit na si Master Zef na kaagad sinundan ni Thricia.

"What the hell just happened?!" sigaw nito.

"Obviously, they are starting to attack us, Master Zef," sarkastikong tugon ni Thricia saka inihanda ang hawak na katana. "I'll go outside to check the place." Saka siya umalis.

"I guess, they're on the move," seryosong wika ni Dreyah saka sumunod kay Thricia.

"Nasaktan ba kayo?" tanong ni Master Zef saka bumaling kay Laurent. "Nasaktan ka ba?"

"Stop worrying about me, ate."

"I can't, Laurent, lalo na't ikaw ang puntirya nila! Damn it! Talagang sinusubukan nila ang pasensya ko, ah!" gigil na wika ni Master Zef saka sumunod kay Dreyah.

Akmang susunod na sina Laurent nang magsalita ako.

"T-The bullet... I-It was aiming to kill me," nauutal na wika ko.

Lahat sila ay awtomatikong napalingon sa akin.

"What?" bulalas ni Julie.

"It was aiming to kill me! I almost died if Laurent didn't pull me!" sabi ko saka agad na napaiyak sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko kaya naman ay napayakap ako sa sarili.

Nagkatinginan silang lahat maliban kay Laurent na dumiretso sa akin at niyakap ako.

"Calm down, Alyana. I'm here to protect you. They cannot kill you, okay?"

"P-Pero—"

"You stay here." Muli siyang humiwalay ng yakap sa akin saka tiningnan ang mga kasama. "Julie, bantayan mo muna siya."

"Laurent—" Nanginginig na hinawakan ko ang lalaki sa kamay dahilan para muli siyang tumingin sa akin. Seryoso pa rin ang mukha niya pero may bahid ito ng pag-aalala.

"I'll be back, Alyana. Don't worry about me." Saglit niyang hinawakan ang pisngi ko bago sila tuluyang umalis ng mga kasama.

Wala na akong nagawa kundi ang tanawin silang umalis ng lugar.

"Hey... Are you alright?" mahinahong tanong ni Julie sa akin. Pero ang takot sa buong katawan ko ay nanatili. Hindi pa rin ako natigil sa panginginig. "Calm down, Alyana. You're safe now. Wait, I'll get you water."

Tumalikod siya saka lumapit sa water dispenser. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang baso ng tubig at iniabot sa akin. Agad ko iyong ininom at nagpasalamat sa kanya.

"You stay here until you calm down, okay? Don't worry, I'm here to protect you." Ngumiti siya sa akin kaya naman ay medyo nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

***

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik sina Laurent. Mabuti na lang at nandito si Julie kaya kahit papaano ay nabawasan na ang takot ko.

Hindi kami nag-uusap simula kanina. Tahimik lang siyang nakaupo sa mesa niya at gano'n din ako sa mesa ni Laurent. Siguro dahil pinapakiramdaman niya ako. Alam niya kasing sobrang takot na takot ako kanina.

Napabuntong-hininga na lang ako saka tiningnan ang oras.

Alas dos na ng hapon. Sana naman ay bumalik na sina Laurent. Nag-aalala na ako.

"Alyana."

Napalingon ako kay Julie nang sa wakas ay magsalita siya. Nakatingin siya sa akin ngayon at ramdam ko ang kaseryosohan ng mukha niya. Napalunok na lang ako saka sumagot.

"W-Why?"

"Why do you think the bullet is aiming to kill you?" seryosong tanong niya dahilan para matigilan ako.

"H-Hindi ko rin alam," naiiling na tugon ko.

"Ako, alam ko."

"Ha?" Napalamugat ako sa sinabi niya.

Tumayo naman siya sa kinatatayuan niya at lumapit sa akin.

"They were aiming to kill you because they knew how Laurent was smitten with you. They will use you as bait."

Natigilan ako sa sinabi niya at muling nilukob ng kaba. Alam niya palang may gusto sa akin si Laurent? Pero anong sinasabi niyang gagamitin akong bait?

"S-Sino ang tinutukoy mo?" kinakabahang tanong ko.

"Sernoso's."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Sernoso? They are the one who's aiming to kill me? Pero bakit? Bakit nila ako papatayin, e, anak ako ng leader?

Isa pa, kasama ako sa plano nila. Ang labo ng mga nangyayari.

"Sernoso clan is starting to attack this school. They are planning to shut it down at hindi nila iyon magagawa hangga't buhay si Laurent," paliwanag ni Julie saka sumandal sa mesa niya. "You, as Laurent's weakness will be used to drag him down. You are his downfall, Alyana. Itanggi mo man ay iyon ang katotohanan."

"J-Julie..."

"That's why I'm telling you, if you still love yourself, better stay away from Laurent."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang unti-unting maglandas sa mga pisngi ni Julie ang mga luha. Agad niya naman itong pinunasan bago muling bumaling sa akin.

"Nakakatawa. Ilang taon na kaming magkasama ni Laurent pero hindi man lang niya ako binigyan ng puwang sa puso niya. Samantalang ikaw, wala pang isang taon pero nagawa mong sirain ang pader sa kanyang puso. Paano mo nagagawa iyon, Alyana?"

"Julie..." Natigilan at napatitig ako sa kanya.

Hindi naman ako tanga para hindi mapansing mahal niya si Laurent kahit noon pa.

"Alyana, we both love Laurent. But in this case, you are the bait. You are his downfall. They will use you against him and that's what I'm scared of. Laurent will go crazy just to protect you," muling sambit niya. "So, if you really love him, stay away from him. Stay away from Laurent, Alyana, and give him to me."

"Julie—"

"Besides, both of you won't still end up together. Hindi pa rin ikaw ang pipiliin niya, Alyana."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean?"

Tinitigan niya ako sa mata bago nagsalita.

"Laurent is my fiancé, Alyana."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top