M 40: The Traitor
Chapter 40:
Nandito kami sa clinic ngayon. Nakaupo ako sa clinic bed habang ginagamot ni Laurent ang mga sugat ko.
Matapos ang nangyari kanina ay bigla na lamang akong nilapitan ni Laurent at kinarga papunta rito. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi na ako nagreklamo.
"You shouldn't have done that," seryosong sambit ni Thricia matapos ang katahimikan. Nandito rin siya ngayon dahil may kaunting galos din siya. "The more you apologize, the more Dreyah will be mad at you."
"T-Tama si Thricia, Alyana. Hindi mo na dapat ginawa iyon. Nag-alala ako baka tuluyan ka niyang saktan," dagdag ni Honey. Nakatayo siya sa harapan namin. Siya rin ang nagsabi sa akin kanina na tumaas ako sa level 6. Hindi ko nga lang sure kung ako ba talaga ang nanalo sa amin ni Dreyah.
Napabuntong-hininga na lang ako saka ngumiti nang matipid sa kanila.
"Salamat. Pero gusto ko talagang gawin iyon. At kung kailangan ay uulitin ko ang ginawa ko," tugon ko.
"Haist! You really are such a hard headed woman." Inirapan ako ni Thricia na napapailing na lang.
"Done," ani Laurent saka ibinalik sa lalagyan ang mga gamit. Bumaling siya sa akin at magaang hinawakan ang aking mukha. "How are you feeling?"
"I'm fine. Thank you," sagot ko saka ngumiti sa kanya.
Bumuntong-hininga naman siya saka bumaling kay Julie na hindi ko namalayang nakatitig pala sa amin. Hindi ko kasi siya napansin kanina dahil masyadong clouded ang utak ko sa mga nangyari.
"Julie, go and check Dreyah. Also, help her cure her wound," seryosong utos ni Laurent sa kanya.
Napilitang tumango si Julie saka kinuha ang mga gamit. Bago siya lumabas ng clinic ay sinulyapan niya muna ako. Kahit hindi niya sabihin ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang selos na nararamdaman.
Hindi ko mapigilang makonsensya at makaramdam ng kaba at the same time. Feeling ko kasi ay inagaw ko sa kanya si Laurent kahit wala namang kami.
Isa pa sa pinangangamba ko ang banta sa buhay niya.
"Let's go, Alyana. Ihahatid na kita sa kuwarto mo." Inilahad ni Laurent ang kamay sa akin. Akmang tatanggapin ko na iyon nang muling magbukas ang pintuan ng clinic at iniluwa naman doon ang hindi ko inaasahang makikita ngayon.
Si Mr. Polito.
Natigilan kaming lahat. Miski si Dreyah na nakaupo ay biglang tumayo at humarap sa kanya.
Tumingin sa amin si Mr. Polito at dumiretso rito. Hindi naman siya mukhang galit. Kalmado lang din ang mukha niya pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Feeling ko kasi may kasalanan ako sa kanya kahit wala naman.
"How are you feeling, hija?" seryosong tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.
"Mr. Polito," tawag ni Laurent sa kanya. Bumaling naman ang matanda sa kanya saka ngumiti.
"Can you leave us for a while? I just wanna talk to Alyana alone," wika nito.
Agad akong napatingin kay Laurent saka napahawak nang mahigpit sa kamay niya. Dahil doon ay bumaling sa akin si Laurent. Binigyan niya ako ng ngiti at hinawakan ang ulo ko. Kinakabahan talaga ako at ayokong maiwan kasama ang matanda.
"I'll wait for you outside," aniya saka sinenyasan ang mga kasama na sumunod sa kanya.
Wala na akong nagawa nang isa-isang naglabasan ang mga kasama ko. Oh, great. Feeling ko ay papagalitan o babantaan ako ng ama ni Dreyah. Exaggerated na masyado ang utak ko.
Kumuha ng isang upuan si Mr. Polito saka naka-dekuwatrong umupo roon. Muli siyang bumaling sa akin saka bahagyang ngumiti.
Lihim akong napalunok sa kaba at saka napahigpit ang hawak sa damit.
"You really look like her."
Napalamugat ako sa unang binitawang salita ng matanda.
"P-Po?"
Magaan siyang ngumiti sa akin. "Your mother. You look like your mother."
"A-Ah..." Pahapyaw akong natawa sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat i-react sa kanya. Naguluhan kasi ako. Isa pa, hindi ko naman kasi inaasahan ang sinabi niya. Akala ko naman kasi tungkol kay Dreyah ang topic.
Pero atleast medyo nakahinga ako nang maluwag doon. Hindi naman pala ako papagalitan.
"N-Nagkakamali po yata kayo, Mr. Polito. Paano niyo po nasabing kamukha ko ang mama ko, e, hindi naman po siguro kayo magkakilala ng family ko?" magalang na tugon ko pa. "Isa pa po, hindi po si mama ang kamukha ko. Si papa po."
Bahagyang tumagilid ang ulo niya saka tinaasan ako ng kilay, tila hindi makapaniwala.
"So, you didn't know?"
"Ang alin po?" takang tanong ko.
Saglit siyang tumitig sa akin. Maya-maya lang ay bahagya siyang natawa saka napailing.
"You really are too innocent, Alyana. Also, I am very impressed by how your family hides it from you."
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "A-Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Hija, your father knows me very well. You wouldn't? I was the most trusted member and an effective sniper during my time with Agiones Society. I bet you already know that.," tugon niya.
"N-Nakuwento nga po sa akin."
"But you didn't know your real identity."
"P-Po?"
"Hija..." Bumuntong-hininga si Mr. Polito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Your father is part of the Sernoso clan. I bet you also know that, but he's not just a member, Alyana. Your father is the leader of the Sernoso clan."
Nagulantang ako sa narinig. Para akong nabingi at hirap iproseso sa utak ang mga nalaman.
Like, what the fudge? Ano? Leader? Si papa? Leader ng Sernoso clan?
"Yes, Alyana. Your father is part of the underground society and he is the main enemy of the Agiones society," dagdag ni Mr. Polito na tila nabasa ang nasa isip ko. "How do I know it? Simply, the underground society is in chaos right now. They are now moving, Alyana."
"T-Teka, teka lang po!" Itinaas ko ang aking mga kamay saka naguguluhang napatingin sa kanya. "Hindi ko maintindihan. You said that the underground society is in chaos right now. You mean, may war na nagaganap, something like that?"
"Magaganap pa lang, hija. Pero hindi na maganda ang takbo ng underground society. Of course, all students inside the M-School did not know that. Ibang laban naman kasi ang kahaharapin ninyo," paliwanag niya saka bahagyang natawa.
"What do you mean po?" naguguluhang tanong ko. Tumingin naman siya sa akin saka ngumiti.
"You'll know it soon. And speaking of my daughter, please bear with her. She had been through a lot of traumatic events during her childhood days. Losing her mother is very heartbreaking. That's why she also cannot accept the fact that history will repeat on her first love."
Tumayo na siya pagkatapos. Ako naman ay napatulala lang sa kanya. Masyado akong nagulantang sa narinig.
"I gotta go now. I still have a lot of work to do. And, oh, Alyana, I just want you to know that your whole life is a lie." dagdag niya. "It is better if you discover your real identity because, the truth is, Liyana is not your biological mother.."
***
Tulala ako sa ceiling ng kuwarto. Gabi na ngayon pero heto ako, hindi pa natutulog. Parang mabibiyak ang ulo ko sa mga dumagdag na nalaman. Lalong nadagdagan ang tanong sa isip ko.
My father is the leader of Sernoso clan. Mr. Polito confirmed it. I'm too naive and very innocent to realize it. At talagang hindi ako makapaniwala! Ang hirap paniwalaan!
Kaya siguro madalang lang umuwi ng bahay si papa dahil busy siya sa mga plano niya. At talagang dinamay niya pa kami ni kuya sa mga kalokohan niya. Hindi na ako magtataka kung si kuya ang ginawa niyang instrumento sa labas ng school para sirain ang Agiones society.
Pero ang mas nakakagulantang sa lahat ay si mama.
Para tuloy akong tinarakan ng kutsilyo sa puso dahil sa nalaman. Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako. The thought of being not the real daughter pained me.
Hindi matanggap ng sistema ko. Paano? Paanong nangyaring hindi ako tunay na anak ni papa?
Ibig sabihin, isa akong bastardang anak? Anak ako sa labas? Anak ako sa ibang babae?
Alam ni mama ang tungkol doon pero hindi niya man lang sinabi sa akin? Bakit kailangang itago ang katotohanan?
Napahawak ako sa ulo ko. Ayaw kong maniwala sa sinabi ni Mr. Polito pero sinasabi naman ng utak ko na nagsasabi siya nang totoo.
Napahilamos na lang ako saka tumayo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Dumagdag pa ang misyon ko na kailangang patayin si Laurent dahil kung hindi ay si Julie naman ang mawawala.
Malapit na akong masiraan ng ulo.
Napagpasyahan kong lumabas ng kuwarto. Hating-gabi na ngayon pero sigurado akong may nangyayari sa labas na hindi ko alam. I need to know something.
Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Pero nabawasan ang stress ko nang makalanghap. Hindi ko alam kung saan magsisimula ngayon kaya naman ay hinayaan ko lang ang paa ko na magkalad kung saan-saan.
Napahinto ako nang makita ang isang grupo ng mga tao na bumaba galing sa isang building. Kaagad akong nagtago sa isang poste at sinilip sila.
Hindi ko matukoy kung sino sila dahil nakasuot silang lahat ng itim na maskara. Napakuyom ako ng kamao nang ma-realized na member sila ng Sernoso clan.
Dumiretso sila sa likurang bahagi ng school. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad akong sumunod sa kanila. Dahan-dahan ang bawat galaw ko dahil ayokong mabuking ng kung sino sa kanila.
Maya-maya lang ay huminto sila sa isang mapunong lugar. Ako naman ay nagtago at sumilip sa kanila.
Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang ginagawa nila. May anim na tao ang dumating habang pinagtutulungang bitbitin ang isang malaking kahon.
Pero ang hindi ko inaasahan ang taong sumunod sa kanila.
Si Vincelee.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Sa kanilang lahat ay siya lang ang walang suot na maskara.
Anong ginagawa niya rito? At anong koneksyon niya sa mga taong ito?
"Dala ko na ang mga kailangan ninyo," rinig kong wika ni Vincelee sa mga nakamaskara. Agad namang sumenyas ang isa sa mga ito na buksan ang mga kahon.
Maya-maya lang ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang iba't ibang klase ng mga armas. May mga espada, latigo, baril, at iba pa ang nasa loob ng mga kahon. Kaagad iyong kinuha ng mga nakamaskara saka inusisa ang disenyo.
"Mmm, I like this gun," wika ng isa sa mga nakamaskara. Gumagamit siya ng isang device para ibahin ang boses.
"That gun is made from Australia," seryosong tugon ni Vincelee sa mga kaharap.
"I see. You really have one word, Vincelee. Hindi kami nagkamali ng pinili."
"I already told you, I'm not a traitor," iritadong tugon naman ni Vincelee. Natawa ang isa sa narinig saka napailing.
"Sige na, dalhin niyo na iyan sa safe na lugar," utos ng nakamaskara sa mga tauhan.
Napasandal ako bigla sa puno at kinabahan sa nalaman.
Then it hit me.
Vincelee is an enemy. He is part of the Sernoso clan.
One of the SC officials is a traitor!
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top