M 4: Messing with Ella

Chapter 4:

Today is my second day. Matapos ang nakakahiyang pangyayari kahapon ay napagpasyahan kong matulog nang maaga. Ayaw ko na maalala ang bangungot na iyon! Sobrang nakakahiya!

Buti na lang at hindi ako pinagtawanan ng mga kaklase ko kaya medyo nakakabawi ako doon. Siguro dahil expected na nilang mahina ako sa part na iyon?

Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maiiling na lang.

Gaya kahapon, natapos ang morning class ko nang matiwasay.

Sabay ulit kaming nag-lunch ni Honey. Marami ang tao sa loob ng cafeteria kaya naman ay napagpasyahan naming sa dulo ulit pumwesto.

Pero hindi pa man kami nakakarating sa pwesto ay napahinto ako nang makarinig ng isang sigaw mula sa likuran ko.

"Ano ba? Are you stupid?!"

Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Doon ko napansin si Honey na may nabangga na isang babae. Nakayuko na siya at nanginginig na hawak ngayon ang tray na naitapon niya sa babaeng kaharap.

"S-Sorry... Hindi ko sinasadya," nauutal na wika niya.

Napatingin ako sa babaeng kaharap niya. May mantsa ang uniporme nito. Pero napakunot agad ang noo ko nang mapagtanto na familiar ang babae. Doon ko naalala na siya iyong babaeng naghagis ng punyal sa akin noong nakaraang araw!

Oh, no! Disaster!

"Anong hindi sinasadya?! Nakita mo akong dumadaan dito pero hindi ka man lang gumilid! Bulag ka ba, ha?!" muling sigaw nito. Doon ko napansing pinagtitinginan na sila ng mga tao kaya naman ay dali-dali ko silang nilapitan.

"Honey! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko saka bumaling sa babaeng kaharap na ngayon ay naningkit ang mga matang tiningnan ako. "Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng kaibigan ko."

Napa-arko siya bigla ng kilay sabay humalukipkip. Doon ko napansing isa siyang Lake cluster.

"You are the girl last Monday," puna niya saka nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Honey. Maya-maya ay natawa siya na may halong pagkasarkastiko. "Should I laugh? Nagsama bigla ang dalawang tanga."

"Hindi kami tanga," kunot-noong tugon ko.

"Oh, really? Kung hindi ka tanga, ano ka? Bobo?" Nagtawanan ang dalawang babae na kasama niya. Agad naman itong sinundan ng ibang mga tao sa paligid.

Oh, great. Nasa amin na nga pala ang atensyon nilang lahat. Hindi ko tuloy mapigilang mahiya at kabahan. Bago lang kami rito sa M-School kaya naman kailangan pa naming mag-adjust.

Napabuntong-hininga na lang ako at ngumiti sa babae.

"Hindi ako naghahanap ng away so please, gano'n din sana ang gawin ninyo. Kung gusto mo, kami na lang maglaba ng damit mo. Konting mantsa lang naman iyan," mahinahong wika ko.

"Konting mantsa?" Napasinghal siya saka sinamaan ako ng tingin. "You really are stupid, aren't you? Hindi mo ba nakikita ito, ha? Konting mantsa? Gusto mo bang tanggalin ko iyang mata mo?!"

Bigla siyang lumapit sa akin saka kinuwelyuhan ako, bagay na nagbigay na ikinagulat ko.

"Hoy, para sabihin ko sa iyo. Hindi ako kung sinu-sino lang na puwede ninyong dumihan. Baka gusto mong magkaroon din ng mantsa galing sa sarili mong dugo?" madiin at nanggigigil na saad niya saka lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa damit ko. Napalunok ako at pumikit nang mariin.

"Bitiwan mo ako. Hindi ako naghahanap ng gulo kaya huwag kang mag-eskandalo rito," mahinahong wika ko at pinipigilan ang sariling awayin siya kahit pa kinakabahan ako sa mangyayari. Pero hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Aba, talagang nagagawa mo pang sumagot sa akin—"

"Miss, s-sorry talaga. Please, ayaw po namin ng gulo," nagmamakaawang saad ni Honey na ngayon ay natataranta nang nakatingin sa amin. "I-Isa pa, walang kasalanan si Alyana. Ako ang nakabangga kaya ako ang may kasalanan. Please, pakawalan mo na lang siya."

"Oh, really?" Napangisi ang babae kay Honey. "I wonder if you can still say that after I stab you with my dagger."

"Do it and you're dead." Napalingon kaming lahat doon sa nagsalita.

Si Dreyah. Ang SC secretary. Nakasandal siya sa isang mesa kasama ang familiar na lalaki at nakahalukipkip na nakatingin sa amin. Masama ang timpla ng mukha niya ngayon. Iyong tipong mangangain na naman ng tao.

Agad namang napabitaw sa akin ang babae saka gulat na napalingon kay Dreyah.

"L-Leader..." nauutal na wika nito at naging tila isang maamong tupa na yumuko. Nawala rin agad ang pagiging tigre niya pati na ang dalawang kasama niya.

"I can't believe I have a member like you, Ella," naiiling na wika ni Dreyah saka lumapit sa amin. "Nadumihan ka lang naman pero kung maka-react ka akala mo naman mamamatay ka na. Aren't you being too overreacting?"

"B-But—"

"Stop. I don't need your nonsense statement. Get lost before Chief Laurent see you here."

Napakuyom ang babae. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi ni Dreyah. Umalis na sila ng kasama niya. Pero bago pa siya tuluyang nawala ay muli niya akong nilingon at binigyan ng nagbabantang tingin at 'hindi pa tayo tapos' look.

"Your name please?" Muli kaming napalingon kay Dreyah nang magsalita siya. Balik na naman siya sa pagiging mataray mode at suplada look. Pero hindi naman masama ang pakiramdam ko sa kanya.

"Alyana Cabunci."

"H-Honey Velaso po."

"You're new here, huh?" puna niya saka sarkastikong ngumisi. "Better careful next time."

Saka siya umalis ng lugar kasama ang lalaki na ningisihan din kami bago siya sinundan.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Oh, right. Nakalimutan ko. Siya pala ang leader ng lake cluster at member niya si Ella.

"Alyana... Sorry, ah?" Napalingon ako kay Honey na ngayon ay parang maiiyak. "Nadamay ka pa dahil sa akin... Hindi mo na lang sana ginawa iyon."

"Ayos lang ako, Honey. Huwag mo na akong intindihin. Saka hindi mo naman talaga sinasadya iyon."

"Kahit na... Nag-aalala ako sa iyo baka kung ano pa ang gawin ng babae na iyon sa iyo."

Ngumiti na lang ako sa kanya saka hinawakan siya sa kamay. "Don't worry, I'm fine. I really am. Ang mabuti pa ay kalimutan na lang natin ang nangyari, okay?"

Napakagat-labi siya saka maya-maya'y tumango na lang.

"S-Salamat..."

"Don't mention it."

Dahil sa nangyari ay hindi na namin natapos kumain ni Honey. Nawalan na rin naman kami ng gana kaya dumiretso na lang kami sa susunod na klase.

Pero habang naglalakad sa hallway ay nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa buhok ko at marahas akong hinagis sa pader. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakapag-react. Halos mapaiyak ako sa sobrang sakit at lakas ng impact sa mukha ko. Feeling ko nabiyak ang ulo ko. Muntik pa akong mahilo.

"O-Oh my god! Alyana—"

"Fuck off, bitch!" narinig kong sigaw ng isang babae.

Agad kong hinarap ang babaeng nanakit sa akin. Gano'n na lang ang inis na naramdaman ko nang makita si Ella. Ang babaeng nakasagutan namin sa cafeteria kanina.

Ang talas ng tingin niya sa akin ngayon. Iyong tipong handa na akong dalhin sa impyerno.

"Ikaw—!" Akmang susugurin ko siya pero naunahan niya ako. Sinipa niya ako sa tiyan dahilan para muli akong tumalsik sa pader at mamilipit sa sakit.

"Para iyan sa pagpapahiya sa akin kanina!" saad niya.

Doon ko namalayan na pinalilibutan at pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Pero wala man lang miski isa ang lumapit at umawat sa akin. Nanonood lang sila na tila may live action ang nagaganap. Bwisit!

"Ella, 'wag mong saktan si—"

"Shut up!" sigaw ng isang babaeng kasama ni Ella at sinampal nang malakas si Honey dahilan para matumba ito sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari.

"What now? Stand up, bitch!" sigaw ni Ella at marahas akong hinila patayo. Kinuwelyuhan niya ako saka sinakal sa leeg. Bigla akong nakaramdam ng takot sa ginawa niya at mga nangyayari.

"Do you know what I hate the most?" muling saad niya saka matalim akong tinitigan sa mata. Halata ang galit sa namumula niyang mukha. "You! I hate it when someone talks back at me! You don't know the person you're messing with!"

Hinila niya ako at muling tinulak sa pader dahilan para mapaubo ako.

"Hindi mo pa yata ako kilala." Tumawa siya saka nginisihan ako. "Sige, magpapakilala ako. I am Mariella Nuasis, ang isa sa malakas at dapat na kinakatakutan dito sa M-School! Gets mo na?"

"You're crazy! Wala akong ginagawa sa iyo!" depensa ko kahit iniinda ang sakit sa katawan.

"What did you say?!" Nagulat ako nang muli niya akong hilain patayo at hinawakan nang madiin sa pisngi. "I'm crazy, huh? I'm crazy?! Fuck you, bitch!"

Bigla niya akong sinampal. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Napasinghap naman si Honey.

"B-Bitiwan mo si Alyana—"

"I said shut up!" Sa pangalawang pagkakataon ay muling nasampal si  Honey ng kasama ni Ella.

"A-Ano pa bang kailangan mo sa amin? Hindi naman kami nanggugulo sa inyo, ah. Saka hindi kita inaway," sabi ko at halos mangiyak-iyak na sa sakit.

"Ah, talaga? Hindi inaway pero ang lakas mong magsalita at magtapang-tapangan sa akin?"

"H-Hindi ako nagtatapang-tapangan. Ano ba talagang gusto mo?"

"Gusto ko? Ikaw! Ikaw ang kailangan ko! I want your cold and bloody body to see hanging in the tree! I want you dead!" muling sigaw niya saka inilapit ang mukha sa tainga ko. "So, stop messing with me, bitch, kung ayaw mong mangyari ang bagay na katatakutan mo. Get it?"

Saka niya ako pinakawalan at umalis kasama ang mga kaibigan niya. Doon ako napaupo at nanghina. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga sa sobrang kaba at takot lalo na sa huling sinabi niya.

Ang malas ko naman!

"Alyana!" Agad akong nilapitan at dinaluhan ni Honey. "Hala, namumula ang mukha mo..."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Naramdaman ko agad ang paghikbi niya.

"Sorry, Alyana... Sorry talaga. K-Kasalanan ko ito. Wala akong nagawa para tulungan ka," saad niya sa gitna ng pag-iyak.

Napapikit na lang ako nang mariin saka humugot ng hininga. Ang sakit ng katawan ko dahil sa bugbog ni Ella.

"I-I'm fine... Don't worry about me."

"Anong I'm fine ka diyan! Nasaktan ka na't lahat I'm fine ka pa rin? Halika, pupunta tayo sa clinic." Tinulungan niya akong makatayo. Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa tiyan at likod ko. Grabe, talagang balak yata durugin ni Ella ang katawan ko, ah.

***

Nandito ako sa clinic. Mag-isa lang akong nakaupo sa kama dahil pumasok na si Honey. Hindi naman sa  malubha ang tinamo ko kaya nandito pa rin ako pero kasi nawalan ako ng ganang pumasok ngayon kaya minabuti kong manatili na lang dito. Sa katunayan, cold compress lang naman binigay sa akin.

Isang oras na rin akong nakaupo rito at bored na bored ako kaya naman ay napagpasyahan kong lumabas at maglakad-lakad sa paligid.

Walang mga tao sa hallway ngayon. Halos lahat yata ay nasa kanila-kanilang mga klase.

Saglit akong napatigil sa paglalakad nang may maramdamang kakaiba. Parang may mga matang nakasunod sa akin. Bahagya akong napalingon sa gilid ko. May mga anino akong napapansin.

Naging alerto ako at pinakiramdaman ang paligid. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at nagkukunyareng walang pakialam. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga yabag sa aking likuran kaya naman ay binilisan ko ang aking lakad. Napansin kong gano'n din ang ginawa ng mga sumusunod sa akin.

Huminto ako saka nilingon sila. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang apat na lalaki na may mga hawak na baseball bat na akmang ipupukpok sa akin. Napaatras ako bigla saka walang anu-ano'y kumaripas ng takbo.

"Shit! Habulin siya!" rinig kong sigaw ng isa sa kanila.

Tumakbo ako paakyat sa hagdan at lumiko sa isang corridor. Sobrang panic ang nararamdaman ko ngayon kaya naman ay hindi na ako nakapag-isip ng lugar na pupuntahan.

Goodness! Ano bang kailangan nila sa akin?! At sino ba sila?

Feeling ko tuloy nagpaligsahan kami ng runner.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may nakita akong isang bukas na room kaya naman ay agad akong pumasok. Pero nagulat ako nang mabangga sa isang pader—

Wait... Hindi pader ang nabangga ko kundi tao! Napasinghap ako sa napagtanto at agad na inangat ang tingin sa taong nabangga ko.

Sumalubong naman sa akin ang kulay  asul na mata ng isang lalaki na walang emosyon. His stares gives me chills down to my spine. Matangos ang ilong, matangkad at makinis ang mukha.

Agad akong napaatras at saka muling tumingin sa kanya. Doon ko napagtanto na ang lakas ng appeal niya. Hindi ko siya kilala pero halata ang pagiging ma-awtoridad at dominante sa katawan niya. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang makapal niyang kilay. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa presensya niya.

"Huli ka—"

Halos mapatalon ako sa gulat at takot nang bigla akong maabutan ng mga lalaking humahabol sa akin. Pero agad rin akong nagtaka nang makitang bigla silang natigilan at nagulat nang mapatingin sa lalaking kasama ko.

"C-Chief..." nauutal na wika ng isa sa kanila at walang anu-ano'y agad na yumuko. Kitang-kita ko mula sa mga mata nila ang takot sa lalaking katabi ko. Bigla silang naging maamong tupa.

"Did I give you the permission to come in?" Muli akong napatingin sa lalaking katabi ko. Walang emosyon pero mariin at matigas ang pagkakasabi niya. Naniningkit ang kanyang mga asul na mata sa apat na lalaki at tila hindi nagustuhan ang presensya ng mga ito. Even his deep voice can give me chills.

Agad namang nataranta ang apat na lalaki.

"S-Sorry, Chief!" sabi nila saka walang anu-ano'y kumaripas ng takbo.

At dahil pati ako ay tinamaan sa sinabi ng lalaki sumunod ako sa kanila. Kaso nakakailang hakbang pa lang ako nang muli siyang magsalita.

"You stop right there."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Napalunok ako at saka dahan-dahang humarap sa kanya. Naglakad naman siya papunta sa aking harapan. Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kanya. Ewan ko pero naiilang ako na kinakabahan sa presensya niya.

"Tell me, lady, who are you?" seryosong tanong niya.

"A-Alyana..."

"Alyana who?"

"Cabunci..."

"Mmm... Tell me, why are those stupid boys chasing after you?"

Napatingin ako sa kanya. "I don't know."

Umarko bigla ang kilay niya. "You don't know? Do you think I would buy that lie?"

Shit. Mind reader ba siya?

"H-Hindi ko naman talaga alam! Nagulat na lang ako nang bigla nila akong habulin sa hallway tapos—"

"Chief Laurent! May emergency! May isang bangkay ng babae ang natagpuan sa field!"

Agad kaming napalingon sa lalaking biglang pumasok. Pero mas nagulat ako sa balitang dala niya.

Napatingin ako sa sinasabi niyang Chief Laurent na agad kumunot ang noo saka walang anu-ano'y lumabas ng kuwarto. Dahil na rin sa curiosity ko ay sumunod ako sa kanila.

Pagdating sa field ay tumambad sa akin ang maraming kumpulan ng mga tao. Nang makita nila si Chief Laurent ay agad silang nagbigay ng espasyo para padaanin siya na agad kong sinundan.

Pagdating sa gitna ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Isang babae nga na naliligo sa sariling dugo. Nakabusal ang bibig nito at puno ng saksak ang katawan lalo na sa kanyang ulo. May tali rin ang kanyang duguang kamay at may hawak pang karatula ng bond paper na ang nakasulat ay,

'Wag tularan. Nakamamatay.'

Gawa ang sulat kamay galing sa dugo mismo ng babae.

Gano'n na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko nang mapagsino ang babae.

What... the....

Napaatras ako at napatakip ng bibig nang makita ang katawan ni Ella.

Oo. Si Ella! Si Ella nga!

Parang kanina lang ay inaway niya pa ako tapos ngayon...

Oh, goodness! Anong nangyari sa kanya? Sinong gumawa nito sa kanya?

"Is anyone here can tell me what happened?" seryosong tanong ni Chief Laurent sa mga tao.

Pero walang sumagot miski isa sa kanila. Lahat ay blangko sa nangyari.

"Looks like someone tortured her..." saad ng isang guwapong lalaki na ngayon ko lang napansing katabi na ni Chief Laurent. Nandito na rin si Dreyah kasama ang isang babae at lalaki.

"Damn it! Talagang member ko pa!" nanggigigil na saad ni Dreyah habang nakakuyom ang mga kamao.

"I need honesty, everyone. If you dare to lie, better act like an expert, because I will give no mercy to those who are guilty," ma-awtoridad at madiing wika ni Chief Laurent.

"That's coming from our Student Committee President, people. So, better confess right now before it's too late," nakangising saad ng lalaking katabi ni Chief Laurent.

Natigilan ako sa narinig at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Laurent.

W-Wait... Did I hear it right? P-President?

"Is anyone here can tell me the last person you saw before she died? Sino ang huling nakaaway ng babaeng ito?" muling tanong ni Chief Laurent sa mga tao.

Ang sumunod na nangyari ang siyang nagpaatras sa akin sa gulat.

Sabay-sabay akong tinuro ng mga tao! Oh, no!

Agad nagtama ang mga mata namin ni Chief Laurent nang lumingon siya sa akin. I gulped.

Hindi ko tuloy alam kung saan mas dapat kabahan at magulantang.

Kung sa ako ang tinuro ng mga tao, o kung sa katotohanang presidente ng Student Committee ang lalaking nakausap ko, o baka dahil sa nakakakilabot na tingin na ibinibigay sa akin ni Chief Laurent ngayon.

Alin man sa lahat, it won't still change the fact that I am doomed. I'm really dead!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top