M 37: The wrath of Dreyah

Chapter 37:




Kinabukasan ay nagulat ako nang makita si Honey sa labas ng kuwarto ko. Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap na siyang hindi ko inaasahan.

"H-Honey..."

Humiwalay siya ng yakap sa akin at kitang-kita ko ang awa at pag-aalala sa mga mata niya.

"Sobrang nag-alala ako sa iyo, Alyana. Isang araw kitang hindi nakikita!"

I felt a pang in my chest. Nagi-guilty ako dahil pinag-alala ko siya.

"S-Sorry..."

"Narinig ko ang nangyari. Inaway pa nga ako ng mga tao dahil isang kriminal daw ang kaibigan ko. Akala mo naman sila hindi kriminal kung makapagsalita." Halos maluha-luha siya nang sabihin iyon na mas lalong ikinakurot ng puso. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba ng mga tao? Sorry kung hindi kita napagtanggol—"

Niyakap ko nang mahigpit si Honey saka sumandal sa balikat niya. "Salamat, Honey."

"P-Para saan? Wala naman akong ginawa," tugon niya. Hinigpitan ko lalo ang pagyakap sa kanya nang muli na namang mabuo ang mga luha sa mata ko.

"Salamat pa rin dahil ikaw lang ang hindi nanghusga sa akin."

Naramdaman ko ang paghimas niya sa aking likuran. Maya-maya lang ay bumuntong-hininga siya.

"A-Ano ka ba, Alyana. Bakit naman kita huhusgahan, e, kilala kita? Alam kong hindi mo kayang gawin ang mga sinasabi nila. Alam kong hindi mo kayang pumatay."

"Hindi nga ba?" sabi ko saka bahagyang natawa kahit naiiyak na. "Nang dahil sa akin ay namatay si Patrick. Kasalanan ko iyon, Honey. Siguro tama rin ang sinabi nila."

"No. Don't say that, Alyana." Muling humiwalay ng yakap sa akin si Honey saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi at tinitigan sa mga mata. "Alyana, hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari at wala na akong planong alamin pa iyon. Pero nasisiguro kong inosente ka at biktima ka lang din ng pangyayari. Hindi mo sinasadya iyon, okay?"

"Honey..." Hindi ko na napigilan ang maiyak sa harapan niya. Para akong bata na umiiyak sa nanay niya. Kung sana nandito lang si Mama.

"Sshh... Tahan na, Alyana. I know mahirap ang sitwasyon ngayon pero naniniwala ako na lilipas din ito. Ang problema ay hindi laging nandito, okay?"

Tumango ako kahit humahagulhol na ng iyak. Muli niya akong niyakap pagkatapos.

"Tandaan mo, Alyana. Nandito lang ako para sa iyo at hindi kita tatalikuran."

"S-Salamat."

"Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo. Tara cafeteria. Gutom na ako, e." Ngumiti siya sa akin. Hindi na ko na nagawang magsalita nang agad niya akong hinila palabas ng dorm.

Saktong pagdaan namin ng hallway ay maraming mga tao ang napatingin sa amin. Hindi lang iyon, kung makatingin sila ay para na nila akong pinapatay. Talagang bawat hakbang ko ay titig na titig sila.

Napatingin ako kay Honey nang hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka siya ngumiti sa akin.

"Huwag mo na lang silang pansinin," sabi niya saka muling nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ako.

Napalunok na lang ako at napayuko sa kahihiyan. Alam ko, ramdam ko, at nakikita ko na sinisisi ako ng mga tao sa pagkamatay ng isang miyembro mula sa Rose cluster na si Patrick.

I wonder, galit din ba kaya sa akin si Dwiey?

"Uy, nandito na pala ang pumatay kay Patrick!"

Nagulat ako nang saktong pagpasok namin ni Honey ay bumulaga sa amin ang mga kutsara at tinidor. Pinagbabato kami ng mga tao ng mga gamit!

Napatakip ako ng mukha para protektahan ang sarili.

"T-Tama na! Ano ba! Tama na!" sigaw ni Honey na pilit ding pinoprotektahan ang sarili laban sa mga ito.

Napaiyak na lang ako. Hindi ko naman sila kayang labanan dahil ang dami nila at dalawa lang kami ni Honey.

"Para iyan sa ginawa mo!" rinig kong sigaw ng mga tao habang patuloy kaming pinagbabato. Feeling ko tuloy ang dumi-dumi ko na.

"Mamatay ka na! Mamatay ka na!"

"Malas ka sa M-School!"

"Ilusyunada!"

"Just die! Bitch!"

Ilan lang iyan sa mga masasakit na salitang natatanggap ko ngayon. Pero hindi na ako kailanman naaapektuhan dahil wala nang mas sasakit pa sa nasaksihan ko.

"Please! Tama na!" sigaw ni Honey. "Tama na!"

Walang nakinig sa kanya miski isa. Patuloy pa rin ang mga ito sa pagbato ng kung anu-ano sa amin. Masakit ang mga gamit na tumatama sa akin pero feeling ko namanhid na yata ako.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin. Kasabay noon ay ang pagtigil sa pambabato sa akin. Natahimik din ang buong cafeteria.

Nang iangat ko ang aking paningin ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Laurent habang nakatingin sa akin.

"L-Laurent..."

Napatiim-bagang siya saka humugot ng hininga bago ako pakawalan at bumaling sa mga tao. Kinabahan ako bigla. Ang sama ng awra niya. Iyong tipong parang kakain ng tao.

"Did I give you all the permission to hurt my lady?" mariing wika niya sa mga tao. Walang nakapagsalita kahit isa. Lahat sila ay natameme sa presidente.

Nang tingnan ko ang likod ni Laurent ay may mantsa rin ng pagkain doon.

"Who started this?" muling tanong ni Laurent. Nagkatinginan lang silang lahat. Walang nagsalita.

"I said who started this?!" Halos mapatalon kaming lahat sa gulat nang sumigaw na si Laurent.

Dumagundong sa buong sulok ng lugar ang boses niya at talagang manginginig sa takot ang makakarinig. Namumula na ang buong mukha niya sa galit.

"Walang magsasalita? Do you want me to punish you all?" wika ng presidente.

Dahil doon ay agad na nagsipag-ilingan ang mga tao. Karamihan ay nakayuko na ngayon. Maya-maya lang ay nagtaas ng kamay ang isang lalaki. Galing siya sa Rose cluster.

"A-Ako po... Ako po ang nagsimula," pag-amin nito habang nakayuko. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot nang sabihin iyon.

"Tell me, why did you do that?" seryosong tanong ng presidente sa kanya.

"K-Kasi p-pinatay niya ang miyembro namin—"

"Do you have any proof to prove your claim?"

Hindi nakaimik ang lalaki. Napatitig lang siya sa presidente.

"I said do you have any proof?!" muling sigaw ni Laurent kaya naman ay agad na umiling ang lalaki at nanginginig na yumuko. Kitang-kita ko ang takot sa buong katawan niya.

"Then how can you say that she killed Patrick?" dagdag ni Laurent.

Napalunok ang lalaki bago sumagot.

"S-Sabi po nila—"

"Sinong sila?"

"A-Ang mga nakakita po."

"And you believe their statement?"

Muling natahimik ang lalaki. Humugot ng malalim na hininga si Laurent bago muling tumingin sa mga tao.

"I can't believe that you're all part of the M-School. I thought all of you were smart, but I was wrong all along. You made me disappointed," seryosong wika ni Laurent na hindi makapaniwalang umiling sa mga tao.
"This should be the last time I'm going to see something like this. Those who won't obey will face consequences."

Agad akong hinila palabas ni Laurent matapos no'n. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya at hindi alintana ang gulat sa mukha ng mga taong nadadaanan namin.

"S-Saan mo ako dadalhin?" takang tanong ko nang lumabas kami sa building. Pero hindi niya ako sinagot kaya hinayaan ko na lang.

Alam ko kasing galit siya at ayokong salubungin iyon.

Maya-maya lang ay dumiretso kami sa dorm at umakyat sa 3rd floor kung saan ang kuwarto ko.

Nang makaharap kami sa pintuan ay agad niyang inilahad ang palad. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya dali-dali kong inabot ang susi ko.

Nang mabuksan niya ang pintuan ay dumiretso siya sa aparador ko at saka kinalkal ang mga damit doon na siyang ikinagulat ko.

"A-Ano ginagawa mo?" natatarantang wika ko saka akmang haharangan ang aparador nang may makuha siyang isang T-Shirt.

"Go, change your clothes," utos niya saka inabot ang damit sa akin.

At dahil hindi nga maganda ang timpla ng mukha niya ay sumunod na lang ako. Agad akong naligo at nagbihis. Ang baho ko kasi dahil sa mga halo-halong pagkain na dumikit sa balat ko.

Nang makalabas ako ng CR ay nagulat ako nang makitang nakabihis na rin pala si Laurent. Nakasuot siya ng isang black shirt na damit ko rin mismo.

Nakatalikod siya habang tinatanaw mula sa bintana ang mga tao sa field. Nang mapansin niya ang presensya ko ay saka siya humarap sa akin.

Ngayon ay kalmado na ang mukha niya kaya panatag na ang loob ko.

"T-Thank you nga pala kanina, ah?" panimulang sabi ko. Tumitig lang siya sa akin at hindi nagsalita. Hindi ko mapigilang mapalunok.

Ayan na naman siya sa tingin niyang nakakatunaw. Nagwawala ang puso ko dahil diyan, e.

"Ah, gusto mo—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang bigla niyang tawirin ang pagitan namin at saka ako niyakap nang mahigpit. Natulala ako ng ilang segundo sa ginawa niya.

"Damn it, Alyana. You're making me so damn worried," bulong niya sa tainga ko. "What have you done to me, lady?"

"L-Laurent..." Natameme ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Maya-maya lang ay humiwalay siya ng yakap sa akin saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Tinitigan niya ako sa mga mata. Halata ang pag-aalala niya.

"Are you alright? Nasaktan ka ba?" masuyong tanong niya. Ngumiti naman ako saka umiling.

Nakahinga siya nang maluwag bago muling bumaling sa akin.

"I'm not gonna let them hurt you again, Alyana. I'll protect you at all costs."

Napatitig ako kay Laurent. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Paano mo magagawang protektahan ang taong may misyon na patayin ka, Laurent?

The thought stabbed my heart.

***

Hapon na ngayon. Matapos naming mag-usap ni Laurent sa dorm ay umalis siya dahil may gagawin pa raw siya.

Ako naman ay nandito at hinahanap si Dreyah. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya.

Wala kasi siya sa SC office nang pumunta ako. Sabi ni Vincelee ay lumabas daw. Siya kasi ang nakita kong lumabas ng office kaya nilapitan ko na.

Naglibot-libot ako sa buong school pero hindi ko talaga siya makita. Pumunta na rin ako sa likod ng school kung saan ko siya huling nakita noon pero wala rin siya doon.

Napabuntong-hininga ako.

Hanggang sa may maalala ako bigla.

Tama! Baka nasa gym siya ngayon!

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad kong tinakbo ang lugar papunta sa gym. Hindi naman ako nabigo dahil tama ang hinala ko. Nandito nga si Dreyah!

Napahinto ako nang makita siyang nakaupo sa sahig kung saan doon huling nakahiga si Patrick. Umiiyak siya ngayon at namamaga na ang mga mata.

I felt it again, the pain in my heart. Seeing her crying makes me so sad and dissapointed in myself. Well, it's my fault, anyway. Ako ang dahilan kung bakit namatay si Patrick.

Napalunok na lang ako saka dahan-dahang lumapit sa kanya.

"D-Dreyah..."

Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nang makita niya ay agad na nagbago ang timpla ng mukha niya. Ang kanina'y nagdadalamhati ay napalitan na ngayon ng isang matinding galit at poot.

"You—!"

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at sinalubong ako ng sampal sa mukha.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!" sigaw niya saka muli akong sinampal sa magkabilang pisngi. Napayuko na lang ako at tinanggap ang mga sampal niya.

Oo, masakit ang ginawa niya pero mas masakit pa rin ang guilt na nararamdaman ko.

"Anong ginagawa mo rito, ha?!" sigaw niya saka marahas na hinawakan ang buhok ko. "Anong ginagawa mo rito!"

"D-Dreyah—"

"Nandito ka ba para mag-sorry? Well, hindi ko kailangan ang sorry mo!" sigaw niya saka malakas akong tinulak. Sumalampak ako sa sahig dahil sa ginawa niya.

Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Lumapit naman siya sa akin saka marahas akong pinatayo at hinawakan ako sa damit.

"Sabihin mo sa akin, bakit mo pinatay si Patrick, ha? Bakit!" nanggagaliting sigaw niya. Namumula na ang buong mukha niya ngayon at para siyang dragon na sasabog.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong napaiyak sa harapan niya. Pero natawa lang siya sa ginawa ko.

"Wow! Ang kapal ng mukha mong umiyak sa harapan ko! Talagang matapang ka, ah!"

Hindi ko inasahan ang sunod na ginawa niya. Sinipa niya ako sa tiyan kaya tumalsik ako sa sahig. Namilipit ako sa sakit ng katawan ko.

"Ano? Masakit ba?" nang-uuyam na wika ni Dreyah saka galit na ngumisi sa akin. "Dapat lang iyan dahil sa ginawa mo!"

"Dreyah—"

"Tumayo ka diyan," utos niya. "Tayo!"

Kahit masakit ay pinilit ko ulit na tumayo. Muli siyang lumapit sa akin at sinipa ako ulit dahilan para tumalsik ako sa bleacher. Halos mapaiyak ako sa sakit nang tumama ang likod ko sa upuan.

"Kulang pa iyan sa sakit na idinulot mo sa akin at kay Patrick!" mariing saad niya saka lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang mukha ko. "Alam mo bang gustong-gusto na kitang patayin ngayon? Ang tanga mo lang dahil nagpakita ka pa."

Napatingin ako sa kanya. Namumula ang mga mata niya sa pinaghalong galit at pag-iyak.

"Ano, Alyana? Kaya mo pa ba?" muling sambit niya saka ngumisi. "Kaya mo pa bang mabuhay? Dahil ako, gusto na kitang burahin dito sa mundo."

"D-Dreyah—"

"Kung hindi lang ako pinagkaisahan ng mga officials ay tinuluyan na kita!"

Marahas niyang binitawan ang mukha ko saka lumayo.

"Tumayo ka diyan," muling utos niya na agad kong sinunod.

Muli siyang lumapit at pinagsasampal-sampal ako sa magkabilang pisngi. Namamanhid na ang buong mukha ko sa ginawa niya.

"You should die, Alyana! Die!" sigaw niya hanggang sa napagod na siya at lumayo.

Nagsisigaw siya sa loob ng gym bago muling bumaling sa akin at mahigpit na hinawakan ako sa leeg.

Napahawak ako sa kamay niya dahil nahihirapan na akong huminga.

"Tandaan mo, Alyana. Nagsisimula pa lang ako sa iyo kaya huwag ka munang panghinaan ng loob," mariing sambit niya saka lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko.

"I will torture you until you beg me to die. Mark my word."

Saka siya umalis ng lugar, leaving me catching my breath.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top