M 36: Consequences
Chapter 36:
"What are we gonna do with her?"
"Let's just wait until she wakes up."
"I'm sure she has a reason."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Kumunot ang noo ko saka inilibot ang paningin sa paligid.
There, I saw a three person talking to each other. Nang makita ako ni Julie ay agad niyang tinawag ang atensyon ng dalawang lalaki.
Dahil doon ay agad na lumapit sa akin si Laurent at umupo sa gilid ko.
Bumangon ako saka napahilot sa sintido. Tinulungan niya naman akong makaupo nang maayos.
"Are you alright? How are you feeling right now?" nag-aalalang tanong niya. I can see it from his eyes.
"Anong nangyari? Nasaan ako?" Iyan ang una kong itinanong sa kanya.
"You're here at the clinic, Alyana." This time, si Julie naman ang sumagot sa akin. Kalmado lang ang mukha niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "W-Why am I here?"
"You passed out, remember?"
"I—what?" Nagtataka ko silang tiningnan. Sila naman ay nagkatinginan lang. That's when I remember something.
Muli akong nilukob ng kaba sa aking dibdib. Si Patrick... The thought of him covered with blood makes me nervous as heck!
"S-Si Patrick... Nasaan siya?" kinakabahang tanong ko sa kanila saka bumaling kay Laurent na ngayon ay nakatitig lang sa akin. "N-Nasaan siya, Laurent? Nasaan siya?"
"Alyana..." Napalunok ang lalaki saka hinawakan ako sa kamay. "Si Patrick... He's already gone."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanghina ang katawan ko.
"A-Ano?"
"He's dead, Alyana. He's dead," mariing ulit niya saka tumitig sa mga mata ko.
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa akin saka hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
"H-Hindi... Hindi totoo iyan," naiiling na tugon ko habang unti-unting namumuo ang mga luha sa mata. "You're lying, Laurent! Hindi totoo iyan! Buhay pa siya!"
"Alyana—"
"Buhay pa si Patrick!" sigaw ko at nagsimulang mag-hysterical. "Buhay pa siya! Buhay pa siya!"
"Calm down, Alyana!"
"No!" Iwinaksi ko ang mga kamay ni Laurent saka isinubsob ang mukha sa mga palad ko. "He can't die yet! He can't..."
Doon ako tuluyang humagulhol ng iyak. My heart is aching so much in pain, dissapointment and sadness. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. Kung sana ay kinaladkad ko siya paalis, malamang buhay pa siya ngayon.
This is all my fault. Isa na namang tao ang namatay dahil sa akin.
"Alyana..." Naramdaman ko na lang ang mainit na bisig ni Laurent na siyang yumakap sa akin. Mas lalo akong napaiyak dahil doon saka sumubsob sa dibdib niya.
"I'm sorry, Laurent. I'm sorry..." sabi ko at humagulhol.
"Sshh, hush now... It's alright." Hinimas niya ang likod ko habang pilit akong pinapatahan.
"K-Kasalanan ko ito... Kasalanan ko ang lahat," muling saad ko. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang tao. Hindi ko nagawang ipagtanggol si Patrick. I'm such a loser.
Naramdaman ko na lang ang lalong paghigpit ng mga yakap ni Laurent sa akin. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit ng nararamdaman.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak hanggang sa hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako.
Nagising na lang ako nang maramdamang may humihimas ng buhok ko.
Nang tingnan ko ang may gawa ay nagulat ako nang makita si Laurent. Magkatabi kaming nakahiga sa clinic bed at nakapatong ang ulo ko sa braso niya.
"L-Laurent..." I called him.
Agad naman siyang nagbaba ng tingin sa akin saka sinalubong ang mga mata ko.
"Are you feeling fine now?" malambing at mahinahong tanong niya. Tumango lang ako. Agad naman siyang bumangon saka kinuha ang isang baso ng tubig sa mesa.
"Here, drink this," saad niya saka iniabot sa akin ang baso.
Agad ko namang ininom 'yon kaya medyo nabawasan na ang sama ng pakiramdam ko.
"S-Salamat."
"Alyana..." Umupo si Laurent sa tabi ko saka hinawakan ang mga kamay ko. Tumingin siya sa akin. "What happened?"
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya dahil nakukonsensya pa rin ako.
"Alyana... I need you to open up to me," muling saad niya. "The SC officials are having a misunderstanding right now and your statement is the only way to clear things up."
Nagtatakang nilingon ko siya. "W-What do you mean?"
He sighed before looking back at me.
"Dreyah wants you dead."
Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nahulog sa building sa pagkagulantang.
"A-Ano?"
"You are the last person we found before Patrick died. Also, you were holding a dagger and there was blood on it, so basically, you are the main suspect," paliwanag niya at tumitig sa mga mata ko. "You know the rules of punishment, Alyana."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Para akong nablangko at hindi alam ang gagawin.
I know what he's talking about. Nasabi na ito ni Thricia noon na ang kabayaran ng pagpatay sa isang tao ay isa ring kamatayan. The school is really hell.
"Alyana..." Hinawakan ni Laurent ang mukha ko saka masuyong iniharap sa kanya. "I know you didn't kill him. I'm sure of it. That's why I'm going to protect you. Just please, help me. Tell me what you have witnessed."
"Laurent..." Bigla akong kinabahan at natakot para sa sarili ko. Feeling ko katapusan ko na talaga kaya naman ay napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Laurent. Nanginginig ang buong katawan ko.
I am really scared to the bone. Hindi pa ako handang mamatay. Hindi ko pa kaya.
Muli akong niyakap ni Laurent saka pinatahan. From that moment ay inamin ko sa kanya ang nangyari sa gym.
***
Kinabukasan ay para akong lantang gulay na pumasok. Tanghali na ako nagising kaya alam kong nauna na sina Thricia at Honey.
Napagdesisyunan kong dumiretso sa SC office. Pero habang naglalakad sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng dumaraan. Ramdam ko ang galit sa mga titig nila.
May iba pa nagbubulong-bulungan na isa akong ahas, desperada, killer, and such na talagang masakit sa dibdib.
Napalunok na lang ako saka nakayukong dumiretso sa SC office. Hindi ko kayang tumingin sa mga tao. Natatakot at naiilang ako.
Pero akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang makarinig ako ng mga sigawan mula sa loob.
"She killed him, Laurent! I saw it with my own eyes! Bakit ba pinagtatanggol mo ang babaeng iyon!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Dreyah.
"She's not, Dreyah! She is just another victim of the situation!"
"No! Sadyang ayaw mo lang tanggapin sa sarili kaya mo nasasabi iyan! Wake up, Chief!"
"Don't tell me what to do, Dreyah! I am much more aware of what's happening than you!"
"But—"
"Calm down, guys! Stop shouting. Masisira na eardrums ko sa inyo!" rinig kong singit ni Dwiey sa dalawa.
"Stop blaming other people just to justify what you're feeling right now, Dreyah. You are not my secretary for nothing."
"He's right, Dreyah," dinig kong tugon ni Julie.
"Pati ba naman ikaw, Julie?"
"Dreyah, we don't have any concrete evidence to prove your claim. Yes, she's the last person we saw, but it doesn't mean that she's the one who killed Patrick. Hindi natin nakita kung ano ang tunay na nangyari."
"And what about you, Dwiey? What can you say?"
"Uh... Not that I'm siding with them, but Julie's right. Besides, death punishment will be useless if it's proven she's really innocent."
"Ah, gano'n? So pinagtutulungan ninyo ako rito? Sinasabi niyo bang mali ako at tama kayo? Ha?! So, ako pa ang may kasalanan rito? Gano'n ba?"
"No, Dreyah! It's not like—"
Hindi ko na tinapos ang pakikinig sa kanila. Tumakbo na ako palayo sa office habang nagsisimula na namang mag-unahan ang mga luha sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko kaya naman ay napaupo na lang ako sa sahig at tahimik na umiyak habang nakasandal sa pader.
Tama si Dreyah.
Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat kung bakit namatay si Patrick. Kasalanan ko kung bakit hindi na makakauwi nang buhay sa kanila si Martin. Kasalanan ko talaga ang lahat.
Ngayong ang dami ko ng kasalanan, deserve ko pa kaya ang mabuhay?
"Wow, ang lakas ng loob mong umiyak, ah?" Nag-angat ako ng tingin sa taong nagsalita.
Apat silang babae. Hindi ko sila kilala pero base sa hitsura ay mga bad bitch din ang mga ito. Nakahalukipkip silang lahat habang nang-aasar na nakatingin sa akin.
"S-Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa akin?" tanong ko saka tumayo.
"Sino kami?" Sarkastikong tumawa ang babae sa gitna saka lumapit sa akin. "Kami lang naman ang papataw ng kamatayan sa ginawa mo sa manliligaw ng leader namin!"
Kinabahan ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa suot niyang uniform at doon ko napansing sa Tiger cluster pala silang lahat. Kampon ni Dreyah.
"Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo," seryosong wika ng babae saka muling tumawa.
"Yes. Hindi lang siya malandi. Talagang gusto niyang lahat ng lalaki ay mapa-sakanya. Hindi pa nakuntento sa presidente," tugon naman ng isa.
"Tama! At dahil alam niyang wala siyang pag-asa kay Patrick ay talagang pinatay niya ang lalaki para lang hindi siya tuluyang mapunta kay leader! Masyado kang ganid!"
"H-Hindi totoo iyan!" sabi ko saka kumuyom ang mga kamao.
"Talaga? Sa tingin mo maniniwala kami sa iyo, e, kitang-kita namin ang nangyari!"
"Tama! Kaya ang dapat sa kanya ay mamatay! Kung hindi iyon kayang gawin ng mga SC officials ay kami na mismo ang gagawa para sa kanila!"
Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isa silang maglabas ng mga punyal. Nakangisi silang lumayo sa akin na tila handang-handa na sa gagawin at parang pinagplanuhan talaga.
"Girls, get ready because another blood will be shown today," sabi ng babae sa gitna saka inihanda na ang paghagis sa akin ng punyal.
"Alright! Let's go—"
"Do it and your blood will be the next to be covered in the grass."
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. There, I saw Thricia standing and staring at us while her hands were crossed together on her chest. Wala siyang dalang notebook at ballpen ngayon.
Agad na natigilan at kinabahan ang mga babae nang makita siya.
"T-Thricia..."
Lumapit si Thricia sa amin saka sinulyapan muna ako bago muling balingan ng tingin ang apat.
"I thought the Rank 20 was smarter than this. I was wrong all along."
Napakurap ang babae sa narinig. "T-Thricia, I—"
"If you want to die after this, go on and kill her. But if you don't, then get lost. You're a pain in the ass."
Dahil sa sinabi ni Thricia ay agad na natakot ang apat na babae at nagkukumahog sa pag-alis. Ako naman ay tumingin sa kanya.
"T-Thank you," sabi ko. Pero tinitigan niya lang ako saka sinamaan ng tingin.
"I did not do it to help you. I'm just preventing the consequences that might happen to those people, so stop saying thank you."
Iyon lang at inirapan niya ako saka siya tuluyang umalis. Napayuko na lang ako saka kinagat ang labi para pigilan ang muling pagbagsak ng mga luha ko.
Matapos ang nangyari ay naisipan kong dumiretso sa likuran ng M-School. Gusto kong mapag-isa at ilabas ang nararamdaman ko. Maybe Laurent's garden could help me to ease the pain I felt inside.
Pero napahinto ako nang makita si Dreyah sa 'di kalayuan na ngayon ay umiiyak habang nakatingin sa isang puno ng mangga.
Napatitig ako sa kanya at hindi ko mapigilang maiyak na naman nang makita kung gaano kamugto ang mga mata niya. Pain and hatred are visible in her eyes. Nakakuyom pa ang mga kamay niya at alam kong galit na galit siya sa mundo ngayon.
"I swear, I'll make them pay for what they did to you, Patrick. I promise you that. I'll bring justice to you," seryosong wika ng babae sa harapan ng puno. "I will kill them all."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top